webnovel

Ruined Heart

Hindi ginusto ni Maureen ang mahulog sa amo niyang si Zeus, ngunit nangyari pa rin. Ang hindi niya alam, pasakit pala ang aabutin niya sa pagkahumaling sa mayamang katulad nito. Matapos ang ilang taon, may himalang darating sa kanya na makakapagpabago ng buhay niya. Ang akala niya'y maayos na niyang mundo'y guguluhing muli ng unang lalaking minahal. Hahayaan ba niyang makapasok itong muli sa kanyang buhay at pati na sa kanyang puso?

elysha_jane · Teenager
Zu wenig Bewertungen
60 Chs

Kabanata 11

Kabanata 11

"So, how's your enrollment?"

Gabi na at salo-salo ngayon ang pamilya Lorenzino. Ako naman ay nakayuko lang at tahimik na nakikinig sa kanila.

"Assessment palang, Ma. I still have to take their entrance exam. But I'm sure, maipapasa ko naman 'yon," sagot ni Sir Zeus sa tanong ni Ma'am Helen.

Syempre, wala na naman akong maintindihan. Alam ko naman ang enrollment. 'Di ko nga lang alam ang assessment, at kung ano pa ang exam na binabanggit ni Sir Zeus. Ang hirap talaga kapag pati edukasyon at ipinagkait sa'yo.

"Oh, that's good." Napatango pa si Ma'am Helen at muling sumubo ng pagkain.

"So, ano'ng balak mong kunin?" tanong pa ni Sir Apollo.

Naiinis na naman tuloy ako, dahil narinig ko na naman ang tinig niya. Alam kaya ni Ma'am Helen at ni Sir Zeus ang tunay na ugali niya?

"Entrepreneurship, Kuya," sagot naman ni Sir Zeus.

"Matutuwa niyan sila Uncle Geoff," tugon pa ni Sir Apollo.

"I'm sure someday you'll be one of the board members of Lorenzino Corporation. Your dad will be very proud of you," magiliw na sabi ni Ma'am Helen sabay hawak pa sa balikat ni Sir Zeus. Kung ano man ang ibig sabihin no'n ay tiyak na maganda 'yon, dahil kita ko sa ngiti ni Ma'am Helen.

Marami pang pinag-usapan ang pamilya na hindi ko na maintindihan pa. Halos puro English kasi ang ginagamit nila. Isa pa, hindi ko rin maintindihan 'yung mga binabanggit nila. Pero mukhang tungkol iyon sa trabaho.

"Nga pala, Zeus, kamusta na kayo ni Marquita? Is everything okay now?"

Napukaw ng tanong na 'yon ni Ma'am Helen ang atensyon ko. Napatingin ako noon sa table nila.

"Maureen, Danica, lagyan niyo uli ng juice 'yong mga baso nila Ma'am," utos naman ni Ate Regine.

Napatango naman ako at sabay kami ni Danica na lumapit sa mesa nila. Nanatili lang akong nakayuko dahil nararamdaman ko na naman ang mga tingin ni Sir Apollo. Mabuti nga at hindi na niya ako muling nilapitan at kinausap, e.

Sana nga patuloy na siyang lumayo sa'kin. Tutal alam naman niyang hindi siya ang gusto ko, 'di ba? At 'wag naman niya sana akong isumbong kay Sir Zeus o 'di kaya naman ay kay Ma'am Helen.

Patuloy pa rin naman ang pag-uusap ng mag-ina habang nagsasalin kami ng juice.

"Marquita and I are okay. Wala siyang alam sa pagtatalo namin ni Blake. Ayoko na rin namang sabihin, but I think naghihinala na rin siya. She told me Blake was acting weird," dinig kong sagot ni Sir Zeus.

Sa pagbanggit niya noon, dapat pala ay hindi ako mainis kay Marquita. Kung tutuosin kasi, inosente rin naman siya. Wala siyang kaalam-alam sa away ni Sir Zeus at ni Blake. Sa kabilang banda, mabuti na rin 'yon at baka lalong lumaki ang ulo niya!

