webnovel

Protecting the Playboy

Themara Nixon needs to protect Webster Dect. Webster Dect is a son of an attorney. His father is a good attorney and fight for what's right but then his father got some enemies and one of them wants Webster Dect to be killed.So Themara Nixon, a secret agent needs to protect him at all cost. May chance kaya na ma inlove sila sa isa't isa?

Sheila_Jane_Turno · Teenager
Zu wenig Bewertungen
12 Chs

Chapter 6

Themara's P.O.V

Ilang araw na ako dito sa hospital, pwede ko namang iwan si Web dahil nandito naman ang mga magulang at dumadalaw din ang kaibigan niya pero kailangan kong makasigurado. Pag nalaman to ni daddy talagang magagalit yun, psh.

Napatingin naman ako kay Web na natutulog, nasa paanan naman niya ang mommy at daddy niya. Gusto kong matawa sa isiping mama's boy siya pero sa kabilang banda, ang swerte niya. May ina naman ako pero hindi nga lang kasing ganda ang trato sakin. Hiwalay na sila ni dad at mas pinili kong sumunod kay dad sa maraming dahilan.

"Hija," napatingin ako sa ina niya ng tawagin niya ko.

"Yes, maam?" tanong ko at lumapit.

"Tita Maria." pagtatama niya sakin, tumango naman ako.

"Hindi pa kami nakapag pasamalat sa'yo, maraming salamat sa pagligtas mo sa anak namin." napatingin naman ako sa ama ni Web at ngumiti sa kanilang dalawa.

"Paano mo pala nagawa yon?" iginaya naman ako paupo ulit ni tita Maria sa sofa. Nanatili parin si tito Ferguson sa paanan ni Web.

"Ah.." hindi ko alam ang sasabihin, nangangapa."Hindi ko rin po alam. Siguro masyado lang mahina yung tatlo para patumbahin ako." parang nagmamayabang pa ang tono ko.

Mahina namang tumawa si tita Maria at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Gusto na tuloy kitang maging kasintahan ng anak ko, napaka bait at napaka tapang mong bata." aniya kaya napalunok ako. No way!

"Ah hehe. Hindi po pwede."

"Baket hindi?"

"Hmm.."

"Okay. Hahaha! Alam ko namang di pa kayo handa." gusto kong itama ang sinabi niya pero mas pinili ko nalang manahimik.

"Maria, let's go." tawag sa kanya ni tito Ferguson. Tiningnan naman ko ni tita at ngumiti.

"Ikaw muna ang bahala kay Web." sabi ni tita at lumabas kasama ang asawa. Napabuntong hininga naman ako at lumapit kay Web pagkatapos ay kumuha ng upuan at umupo malapit sa kanya.

Napatitig naman ako sa magandang mukha niya. Napaka gwapo mo sana. Hindi ko mapigilang humanga sa mukha niya kahit na natutulog, para siyang inosente. Pero pag nagising.. tch.

Bumalik naman sa alaala ko ang nangyari nong tuluyan siyang sinaksak ng lalaki. Parang gusto kong pugutan ng ulo ang lalaki sa gulat ngunit alam kong isa na yung kasamaan. Parang nanginginig ang lahat ng katawan ko ng isakay siya sa ambulansya at ako ang nasa tabi niya, ang dami na nang dugo sa damit at bibig niya, idagdag mo pa ang bugbog sarado niyang mukha.

"Hindi pa naman masyadong malaki ang katawan mo, psh."

"Nang-iinsulto ka ba?" agad akong napalingon kay Web ng magsalita siya pero nakapikit parin ang mata niya.

"Wag kang masyadong dumikit sakin."  anito.

"Dumikit ba ko?" naiinis kong tanong.

"Medyo. Kinakapos kasi ako ng hininga." diretsong sabi niya.

"Hawak ko ba ang hininga mo?" pambabara ko.

"Wag ka ngang pilosopo!"

"At wag ka ding assumero."

Natahimik naman kaming dalawa. Wala talagang araw na hindi kami nag-aaway. Kahit na mga bagay na hindi dapat pinagtataluhan, pinag aawayan namin.

Napatingin ulit ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin, para namang kinakarera ang dibdib ko sa lakas ng pagpintig nito. What is this? Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig parin kay Web.

