webnovel

Rewrite (Tagalog)

Arabella Romero is a girl from an orphanage is going to meet her father whom left them. He ask her to move and live with him in Manila with his family and she agreed. When her father enrolled her to a famous private school that only rich can afford it. And the moment she enter her new school, she already feel unwanted. DISCLAIMER: This story is fictitious. Characters, Names, Businesses, Places, events, and incident are just a product of Author's imagination. Any actual person, living or dead, or actual events or incidents are purely coincidence. Started: Sat, July 3, 2021 Finished: Mon, August 9, 2021

Gummy_Sunny · Teenager
Zu wenig Bewertungen
26 Chs

Jealous?

Chapter 8

- Devin's POV -

"I think I really hurt her." Pagkausap ko kay kuya. "Am I that bad, kuys? I made her so much suffer. Should I stop?" Tanong ko sa kanya. Pero wala naman akong nakuhang sagot. "I know, sasabihin mo sa aking tumigil na ako. Ikaw pa ba." Sabi ko tapos biglang bumukas ang pinto.

"Devin." Agad na sabi ng bestfriend ni kuya.

"Hi, kuys." Sabi ko tapos nag-fist bomb kami.

"Hindi ako makakadalaw bukas. Babalik kasi muna kami sa U. S.. May emergency, ehh." Sabi nya pa.

"It's ok." Nakangiting sabi ko.

"Nagpaalam na din pala ako sa Mommy nyo. Sige, mauuna na ako." Sabi nya tapos umalis na. Ako naman ay ibinalik ang atensyon kay kuya.

- Arabella's POV -

"Y-You're Arabella?" Gulat din na tanong nila.

"O... o..." Mahinang sabi ko habang tumatango-tango din. "Pero bakit nga? Ano bang nagawa ko sa inyo?" Tanong ko pa.

"Wala..." Naluluhang sabi ni Billy. "Kapatid ko..." Naluluha paring sabi nya tapos bigla nya akong niyakap. Ako naman ay nagulat dahil umiiyak ito ngayon pati narin yung dalawang lalaking parang kambal.

"A-Anong..." Nalilito paring sabi ni Bell.

"Arabella, ang tagal kang hinanap ni Kuya..." Sabi nito nang bumitaw na ito sa pagkakayakap sa akin. Ako naman ay nagtataka parin dahil sa nangyari.

A Few Moments Later. . .

"So, paano nga tayo nagkahiwalay?" Tanong ko ng matapos na silang mag-iyakan at nandito na kami nakaupo sa may parking.

"Our mom left me with Tita Beeth. Sabi nya pa, that time, mom is pregnant to you. And matagal silang naghanap at hanggang sa lumaki ako at tumulong maghanap kasi gusto din kitang makita." Sabi ni Kuya Billy.

"Tapos, nang mapunta kami sa Leyte ay may nakakakilala daw doon kay Tita kaso, patay na daw sya. And may nakapagsabi sa aming may kapatid nga si Billy but sad to say ay nakuha ka na ng Daddy nyo." Sabat naman ni Kuya Chase.

"So.... Magkapatid nga kami?" Tanong ko.

"Yes. But, kung gusto mo, we can run a DNA Test." Sabi naman ni Kuya Billy. "Mabuti nalang at hindi ka nabighani sa itim na mahika ni Ryan." Natatawang sabi pa nito. "Baka mapatay ko ang h*yop na to."

"Bro, I'm your bestfriend. You can't do that to me." Mayabang na sabi ni Ryan.

"Of course, I can. Lalo na kung kapatid ko ang pinag-uusapan." Sabi pa nya tapos yumakap ulit sa akin. Nagpaubaya naman ako dahil gusto ko din naman.

"Teka..." Biglang sabi ni Kuya Chandler.

"Mainit ka, ahh?" Sabi naman ni Kuya Chase.

"May sakit ka ba, Baby Girl?" Tanong pa ni Kuya Chase.

"Naulanan nga kasi sya, diba?" Sabi naman ni Ryan.

"Baby girl, bakit naman nagpapaulan ka?" Tanong naman ni Kuya Chase.

"Dalhin muna natin sya sa office ko." Sabi ni Kuya Billy. Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Kuya tapos pinasakay sa likod nya. "Wag mo akong sakalin, ha?"

"Ikaw lang naman ang may gustong buhatin ako." Nakanguso kong sabi tapos umayos ng kapit sa kanya pero yung hindi ko sya masasakal.

A Few Moments Later. . .

"Yan. Inumin mo yan mamaya pagkatapos mong kumain. Tapos yung isa bago ka matulog para siguradong wala ka nang lagnat bukas." Sabi ni kuya.