"I guess hindi sumama sa inyo si Blake sa university?" tanong pa ni Ma'am Helen.

"Yup," sagot ni Sir Zeus. "Well, nakapag-take naman na daw ng entrance exam si Blake."

"Oh well, I just hope na maayos niyo ni Blake 'yan," sabi nalang ni Ma'am Helen. Bumalik na rin kami noon sa pwesto namin.

"Naba-bother nga po ako sa mangyayari sa debut ni Marquita."

"What about that?" pagsali ni Sir Apollo sa usapan.

"I'm just. . ." Mukhang hindi maipaliwanag ni Sir Zeus ang gusto niyang iparating.

"Are you worried because of Blake?" Bahagyang natawa si Ma'am Helen, pero nakakunot ang noo. "I told you, nothing to worry about! I'm sure ikaw ang magiging last dance ni Marquita."

"Yeah. Sabi nga niya sa'kin," sagot pa ni Zeus. "I'm just worrying kasi."

"Oh, Son. . ." Ipinatong ni Ma'am Helen ang kamay niya sa kamay ni Sir Zeus. "Walang mangyayaring masama, okay? I know Blake. Hindi naman basagulero ang batang 'yon."

"And if he really is your friend, magiging masaya siya sa inyo ni Marquita. No matter what," dagdag pa ni Sir Apollo.

Tipid na ngiti lang naman ang isinagot ni Sir Zeus.

* * *

"Grabe pala talaga, 'no? Sobrang ganda naman pala ni Marquita," saad ni Danica.

Nagpapahinga kami ngayon dito sa kusina dahil tapos naman na ang mga gawain namin. Kaming tatlo nila Monet at Danica. Kasama rin namin si Jacob na pansamantala raw munang mamamahinga.

"At inggit ka na naman?" tanong naman ni Monet.

"Hindi ano!" pagtanggi ni Danica.

"Weh?" Natatawa pa si Monet at halatang 'di naniniwala kay Danica.

"Okay, sige, medyo," pag-amin naman ni Danica.

"Naku! Sabi ko na nga ba, e," naiiling na sambit ni Monet.

Nakita ko rin naman ang pag-iling ni Jacob. Nakasando lang siya kaya't kitang-kita ang malalaki niyang braso. Aba, sa dami ba naman ng mabibigat na gawaing nagawa nito, ewan ko nalang talaga kung 'di lumaki ang katawan niya.

"Naku, Monet, ganyan talaga si Danica. Mahilig kasi sa mga drama sa hapon, e. Kaya ayan, pantasya ang mga mayayaman," sabi ni Jacob.

"Eh kathang-isip lang naman ang mga 'yon. 'Di naman mangyayari 'yon sa totoong buhay," sabi pa ni Monet at napangiwi pa siya.

"Ewan ko ba dito kay Danica," saad ni Jacob. "Kaya nga sabi namin tigilan na ang pangangarap na mamahalin siya ng isang mayaman."

Napatingin naman sa'kin si Jacob habang nakangiti. "Di ba, Maureen?"

Natigilan ako sa tanong na 'yon ni Jacob. Para bang biglang umurong ang dila ko. Naalala ko na wala nga pala siyang alam tungkol sa nararamdaman ko. Kaya ang akala niya'y salungat pa rin ako kay Maureen.

Sa totoo lang, salungat pa rin naman ako. Pero pakiramdam ko wala na akong karapatan na pagsabihan siya, dahil parehas na kami ng sitwasyon ngayon. Parehong nagpapantasya sa isang mayaman.

"Maureen?" tawag pa sa akin ni Jacob nang hindi ako makasagot.

Kinakabahan akong napatingin kay Danica na noon nama'y nakatingin din pala sa akin. Mukhang nag-aalala rin naman siya sa akin. Sa huli ay napatingin nalang ako kay Jacob at pumeke ng ngiti.

