webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
205 Chs

Dionisio's Mini Grocery 7

~Umaga~

"Ano kaya nakain neto? Parang nakakita ng multo tas gustong kalabanin ung multo, e."

Sabi ni Anna sakaniyang sarili habang tinitignan nito si Jervin na nag-aayos ng mga paninda.

"Anim lang ung kilala ni Mama dito."

Sabi ni Anna kay Jervin habang iniaabot na nito ang litratong kaniyang hawak. Tumigil sa pag-aayos ng mga paninda ang binata at saka kinuha ang litratong iniaabot sakaniya ng kaibigan at saka tinignan ito. Tumayo na sa tabi ng binata ang kaibigan at saka itinuro ang babae na nasa gitna ng walong iba pa sa litratong iyon.

"Si Madam Josephina Alquiza raw 'to sabi ni Mama. Ung nasa kanan daw ni Madam Josephina ay si—"

Sabi ni Anna kay Jervin ngunit hindi niya natapos ang kaniyang sinasabi dahil…

"Dalis Sebastian."

Pag putol ni Jervin sa sinasabi sakaniya ni Anna habang pinanlilisikan na nito ng tingin ang batang Dalis sa litratong kaniyang hawak. Tinignan bigla ng kaibigan ang binata habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Pano mo nakilala si Dalis?"

Takang tanong ni Anna kay Jervin habang patuloy pa rin ito sa pagtingin sa binata. Tumango ang binata sa tanong ng kaibigan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang litrato sakaniyang kamay.

"Nitong lunes lang sa school namin. Nagpanggap siya bilang teacher namin sa first subject tapos tinawag niya si Yvonne, kaya sinundan namin siya ni Melanie para protektahan si Yvonne."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Anna sakaniya habang patuloy pa ring tinitignan ang litratong kaniyang hawak. Nagulantang ang binata nang bigla siyang hinawakan ng kaibigan sakaniyang balikat at iniharap sakaniya upang tignan ng mabuti.

"Melanie? Melanie Fuentes?"

Seryosong tanong ni Anna kay Jervin habang hawak na nito ang dalawang balikat ng binata na nakaharap sakaniya. Nagdikit ang kilay ng binata habang naguguluhang tinignan ang kaibigan sakaniyang harapan.

"Oo, baket?"

Sagot at tanong ni Jervin kay Anna habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan.

"Ano sa tingin mo ung mga magiging reaksyon nila kuya Jah pag naglayas na ako?"

Mahinang tanong ni Yvonne kay Justin habang nagwawalis sa parte ng mini grocery ng mga Dionisio na wala masyadong nagpupuntang mga mamimili.

"Hindi ko lang sigurado kung ano magiging reaksyon ng pamilya mo. Pero ung mga kaibigan mo, sigurado akong magpapanic ung mga un pag nawala ka na."

Sagot ni Justin sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakatago pa rin siya sa bulsa ng dalaga. Napabuntong hininga ang dalaga dahil sa sinagot sakaniya ng dwende.

"Bakit ba kasi ako nagkaron ng ganung klaseng pamilya?"

Malungkot na tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagwawalis.

"Hija~ Maaari mo bang ituro saakin kung nasaan ang palikuran sa tindahang ito?"

Nakangiting tanong ng isang matandang babae kay Yvonne, kaya't napatigil sakaniyang pagwawalis ang dalaga at saka hinarap ang matandang babaeng nagtanong sakaniya nang nakangiti rito.

"Sige po."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa matandang babae nang binitawan na niya ang walis tambo at ang dustpan at saka hinawakan na ang braso ng matandang babae upang alalayan ito sa paglalakad.

"Marami ba ang mga nagtatrabaho rito sa tindahang ito?"

Tanong muli ng matandang babae kay Yvonne habang naglalakad na silang dalawa patungo sa cr ng mini grocery ng mga Dionisio.

"Ahh… dalawa lang po kaming nagtatrabaho ngayong umaga."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ng matandang babae na kaniyang inaalalayan patungo sa cr. Biglang nangisi ang matandang babae habang tinitignan ang dalaga.

"Nasaan ang may-ari ng tindahang ito, hija?"

Tanong muli ng matandang babae kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag ngisi at sa pagtingin sa dalaga. Nagdikit ang kilay ng dalaga dahil sa itinanong sakaniya ng matandang babae. Hindi sinagot ng dalaga ang tanong sakaniya ng matandang babae, sapagkat nagpatuloy lamang ito sa pag-alalay sa matandang babae patungo sa cr. Habang papalapit ng papalapit ang dalaga at ang matandang babae ay nakaramdam na ng kaba ang dalaga. Isa-isa nang nagsisilabasan ang kaniyang mga pawis at ang kaniyang mga tuhod ay nanginginig na.

"Ito na po ung cr."

Sabi ni Yvonne sa matandang babae sabay bitaw na nito mula rito, bukas na ng pintuan ng cr at saka pilit itong nginitian. Ngumisi lamang ang matandang babae at saka naglakad na papalapit sa pasukan ng cr. Ngunit ilang saglit pa ay bigla na nitong hinawakan ang pulso ng dalaga at saka isinara ang pintuan ng cr.

"Anong ginagawa mo?"

Gulat na tanong ni Yvonne sa matandang babae habang sinusubukan nitong kumawala mula sa pagkakahawak nito sakaniya. Nakangising tinignan ng matandang babae ang dalaga at saka binuksan nang muli ang pintuan ng cr.

"Isasama lang naman kita sa lugar na pinagmulan ng lahat ng ito."

Sabik na sagot ng matandang babae sa tanong sakaniya ni Yvonne habang unti-unti nang nagbabago ang kaniyang anyo. Nandidiring tinignan ng dalaga ang matandang babae na naging isang babae.

"Eww… sino ka?"

Tanong ni Yvonne sa babae habang nandidiri pa rin nitong tinitignan ang babaeng may hawak sakaniyang pulso. Biglang kumunot ang noo ng babae at saka tinignan ang dalaga habang nanlalaki ang kaniyang mga mata at nawala na ang kaniyang ngisi.

"Hindi mo ako natatandaan?"

Tanong pabalik ng babae kay Yvonne habang pahigpit na ng pahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa pulso ng dalaga at patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga gamit ang kaniyang mga nanlalaking mga mata.

"Aray!"

Sabi ni Yvonne habang sinusubukan pa rin nitong kumawala mula sa pagkakahawak ng babae sakaniyang pulso. Biglang hinawakan ng babae ang mukha ng dalaga at saka tinignan ito sakaniyang mga mata.

"Heh. Unti-unti nang nawawalan ng bisa ang potion na ininom mo mula saiyong kaibigan."

Nakangiting sabi ng babae kay Yvonne habang hinahawakan pa rin nito ang mukha ng dalaga at tinitignan pa rin ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Hindi mo pa rin ba ako maalala, Yvonne?"

Tanong muli ng babae kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at hawak pa rin ang mukha at pulso nito. Nang pinagmasdan ng mabuti ng dalaga ang babae ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. Ilang saglit pa ay binitawan na ng babae ang mukha ng dalaga at saka nginisian muli ito.

"Imposible…"

Sabi ni Yvonne sakaniyang sarili habang tinitignan ang babae sakaniyang harapan gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Kilala mo na ba kung sino ako?"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts