webnovel

RION aka Jaguar (Complete)

Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviegjo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing everything to avoid her for many reasons including his traumatic past and secret night job...

Royal_Esbree · Teenager
Zu wenig Bewertungen
67 Chs

Vaughn's lunacy

Dollar's POV

Natapos ang huling klase namin at bago pa makalabas ang mga kaklase ko, tumuntong na agad ako sa desk sa unahan para makuha ang atensyon nila.

"Hey, blockmates!"

Dalawa ang nag-angat ng tingin, dalawa ang nag-angat ng kilay at ang natitirang labindalawa, walang reaksyon.

"Malapit na ang Christmas," panimula 'ko.

And nothing's changed.

"Gusto nyo bang magka-Christmas party ang section natin?"

Please say no!

"I'm starting to review for the Chemistry Quiz Bee in January." Si Joy habang nagliligpit ng gamit.

"It 'll be my dog's birthday next week!"

"You're celebrating Christmas? Grow up!"

"We're not Catholic!"

Nag-de-quatro 'ko sa mesa at napapangiti sa mga dahilan nila. Ayos! Killjoy talaga 'tong section na 'to kung hindi man talagang tamad lang ang nakakarami sa 'min. At idagdag pa na dahil wala akong kwentang chairwoman, pinagdasal ko na kanina pa na huwag silang pumayag. Para wala 'kong poproblemahin sa pag-oorganize ng ganyang party. Wala din sana 'kong balak itanong sa kanila 'to pero nakasalubong ko si Euna at binalitaan lang ako.

Pero kahit naman gustuhin nila, eh ano? Bahala sila, basta ako, makiki-party na lang sa i-o-organize na Christmas party ng SSC para sa buong school.

Napangiti ulit ako at tumalon na pababa nang matapos ang sari-saring dahilan nila na ang suma-total lang naman ay NO.

"Tama ang desisyon ninyo mga mahal kong kaklase, sige pakasaya kayo sa bakasyon nyo, ciao!"

Inunahan ko silang lumabas at kung dati diretso 'ko sa CR para mag-'retats', ngayon pass muna 'ko. Wala naman kasi si Rion, may out of town activity ang batch nila.

Pero okay lang, may party pa naman next week at mahaba pa ang Christmas vacation na pwede kong 'gugulin' sa bahay nila. He-he-he!

Naglalakad ako sa quadrangle nang makakita ako ng lumilipad na... elepante? Wehehe, joke lang. Syempre wala niyon sa University na 'to.

May lumilipad na shuttlecock, may naglalaro kasi sa isang parte ng quadrangle kahit walang net. Hmmm... ang saya ng aura ng mga estudyante, wala na kasing klase simula bukas, bakasyon na! Yeahba! Pero babalik na lang sa isang araw para sa party.

Hmn... Ano bang meron don? Sayawan? Kainan? Tawanan?

A-attend nga ba talaga 'ko? Ano namang mapapala 'ko? Eh kaya ko namang sumayaw kahit sa bahay lang, mas lalong kayang-kaya kong kumain, tumawa? Pwede naman akong tumawa kahit mag-isa a. And I can do all those three things at the same time!

Pero ano nga kaya?

Wala pa naman akong party na napupuntahan at kahit prom noong high school ay hindi ako um-attend. Ang totoo, mas marami pang party na napuntahan si Cheiaki kesa sa'kin.

Napahinto ako nang may naisip ako.

Tama! Si Rion ang president ng SSC kaya malamang na um-attend siya!? At hindi ako baliw para palagpasin iyon! Tama, tama. Ngayon pa lang ite-text ko na siya para maging escort ko, o mas maganda kung tawagan ko na siya. No, maaabala siya masyado. Hihintayin ko na lang ang pag-uwi niya mamaya!

Si Euna na lang ang ite-text ko para makasama sa pagbili ng damit! Kinapa ko ang cellphone ko sa bag ko habang tinitingnan pa din ang shuttlecock na pauli-uli sa ere.

At dahil sa katangahan kong iyon, parang nakita ko pa ang slow motion na pagtumba ko at nalalapit na face-to-face sa lupa.

"Gotcha!"

Naramdaman ko ang paglagutok ng buto sa balikat ko dahil sa malakas na paghila sa braso ko. Masakit pero at least hindi ako patay. At hindi din madadagdagan ang sugat ko sa mukha na kagagaling lang nong isang linggo.

Itinayo ako ng kung sinumang nagligtas sa'kin sa tiyak na kapangitan.