"Pupuntahan ka namin bukas sa school nyo. Iche-check ka namin kung ok ka na ba." Sabi naman ni Ryan.

"Alam mo, pabida ka. Kaano-ano ba kita?" Hindi ko mapigilang sabihin iyon.

'Sorry, Ryan.'

"Bestfriend ng kuya mo." Natatawang sabi nya pa.

"Uuwi na ako. Malapit ako na gumabi, ehh." Sabi ko na lahat naman nila sinang-ayonan. Lahat sila ay nagpupumilit naihatid ako kaya pinayagan ko nalang sila.

KINABUKASAN. . .

Nang makapasok ako ay masama parin ang pakiramdam ko. Hindi nakatulong yung gamot na binigay sa akin nila Kuya dahil nahihilo at may masakit din sa akin.

"Bell, mag-pa-check-up ka na kaya?" Tanong ni Brigitte ng may pag-aalala.

"Ehh, kung dalhin ka namin sa clinic?" Tanong naman ni Anna.

"Ok lang ako." Tanging sagot ko sa kanila.

"Yan naman ang lagi mong sinasabi, ehh. Pero, Bell, namumutla ka." Nangsesermon na sabi ni Reggie.

"Ok nga lang ako." Sabi ko tapos nginitian sila. Sila naman ay napabuntong-hininga.

Lumpias ang ilang oras ay medyo naging ok na ang pakiramdam ko. Siguro dahil nakatulog ako doon sa Library kanina ng maghanap kami ng libro at makapagbasa kami.

"Bell, kaya mo bang pumasok ngayon?" Tanong ni Reggie habang nasa daan kami papunta ng The Barb.

"Oo. Ok na ako." Nakangiting sagot ko. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong inilabas sa bulsa ko.

'Bell, Si Ryan nalang ang makakapunta dyan sayo. May emergency kasi, ehh. Kailangan naming umuwi agad ng U. S. pero babalik din naman kami kaagad. Bye, I love you.'

Kahit na umalis ito at hindi kami magkikita ay ayos lang sa akin dahil Emergency naman daw. Pero ang iniisip ko ay ano nanaman kayang pwedeng gawin ni Ryan kapag nandoon na kami.

Pagdating namin doon ay sumama na agad ang mood ko dahil nandoon yung apat na lalaki. Ang sama na agad ng tingin sa akin ng Hale na hinayopak.

"Grabe, ang dami na talagang galit sayo, Bell." Sabi naman ni Reggie ng makalabas ako galing sa likod dahil nagbihis ako ng uniform ko.

"Hayaan mo sila." Natatawang sabi ko tapos lumapit na kay Madam Barb.

"Ohh, ok ka na? Sabi kasi nila kanina baka daw hindi ka makapasok kasi namumutla ka daw."

"Ok na po ako." Nakangiti kong bati.

"Ohh, sige. Puntahan mo na yung Table 7 kanina pa yung pogi doon, ehh. Mau hinihintay daw kasi sya." Sabi nya kaya napalingon ako doon. Pero nabad trip ako dahil ang apat na unggoy ang nakita ko.

"Sige po." Sabi ko tapos mabilis na kumilos.

"Bell, nandito yung Ryan." Sabi ni Brigitte sa akin nang makalapit ako sa table nila.

"Talaga?" Tanong ko.

"Oo, nandoon, ohh!" Turo nila sa may Table 7. Nilingon ko naman iyon agad.

"Sige. Puntahan ko lang." Nakangiti kong sabi. Naglakad na ako papunta doon at nagsalitang makalapit ako sa kanya. "Can I get your order, sir?" Bigla kong tanong. Agad itong lumingon at ngumiti sa akin.

"Can I get some fresh Bella?" Tanong nya na may ngisi sa labi. Narinig ko naman tumili ang mga kaibigan ko.

"Sorry, sir. Hindi po available, ehh." Sabi ko naman.

"Ganon, ba?" Tanong nya.

"Tigilan mo na nga ako. Isusumbong kita kay Kuya." Bulong ko sa kanya.

"Ito naman. Parang binibiro ka lang, ehh." Mahina ding bulong nya habang nakanguso. Pagkatapos ay sabay kaming humagikgik.

"Isang Iced coffee nalang." Natatawang paring sabi nya.

"Hihihi. Sige." Sabi ko tayo inilista ang order nya.

- Devin's POV -

"I think it's really her Boyfriend." Sabi ni Levi. "They look so close." Sabi nya habang nakatingin parin sa dalawang taong humahagikgik sa may gilid namin. Nilingon ko iyon at parang gusto ko silang pigilan ngayon.

