webnovel

RANDOM STORIES

Real_Story_4626 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
38 Chs

Pangarap

Iba't ibang klase ng tao ang ating nakaka salamuha. Merong bata, matanda at pwede itong babae, lalake, tomboy man o bakla ang lahat ng iyon may kanya kanyang pangarap dahil kasama ito sa ating pagkatao.

Pero para sa akin ang pangrap ay nakabase sa kaligayahan at kung ano man ang nasa puso natin. Tayo ay may iba't ibang pagkatao na mayroong iba't ibang pangrap.

Pero minsan aminin natin na masarap din sa pakiramdam ang pahiga higa lang, yung tipong nakatunganga ka lang. Yung tipong lagi kang late sa klase tapos minsan naglalaro ka ng ML hindi ka maabala. Pero kahit na ganon ay alam natin sa sarili natin na may mararating tayo at gusto maging successful balang araw.

Sa tuwing natutulog ka panigurado ay napapaisip ka din minsan na marami kang gusto para sa buhay mo. Pero ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon may ginagawa ka ba para maging makatotohanan lahat ng gusto mo?

Tandaan niyo wag natin hayaan sabihin ng ibang tao na wala tayong mararating sa buhay. Ang the best dyan wag mo na lang pakinggan ang sasabihin ng ibang tao sayo.

Sarili lang natin ang nakakakita ng pangarap natin at sarili lang rin natin ang may kakayahan na gawin ito upang ating makamit.

Ang pangrap ay hindi lang naman sa sipag at tiyaga yan. Kailangan din ng puso at pananampalataya para maabot ito.