"I saved you, Mariella. No need to be scared, I know I'm such a hero and you're always the damsel in distress."

"Hindi ka din mayabang no? At hindi ako damsel in distress, it's just that every time you come near me, accidents happen, kaya tungkulin mo talagang iligtas ako!"

Vaughn just laughed at inakay ako sa bench na malapit sa'min. Aangal pa sana 'ko kung hindi lang masakit pa ang balikat ko.

Napakagat-labi ako sa sakit at marahang inikot-ikot ang balikat ko. Bakit ba ang daming aksidenteng kinasasangkutan ko? Bakit hindi pa ibigay ang eksaktong date kung kelan ako mamamatay kesa unti-untiin? But on second thought... wag muna... yayayain ko pa si Rion!

"You jerk! 'Pag ako hindi naka-attend sa party, humanda ka sa'kin?!"

Hahampasin ko sana siya pero nakalayo na agad siya sa'kin.

"What an ungrateful wench, ni hindi man lang magpasalamat, kasalanan ko bang nakatingala ka habang naglalakad kaya ka muntikang madapa?"

Hmn...oo nga no.

"Okay..sorry and thank you." sabi ko sa kanya, and gave him ano-masaya-ka-na look.

He just grinned and sat beside me. May initsa siyang libro sa lap ko at sisitahin ko sana siya kung hindi ko lang nakilala ang libro ko na binato ko sa kanila ng girlfriend niya noong nahuli ko silang nagme-make-out sa bleachers.

"A-Attend ka pala sa party." sabi niya ulit at inunat ang dalawang kamay sa sandalan ng bench.

Iilag sana 'ko pero hindi naman lumapat sa likod ko ang kamay niya, maya niyan sabihin niya assuming ako.

"Yup. Baket bawal ba?"

"Tss, may kapartner ka na ba?"

"Of course!"

Naalala ko si Rion kaya napangiti ulit ako.

"Who?" tanong niya habang nakataas pa ang isang kilay.

"Rion, my unsmiling prince!"

Natigilan siya pero mayamaya ay bumunghalit ng tawa . And what a hearty laugh from a good looking terrorist like him. Pero mas lalong lumakas ang tawa niya at parang nakaka-insulto ang dating non sa 'kin.

"What? Hindi ka naniniwala?"

Halos maluha-luha siya nang tumigil sa pagtawa. Kung hindi ba naman nakaka-init ng ulo o!

"Of course. Hindi ako naniniwalang yayain ka man lang niya. He's one of us guys who doesn't bring key chain with him in parties. At iyon ay para maisayaw niya ang kung sinumang babaeng gusto niya o para makaalis siya kahit anong oras niya gusto."

Hindi ako nagsalita. At hindi ko din itatama ang akala niya na si Rion ang nagyaya sa 'kin. Baka lalo lang niya 'kong pagtawanan pag nalaman niya na 'ako ang balak magyaya'. Hindi dahil nahihiya ako kundi dahil baka masuntok ko siya ng wala sa oras, may makakita sa'min at ma-report pa 'ko. Baka kung kelan tapos na ang klase sa taong 'to ay saka pa 'ko pumasyal sa discipline office.

"Parang kilalang-kilala mo siya ah, stalker ka niya no?" pinandilatan ko na lang siya.

"Of course I know Jag---err Rion. Well, only half of his nineteen years life history but enough to make anyone who will hear about him cringe in fear."

"Ha?"

Hanu daw? Bakit ba ang hilig niyang mag-rhyme?

"You make it sound like he's a monster or a killer."

"Well, he is." balewala niyang sagot.

"What? A monster?"

"In some way, Mariella, but he's more of the latter."

"Hah! Akala mo ba maniniwala ako sa'yo? Ni hindi ko nga siya nakikitang pumatay ng lamok tapos sasabihin mong killer siya!?"

Hindi sana 'ko aalma kung biro lang ang dating sa'kin pero seryoso ang boses niya kahit parang simpleng bagay lang ang sinabi niya para sa kanya. At bakit parang nararamdaman ko ang galit niya kay Rion? Isa siguro sa mga hater ng Unsmiling Prince ko!

"You're so naive, Mariella, hindi por que hindi mo siya nakitang pumatay ng lamok ay masasabi mo ng mabuting tao. Hell, he can take down even an ambassador with battalion of securities in a broad day light!"

Naka-drugs ba 'tong lalakeng 'to? Tumayo siya sa harap ko. He's definitely towering me and that expression on his handsome face held me completely captive.

