webnovel

Thirty Five

Thirty Five

Tahimik akong ngumunguya ng buscuits habang nagtatrabaho, ako nalang ang naiiwan sa loob ng opisina dahil maghahating gabi na.

Kailangan ko munang matapos itong pinapagawa ng Boss ko dahil alam kong bukas ng umaga, ay papagalitan na naman ako nun.

Kaagad tumunog ang phone ko at walang tingin-tinging sinagot ko ito.

"Hello..." loudspeaker habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa computer.

"Asan ka? Im in front of your unit kanina pa ako nagdo-doorbell" si Lovely, parang lasing.

"Nasa Office pa ako, pumasok kana lang may susi ka na man."

"Nasa Office ka pa? Magiinom sana tayo, may dala akong inumin."

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. "May tinatapos pa ako, baka mamaya pa ako makauwi. Pumasok kana lang muna sa loob." After kong sabihin iyon ay ibinaba na niya.

Nagfocus ulit ako sa aking ginagawa at binabasa. Lumipas pa ang ilang oras ng tuluyan ko ng pinatay ang aking computer.

Pagod akong tumayo sa aking upuan at binagtas ang elevator, nailapag ko na din ang revise magazine na ire-review bukas ni Sir Ver for finalization.

Inaantok na ako habang papalabas ng gusaling iyon ng sa hindi kalayuan ay may matamaan akong lalaking nakasandal sa Police Car.

"Liam?" Bulalas ko. Its been a week simula ng huli kaming magkita, and its been 2 weeks na araw araw kong nakikita ang litrato niya sa mga printed out magazine na ine-edit ko.

Wala siyang emosyong lumapit saakin.

"Its been 2 weeks, hindi kana nagpapakita saakin." Tinitigan ko siya at hindi nagsalita.

"Kanina pa kita hinihintay" Ang lapad ng ngiti niya saakin.

Para bang nawala bigla ang sakit ng katawan at pagod ko dahil sa mga ngiti niyang iyon pero napapatanong ako kung bakit? Bakit niya ako inaantay?

Is this because of what I've said to him this past few weeks?

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, hinayaan kong magpalitan kami ng mga tingin habang may gusto akong tanungin sakanya pero this damn mouth of mine didnt have a courage to ask about it.

"M-Medyo naging busy kasi for the revision of the magazine, alam mo naman we need a teamwork para mas maganda ang outcome" I dont know pero bigla akong nagpaliwanag sakanya.

Ayoko na kasing magtanong dahil alam kong hahaba na naman ang usapan.

Nagsimula narin akong humakbang patungong hintayan ng Taxi at nakasunod parin siya saakin.

"Ihahatid na kita, tutal mag pa-patrol din naman ako around this area."

"No, hindi na. Baka maabala pa kita."

"Halika na, mas safe ka kapag saakin ka sumama. Madaling araw na marami ng masamang-" napatigil siya sa pagsasalita ng masama ko siyang tiningnan.

"Akala ko ba after that night okay na tayo, I already told you about everything na gusto mong malaman. And now youre here again." Madiing sambit ko.

Lumapit siya saakin at nagwawala na naman ang puso ko.

"Did I tell you na hindi pa iyon ang huling beses na magkikita tayo?" Naiwan akong nakanganga sa ere dahil sa sinabi niya.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa gusto niya, ipinasok niya ako sa sasakyan at walang sali-salitang nagmaneho patungong Unit ko.

Pasado alas tres na ng madaling araw ng makarating kami sa tapat ng Condo Unit. Naiilang pa akong magpaalam sakanya ng biglang kumulo ang tiyan niya, kaagad nanlaki ang aking matang tiningnan siya at hindi mapigilang hindi matawa.

Pati siya ay natawa na rin.

"H-Hindi ka pa kumakain?" Tanong ko rito. Kaagad siyang tumango sa sinabi ko.

"Do you want to go to my place, I'm not sure kung may pagkain pa ako pero alam kong may mga instant noodles ako doon." Kaagad siyang tumango sa sinabi ko at lumabas ng kanyang sasakyan. May courtesy parin naman ako, all in all hinatid niya padin ako for my safety.