"Ang ganda mo pala." biglaang sabi ni Web, nahigit ko naman ang hininga ko at dahan-dahan itong ibinuga. Ano bang nangyayari sakin?!

"Web.."

"Hmm?" tanong niya pero hindi ko na madugtungan ang sinabi ko. Nakatitig parin siya sakin na animo'y sinusuri lahat ng anggulo ko. At hindi naman ako mapakali sa upuan ko. Nag iwas ako ng tingin at tumikhim.

"Kumain ka na?" tanong niya.

Pilit naman akong tumawa. "Kailan ka pa nag alala?" tanong ko para mawala ang kaba sa dibdib ko.

"Kumain ka na.." pagpipilit ni Web.

"HAHAHA! sige. Lalabas muna ako." agarang sabi ko at tumayo. Napapikit naman ako ng tumalikod ako at tuluyang lumabas. Nang maisara ko ang pintuan ay napasandal pa ako dito habang hawak ang dibdib ko. Parang sasakit na ito sa patuloy na pagpintig ng malakas. Ano bang nangyayari saken?!

Naglakad ako palabas ng hospital at pinaharurot ang sasakyan ng marating ko ito.

"Oh my god! Inlove ka!" sigaw ni Kyry ng sabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina. Nakipagkita ako sa kanya at gaya ng inaasahan nandito na naman kami sa isang coffee shop.

"Mahiya ka nga sa sinasabi mo!" saway ko sa kanya.

"What? Totoo ang sinabi ko! Natamaan ka na sa kanya bes!" sigaw niya ulit kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ry, ilang araw palang kaming magkakilala. At hindi kami gan'on ka close, hindi din naman ako naniniwala sa pagmamahal na yan!" inis na pagtanggi ko. Imposible!

"Ang bitter mo ah."

"Baket? Naniniwala ka?" tanong ko sa kanya, tumango naman siya.

"Kalokohan!"

"Pero Them.. yung mga nararam---

"Isa pa. Isa pa at talagang iiwanan kita dito." pagbabanta ko kaya natahimik siya.

"Kinabahan lang ako kanina ok? He's a playboy and a fucki'n pervert ofcourse, tapos kami lang dalawa sa kwarto niya kaya naging gan'on ako." pag depensa ko.

"We all know that you can protect yourself, Them. Hindi yan ang rason." pang-aasar pa niya. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ok fine! Tatahimik na." pag amin niya at binigyan pa ako nang nakakalokong tawa.

"Oh bakit iniwan mo ang alaga mo?" tanong ni Kyry sakin makalipas ang ilang sandali.

"Para kumain."

"Ah kumain. Kaya pala nandito tayo sa coffee shop." sabi ni Kyry at tumango tango pa.

"Psh. Oo na, para makausap ka."

"Ako? HAHAHA! hindi ka nakikipag usap ng madalas sakin alam mo yan, kung nag uusap man tayo.. lahat para sa trabaho."nakangisi niyang pag papaalala.

"Tch." hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"May inaasikaso ka ngayon?" tanong ko para maka iwas.

"Oo. Yung pinsan mo." nakangiting sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Assumera!"

"Ramdam ko kasing may gusto na siya saken eh. Konting-konti nalang." saad niya na para pang kinikilig.

Napangiwi naman ako. "Wag kang gumawa ng storya para lang gumaan ang pakiramdam mo."

"Ang prangka mo!" sumbat niya sakin na ikinatawa ko.

"Ano bang gusto ng pinsan mo ha?" pagmamaktol niya.

"Gusto niya ang... babaeng tahimik at mahinhin."

"Eh hindi ako gan'on eh!"

"Edi hindi ka niya magugustuhan."

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Parang kanina lang, ako ang inaasar niya ngunit tingnan mo nga naman ngayon.. nagawa kong pakunutin ang noo niya at pangusuin siya.

"Pikutin ko kaya yon?" parang wala sa sariling tanong ni Kyry  na bahagyang ikinagulat ko.

"Wag kang desperada."

"Eh ang arte naman kasi ni Clyde eh!"

"Psh."

