~Umaga~
"Ugh…"
Sabi ni Yvonne nang magising na ang kaniyang diwa.
"Nasan ako?"
Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang dahan-dahan na itong naupo sa isang kama habang bahagyang naka dilat ang kaniyang kanang mata.
"Good morning, Yvonne~"
Masayang bati ng isang lalaki kay Yvonne habang nakangiti ito sa dalaga. Mabagal na nilingon ng dalaga ang lalaking bumati sakaniya at saka tinignan ito at pumikit muli.
"Good morning, lalaking hindi ko kilala."
Bati pabalik ni Yvonne sa lalaking bumati sakaniya habang nakaupo pa rin siya sa kama. Ilang segundo pa ang lumipas ay natauhan na ang dalaga at saka tinignan ang binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"Sino ka?!"
Gulat na tanong ni Yvonne sa lalaki na nakaupo sa tabi ng kama. Nginitian lamang siya ng lalaki kaya't agad siyang napatingin sakaniyang sarili at nasilayan na suot niya pa rin ang kaniyang damit.
"Yvonne hija~ Kamusta ang iyong tulog?"
Nakangiting tanong ng isang matandang babae na biglang pumasok sa silid na kinaroroonan ni Yvonne at ng lalaki. Kaagad na tinignan ng dalaga ang pumasok na matandang babae habang nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata.
"Bakit mo ako kilala?!"
Gulat na tanong muli ni Yvonne habang nakatingin pa rin sa matandang babae. Nginitian siya nito at saka naupo na sa tabi ng lalaki.
"Pasensya kung ika'y aming nagulantang. Hayaan mo muna akong ipakilala ang aking sarili at ang aking apo saaking tabi."
Sabi ng matandang babae kay Yvonne habang nakangiti pa rin ito at nakatingin sa dalaga. Pinagmasdan lamang ng dalaga ang matandang babae habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito.
"Ang aking ngalan ay Tazara Balderas, ako ang pinaka matanda saaming angkan. At ito naman ang aking apo na nagngangalang Thomas Balderas, mayroon siyang gusto saiyo, Yvonne hija."
Pagpapakilala ng matandang babae na nagngangalang Tazara kay Yvonne. Nagdikit ang kilay ng dalaga nang malaman ang pangalan ng matandang babae at saka inoobserbahan ito ng mabuti.
"Kilala mo ba ang… namatay kong… lola?"
Mausisang tanong ni Yvonne kay Tazara habang pinanlilisikan na nito ng mata ang matandang babae. Kaagad na naglaho ang ngiti ng matandang babae at saka naluluhang tinignan ang dalaga.
"T-totoo ba ang iyong sinasabi, hija? N-namatay na si Bea?"
Nauutal na tanong ni Tazara kay Yvonne habang umiiyak na ito sa harapan ng dalaga. Kaagad na tinignan ni Thomas ang kaniyang lola at kaagad ding nawala ang ngiti nito nang masilayan ang kaniyang umiiyak na lola sakaniyang tabi.
"Isang linggo na ang nakalilipas nang mamatay si Mama Beatrice."
Malungkot na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Tazara. Hinagod ng marahang ni Thomas ang likuran ng kaniyang lola upang patahanin na ito sakaniyang pag-iyak at saka nilingon ang dalaga.
"Sabayan mo kami ni Lola mag-almusal."
Sabi ni Thomas kay Yvonne sabay tayo na mula sakaniyang pagkakaupo. Dahan-dahang umurong ang dalaga patungo sa kanang bahagi ng kama at saka tumayo na rin mula sakaniyang pagkakaupo.
"Ayos lang ba na iwan natin ng ganito ang Lola mo?"
Nag-aalalang tanong ni Yvonne kay Thomas habang nakatingin ito kay Tazara na nakaupo at patuloy pa rin sa pag-iyak sa tabi ng kama.
"Kailangan ni Lola ng space sa tuwing umiiyak siya."