Naglalakad na kaming dalawa sa kahabaan ng hallway at kanina pa din ako napapatanong saaking sarili, kung tama ba ang ginawa kong pagalok sakanya sa bahay? Haist! I dont know basta bahala na nga.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga ng nasa tapat na kami ng Unit, kinuha ko ang susi saaking bag at matagumpay na nakapasok.

Iginaya ko papasok si Liam ngunit natigilan ako ng makita ko si Lovely na lasing na lasing na tumutungga parin ng alak, nagpapatugtog din siya. Awkward akong napangiti kay Liam at dali-daling tumakbo roon. Nakita ko pa ang pag-ngisi niya habang pinapanuod akong natataranta.

"Billy, my friend Billy. Finally...."Lovely, hinampas hampas ko siya habang sinusubukan kong itayo siya sa kanyang pagkakaupo.

"Uy, gumising kana nga! Ililipat kita sa kwarto..."

"Why? Why? Why? Magiinom pa tayo..." kaagad siyang ngumawa sa harap ko at umiiyak. Napatingin ulit ako kay Liam na nakamasid lamang saaming dalawa. Itinatago niya narin saakin ang mga ngiti niya. Ngumiti ako sakanya ng parang tanga at binalik ulit ang tingin kay Lovely.

"Hindi pa nga tayo nagsisimula, kakarating mo lang diba? Mag-iinom pa tayo...." lasing na lasing na bigkas niya.

"B-Bukas nalang tayo maginom. Masyado ng gabi, kakarating ko lang."

"No!" Winawagayway niya pa ang kanyang hintuturo saakin.

"Ngayon tayo mag-" at tuluyan na nga itong bumagsak. Napasinghap ako at nagmamakaawang tumingin kay Liam.

Tinulungan niya akong ipasok sa loob ng kwarto si Lovely, kinumutan ko lamang ito at lumabas na. Sumunod na rin saakin si Liam. Dali-dali kong niligpit ang mga nakakalat na bote ng alak na nasa sahig habang si Liam naman ay nakamasid sa mga naka-display kong litrato.

"Pasensya kana, di ko naalalang nandito nga pala si Love at inaantay ako."

"Its okay." Tugon niya. Nagtungo ako sa kusina at nagsimula ng magluto. Itinabi ko na din ang mga bote ng alak sa trash can.

Nilingon ko ulit si Liam at nakaupo na ito sa dining table at pinagmamasdan ako.

Inilapag ko na sa harap niya ang noodles na niluto ko at naupo narin.

"Pasensya kana kung iyan lang mao-offer ko, hindi kasi ako gaano nagluluto dito sa bahay."

Hindi siya nagsalita at kumuha na ng pagkain roon. Bigla akong nailang, hindi ko alam kung tama bang kumakain kami ng ganitong oras.

Sumubo na din ako ng pagkain.

"Ilang oras ka palang naghihintay roon?" Wala sa sariling tanong ko.

"Since 5pm..." simpleng sagot niya. Natigilan ako sa pag-nguya at binigyan siya ng kakaibang tingin.

"Bakit? I mean why? Bakit mo ko hinihintay?"

"To see you..." Mas lalong lumukso ang puso ko sa sinabi niya.

"I miss you." Wala akong emosyong nakatingin sakanya.

Samantalang siya ay nakayuko lamang habang kumakain na para bang wala lang sakanya ang mga sinasabi niya.

"I keep looking in my office, hoping that you'll appear kaya hinintay kita"

Nagtama na ng tuluyan ang aming mga mata at nangungusap ito saakin.

Napalunok ako at umiwas ng tingin.

"I'll have to go" kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko at umayon sa sinabi niya.

Wala akong sali-salita habang nagpapaalam siya saakin sa labas ng Unit.

"Make sure that you lock your door, mga babae pa naman kayo..." tumango tango kaagad ako, ngumiti at sinarado ang pinto.

Napahawak kaagad ako sa nagwawala kong dibdib ng tuluyan ko ng maisarado ang pinto.

Why he's telling all about it na para bang wala lang iyon sakanya? Why?

Is he seducing me using that word?

Billy, relax.