webnovel

Protecting the Playboy

Themara Nixon needs to protect Webster Dect. Webster Dect is a son of an attorney. His father is a good attorney and fight for what's right but then his father got some enemies and one of them wants Webster Dect to be killed.So Themara Nixon, a secret agent needs to protect him at all cost. May chance kaya na ma inlove sila sa isa't isa?

Sheila_Jane_Turno · Teenager
Zu wenig Bewertungen
12 Chs

Chapter 11

Themara's P.O.V

Nakatanaw at nakatayo lang ako sa harap ng mahabang gusali. Sinusuri ng mata ko kong saan ako maaaring pumasok at kung paano makakalabas. Nasimot ko ang lamig ng hangin at naghahampasang mga dahon sa kalsada.

Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng kalsada at kasabay non ang bahagyang paglipad ng buhok ko dala ng hangin. Ito ang address na ibinigay ni Momento, matapos naming magkita.

Ito raw ang hide out nina Aryan at Abel. Wala akong planong pumatay, hinding-hindi ako papatay hanggat hindi ako agrabyado. Gusto ko lang silang makausap at pakiusapan ng sa ganon ay matigil na ang mga kahibangan nila.

Bumuntong hininga ako at naglakad patungo sa nakasiradong pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan at bumungad sakin ang madilim na espasyo, tanging liwanag lang sa bintana ang nagiging ilaw. Magtatakip-silim palang pero base sa nakikita ko, parang isang napakatahimik na gabi na.

Napatingin naman ako sa bandang kanan ng makarinig ng kaluskos. Kailangan kong talasan ang mata ko at linawin ang pandinig, maaari akong mamatay dito sa kahit na anong oras pag hindi ako nag ingat.

Kung tutuusin ang gusaling ito ay parang isang boarding house, may malaki-laking daanan at mga silid ngunit walang mga kama o kahit na anong gamit. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang dalawang tao. At dahil sa liwanag na nagmumula sa tatlong bintana ay ang mga malalaking katawan lang nila ang nakikita ko.

"Ikaw ba si Themara Nixon?" tanong ng lalaking parang bouncer. Sa halip na magsalita ay tumango lang ako.

"Dito." sabi ulit nito at naglakad. Sumunod naman ako at ramdam kong nakasunod ang kasama niya samin na nasa likod ko lang.

Lumiko naman kami at bumungad samin ang maliit na espasyo na dadaanan. Makikita sa may dulo ang malaking puntuan, agad naman akong sumunod sa lalaki. Binuksan nito ang malaking pintuan at bumungad sakin ang lalaking nakaupo sa swivel chair, nakatalikod ito at nakaharap sa malaking bintana.

Sa bintana lang din nanggagaling ang liwanag sa madilim na silid nato ngunit hindi hadlang yun upang hindi ko makita ang mga taong nakabantay sa bawat sulok ng silid. Pawang tahimik lang ang mga ito at parang naghihintay lang na utusan para kumilos.

"You must be, Themara Nixon?" tanong ng lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya kaya hindi ko matukoy kong siya ba si Abel o Aryan.

"Hmm." sagot ko at tumango pa.

"Kapkapan niyo siya." utos ng lalaki sa mga tauhan, ramdam ko namang may lalaking lumapit sakin at akmang hahawakan ang beywang ko nang umalma ako.

"Wag kang magkakamaling hawakan ako." matigas kong sabi at hindi ko parin iniiwas ang tingin ko sa nakatalikod na amo nila. Rinig ko naman na tumawa ang amo nila at umikot paharap sakin. Abel!

"Have a sit, don't be afraid." pangungutya pa nito. Nakapamulsa naman akong naglakad at umupo sa upuan na kaharap niya.

"So are you a spy from the government?" nakangiting tanong niya. Malinaw na siya sa paningin ko dahil sa liwanag ng buwan na nanggagaling sa bintana.

"Nope. I'm not."

"Hmm, ganon ba. Hindi ka rin police oh ano?" tanong pa nito. Umiling naman ako bilang sagot.

"Ok?" sabi niya at tumayo, sinundan ko siya ng tingin ng maglakad siya ng pabalik-balik.

"So wala kang pakealam kong mamatay si Mr. Webster Dect Howard?" nakangising tanong nito kaya medyo nagulat ako pero di ko pinapahalata. Sigurado akong may nalalaman na to sakin.

"Anak siya ng attorney diba? Hindi ka ba natatakot sa ama niya?" tanong ko.

"Ano namang ikakatakot ko? Wala akong kasalanan." natatawang ani nito.

"Pinagtangkaan mo ang buhay niya," sabi ko, hindi ko alam pero bigla nalang umusbong ang galit ko ng maisip ko kung paano nasasaksak si Web. "Ngayon, sabihin mo na wala kang kasalanan." dagdag ko. Bigla namang sumeryoso ang mukha niya at umupo ulit sa swivel chair.

"So, it's you, ikaw pala ang sinasabi ng mga tauhan kong tigreng tao. Akalain mo nga namang babae ka at lalaki ako." napangising sabi ni Abel sakin.