"Shut up, Levi. Mind your own business." Sabi ko tapos nag-iwas ng tingin.

"Jealous." Mahinang sabi nito tapos humagikgik silang tatlo. Ako naman ay tumingin lang sa papalapit nang si Taguro.

"Taguro, Isang milk tea nga." Sabi ko tapos tumango lang ito tapos umalis na. Ako naman ay hindi makapaniwala at nilingon sya ulit.

'Bakit ganon? Pag sa lalaking yon, tumatawa pa sya. Pag sa akin, tumango lang. Hindi nga nakipag-usap, ehh.'

"Tch." Mahinang singhal ko.

"Kawawa ka naman, master. Hindi ka pinansin." Nang-aasar na sabi ni Kyle.

"Shut up." Madiin kong sabi tapos uminom sa natitira kong milk tea.

'Totoong ubos na kasi.'

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik sya pero hindi pa para sa akin ang dinala nya. Nakakapag-taka lang pero sabay naman kaming nag-order pero nauna pa ang kanya.

'No!! May favoritism ka, Taguro!!'

"Ohh." Sabi nya doon sa lalaki. Ako naman ay nagkunwaring hindi nakikinig sa kanila.

"Thanks, Bella." Malambing na sabi naman ng lalaki.

"Inumin mo na yan baka matunaw pa yan."

'Huh! At pinaalalahanan pa talaga, ha?! Meron talagang nangyayaring favoritism dito!'

"Ikaw nga, kanina ko pa tinititigan, bakit hindi ka pa natutunaw?" Malambing na sabi nanaman ng lalaki.

"Sige. Lagot ka talaga sa bestfriend mo. Isusumbong kita." Ewan ko kung ano lang pero parang nagagandahan ako sa tono nyang iyon.

"He can't hurt me. He knows that I love him." Sabi pa nito.

'H-He's gay?'

"Baliw, alam nya pero isusumbong parin kita. Maka-love ka naman. Kapag may ibang makarinig nyan, iisiping bakla ka." Parang nananakot na sabi ni Taguro.

"It's ok. Isipin man nilang bakla ako, ikaw parin ang baby ko." Malambing parin iyon.

"Baby ka dyan. Gaya-gaya ka lang naman sa tawag nila sa akin, ehh." Sabi nya na parang nakanguso. Medyo malapit ako sa kinauupuan ng lalaki kaya naririnig ko silang dalawa.

"Of course. Baby na din kita ngayon, ehh. Tyaka, Si Billy na ang tinuring kong kapatid simula nung ampunin nila ako. At dahil nakita na namin ang kapatid nya, ganon din ang gagawin ko sa kanya."

'Billy? Sinong Billy naman iyon?'

"Sige na, may isa pa akong order, ehh." Paalam bigla ni Taguro. Napangisi naman ako.

"Kiss muna." Dahil doon ay napatingin ako sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko ng halikan ni Taguro ang lalaki sa pisnge. "Isa pa." Parang batang sabi nito. Tinawanan lang sya ni Taguro at umalis na.

Sa kabilang banda ko naman ay narinig ko ang impit na tilian nila Reggie. Pasimple ko silang tinignan at parang magpapatayan na ang mga ito dahil sa sobrang kilig nila.

"Here's your order, sir. Tawagin nyo lang ako kapag may kailangan kayo." Sabi ni Taguro ang makalapit sya at inilapag ang order ko pero hinawakan ko ang kamay nya bago sya umalis.

"Ita-take-out ko." Ewan ko pero parang ang sama ng loob ko. Ang ganda kasi ng appreciate nya doon sa lalaking yon, sa akin naman hindi.

"Ok, saglit lang." Sabi nya tapos kinuha ulit ang milk tea ko at dinala sa kung saan. Ang mga kasama ko naman ay nakatingin lang sa akin.

"Why?" Tanong ko sa kanila.

"Para saan yon?" Tanong ni Kyle.

"Para sa akin. Dadalhin ko sa ospital." Sagot ko naman.

"Yung paghawak ng kamay?" Tanong nya pa.

"It's nothing, ok?"

"Galit agad?" Sabi nya tapos umiling-iling naman silang tatlo. Ako naman ay nilingon nalang ang lalaking nasa malapit at nahuli ko syang nakatingin sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay at mabilis na tinanguan na parang nanghahamon ng away. Sya naman ay ngumiwi lang tapos nag-iwas ng tingin. Ako naman ay lihim na nagsaya dahil feeling ko nanalo ako.

- To Be Continued -

(Thu, July 8, 2021)