webnovel

Prince of Ethiopa: The Rag Prince

MJ_Blysa · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
13 Chs

Chapter 1

Nagising ako sa tunog nang kampana sa loob nitong silid sa tower. Alas kwatro palang nang madaling araw. Hindi na ako magtataka, palagi namang ganito eh. Matutulog nang hating gabi o di kaya'y madaling araw na dahil sa mga gawain. Tapos gigising nang alas kwatro para sa bagong araw na puno nang trabaho. Singhal doon, singhal dito.

Tinupi ko ang aking kumot na gutay-gutay na. Inayos ang maliit at matigas na kama. Nagbihis nang damit, kadalasan hindi na ako naliligo dahil mapupuno din naman ako sa dumi, putik, at pawis.

Lumabas ako sa silid at patakbong bumaba gamit ang nagpaikot-ikot na hagdan. Nasa tuktok nang tower ang aking silid. Sampung taon na ang nakalipas mula nang dito na ako natutulog, nagtatrabaho sa kastilyo, minsan nagbabantay sa mga hayop at naglilinis sa mga lupain para mataniman. Wala akong natanggap na kahit anong kapalit, siguro yon lang yong kinakain ko sa buong araw ang tanging bayad nila sa akin. Dugo't pawis ako na nagtatrabaho pero hindi ako nagrereklamo. Minsan nga sila pa itong nagrereklamo, habang sila naman ang sinisilbihan na walang hinihinging kapalit sa anumang hirap na dinanas at dadanasin ko.

Nakarating ako sa kusina. Malaki ang espasyo nito, tila triple sa pangkariniwang bahay sa bayan.

Marami na ang nagtatrabaho doon, naghahanda nang almusal sa reyna at sa dalawang prinsepe.

Nakita ako ni Aling Khrillia na papalapit sa kanya, "O mabuti naman at nandito kana Antonio. Heto ang mga listahan mo sa mga bibilhin sa palengke, para sa pananghalian yan. Hindi pa kasi makakapunta dito ang taga-deliver nang mga sangkap, kaya ikaw muna ang uutusan ko."

Ngumiti ako sa kanya, "Sige ako na po ang bahala dito."

"Wag kang masyadong magtagal. Pupunta ka pa sa boundary nang Leshia," tumango ako sa kanya at umalis na.

May pitong bayan ang Ethiopa sa North. Ito ay ang Priume, Astreuin, Brillza, Mrielle, Sczeroull, Larusse, at ang panghuli ay ang Kirr. Tatlong bayan ang naroon sa South. Ito ay ang Leshia, Firoed, at ang Rilles. Maliit lang ang bilang nang bayan dahil dito din matatagpuan ang kagubatan na pinagbabawalan ang mga tao na pumasok. Hindi kasi sigurado kung makakabalik paba nang buhay ang taong papasok doon, dahil na rin siguro sa hamog sa loob nang gubat at ang mga hayop dito.

May Anim na bayan sa East. Ang Huppesa, Myrx, Odsill, Savpreh, Kunnwa, at Crisrrimm. May Limang bayan  sa West. Ang Mrikk, Freos, Snaiss, Rajan at Uai.

Malaki ang kabuuan nang Ethiopa. Sa gitna nang mga bayan matatagpuan ang kastilyo. Ang paaralang pinangalan sa prinsepeng akala nila patay na. Na nanahimik na at sumakabilang buhay. Iyon lang ang tanging nasa gitnanang Ethiopa, maliban sa palengke. Dylan Horton Lutherking, ang nag-iisang tagapagmana nang trono bilang hari nang Ethiopa. Hindi alam nang mga tao kung sino sya, walng nakaka-alam sa mukha niya. Antonio Cartridge, ang pinalit nyang pangalan. Ang tanging nakaka-alam nang sikreto ko ay ang reyna at ang dalawang prinsepe. Oo,ako si Dylan Horton Lutherking. Kilala na ako bilang Antonio Cartridge, ang alipin nang kaharian. Nasa dugo ko ang pagiging hari pero habang tumatagal wala nang pag-asa na ako'y susunod sa yapak nang aking ama. Na maging hari nang Ethiopa.