"Babae nga ako, pero kahit ni kaliit-liitang meron sa katawan ko ay hindi nagka interes sayo." sabi ko at nginitian siya.

"Mag dahan-dahan ka sa sinasabi mo, Themara Nixon. Hindi mo gugustuhing magalit ako." pagbabanta nito, may inis sa tono.

"At hindi mo rin gugustuhing magalit ako kapag isa sa mga tauhan mo ay babanggain ako." matalim na tingin ang ipinukol ko sa lalaking akmang lalapit sakin. Napatingin ulit ako kay Abel nang sinenyasan niya ito na wag lumapit.

Nilingon ako ni Abel. "Napaka misteryoso mo, napaka lihim ng pagkatao mo."

"Ganon talaga basta maganda, hindi dapat basta-bastang nakikita at nakukuha." I said and smirk.

His mouth curved into a smile. "Palaban, yan ang gusto ko." sabi niya.

"Sino ka ba talaga? Bakit mo pino protektahan si Webster Dect?" tanong niya at pinag krus ang braso pagkatapos ay sumandal sa swivel chair.

"Kahit ni isa ay walang taong nagtanong sa katauhan ko, ikaw lang. At dahil espesyal ka, sasagutin ko." kita ko naman ang bahagyang pagtaas ng kilay niya sa pagkamangha.

"Ako si Themara Nixon." sabi ko.

"And?" interesadong tanong niya.

"Ako si Themara Nixon. Ito, ito lang ang pagkatao ko." iniwasan kong matawa ng sumama ang templa sa mukha niya.

"Ni minsan sa buhay ko ay hindi ako naging stupido, ngayon lang." nahihimigan ang galit sa boses niya.

"Hmm K. Hindi ko na sasayangin ang oras ko, tigilan mo na tong kahibangan mo. Wag na wag mong gagalawin si Webster Dect." malayo sa pangingiusap ang tono ko, nang uutos ito.

"Hindi mo ko mauutusan."

"Lahat ng negosyo mo ay babagsak, well babagsak naman talaga yan pero di muna ngayon, but one wrong move..one wrong move, Abel. Magsisisi ka." Pagbabanta ko at tumayo, hindi man lang ako nagulat ng tutukan ako ng baril ng mga tauhan niya.

Sinenyasan niya ulit ang mga ito na ibaba ang baril. Tumalikod naman ako at naglakad palabas.

Nang makarating ako sa bahay ay pinark ko ang kotse ko. Lumabas ako sa kotse at naglakad patungo sa pintuan ng bahay. Nagulat naman ako ng makita ko si Web na nakasandal sa pintuan, nakapikit ang mata.

"Hoy." tawag ko sa kanya. Dinilat naman niya ang mata at kinusot ito bago tumingin sakin. Tiningnan naman nito ang relo at nakakunot noong tumingin sakin.

"It's already 10 pm." pagpapaalala niya.

"Then?" tanong ko at mahina siyang sinipa dahilan para tumayo siya. I put my thumb in the fingerprint scanner.

Pumasok ako sa loob at akmang isasara na ang pinto ng harangan ito ni Web gamit ang kamay.

"Gago ka ba? Paano kong naipit ka?!" inis na sigaw ko.

"Di bale ng maipit, makapasok lang." makahulugang sabi niya. I rolled my eyes. I open the door wider for him to enter. Isinarado ko ang pinto at tiningnan si Web na ginagala ang mata sa kabuuan ng bahay.

"Mag isa ka lang sa malaking bahay na to?" tanong niya.

"Hmm."

"Pwede naman pala akong tumira dito." nakangising sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tiningnan naman niya ako kaya mabilis ko rin itong iniwas.

"Umuwi ka na nga!" pagtataboy ko sa kanya at pumunta sa kusina. Ramdam ko namang sumunod siya.

"Wow. Ganyan ba ang pagtrato sa bisita?"

"Bwesita kamo."

"Tsk!" angil niya at binuksan ang ref. Wow! Feel at home?

"Anong kinakain mo? Puro tubig?" tanong niya na may sarkasmo na tono.

"Nakakain ba ang tubig, lalake?" tanong ko na may sarkasmo rin.

"Web." pagtatama niya sa itiniwag ko sa kanya.

"Baket ba Webster Dect ang pangalan mo? It sounds like a Webster Dictionary." tanong ko na may halong pang-aasar.

"Atleast Dictionary, karunungan ang maiibigay. Eh sayo? Themara, it sounds like Thamara. Ano yan? Date palm or palm tree?" ganti niya ng pang-aasar at humagalpak ng tawa.

"At anong maiibigay ng pangalan mo aber?" tanong niya sakin.

"To prevent flood!" diretsahang sabi ko.

"Pfft. So common." sabi niya pa at iwinasiwas ang kamay sa harapan ng mukha ko. Inis ko naman siyang sinundan ng tingin ng lumabas siya sa kusina dala ang tubig na kinuha sa ref.

Lumabas din ako at umakyat sa taas. Agad kong binuksan ang kwarto ko at nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay amoy na amoy ko ang bango ng pagkain na nanggagaling sa kusina. Agad akong bumaba at nagtungo rito.