"Ah o-oo. Oo nga. Tama ka," sagot ko nalang. Ni hindi ko na nga alam kung ano'ng sasabihin.

"Oh, anong pinag-uusapan n'yo riyan?"

Napatayo kaming apat nang marinig namin si Manang Guada. Nakatayo na rin siya noon sa harapan namin.

"Ah, naku, Manang, wala naman po!" sagot ni Danica. "Mga kaekekan lang po."

"Bawal dito ang chismis-chismis ah?" sabi pa ni Manang, kaya nagkatinginan kaming apat.

"Pasensya na ho, Manang," sabi ni Jacob.

"Ay, siya nga pala, ipaghanda niyo ng meryenda ang Sir Zeus n'yo. Gusto daw ng salad," sabi pa ni Manang Guada.

"Ay, sige po, Manang," sagot ni Monet.

"Sige. Kayo nang bahala ah? At ako, e, mamamahinga muna," sabi pa ni Manang Guada bago tuluyang umalis. Hindi na rin naman siya kasi masyadong nagkikilos dito dahil may katandaan na rin nga.

"Oh, ano pa'ng hinihintay mo, Danica?" tanong ni Monet nang mawala na si Manang.

"Ano?"

"Ipaghanda mo na si Sir Zeus! Akala ko ba, e, gusto mo ng mayamang lalaki?"

"Grabe, hindi naman ibig sabihin no'n na gusto ko na si Sir," nakanguso namang sagot ni Danica.

"Dalian n'yo. Ipaghanda n'yo na si Sir Zeus," sabi naman ni Jacob at uminom ng tubig mula sa basong nasa harapan niya. "Balik na 'ko sa garden."

"Ah, Maureen, ikaw nalang. Tinatamad kasi ako, e," sabi sa akin ni Danica, pero alam kong ginagawa lang niya ito dahil alam niyang may gusto ako kay Sir Zeus.

"Hay naku, Danica," naiiling na sabi ni Monet.

Pumayag nalang ako sa gusto ni Danica. Kumuha ako ng mangkok at kutsara. Pagkatapos naman ay kinuha ko ang salad sa ref at naglagay sa mangkok. Kahit naman kasi anong tanggi ko, alam ko sa sarili kong gusto ko ring ako ang gumawa nito.

Dahil kahit alam kong walang pakialam sa akin si Sir Zeus, gusto ko pa ring nasisilayan ang mukha niya. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba ganoon. Ganito ba talaga kapag gusto mo ang isang tao?

"Mamamahinga nalang din muna ako ha?" paalam ni Monet matapos kong ihanda ang salad ni Sir Zeus.

Tumango nalang kami ni Danica.

"Ayan ha! Gumawa ka man lang ng paraan para mapalapit ka kay Sir!" sabi naman sa akin ni Danica.

"Danica, gagawin ko lang 'to dahil g-gusto ko siyang makita! 'Yon lang at wala nang iba pa. Kasi alam ko naman na. . . wala akong pag-asa sa kanya," paliwanag ko sa kanya.

"Tsk. Maureen—" Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "Wala namang masama kung sumubok ka lang 'di ba?"

"Meron, Danica. Meron," sagot ko naman. "Paraanin mo na ako. Ihahatid ko na 'to kay Sir Zeus."

Hindi naman na siya umimik at tumabi na siya para makadaan ako. Hindi naman masyadong mahirap umakyat habang dala ang tray na may mangkok, tisyu, at kutsara.

"Sir Zeus! Ito na po 'yung meryenda niyo!" sigaw ko nang naroon na ako sa labas ng kwarto ni Sir Zeus.

"Come in," narinig kong sagot niya. Alam ko naman ang ibig sabihin noon, kaya pumasok na ako sa kwarto niya.