*****

Nakabalik na ako sa palasyo. Dala-dala ko ang mga binili ko sa palengke. Saktong pagdating ko ay inutusan naman ako sa paghatid nang pagkain sa royal family. Pshh, para silang mga disable!

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang mga utos. Dinala ko ang mga pagkain sa hapagkainan. Nandoon na ang tatlo. Ang reyna ay nasa dulo nang mahabang mesa habang ang dalawa nyang anak ay nasa magkabilang gilid nang kanilang ina.

"Nandito na po ang umagahan niyo, mahal na reyna." Anunsyo nang isang katulong.

Agad kong nilagay ang pagkain sa mesa. Nagsimula na silang kumain. Mabilaukan sana kayo!

Biglang umubo si Pierre. Agad siyang binigyan ni Kielle nang tubig.

Nagtaka si Reyna Savana. "Anong nangyari anak? Masama ba ang iyong pakiramadam?"

"Wala ina, tila nakalanghap ako nang alikabok." Sabi nito. Alam kong ako ang pinariringgan ni Pierre. Sila na nga to ang marangya ang buhay, sila pa ang may ganang mang-api! Ay oo nga naman, minsan kasi pag ang isang tao ay nasa likod nang kalabaw hindi nila pinapansin ang mga tao sa ibaba. Imbes na tulungan kinkutya pa ito!

Simula nang mawala ang ama ko, ang hari nang Ethiopa, nag-iba ang trato nila sa akin. Pero alam kong walang karapatan si Savana na maging reyna. Hindi sila kasal ni ama! Kailanman hindi sila kinasala at dapat ako ang nasa trono! Kahit hindi ko hinangad maging hari, responsibilidad ko ito. Pero ninakaw ito. Ninakaw nang kalahi ni satanas ang trono.

Nung nagkasakit ang hari, nanghihinala na ako. Dati malakas pa ito pero bigla nalang syang nanghina. Naalala ko pa noong nagbigay nang gamot ang isang healer. Tinapon nya ang gamot at patuloy na pinainom nang lason ang hari. Saksi ako nang mga panahong iyon pero hindi ko nagawang magsalita. Takot ako noon. Takot na takot. Hanggang sa namatay ang hari at nagtagumpay ang plano ni Savana. Naging reyna siya at isinilawat na patay na ang anak nang hari. Na patay na ang tanging pag-asa nang Ethiopa. Na patay na.....ako.

Ngayon gusto nila na mawala ako sa landas nilang mag-iina dahil sagabal ako sa plano nila. Yun ang dahilan nang paghihirap ko sa buhay nang sampung taon. Kung kaya ko lang umalis ay noon ko pa ginawa. Pero ayaw kong talikuran ang lahat nang ito. Gusto kong sagipin ang Ethiopa sa kamay ni Savana.

Bumalik nalang ako sa kusina. Mabuti pa doon walang mga maaarte. Malapit na ang pagbubukas muli nang prestihiyosong paaralan nang Ethiopa. Ang Dylan Horton Lutherking: School for Geeks. Sa pagkaka-alam ko, tanging nage-excel lang sa klase sa mga paaralan sa iba't ibang bayan ang tanging makakapasok dito. Sa paaralang ito hinahasa ang iyong kaalaman, talento, at paggawa.

Linapitan ako ni Aling Khrillia, binigay nya ang mapa patungong boundary nang Leshia. Doon ko hahanapin ang isang manggagamot. Imbes kasi na kukunin ito nang karwahe ay ako ang pinapakuha nang reyna. Para pahirapan pa ako.

Napailing nalang ako pabalang na tumawa. Kung tutuusin mas mababa pa sila sa akin. Pwe.

Nagsimula na ako sa aking paglalakbay patungong South. Ang sabi nila na ang boundary nang Leshia ay ang bukana din nang kagubatan. Forbidden forest kumbaga.

