Nagpagulong-gulong sa kinahihigaang sofabed si Ferol sa sobrang kilig, tuwa, ligaya, langit at saya na nararamdaman niya. Tila sasabog siya na ewan. Tila hihimatayin, tila naiihi. Samut-saring emosyon na biglang nagpahyper sa kanya. Napatili na lang siya bigla.
Lumipad ang stuffed toy na si Tweety Bird sa pagmumukha niya. "Aww! Trinketa problema mo?" asik niya dito pero agad rin siyang tila timang na ngumiti sa kaibigan niya. "Sheeeeeyt. Sinagot na ako ni Cash." dinampot niya ang dilaw na ibon. "Hoy! Ano'ng akala mo sa akin? Bad piggy?"
"Hindi. Honey." Sabad ni Fria. Sabay lipad ni Winnie, the Pooh sakto sa mukha niya. "Iyan, nakalimot yatang magsuot ng karsunsilyo. Ano sisigaw ka pa?" pinandilatan pa siya nito.
"Ang sasama ninyo. Kinikilig lang eh." Yakap ang dalawang stuffed toy na ibinato sa kanya. "Hindi na ako forever alone!" niyakap niya ng mahigpit ang mga pobreng nilalang.
"Nandoon ang banyo Ferol, feel free to use it." Ininguso ni Trinket ang kinaroroonan ng banyo. "LBM 'yan, ilabas mo lang."
Pinaningkitan niya ito ng mata.
"Trinketta, pwede ba'ng ibato itong si Garfield?" hawak ni Fria ang isa sa pinakamalaking bulak na orange este stuffed toy sa kwartong iyon. "Baka sakaling magising iyan si Ferolyn."
"Albularya, iyon si Pikachu mas mabigat at mas malaki." Inaantok na sabi nito.
Tinawagan sila ni Trinket nang malaman nitong may boys night out ang mga Kuya nito. Pagkakataon na daw uli nilang magbonding. Heto nga nagpasyang sa mansion ng Rich sila matutulog. Iyon nga lang hindi sila nakumpleto.
Nahiga uli siya. "Ang sarap pala sa pakiramdam ang ganito mga abno. Or first time ko lang 'to kaya masyadong O.A ang reaction ko?"
"Ewan ko, tanungin mo si Fria. Siya ang may mahabang buhok sa atin eh."
"Masaya naman." Malungkot na sagot nito. Pilit na ngumiti sa kanya. "Ganyan rin naman ako kay Jakob eh kaya lang.." napabuntong hininga ito.
"Si Kristin." bumangon siya at niyakap ang kaibigan niya. "Magkakaayos rin kayo. Tiwala lang."
"Ang Ferol natin Trinket may tiwala nang nalalaman." Kantiyaw nito habang pinapahid ang namumuong luha sa mata. "Dalaga na ang abno."
"Ayos iyan, solo flight na ako nito." Bumaba ito sa kama at binuksan ang isang drawer. Naupo ito sa kanyang tabi at ipinakita ang isang envelope.
"Ano iyan?"
"Dito nakasalalay ang kapalaran ko kay Tutti." Pinitik nito ang sobre. "Maniniwala na talaga ako sa happy ever after na iyan, nagkahimala na eh. Yon Master ko'ng si Frynce, nakitaan ko ng.."
"Abs?" sabay pa nilang bulalas ni Fria.
"Mga abno! Isang evil look lang no'n tigok na ako. Makitaan ko pa ba ng abs 'yon?"
"Wag mo'ng sabihin may tama ka sa Master mo'ng iyon? Paano na si Tutti mo?"
Huminga ito ng malalim. "Hindi na niya ako kailangan, may kapalit na ako sa puso niya." Saka ito ngumisi. "May puso na si Young Master, parang si Cash. nagkaroon lang ng "alipin" nainlababo na."
Napamata sila dito. "Ibig sabihin hindi ka na magtatrabaho sa kanya? Hindi ba mukha kang pera? Papaano na ang limpak-limpak na salapi na sweldo mo sa amo na 'yon?"
"Cash lang 'yon. Nandyan naman ang restobar ni Raville, mamasukan na lang ako'ng waitress. Tamad ako'ng mag-apply eh."
"Cash ka ng cash Trinket, suntukan gusto mo?" pabirong inambaan niya ito ng suntok.
"Kahit wrestling pa 'yan. Nakakatuwa lang kasi, mabait na si Kupido sa lahat."
Sinipat niya ang ulo at leeg nito. "May sakit ka ba bata?"
"Baliw, wala 'no. Makikikilig na lang muna ako sa inyo, Kahit second hand na kilig lang. Masaya ako kasi sa wakas. Naghihimala na ang langit."
Inirapan niya ito. "Kung isalpak ninyo sa face ko si Tweety at Pooh, parang hindi kayo natutuwa sa akin."
"Frii, saksakan mo kaya ng heringgilya 'tong si Ferol. Naabno na naman."
"Wag kayo'ng ganyan hindi ko pa nga nararanasan ang.."
"Ang langit Ferol?" walang gatol na wika ni Fria. "Takpan mo ang mata at tainga mo Trinket. SPG 'to."
Napangiti na naman siya nang maalala niya ang nangyari sa kanila ni Cash noong isang araw. Pinamulhan siya ng mukha.
"Anak ka ng nanay mo! Anak ng tokwa." Tinakpan niya ng unan ang mukha ni Trinket.
