webnovel

Prologue

Sa mga panahong konti palang ang tao sa mundo, bilang palang ang populasyon, nagsama-sama ng kapangyarihan ang pitong prinsipe ng impyerno upang buksan ang lagusan sa impyerno papunta sa mundo ng mga tao.

Lumabas silang pito at nagpanggap na tao. Nakihalubilo at nagpalaganap ng kasamaan.

LUCIFER- pinakamataas ang trono sakanilang pito. Ang prinsipe ng pagmamataas. Gusto niyang siya ang sambahin at gawing diyos ng mga tao. Mapangahas siyang tumaliwas sa utos ng Langit. Ginusto niyang agawin ang trono kaya niya sinimulan ang digmaan ng mga anghel.

SATAN- ang prinsipe ng galit. Ang kanang kamay ni Lucifer. Misteryoso ang pamamalakad tulad ni Lucifer at ng Maykapal. Rinerespeto din siya ng mga kapwa niya prinsipe.

MAMMON- ang prinsipe ng kasibaan. Siya rin ang nanlilipon ng mga demonyo. Ang manunukso ng impyerno. Tagabitag ang tungkulin niya.

BELPHEGOR- ang prinsipe ng katamaran. Tinutulangan niya ang mga taong makadiskubre. Inaakit niya ang mga taong gumawa ng mga mapanlikhang imbensyong nakakapagpayaman. Madalas siyang nagpapanggap na magandang babaeng nakakaakit.

ASMODEUS- ang prinsipe ng kalibugan. Sa pakikipagtalik siya nabubuhay. Mapababae o mapalalaki wala siyang paki-alam. Sabay-sabay ang karelasyon at napakasinungaling.

LEVIATHAN- prinsipe ng inggit. Kasama sina Lucifer, Satan, at Beelzebub, silang apat ang unang bumagsak sa impyerno. Siya ang nagpapalaganap ng tsismis na sumisira sa mga relasyon.

BEELZEBUB- ang prinsipe ng katakawan. Gumagawa siya ng mga idolong sinasamba ng mga tao. Linilinlang niya ang mga lalaking makapangyarihan upang ang mga ito'y maging uhaw sa pagsamba sa kanila ng mga tao.

Sa kasalukuyan, ang pito ay nasa Maynila upang maisakatuparan ang kanilang nais: ang mundo'y ang susunod na impyerno.