*****

Narating ko ang boundary nang Leshia at agad nagtanong-tanong sa iilang mga residente doon. Linapitan ko ang isang matandang babae. Tinanong ko ito, "Alam niyo ba kung saan ang bahay ni Serene?"

Bahagya akong tinitigan nang matanda, "Yong healer ba?" tanong nito. Tumango ako bilang sagot. "Nakita mo ang malagong punong iyan, sa likod niyan ang bahay ni Serene."

Nagpasalamat ako sa matanda bago umalis. Tila may gusto pa syang sabihin sa akin pero hindi ko narinig. Lumingon ako sa tinayuan nya kanina, pero wala na ito. Luminga-linga ako pero wala na ang matanda. Pinagluluko yata ako nang matandang yon. Paano syang nawala na parang bula?

Binilisan ko ang lakad para marating ang likod nang malagong puno. At nandoon nga ang hinahanap ko. Ang bahay ni Serene. Pumunta ako sa may pinto at kumatok. Tatlong beses akong kumatok bago ito binuksan ng apprentice ni Serene.

Ngumiti ito. "Anong maitutulong ko sa inyo?" masiglang tanong nito.

"Nariyan ba si Serene?" tanong ko. Sa halip na sagutin ako ay binuksan niya ang pinto. Pumasok ako sa loob.

Napa-awang ang aking bibig. Hindi masyadong malaki ang bahay ni Serene pero komportable ito. Nakakarelax at tila napapawi ang sakit na iyong nararamdaman.

Lumabas si Serene galing sa isang silid. Dala-dala niya ang isang malaking supot na naglalaman nang mga halamang kakailanganin sa palasyo. Sa haba nang panahon, ngayon ko lang ulit nakita si Serene. Minsan kasi wala siya. Di kaya'y nasa ibang bayan para alagaan ang ibang mga tao.

Ngumiti sa akin si Serene, "Mabuti naman at nakarating ka dito nang maayos. Kumusta ka na pala Dylan?" Maliban sa royal family, kilala ni Serene ang aking buong pagkatao. Siya ang nagbibigay nang mga gamot sa hari na palagi namang tinatapon ni Savana. Kaya nung tuluyang namatay ang hari, nadismaya siya dahil hindi niya ito nailigtas. Maraming beses siyang humingi nang tawad sa akin noon. Sinabi ko sa kanya na hindi niya kailangang humingi nang tawad dahil hindi siya ang may kasalanan. Ginawa niya ang makakaya niya para mailigtas ang hari.

"Hindi ko alam Serene. Kung mabuti ba ako hindi, hindi ko alam," tanging sagot ko sa kanya.

Pabalang siyang tumawa, "Ang reyna, kumusta?"

"Ayon, nagbubuhay reyna. Yun naman talaga siya eh, ang magreyna-reynahan."

Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Serene. Pati ang tono nang pananalita nito. "Pasensya ka na ah. Hindi ko kayang magsalita sa mga nangyari. Napakaduwag ko. Matagal mang natatapos ang pangyayaring iyon ay buhay na buhay parin ito. Lalo na sa mga taong nandoon at nakasaksi."

Ngumiti lang ako sa kanya, "Ganoon talaga ang buhay. Minsan may mangyayaring di inaasahan, pero malalampasan."

"Pag gagawa ka nang unang galaw, huwag kang mahiyang lumapit sa akin. Tutulungan kita, gaya nang pagtulong mo sa akin noon." Inaasahan kong babanggitin iyon ni Serene. Hindi ko rin malimutan ang pangyayaring iyon. Naglibot siya sa hardin nang kastilyo noon. Nang biglang may naglitaw na ahas. Saktong nandoon ako kaya ako ang kumuha nang ahas at binigay iyon sa may-ari. Kaya todo pasasalamat si Serene sa akin noon.

*****

Bandang alas dos na nang hapon ako nakabalik sa kastilyo. Nagtanong si Aling Khrillia kung bakit ang tagal ko daw. Na hindi pa ako kumakain nang umagahan at pananghalian. Minsan nga dalawang araw akong walang kain eh... Gusto kong isagot sa kanya yun pero wag nalang. Sa halip ay binigay ko ang dala kong malaking supot nang mga halamang gamot sa isang katulong din.

