webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · Teenager
Zu wenig Bewertungen
94 Chs

Chapter 28: Foundation Day

Maagang umalis si Barbie ng bahay nila at hindi nya rin pinapansin si Kenny ng umalis sya.

"Anong problema ni Barbie hindi parin kayo ayos dalawa?" Ang tanong ni Jerlon habang nakain ng kaniyang umagahan.

Nag hahanda namang umalis na rin itong si Kenny "nag tanong ka pa."

"Ohhh… Mukhang magkagalit pa nga kayo."

"Heh! Dyan ka na nga."

"Sandali lang sabay mo na kong papabalabas ng subdivision."

"Mag lakad ka!" then he left.

"Kenny!!!"

Nag madali namang umalis na si Kenny sakay ng kaniyang motor at habang nag mamaneho nakita nya si Barbie na nag aabang ng masasakyan sa may waiting shed pero hindi na sya huminto at nag patuloy nalang sa pagmamaneho.

"Tsss… kala naman nya sasakay ako sa motor nya. Humph!" Ang naiinis na sambit ni Barbie habang nakaupo doon sa may waiting shed.

Honk…Honk…

May tumigil na isang puting kotse sa may waiting shed at pagbaba nung bintana si Thew ang driver nito at pinasasakay nya si Barbie.

"Oy!"

"Tara na! Sumabay ka na."

"Um."

At sumakay nga si Barbie sa kotse ni Thew "ang tagal ba naman ng jeep parang maaga pa ba?"

"Hindi tama lang ang pag abang mo ng biyahe yun nga lang wrong day ang pagbabantay mo tuwing Tuesday kasi marami ang coding."

"Ohhh… kaya pala."

"Oo kaya kung mag aabang ka wag ng jeep pwede naman tricycle."

"Pero sabi sakin ni Kenny mahal raw kapag tricycle ang sinakyan ko papasok ng AGA."

Nag bago namang bigla ang mood niya at sinabing "ako nalang susundo sayo kung gusto mo para hindi ka na mag biyahe."

"Ha? Nako, hindi na."

"No I insist ayos lang ako lang naman parati dito sa kotse pagka hatid ko kay Daryll."

"Ayoko nakakahiya."

"Edi ako nalang ang maging service mo."

"Hmm?"

"I—I mean ito ng kotse ang service mo kalhati nalang ang pamasahe mo para hindi naman nakakahiya sayo."

"Ows?"

"Oo para naman di ka na makatanggi."

"Sige ikaw bahala ayos rin yun makakatipid ako. Hehe."

"Okay close case na ha? Ako na ang magiging service mo."

"Hindi ikaw yung kotse mo ang pangit kasing pakinggan."

"Ah… O—Oo sorry. Hehe."

"Okie."

"So, mamaya sabay na rin tayo sa pag uwi?"

"Ikaw, pero hindi ba may practice ka?"

"Luh! Nalimutan mo na?"

"Hmm?"

"Nalimutan mo nga?"

"Ang alin?"

"Hindi ba ngayong araw ka na mag sisimula na mag practice?"

"Ay, ngayon na ba yun?"

"Um. Kaya parati na tayong sabay."

"Ohh… sige."

"Kaya parati na tayong mag kakasama simula ngayon."

"Ahhh… pero parati naman tayong magkasama lately."

"Hehe… pero iba naman ngayon kasi pati sa practice kasama na kita."

"Okay?"

"Alright, kumapit ka at mamaya lang nasa school na tayo."

"Okie dokie." And she smile happily.

Nang makarating naman yung dalawa sa parking lot ng AGA dali-dali na silang bumaba ng kotse at ng makapasok naman sa Academy napansin ni Barbie na aligaga ang ilang estudyante sa pag aayos sa kanilang campus.

"Bro, anong meron? Bakit parang busy? Hindi ba sila male-late sa klase nila?"

"Ah… yan ba? Ayos lang yan sila ang ilan sa mag Student Council dine sa Academy yung iba naman member sa iba't ibang organization dito. Nga pala ikaw sang org.ka sumali?"

"Org.? Wa—Wala pa kong sinasalihan. Bakkt ano bang meron?"

"Foundation day kasi ngayon kaya busy ang lahat nalimutan ko rin kala ko male-late na tayo eh."

