webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
41 Chs

Chapter 27

"I'll drive," Sambit ko sa kanila pero hindi pa ako pinayagan nung una dahil daw baka mabunggo ko lang.

"Ako na lang Xy, pambawi lang namin to sayo" Tumango na lang ako sa sinabi ni Kuya Drake at lumipat ng pwesto dahil gusto kong maka tabi si Kuya Sean.

"Ok ka lang?" Tanong niya ka agad ng ipatong ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit.

"Ok lang" Bumuntong hininga ako. "Matapos na sana to,"

Naramdaman kong niyakap nya ako at inihiga sa dibdib nya kaya nakaramdam ako ng comfort sa kanya. Si Kuya Sean ang pinaka close ko na kapatid kahit na bihira lang kami magkita, dahil ako yung madalas wala sa bahay.

"Huwag kang mag-alala Xy, nagsisimula pa lang naman tayo. Basta't ingatan mo lang ang sarili mo," Tumango ako sa kanya at patulog na sana nang maramdaman ang bilis ng sasakyan kaya napalingon ako.

Pagkalingon ko ay may sumusunod sa amin kaya dali dali kong kinuha ang baril sa ilalim ng upuan at binuksan ang bintana.

"Careful!" Sigaw ni Kuya Axle ngunit hindi ko nandiya pinansin at tinutok sa kalaban upang mabitawan niya ang baril niya.

Kasunod noon ay ikinasa o ang baril ko at pinutok sa gulong ng kalaban kung kaya't nag gewang ang sasakyan hanggang sa mabunggo ito ng truck kung kaya't napisa ito kasama ang mga nasa loob.

Napabuntong hininga ako bago ko ipasok ang katawan ko sa loob ng may nagsalita. "Good Job, Xy!" Sambit ni Kuya Axle kaya inirapan ko siya.

"Basic," Simpleng sambit ko ngunit ng malingunan ko si Kuya Sean ay masama ang tingin nito sa akin na ipinagtaka ko.

"Delikado ang buhay mo, ikaw ang tina-target ng kalaban. Pansin ko lang dahil miyembro ka nang Arsia" Biglaang sambit nito pero hindi na lang ako nagsalita at niyakap na lang siya.

****

"We're here," Sambit ni Kuya Drake kaya nagising na ako. Sabay naming binuksan ang pinto ng kotse at lumabas.

"May dala ba kayong echo bag?" Tanong ko sa kanila at tumango naman si Kuya Axle.

"Oo, apat pa nga e." Ngising sambit niya sa akin at pinantayan na ng lakad si Kuya Drake habang kaming dalawa ni Kuya Sean ay nasa likod nila.

"What's your plan, Xy?" Sambit niya bigla.

"To enjoy this moment," Hinawakan ko ang kamay niya para hindi kami mahuli sa dalawa.

Nang makarating ng grocery store ay kanya kanyang kuhaan ng mga gusto nilang bilhin at hindi inintindi ang mga babaeng nakatingin sa kanila.

Kumuha ako ng potato chips, nova, cheese ring, snaku at iba pa. Sabay naming kinuha ni Kuya Sean ang Soju at inilagay sa cart na hila hila ni Kuya Drake.

"Kids, wag puro chi-chirya at alak. Kumuha kayo ng biscuits at magkita tayo sa meat section," Sambit nya kaya tumango kami.

Nagkahiwa-hiwalay kaming apat sa grocery store at hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Kumuha ako ng fudgee bar at rebisco choco. Paalis na sana ako ng magulat dahil may humawak sa kamay ko.

Paglingon ko ay mas lalo lang akong nagulat nang si Lia pala ito. Natawa siya sa reaksyon ko kaya pinitik niya ang noo ko. "Gulat na gulat ang gaga, wag ka kaseng magkape."

"Hindi ako nagkakape, bakit ba kase hindi mo man lang tinawag pangalan ko?" Minsan ay ganyan siya at basta na lang kung maka hawak kaya nagugulat ako!

