Marami akong nakikitang mga chixs tapos yung bf nila alam mo na di ganon ka gwapo o kaya baliktad naman. Wag tayong magmalinis alam kong ganun din kayo magisip kala niyo ha!
Yung tipong parang sa kanta lang ni Abra na "Gayuma" o kaya sa kanta ni Toni G. na "Kahit na". Pero pag dating sa pagibig may mga tipo tipo rin kasi tayo dyan.
Kung krimen siguro ang nagmamahal ng panget nako maraming makukulong. Charot lang!
Kung gwapo ka o maganda ka, aba swerte mo. Pero kung sa tingin mo panget ka, tumabi ka na lang sa sigurado kang mas panget sayo. Charot lang ulit!
Tandaan nyo. Walang panget sa mundo. Sadyang umaangat lang ang ganda/gwapo ng iba kaya mas umaangat sila sa paningin ng iba.