"Alam ko ang nasa isip mo sira-ulo ka. Wag mahalay sumbong ka namin sa kuya mo."
"Pwede ba ako'ng manood ng live show?"
"Tumigil ka na Trinket!" singhal niya dito.
"Uuuy. May jowa na siya. Nagpupuso-puso ang paligid oh."
Hindi niya maiwasan kiligin sa brutal na tudyo ng mga praning. Mahigpit niyang niyakap si Pooh sa sobrang kilig.
"Pare, virgin pa 'yan si Pooh at walang suot na karsunsilyo. Mahirap na baka.."
"Abno! Bakit ba kasi ang dami mo'ng manika dito sa kwarto mo? Wag mo sabihin tatalbugin mo si Fria sa pangkukulam?"
"Isa ka pa Ferol, hindi ako magkukulam. Manggagamot lang. kulamin ko kayo eh."
"Wag naman mawawalan ng magandang misis si Cash."
"Naks misis daw! Agad agad Ferol?"
"Frii, daw kiti-kiti iyan kanina habang may kausap sa telepono. Lakas ng tama nito."
"Ikaw kaya ang kiligin ng bonggang bongga. Try mo."
Nagtalukbong lang ito ng kumot. "Inidoro lang ang katapat nyan."
Nangislap ang kanyang mga mata. Nakapaskil ang ngiti sa kanyang mga labi. "Cash, pwede kayang maging ringtone ang boses mo?"
Impit na tili ang pinakawalan niya. Wala na laglag na talaga ako nito.
KINABUKASAN maaga siyang nagising para makapagluto ng agahan nilang magkakaibigan. Matapos makapag-toothbrush at maghilamos. Agad siyang nagtungo sa kusina nina Trinket. Pakanta-kanta pa siya habang naghahanda ng iluluto.
"Love moves in a mysterious ways.." patuloy lang siya sa pagkanta, "It's always so surprising.."
"Morning."
Napahinto siya sa pagbirit ng mala-Nina na Love Moves In Mysterious Ways at napalingon sa nagsalita. "Magandang umaga rin." Bati niya. nagtatakang tinitigan niya ang babaeng nakaupo sa hapag na nagtitimpla ng kape.
"Ako nga pala si Jeane." Pakilala nito. "Pinsan ni Trinket." Kiming ngumiti ito sa kanya.
Napanganga lang siya dito. may pinsan pala ni Abno si Rhian Ramos?
Agad siyang tumalikod at hinarap ang niluluto. Baka mahalata kasing napanganga siya kakahiya naman. Ano 'yon? Tao ba 'yon? palihim niyang tinignan ang kanyang sarili. Ang ganda ko kaya. Kahawig ko kaya si Dana Gracia.
"I'm Ferol, kaibigan ni Trinket. Pasensya na kayo, nakialam ako sa kusina ninyo."
"No worries, mabuti nga 'yon may breakfast. I can't cook kasi. Wala pa naman ang mga boys dito."
"Oo nga eh." Tamad nga pala magluto ang prinsesita nila. Kain lang ang alam pala no'n.
"Kamusta naman ang buhay-buhay Ferol?" tanong nito.
"Heto, maganda pa rin ako mula noon hanggang ngayon." Bakit parang ang sarap supalpalin ang babaeng ito.
Bahagya itong natawa. "Maganda ka nga."
Napataas siya ng kilay. Tagos sa ilong ang bira mo hija. Dahil nakatalikod siya mula dito. hindi niya nakikita ang itsura nito habang sinasabi nito na "maganda siya."
"Oo naman Miss Jeane, sino ba'ng tao ang gugustuhin itanggi ang kagandahan kung totoo naman, hindi ba?" nakangising wika niya. Akala mo ha? may feel ako'ng kakaiba. hmm
"Drop the Miss, Ferol. Hindi ka naman na others, I guess."
Hindi talaga ako others, ikaw ang parang galing sa other planet.
"Ikaw Jeane. Kamusta ang buhay-buhay?"
"Bigo, bumangon, bigo ulit. Haay ang lupit ng pag-ibig sa akin."
"Iyang gandang iyan mabibigo?" halos itirik niya ang mga mata niya ng sabihin iyo. "Oh eh bakit ka naman nabigo?"
"May iba na siya eh." Malungkot na hayag nito.
"Saklap naman 'non." Inilapag niya ang nilutong pancit canton. "Yan pampalubag loob. Hot and spicy iyan parang mga fafa dito sa village."
Parang si Cash. Yum yum. ani ng malandi niyang isip.
Sa pagkakataon iyon nakita niyang pinamulahan ito ng mukha. Napangisi siyang bigla. Ay may something. "Kain ka ng marami Jeane, baka pag gising ni Trinket at Fria. Taob ang lutuan."
"Oo ba." Sumubo na rin ito. "May kilala ka ba'ng Rome?" pagkakuwan ay tanong nito.
"Rome." napakunot-noo siya. "Si Mang Rome na hindi ko ma-gets kung mabait o suplado?"
"Oo. Siya nga." Pagkumpirma nito. "Antipatikong iyon." Halos pangigilan nito ang hawak na kutsara.
"Ay ipinaglalaban ka ba ateng?"
Natigilan ito. "Wala naman Ferol." Ipinaypay nito ang kamay sa mukha. "Ang anghang pala."
Inabutan niya ito ng isang basong tubig. "Ang hot di'ba? Pero mas hot si Cash ko."
Humalakhak ang malditang isip niya. Bakit totoo naman ah, hot si Cash ko.