webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
41 Chs

Chapter 12

Kinabukasan ay inaantok pa ako dahil kakaisip kagabi ng sinabi nya. Hindi rin malaman kung bakit ko pa kailangan isipin iyon at 3am na ako naka tulog.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya sinubukan pa itong kunin habang inaantok pa.

"What?" Paninimula ko.

[I heard na napuyat ka, kaya ako na ang pupunta dyan,]

Napabangon ako bigla ngunit biglaan akong nahilo kaya napahawak ako sa ulo ko bago sya sagutin.

"Hindi na kailangan, papunta na din ako sa inyo at baka maghintay sina tita sa akin,"

[I'll fetch you, see you.] At binabaan na ako ng call.

Napa irap ako at bumangon na upang maligo. Matapos ay nag suot na lang ako ng white jeans at black croptop suit and 4 inch sandals ko na white at black sling bag.

Nagpabango na din ako at nag ayos at itinali ang buhok ko nang half ponytail bago umalis nang walang kain.

Nakita ko ang sasakyan nya kaya naman walang sabing pumasok ako nang magsalita sya.

"You look, beautiful." Napa irap ako sa sinabi nya na para bang bago pa sa pandinig ko.

"Just drive, may kikitain pa ako mamaya." Inip na sambit ko at inilabas ang earpods at cellphone ko upang duon na lang mag music.

"Who?" Seryosong sambit nito bigla ngunit hindi ko na sya pinansin at ipinikit ko na lang ang mata ko upang umidlip ulit.

***

Nagising na lang ako nang tumigil na ang sasakyan at magtatanghali na din.

"We're here," Pinarada nito ang sasakyan sa tapat nang mansyon nila kaya agad na akong bumaba nang iunlock na nya ang pinto.

"Wait for me," Hindi ko na sya pinakinggan at naghintay na lang nang walang kibo.

Nailang ako nang hawakan ako nito sa bewang ko ngunit pilit na lang na ngumiti at makisabay para hindi na ako makarinig nang reklamo mula sa kanya.

"The two lovers are here! Hi Xyria!" Ngumiti ako sa Pamilya na sina Tita Kristen at Tito Kaizer

"Good afternoon po," Pilit na bati ko sa kanila nang nginitian ako nang mag-asawa

"Come here, let's eat! it's lunch time!" Palakpak ni Tita Kristen at hinigit ako papunta sa kanya, kaya naman pumunta na kami doon.

Nagulat ako dahil nandoon din sina Mommy at Daddy kaya naman napatayo sila nang makita ako.

"You're late, my gosh buti na lamang at mababait ang pamilyang Gonzales," Naiinis na sambit ni Mommy sa akin ng ibulong nya iyon kaya naman napa irap na lang ako sa utak ko.

"Mom, I'm here na, so stop talking" Ngumisi ako sa kanya at ramdam ko ang masamang tingin sa akin ni Daddy kaya naman umayos na ako nang upo habang katabi ang fiancé ko

"Now, let's eat!" Energetic na sambit ni Tita kaya naman nagsimula na kaming kumain.

"Kailan ang kasal?" Sambit ni mommy habang ako ay patuloy pa din na kumakain.

Dahil sinigang, adobo at caldereta ang ulam nila at halos paborito ko lahat ay napadami ang kuha ko. Hindi ko rin naman pwede na hindi tikman ang lahat dahil masarap magluto ang mga maids nila.

"Next year mare, kinakailangan ko pang asikasuhin ang papers nang anak ko" Sambit ni tita.

"Hindi ba pwede na mas mabilis kaysa umabot nang isang taon?" Sambit naman ni Daddy.

"No, because we are busy to work at medyo hassle sa trabaho. Pero huwag kang mag-alala at matutuloy naman ang kasal nang anak mo at ang anak namin ni Kristen," Paninigurado ni Tito.

Hindi nalang ako nagsalita at kumain nalang habang ang katabi ko naman ay busy sa akin at panay ang bulong.

"Why your face is like that? Hindi kaba masaya na ikakasal ka sa akin?" Bulong nito kaya hinarap ko sya.

"Hindi." Simpleng sambit ko na ikinainis nya base sa ekspresyon nya.

"A lot of girls are dreaming about me and like me. Madaming humahanga sa akin tapos ikaw, ayaw mo?" Kumunot ang noo ko sa kanya at nagsisimula nang mainis.

"Anong pinagmamalaki mo?" Takang tanong ko at uminom na muna nang tubig bago magsalita ulit. "Edi doon ka magpakasal sa babaeng gusto ka at interesado sa'yo." Irap ko pa.

"You're lucky that I pick you." Nagulat ako ng bigla itong hinalikan ang tenga ko kaya nahampas ko sya.

"Well, it's a hell for me cause I am not interested with an obsessed person like you," Halos hindi na namin marinig ang pinag uusapan nila dahil nagtatalo na kami dito.

Bigla siyang tumayo kaya napatigil sila sa pag-uusap at tinignan sya.

"What's wrong son?" Tanong ng papa nya.

"Will you excused us, please?"

"Sure Iho," Pagpayag naman ni mommy kaya tumayo nalang din ako at sumunod sa kanya.

Nagpunta kami nang garden at ramdam ko ang bawat pagbigat nang hininga nya at pag pula nang mukha nya.

"What's wrong with you? Natapakan ba ang ego mo kaya ganyan ang itsura mo ngayon?" Pagtataray ko sa kanya habang nakahalukipkip ako sa harap nya.

Nabigla ako nang isinandal nya ako sa pader nila at mariin ang titig sa akin. "I will let this pass, and I know you have a boy best friend and I'll be watching him if he crossed the line" He threatened at napalunok ako doon.

Sinubukan kong magsalita nang hindi mahalata ang kaba ko. "As if you're gonna kill him if he crossed the line, will you?

"YES! AND YOU'RE MINE, I WILL KILL HIM IF HE STOLE MY love and.. my life.. you're my world baby and also my half." Sabay hawak nito sa pisngi ko at lumambot ang tingin nito sa akin. Sinubukan nyang halikan ako pero hindi iyon natuloy nang maka ilag ako.

"If you say so,"