"Long time no see, araw-araw kana naman kinakamusta ni Ace, eh hindi rin naman tayo lagi magkasama." She shrugged her shoulders at kumuha nang cream-o vanilla.

Mukhang hindi sadya at coincidence lang ang pagkikita namin ni Lia dahil may hawak din syang basket. Kaunti lang siguro ang bibilhin nito.

"Ok naman, bakit wala ka yatang kasama?" Tanong ko bigla dahil mag-isa lang siya.

"Busy sa work, alam mo na. Kahit ako, minsan ay busy rin pero hindi namin kinakalimutan paalalahanan ang isa't isa," Ngiting sambit nya ang tumingin sa akin. "Bakit mo iniiwas ang tanong ko?"

Napa iwas ako ng tingin at nameke ng tawa. "Hindi ah, baliw."

"Anong baliw? Kawawa yung tao xy, ikaw palagi ang hinahanap." Napabuntong-hininga siya na para bang nai-stress na. "Ano bang balak mo, may plano ka bang mahalin yung tao?"

"Oh no, this isn't the right time Lia. Kasama ko ang mga kapatid ko," Paghingi ko ng tawad at sinasadyang ipalusot iyon kahit totoo.

"O sige, siblings bond pala. Pagbibigyan kita pero hindi pa tayo tapos mag-usap." Nagpaalam na rin siya sa akin kaya naman dali dali na akong umalis doon at nagpunta ng meat section.

"Mag Caldereta tayo mamayang hapunan tapos chopsuey kinabukasan."

"Bakit kulang yang de lata mo Sean? Bumalik ka roon at kumuha ka ng marami,"

"Sabi ko nga,"

Pag-uusap ng tatlo at ako na lang pala ang wala kung hindi pinabalik ni Kuya Drake si Kuya Sean. Napatingin sa akin ang dalawa nang maramdamang nandito na ako.

"Napano ka, namumutla ka yata?" Kunot noong sambit ni Kuya Axle

"Gutom kana ba? Mag Shakey's nalang tayo after nito." Kinuha na ni Kuya Drake ang manok bago kami umalis doon.

"Wala naman, baka nga nagugutom lang ako." Kaka kain ko lang, imposible na magutom agad ako.

Sinalubong namin si Kuya Sean bago kami pumunta ng counter upang magbayad ng mga pinamili. Puno ang cart kaya marami silang bibitbitin. Habang ako ay dala lang ang white sling bag ko.

Nang matapos ay kumain nga kami ng Shakey's. Pizza, Mojos and spaghetti lang ang nandoon dahil busog pa kami.

"My treat, kaya wag na kayong mag ambagan." Sambit ni Kuya Drake kaya nasi tanguan na lang kami.

Humingi ng pabor si Kuya Drake kung kaya naman pinicturan kami ni Ate bago kumain.

****

"Tinamad na akong magluto, sino pwedeng mautusan?" Pagkarating ng bahay ay nasihigaan sa malaking sofa na nagiging higaan.

"Hindi ko kayo maintindihan, may mga maids pero bakit tayo pa rin ang gagawa?" Kunot noo na tanong ko sa kanila.

"Pinauwi ko muna princess, ako na ang magluluto" Nagsihiyawan ang dalawa nang magsalita si Kuya Sean.

Nagpaalam na muna akong aakyat ng kwarto para magbihis at lumabas muna saglit ng bahay upang makapag pahangin.

"Sorry po," Paghingi ko ng tawad kay Kuya na parang kasing edad lang nila Kuya.

"It's okay," Sambit nito.

Pagkalabas ko ay nabangga ko siya dahil nag b-bike yata dito at nag iikot sa subsivision. Nahulog pa niya ang bracelet nya kaya yumuko ako upang pulutin yon ng mahawakan niya ang kamay ko.

"Sorry," Sambit naming dalawa kaya nagkatinginan kami.

Kumunot ang noo nya na ipinagtaka ko. May dumi ba sa mukha ko para pagkunuotan nya ako ng noo?

"Mag-iingat ka, Xyria. Don't let them to defeat you."