Sagot ni Thomas sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakatingin na muli ito sa dalaga. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saka sumunod na sa lalaki.
"Ano gusto mong almusal~?"
Sabik na tanong ni Thomas kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa paglalakad patungo sakanilang kainan. Ngunit bago pa man sila makarating sa kainan ay biglang nagkaroon ng pagsabog sa pangunahing pinto sa mansion ng mga Balderas.
"Nasan si Yvonne?!"
Galit na tanong ni Hendric sa angkan ng mga Balderas na naroroon malapit sa pangunahing pintuan na kaniyang pinasabog. Alerto namang tinignan ng mga Balderas ang kaibigan na mag-isang nakatayo sa gitna ng pangunahing pinto.
"Ilabas niyo si Yvonne!"
Sigaw naman ni Anna sa angkan ng mga Balderas sabay tayo na nito sa tabi ni Hendric habang hawak nito sakaniyang kaliwang kamay ang maliit na babae na pumalit kay Yvonne.
"Yvonne! Nandito na kami!"
Sigaw naman ni Jervin kay Yvonne sabay tayo nito sa tabi ni Hendric habang iniikot ang kaniyang paningin sa loob ng mansion ng mga Balderas.
"Jervin?"
Mahinang tanong ni Yvonne sakaniyang sarili sabay lingon na nito sa pangunahing pinto at saka tumakbo na patungo roon.
"Jervin! Hendric! Anna!"
Masayang tawag ni Yvonne kila Jervin, Anna at Hendric habang tumatakbo pa rin ito patungo sa pangunahing pinto sa mansion ng mga Balderas.
"Yvonne!"
Tawag ni Thomas kay Yvonne habang hinahabol na nito ang dalaga sa loob ng kanilang pamamahay.
"Jervin."
Sambit ni Yvonne sa pangalan ni Jervin sabay yakap na nito sa binata nang makarating na ito sakanilang kinaroroonan. Kaagad namang niyakap pabalik ng binata ang dalaga at saka pumikit ito upang mas lalu pang madama ang yakap nilang dalawa ng dalaga.
"Sino kayo?"
Seryosong tanong ni Thomas kila Jervin, Hendric at Anna habang nakatingin ng masama sa tatlo. Nang masilayan nito na magkayakap ang binata at si Yvonne ay agad itong nagalit at saka nilapitan ang dalaga at ang binata upang paghiwalayin ito.
"Ano ba, Thomas!"
Sigaw ni Yvonne kay Thomas habang sinusubukan nitong kumawala mula sa pagkakahawak sakaniya ng lalaki.
"Inaagaw ka niya sakin, Yvonne!"
Galit na tugon ni Thomas kay Yvonne habang dinuduro nito ang binata. Sinamaan na ng tingin nila Hendric at Anna ang lalaki at saka pumwesto na ang dalawa na tila ba ay handa na silang umatake ano mang segundo.
"Excuse me?! Sa pagkaka alam ko walang tayo at kakakilala pa lang natin kanina!"
Inis na sabi ni Yvonne kay Thomas sabay alis na ng pagkakahawak ng lalaki sakaniya at saka naglakad na patungo sa tabi ni Jervin at saka doon tumayo habang sinasamaan ng tingin ang lalaki.
"Yvonne…"
Tawag ni Thomas kay Yvonne nang akma na nitong lalapitan ang dalaga ngunit hinarangan siya ni Hendric at Anna.
"Subukan mo ulit hawakan si Yvonne at kami ang makakalaban mo."
Pagbabanta ni Hendric kay Thomas habang patuloy pa rin nitong hinaharangan ang lalaki at masama pa rin itong tinitignan.
"Walang magaganap na pag-aaway rito saaking pamamahay!"
Malakas na sabi ni Tazara sa lahat habang naglalakad na ito patungo sa pangunahing pinto ng kaniyang mansion. Hindi nagpatinag si Thomas at akma muling lalapitan si Yvonne ngunit nabigo ito sapagkat hinarangan na rin siya ni Jervin.
"Thomas!"
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!