"Foundation day?"

"Eh? Hindi ba nabanggit sayo ni Gaile?"

"Hi—Hindi eh kasi kahapon half day tayo at nasa library lang naman ako at nag eexam kaya hindi ko nakita si Gaile kahapon. Siguro nalimutan na ring sabihin sakin ni Ms. Elmundo na may foundation day pala ngayon."

"Ah.. nako, baka hindi rin nun alam kasi kababalik lang din naman ni Ms. Elmundo dito sa Academy kaya siguro nalimutan na nya ang foundation day."

"Ah, oo nga baka nalimutan ni Miss. Pero paano ako? Wala pa akong org. na sinasalihan?"

"Don't worry technically naman na in ka na sa baseball organization."

"Ay, oo nga pala noh? Pero softball pa rin naman ako di ba?"

"Um. Pero habang wala pang member sa baseball team ka na muna namin ayos lang ba sayo??"

"Oo naman ang saya nun one of the boys ako ang astig nun."

"A—Astig?"

Hindi naman naka sagot si Barbie dahil biglang lumapit sa kanial si Jemie "Bie!!!"

"Senior!"

"Morning. Ngayon ka lang ba dumating?"

"Opo sinabay po ako ni Thew."

Napatingin naman si Jemie kay Thew at ngumiti naman ito sa kaniya at nag greet ng "hi."

"Oh, andiyan ka pala."

"Unfortunately."

"By the way, wala namang klase ngayon kaya pwede ka bang sumama sakin Bie?"

"Hmm? Sa—San po Senior?"

"Oo nga naman Pres. sama rin ako."

"Heh! Hindi ka pwede sumama dun ka sa org. mo nagkakagulo na sila don."

"Ha? Bakit?"

"Anong bakit ka diyan? Hindi ka pa ba sanay na parating kagalit ng org. nyo ang ibang varsity ng basketball at judo?"

"Na naman?"

"Aha. Kaya sige na go!"

"Haysss… mga pasaway talaga sila. Bie, sige ha? Mamaya nalang."

"O—Okay?"

"Ciao."

"Um."

At pagkaalis ni Thew nalimutan ni Barbie na member rin sya ng org. ni Thew "no need to help them kaya na ni Thew ang teammates nya. Magugulo ang mag yon wag ka ng sumali."

"Pero…"

"Wag ka ng mag alala sumama ka na muna sakin."

"Sa—San po ba tayo pupunta Senior?"

Hinawakan naman na ni Jemie ang kanang kamay ni Barbie at sinabing "basta sumama ka nalang makakatulong ito sa grades mo."

"Si-Sige po."

Hindi naman alam ni Barbie na nakita sila ni Kenny at Uno "si Barbie yun at si Pres. Jemie?" Ang sabi ni Uno.

"San naman kaya sila pupunta at bakit sila nag mamadali?"

"Hindi mo alam bro? Bakit nga pala hindi kayo mag kasabay ni Barbie ngayon? Pati pala kahapon hindi rin kayo mag kasabay magkagalit ba kayo?"

"Wala ka na don!"

"Tsss!"

"Bilisan mo na dyan pupunta pa tayo ng science room."

"Oo eto na bakit naman kasi science org. tayo sumali ngayong taon? Ang boring brad."

"Ewan ko sayo! Sinabi ko bang sumali ka kung san ako sasali?"

"Hi—Hindi alam mo namang kung san ka don rin ako."

"Tsk… dami mong drama sa buhay bilisan mo at kukunin pa natin yung ginawa nating project."

Uno sighed "kakatamad naman."

"Dun ka na nga! Ako na ang kukuha kakauma ka."

"Talaga brad?"

"Oo na!"

At kumaripas na nga ng takbo itong Uno at iniwang mag isa si Kenny "kupal talaga ang isang yon talagang iniwan lang ako?"

"."

Naging maayos naman ang lahat habang unti-unti ng nagsisi datingan ang mag tao na dati ring nagsi pagtapos sa AGA. Sila rin ang mga naging main guest at costumer ng bawat org.na iba't ibang klase ang mag pakulo para mapansin ang kanilang mga pinaghirapang itayong stall at room na inayusan para maging café, at iba pang pwedeng maging one time small business sa araw na yon.