Kitang-kita ko na naka apron si Web at may kung anong niluluto. Umupo ako sa upuan at tiningnan siya.

"Marunong ka palang magluto ah?" tanong ko.

"Atleast ako lalaki pero marunong magluto. Eh ikaw? Babaeng-babae pero walang alam." sabi niya kaya tinaasan ko siya kilay.

"Nang-iinsulto ka ba?!" inis na tanong ko.

"Sort of. Paano kapag nag asawa ka?"

"Wala akong balak mag asawa."

"Ke-gandang babae, magiging matandang dalaga. Pfft." bulong nito pero rinig ko naman.

"Excuse me?" naiinis na tanong ko. Wala na ba talaga akong ibang magawa kundi mainis? Psh.

"Uuwi ang asawa mo ng pagod at gutom. Tapos walang makain, hindi naman pwedeng ikaw nalang palagi ang kakainin." nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

"Bwesit!" sabi ko nalang at humalukipkip.

Tumawa naman ito. "Ang init ah." sabi nito at tinanggal ang apron kasunod ay ang itim nitong tshirt at isinuot pabalik ang apron.

"Magdamit ka nga!" sigaw ko, hindi makatingin ng diresto. Tumawa lang si Web at nagpatuloy sa pagluluto.

Hindi ko mapigilang tingnan si Web habang nagluluto. He has the good look while cooking. Bumaba naman ang paniningin ko sa katawan niya na sobrang puti. Medyo sumasabay ang galaw ng katawan niya sa tuwing naghahalo siya ng kung ano.

Parang nakatutok lang ang tingin ko sa pawis niya na nanggaling sa leeg pababa sa gilid ng katawan niya. Hindi man kita ang katawan niya dahil sa apron, pero masasabi kong maganda ang katawan niya kahit sa gilid lang tumingin. Ano ba tong pinagsasabi ko? 

Hindi siya nakatalikod habang nagluluto, nakatagilid lang siya at ewan ko ba kung sinasadya lang niya o ano.

Kaya naman pala maraming nagkakagusto sayo. Psh.

Agad naman akong umiwas ng tingin ng humarap si Web sakin dala ang isang malaking mangkok. Inilapag niya ito sa lamesa kaya agad ko itong tiningan. Sinigang na karneng baboy!

Sinimot ko ito at parang nanuot sa ilong, pababa sa lalamunan ko ang bango.

Tiningnan ko naman siya habang kumukuha ng plato, kutsara at tinidor at inilapag niya ito isa-isa sa harapan ko. Kumuha naman siya ng juice sa ref at inilagay sa lamesa pagkatapos ay umupo.

"Saan mo nabili yan? At yan?" tanong ko sa kanya, tinutukoy ang karneng baboy at juice. Puro tubig lang ang lamang ng ref ko kaya imposibleng doon yun nanggaling.

"Sa toy store?" patanong na sagot niya kaya pinanliitan ko siya ng mata.

"Malamang sa palengke! At yang juice meron ako niyan sa kotse." sagot nito, natatawa. Hindi nalang ako nagtanong pa dahil paniguradong hindi matinong sagot ang isasagot niya.

Nagsimula naman kaming kumain at pinigilang kong purihin siya sa sarap ng templa niya sa sinigang. Tahimik lang kaming kumakain.

Naglagay ako ng juice sa baso at ininom ito. Nang mailapag ko ang baso sa lamesa ay hinihimas himas ko ang tiyan ko.

"I'm full." sabi ko at pumikit pa. Pagdilat ko ay nagtama ang mata namin ni Web.

"Don't tease me, Themara." sabi nito kaya napakagat ako sa pang ibabang labi ko ng mapagtanto ang sinabi ko. I'm full. Para saken wala lang yan, pero dahil sa kamanyakan ng lalaking to.. double meaning na.

"Psh." sabi ko at tumayo. Sakto namang natapos lang din siya kaya niligpit ko ang pinagkainan namin. Buong buhay ko hindi ako nakapagligpit ng ganito dahil hindi naman ako kumakain sa bahay.

Kasalukuyan akong nagsasabon ng plato ng maramdaman kong may kamay na humawak sa beywang ko at yumakap sakin.

"W-web." nauutal kong tawag sa pangalan niya.

"You smell so good." sabi niya at ramdam kong inamoy niya ang buhok ko.

Ramdam ko naman ang kamay niya na humawi sa buhok ko at lumantad sa kanya ang batok ko.

Napakislot ako ng hinalikan niya ang batok ko, pinigilan kong hindi maglabas ng ingay. I should push him and slap him for doing this to me, pero hindi ko magawa.

He plants plenty of soft kisses in my neck at kagat labi kong pinipigilan ang sensasyon na lumukob sa pagkatao ko. Mas idiniin niya ang katawan ko sa kanya kaya nabitawan ko ang plato sa lababo, sanhi ng pagkabasag nito.

"Goodnight sweetheart." sabi niya at hinalikan ang pisngi ko at umalis.

Napahawak ako ng mahigpit sa gilid ng lababo, nanginginig ang mga kamay.  I'm really insane for letting him do this!

to be continued...