"Huhu gusto ko ng sumuko sa pinsan mo. Nasasaktan niya na ako eh." malungkot na saad niya kaya napatingin ako sa kanya at napabuntong hininga. Alam na alam ko kung gaano niya kagusto si Clyde, talagang nakipag close siya sa sa mga magulang nito at nag apply bilang secretary ni Clyde at swerteng nakuha siya. Napakasaya ng bruha, pero hindi rin naman siya pinapansin ni Clyde sa loob ng opisina. Mabuti nga't walang trabaho si Kyry sa organisasyon kaya mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagpapansin sa pinsan kong walang pake.

"Kalimutan mo na kase." suhestisyon ko.

"Sinusubukan ko naman."

"Edi mas subukan mo pa."

Napabuntong hininga naman siya. Hindi ko mapigilang malungkot dahil sa kanya. Baket ba kasi sa dinadami damin ng lalaki sa pinsan ko pang parang babae kong magsungit.

"Yung pinsan ko nagna-napkin yun."

"Hindi mo ko maloloko, Them. Ginagawa mo lang yan para ma disappoint ako eh! parang maiiyak na aniya.

Napatawa naman ako. Pag narinig ako ni Clyde na sinabi ko yun, paniguradong hindi maipinta ang mukha non.

"Them.." napalingon kaming dalawa ni Kyry sa tumawag sa kin. Napangisi naman ako ng makita ko ang gulat sa mukha ni Kyry.

"What?" tanong ko kay Clyde. Nakapamulsa pa ito.

"Mind if I join you?" tanong ni Clyde kay Kyry.

Kita ko namang mas nagulat si Kyry at parang hindi mapakali.

"Oh my. Ehem! S-sure." nauutal na pag sang-ayon niya. Umupo naman ito at tumabi ng upo sa kaibigan ko.

"So what are you doing here?" tanong ko.

"Nothing. Pumapasyal lang." simpleng sagot nito.

Napakunot naman ang noo ko. "Hindi ito ang tipo mong pasyalan, Clyde."  he just shrug.

Napalingon naman si Clyde kay Kyry kaya napalingon din ako dito. Tahimik lang si Kyry na nakaupo.

Umilaw naman ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito.

"Bakit hindi ka pa nakabalik?"

"Ang layo naman ng pinagkainan mo!"

I roll my eyes. That guy! Tch.

Umilaw ulit ang cellphone ko.

"Hoy babae!"

"Mag reply ka!"

Napapikit ako sa inis at inilapag ulit ang cellphone ko sa lamesa.

Sinalubong ko naman ang tingin ni Clyde, nagtataka.

"What?" tanong ko pero hindi niya ko sinagot.

" Hmm..Themara, uuwi na ko. Hehe." sabi ni Kyry at akmang tatayo.

"Stay." hindi lumingon si Clyde ng sabihin niya yon. Gusto kong mang asar ng mahalata ko ang mga kilos niya.

"H-ha? Ah..sige." pinigilan kong umikot ang mata ko ng umupo ulit si Kyry. Hindi man lang nagpakipot tong babaeng to, psh.

Umilaw ulit ang cellphone ko ngunit di ko na pinansin. Nag ring naman ito at si Web ang tumatawag ngunit di ko parin pinansin. Aasarin lang ako non.

Natahimik naman ang cellphone ko. Nakatutok lang ang atensyon ko don at hinihintay na mag ring ulit.

Hindi man lang tumawag ulit! Psh.

Hindi ko matiis na hindi tingnan ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa lamesa at binasa.

"Themara.. nandito sila.."

kinabahan ako ng mabasa ko ang mga katagang yun. Natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatakbo palabas at sumakay sa kotse ko.

Halo-halo ang nararamdaman ko. Malayo pa dito ang hospital kaya kailangan kong magmadali. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa manibela sa isipin na, bakit ko siya iniwan dun.. paniguradong masusundan siya.

Pinark ko ang kotse at tumakbo na naman sa loob. Sumakay ako ng elevator at tumakbo na naman pagkalabas. Tinitingnan na ako ng mga tao pero wala akong pake. Lumiko ako at tumakbo na naman.

"WEB!" bungad ko pagkapasok at para akong napipi sa nakita ko..

to be continued...