Naabutan ko siyang nasa tabi ng bintana niya at nakatanaw sa labas. Mukhang napakalalim ng iniisip niya, kaya halos hindi ako gumawa ng ingay sa paglalagay ng pagkain niya sa mesa doon.

Napukaw din ang atensyon ko ng kantang tumutugtog sa kwarto niya.

[LYRICS]

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko

Ikaw ang nasa isip ko

Ang nais ko ay malaman mo

Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay

Pag-ibig ko sa'yo'y ibibigay

Ang nais ko ay malaman mo, oh

Na mahal kita

"Ah, Sir Zeus, ikukuha lang po kita ng juice sandali. O baka po gusto n'yo po, tubig lang?"

"Tubig na lang," sagot niya habang nakatanaw pa rin sa bintana.

Tumango-tango ako. "Ah, s-sige po."

Nagmadali naman akong kumuha ng tubig mula sa kusina. Ilang minuto pa'y nakarating na akong muli sa kwarto niya. Tumutugtog pa rin ang kanta, pero tiyak kong patapos na 'yon.

"Ah, S-Sir Zeus, ito na po 'yung tubig n'yo p-po," sambit ko habang inilalapag ang tubig sa maliit at mababa niyang mesa.

Tumango-tango naman siya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko bago muling nagsalita. "Alis na po ako."

"Wait!"

Malapit na ako sa pinto nang marinig ko siyang sinabi 'yon. Kinakabahan, ngunit kaagad akong napalingon sa kanya. Sakto naman at umupo na siya noon sa dulo ng kama niya.

"Ahm, m-may kailangan pa po ba kayo, Sir?" tanong ko.

Imbis na sumagot ay tinanong niya rin ako, "Can I ask you a question?"

"P-Pasensya na po. H-Hindi ko po kasi. . ."

"Oh!" medyo natawa siya, ngunit halata namang pilit lang. "It's okay. It's okay."

Hindi na ako sumagot pa at hinintay nalang siyang magsalita ulit.

"Ang sabi ko, pwede ba akong magtanong?"

"Ah, o-oo naman po! Ano po ba 'yon, S-Sir?" Napapunas pa ako ng kamay sa laylayan ng uniform ko dahil sa kaba.

"Hindi ako sure kung masasagot mo ba 'to, but kailangan ko talaga ng sagot ngayon," paliwanag pa niya.

"A-Ano po ba kasi 'yon?" tanong ko pang muli.

"Uh. . ." Parang nahihirapan pa siyang maghanap ng salita. "May dalawang bagay: isang tama at isang mali. Mas masaya ka sa isa, but alam mong mali 'yon. So, ano'ng pipiliin mo?"

Hindi naman ako makasagot kaagad dahil pinoproseso ko pa ang tanong niya sa utak ko. Pinapapili ba ako ni Sir Zeus sa tama at mali? Ewan ko ba, pero pakiramdam ko, pati ako ay naiipit sa tanong niya.

Naalala ko rin kasi ang sitwasyon ko. Mali na magkagusto ako kay Sir Zeus. Pero, kahit alam kong mali ito, ginagawa ko pa rin. Hindi ko pa rin mapigilan.

Hindi ko tuloy alam kung paano ko nga ba sasagutin ang tanong niya.

"Okay, 'wag mo na lang sagotin—"

"Ah, hindi! May sagot na po ako!" kaagad kong sabi.

"Hmm." Tumango-tango siya. "Okay."

"Sabi po sa akin ni Itay, darating talaga sa buhay natin na. . . Mamimili tayo sa tama o mali. P-Pero sabi po niya, dapat piliin natin 'yung. . . 'Yung mas makakabuti sa atin. . .kahit pa. . . Makakasakit sa atin."

Matagal siyang tumitig sa akin, at dahil hindi ko matagalan ang makipagtitigan sa kanya ay yumuko nalang ako.

"So, pa'no kung hindi ka naman masaya? Nasabi ba 'yon ng tatay mo?" tanong pa niya.