"Gusto ko sanang ikaw mismo ang makatuklas pero naiinip na 'ko. You're blind to all my clues. Ayaw mong tanggapin na hindi santo yang... what do you call him?... Unsmiling Prince mo. What do you think about his world, full of stuff toys and fairy tales?"

Hindi siya galit, hindi din sumisigaw but there's the impatience and smug look on his face that really irritate the hell out of me.

Tumayo ako at tiningala siya. "What's your point, Vaughn? Akala mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo? Ni hindi nga kita kilala, sino ka ba ha? Saan ka galing? Anong kelangan mo sa'kin o kay Rion? For all I know, isa kang terorista na wanted sa bansa nyo at dahil may dugo ka ding Filipino, dito ka sa Pilipinas nagtatago, naghahanap ng mau-uto mong magluto ng bomba para sa grupo nyo para dito naman maghasik ng lagim!"

"Whoa---ako? Terorista?"

"Oo! Si Bunteri ka nga di ba?"

"B-Bunte--- What?"

"Bunteri, short for Vaughn Terorista! Jeez!"

Natigilan siya saglit at mayamaya ay amused na humagalpak ng tawa. Baliw talaga 'tong lalakeng 'to. Pero sino bang terorista ang walang atittude o personality problem? Kaya nga sila naging terorista!

"I admit I'm one of the shits of the society like Rion, but not a terrorist, honey." he chuckled.

"Bakit dinamay mo na naman si Rion?!"

"Because that's the truth."

"Heh! Ewan ko sa'yo!" Umalis ako sa harap niya at naglakad palayo.

"You really like Flaviejo, don't you?"

Napatigil ako sa paglalakad. Iyan ang tanong na hindi ko uurungan at buong puso kong sasagutin.

"I love him."

"Hmn...why?" Namulsa siya at naglakad palapit sa'kin.

"Walang dahilan, at kung meron man, you're not entitled to know."

"Do you know his kind?"

"Yeah, responsible and gentleman, hindi katulad mo."

"Gentleman, my ass! You really don't know his true colors huh?"

"Ano ba talagang ibig mong sabihin?" Sa totoo lang naiinip na 'ko sa takbo ng usapan. Gusto kong umuwi na pero gusto ko pa ding pakinggan ang mga gagawin niyang kwento.

"That he's an assassin and always sleeps with danger as his pillow."

I just rolled my eyes.

"Anong sunod mong sasabihin? Bakla siya?"

"Aah, since sinimulan mo na din lang... Oo, he is."

"Hoy! Walang magdududa sa pagkalalake niya no! Insecure ka lang siguro."

"I've nothing to be insecured of, babe. Bakit hindi mo tanungin kung bakla nga siya?" paghahamon niya pero halata naman sa kislap ng mata na nagbibiro lang siya sa pagiging bakla ni Rion.

"Hindi na dahil hindi naman ako nagdududa."

Kung hindi ba naman stupid 'tong lalakeng 'to o, sabi niya assassin si Rion tapos sasabihing bakla naman ngayon?

"How 'bout this, pag napatunayan kong tama ako at totoo ang sinasabi ko...you'll be my girl."

Hindi ako nagsalita.

"So you're now having doubts about Rion. Iniisip mo na din na totoo ang mga sinasabi ko at natatakot ka na?"

"Hindi. Kaya ako natahimik dahil ni ayaw kong imagine-in na maging girlfriend mo at hindi mo ko kelangang black-mail-in, totoo man o hindi ang sinasabi mo, gusto ko pa din siya. Eh ano kung Mafia siya o anak siya ni Bin Laden? Basta gusto ko pa din siya!"

"Tsk, tsk, tsk, nakalimutan kong makulit ka nga pala at hindi kita agad mapapaniwala. Why don't you know me first para mapatunayan kong hindi ako sinungaling?"

"Hay naku, Bunteri, no need for that."

"Hmn... Natatakot kang ma-in love sa'kin pag nag- get-to-know each other tayo?" he teased.

"Excuse me?!"

Hindi rin talaga siya mayabang no?

Nagmartsa 'ko palayo sa kanya pero dahil mas makulit pa nga siya sa pinaka-makating fungi, ayun, tinawag na naman ako.

"About the party."

"Oh ano? Wag mong sabihing gusto mong maka-partner si Rion kaya sinisiraan mo siya sa 'kin?"

"Silly, of course not. I just want you to know that should Rion ditch you... I'll be your willing escort."

Iniinis talaga 'ko ng lalakeng 'to! Hindi ako iindyanin ni Rion!

Binelatan ko lang siya at naglakad na 'ko pauwi.