"Nasan si Barbie? Bakit wala pa sya dito sa classroom natin? Hindi nya ba alam na foundation day ngayon?" Ang sabi ni Gaile kay Uno na nakain ng cheesecake.

"Si Bie? Nakita ko sya kaninang umaga dun sa labas eh kasama si Pres. Jemie."

"Si Jemie?"

"Um. Tanong mo kay Kenny nakita rin kasi nya kasama ko sya kanina eh."

"Teka. Nasan nga pala ang lukong yon?"

"Ah… nandun sa science room san pa ba?"

"Eh di ba member ka din ng org. na yon? Anong ginawa mo dine?"

" Boring naman kasi dun walag foods puro nalang about sa science wala namang napasok dun aksaya oras lang."

"Sira! Sa tingin mo walang magiging costumer ang science org. nyo? Eh andun si Kenny."

"Oo nga kasi nga member sya… ay oo nga no!"

"See, edi natauhan ka. Alam mo namang famous si Kenny sa AGA syempre madaming dadayo dun sa org.nyo kaya makakatawag pansin. Tignan mo dine kakaunti ikaw lang ang costumer namin tapos hindi ka pa mag babayad lintek ka."

"Gaile naman parang hindi tayo fwendz…."

"Heh! Bilisan mo na nga dyan baka hindi ako makapag timpi masapak kita."

"Hehe…"

May lumapit naman dun sa dalawa na isa nilang kaklase na si Tikboy "Uno, nasan si Kenny?"

"Ha? Bakit? Anong meron?"

"Si Barbie kasi…"

"Anong nangyare kay Barbie?" Ang sabay sambit nug dalawa.

"Hindi nyo baa lam?"

"Ang alin?"

"Si Barbie ang kinuhang muse ng student council."

"Ha?!" Ang reaction nung dalawa.

"Oo si Barbie ngayon ang center sa student council wedding booth."

"We—Wedding Booth?" Ang gulat na gulat na sambit ni Gaile.

"Ah… taon-taon nga pala parating sa SC ang wedding booth. Pero bakit si Barbie ang kinuha nilang muse?" Ang tanong naman ni Uno.

"Ang sabi kasi pinagkatuwaan si Barbie ni Pres. Jemie."

"JEMIE!!!!" ang pagalit na sambit ni Gaile then she walked away.

"Ga—Gaile!!! San ka pupunta?!!" Ang pahabol na sambit ni Uno.

"May sasapakin lang ako!" Ang pa sigaw na sambit naman ni Gaile habang papalabas ng room nila.

"Gaile!!!"

"Bilisan mo na dyan sundan na natin sya."

"O—Oo sige." pero kumain pa ng kaniyang cheesecake kaya naman hinila na sya ni Tikboy. "Mamaya nay an halika na!!!"

"Teka lang isang subo pa."

"Tara na!!!"

Sa magkaparehong oras naman don sa wedding booth ng student council naka bihis na simple white dress si Barbie at nagtatago sa likuran ni Jemie.

"Se—Senior… ayoko na gusto ko na pong mag palit ng damit hindi po ako sanay sa ganire." Ang sabi ni Barbie na sobrang hiyang hiya kahit na mukha talaga syang literal na barbie doll sa sobrang kinis nya.

"Babygirl chill ka lang akong bahala sayo. Ganyan talaga kapag nandito ka sa teritoryo ng SC tapos ang ganda mo pa."

"Pe—Pero Senior ang dami na pong tao nakakahiya na po alam nyo namang hindi ako girly-girly eh. Ang daya nyo naman eh sabi nyo tutulungan nyong tumaas ang grades ko? Bakit ganire?"

"Bie, ganito nga mataas ang extracurricular mo kasi ikaw na ang muse ng SC."

"Ha? Mu—Muse? A—Ako?"

Hello, Hi geysh! (^_^)

-sorry po kung ngayon lang ako naka pag update sobrang busy lang po kaya sana maunawaan nyo po. ಥ‿ಥ

.

.

.

>>>>>my other tagalog novels

.

.

.

• Chasing Her Smile

• Ms. hoodies

lyniarcreators' thoughts