"Sa totoo po, natanong ko rin po sa kanya 'yan!" sabi ko. "Sabi po niya, ang mga bagay na mali, sa umpisa lang masaya. Pero. . . Wala itong ibang dulot sa puso natin kung hindi. . . Sakit."

Napatango-tango naman siya.

"Thanks for answering—Maureen?"

Tumango-tango naman ako bilang sagot na Maureen nga ang pangalan ko.

"Salamat. I badly needed an advice right now. And I didn't expect that you'd give me those answers. I just wish that I would finally come to my senses," sabi pa niya habang nakangiti.

Gusto ko rin sanang mapangiti, dahil sa sayang dulot sa akin ng pagngiti sa akin ni Sir Zeus. 'Yung ngiti na para sa akin talaga. Kaya lang, hindi ko mapigilan ang mapakunot-noo dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Iilang salita lang ang naintindihan ko.

"A-Ano po 'yun?"

Natawa naman siya at napakamot ng batok niya. "Oh, sorry. Hindi ka nga pala marunong mag-English."

Napasimangot naman ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Sa tono ng boses niya ay mukha namang hindi niya ako minamaliit. Pero inaamin ko, masakit pa rin. Pakiramdam ko pa rin ay para bang natapakan ang pagkatao ko.

"Oh no! M-Maureen! That's not what—I mean, hindi 'yon ang gusto kong sabihin!" kaagad naman niyang sabi.

Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko kung gaano siya nag-aalala sa damdamin ko. Totoo ba 'to? Baka naman mamaya ay nagsi-siesta lang ako at nananaginip?

Pero totoo 'to! Si Sir Zeus, nag-aalala sa akin!

"Naku, Sir Zeus! A-Ayos lang!" sabi ko at binigyan siya ng pinakamatamis kong ngiti. At mas lalo pa akong napangiti nang suklian niya 'yon.

"By the way, ang sabi ko kanina ay. . . Teka, what do you call this?"

Hinayaan ko nalang siyang magsalita.

"Ang sabi ko, salamat, dahil kailangan ko talaga ng. . . Ng payo ngayon. At hindi ko akalaing 'yan ang isasagot mo. I mean, ilang taon ka na ba?"

"Magsi-sixteen palang po ako, Sir Zeus," sabi ko habang nakangiti pa rin. Hindi ko na ngayon maitago ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi, kahit papaano'y napalapit ako kay Sir Zeus.

"Tignan mo, ang bata mo pa," sabi niya at bahagyang tumawa.

"Ikaw po ba? Nasa bente na po ba kayo?" tanong ko, ngunit mayamaya'y napatakip ako ng bibig ko. "Ah, p-pasensya na po."

"No, it's okay," sabi niya at ngumiti. "I'm eighteen. Uh, alam mo naman 'yon, 'di ba?"

Tumango-tango ako habang nakangiti.

"Ah, Sir Zeus, sa tingin ko po nalulusaw na po 'yung salad niyo," natatawang sabi ko.

"Oh! Oh, right. Right," sabi niya habang natatawa din at nagsimulang kumain.

"Uh, alis na ho ako?" paalam ko na hindi pa sigurado. Ewan ko rin ba. Pakiramdam ko gusto ko pang makipag-usap sa kanya. Hindi—gusto ko lang talaga ay palagi siyang kasama. Ayoko nang malayo pa sa kanya.

Baliw na ba ako sa iniisip ko?

"Sure, sure," sagot niya sa'kin.

Pero bago ako tuluyang lumabas ay may naisip pa akong sabihin sa kanya.

"Sir Zeus, kung ano man po 'yung gumugulo sa utak n'yo, ipagdasal n'yo nalang sa Diyos 'yan. Sigurado po ako, matutulungan po Niya kayo."

"I will." Tumango siya at ngumiti. "Thank you, Maureen."

Itutuloy. . .