Pupunta sana ako sa tower nang makarinig ako nang sigaw. "Antonio!" Liningon ko kung sino iyon. Napangiti ako. Amanda.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko at niyakap ako. "Kumusta? Bakit hibdi kana pumupunta sa Kirr?"

"Marami akong gawain."

Kinurot niya ang tagiliran ko, "Pshh...pero may magandang balita ako sayo!" puno nang kasiyahan ang mukaha niya. "Makakapasok ako sa DHL:School for Geeks. Sa katunayan bukas ang pagpasok namin para makapaghanda. Pero dahil malayo ang Kirr, eh ngayong araw kami nandito. Binigyan kami nang pagkakataon na maglibot sa kastilyo."

Hindi masukat ang kasiyahan niya. Matagal na niyang pangarap ito kaya nagpursigi siya. "Ilan kayong nakapasok?"

"Tatlo lang kaming nage-excel sa Kirr. Dalawang babae at isang lalaki."

Masaya ako para sa kanya. Pinangarap ko din na makapasok-- makapagaral sa paaralan na iyan. Pero pangarap lang iyon. Oo, nakatapos ako sa pag-aaral sa Shriden. May tatlong level ang pag-aaral, ang Sridden kung saan ang pinakaprimary. Ang Rizzle, na pag-aaralan sa DHL: School for Geeks. At ang Prick, kung saan ito yung on-hand training na magaganap sa ibang lugar. Hindi sa Ethiopa kundi sa labas nang Ethiopa.

Siguro nakita ni Amanda ang pagkalungot ko. Kinaladkad niya ako sa likod nang kastilyo. Kung saan naroon ang burol at isang malagong puno. Umupo kaming dalawa sa ilalim nang puno. Pareho naming tinitingnan ang kabuuan nang DHL: School for Geeks.

"Alam mo Antonio," simula ni Amanda. "Makalipas ang ilang taon ko sa pagpupursigi sa pag-aaral ay natapos ko ang Sridden."

Kung ngayon lang natapos ni Amanda ang Sridden, iba ang sa akin. Natapos ko na ito anim na taong gulang palang ako. At hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin ang mga ito.

"Siguro, makakapasok din ako dyan...." tiningnan nya ako, tila hinihintay ang susunod kong sasabihin. Ngumiti ako, "Sa kabilang buhay."

"Huwag ka ngang magbiro nang ganyan. Mabuti ka nga at palagi ka sa kastilyo. Nakikita mo ang reyna at ang mga prinsepe. Pangarap kong makita sila sa personal pero malabo iyon."

Tumingin ako sa kalangitan, tila uulan mamaya. Umaambon kasi. "Pupunta sila sa tuwing magbubukas ang DHL: School for Geeks. Kaya makikita mo na sila." Nakaramdam ako nang patak. Tumingala ako sa kalangitan. Mahal na mahal ko ang ulan, ito lang ang nagpapakalma sa akin.

"Umalis na tayo dito, baka maabutan tayo nang ulan." Una akong naglakad pababa nang burol. Naramdaman kong hindi sumusunod si Amanda. Liningon ko siya. Napailing ako, ang tigas talaga nang ulo nang babaeng 'to! "Bilisan mo na dyan. Halika na! Ang bagal mo!"

Natawa si Amanda at sumunod siya sa akin. Nakarating kami sa kastilyo. Nagpaalam si Amanda sa akin, baka hinahanap na daw siya. Pagka-alis niya ay puno na naman ako sa trabaho. Kaliwa't kanan ang naging trabaho ko noong araw na iyon. Natapos ito nang madaling araw kaya nakatulog ako nang alas tres. Isang oras lang ang naging tulog ko at gumising na naman nang alas kwatro nang madaling araw.

Ngayong araw na ito ang muling pagbukas nang DHL: School for Geeks, kaya mas busy ang lahat. Takbo doon, takbo dito. Utos doon, utos dito. Kailan ba matatapos ito??