"pakidala ito sa table 15" sabi ng kasamahan ko sa trabaho na si laura , sa cashier ito nakatoka
" sige" sagot ko na walang emosyon
At dinala ko na nga sa table 15, napansin ko na mga kasing eded ko lang halos ang mga ito mga, parang mga nasa 20 years old ang mga ito, nasa limang mga kalalakihan ang mga nandito, mukhang mga mayayaman,pagkahatid ko ng mga order nila , may mga dumating na bagong customers , kaya kinuwa ko na ang aking papel at ballpen para kunin ang kanilang mga order , nakaupo sila sa table 18 dahil malapit lang saan ko inatid ang mga order ng nsa table 15 kaya pumunta na ko sa kanila.
Ang mga nakaupo sa table 18 ay mga kalalakihan din, sa tanya ko din sa edad ng mga ito ay nasa bente anyos din, mukhang mga anak mayaman din sila tulad ng nasa table15, mukha din mga pasaway ang mga ito kasi gabi na nasa labas pa sila, kasi sa oras ko nasa alas otso ng gabi, kung hindi ba naman sila pasaway bakit nasa labas pa sila.
" anong mga order niyo mga sir" tanong ko sa kanila, tinignan lang ako ng mga ito at ngumiti lang sila, "ano ba ang mga ito, mga bingi ba sila pero bakit ngumiti sila"sabi ko sa sarili ko kaya nagpasya akong ulitin ang aking sinabi.
"ano pong mga order nyo mga sir" ulit ko na tanong sa kanila sabay hawak ng aking paperl at ballpen
"sure ka nagwowork ka dito, kala ko isa sa mga babaeng nagpapansin sa amin " sabi ng tsinitong, maputing lalaki tinignan ko ito matangos aang ilong, mapungay ang maga mata, mapupulang labi, makinis at maputing kutis, matipunong katawan.Bigla ko naisip artista ba ang mga 'to , hindi ko man nga sila kilala, sabagay paano ko ako may makikilala kung ndi naman ako nanonood ng palabas sa television.
"opo mga sir, uulitin ko po ano po mga order nyo po? Sabi , sabay ulit ng tanong ko, walang mababakas na anong emosyon sa akin na kahit anong tingin mo sa akin , ndi mo mababasa ang nasa isip ko , mahirap hulahan ang iniisp ng isang taong blangko ang mukha, walang emosyon.
" alam mo ang ganda mo para magtrabaho dito" sabi ng tsinitong lalaki sa akin, nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya, alam ko naman maganda ako, ilang libo na ba ang pumuri sa akin , sabi nila maganda daw ako, makinis na may maputing kutis, malalam na mata, mapupulang labi, matangos na ilong, kilay na parang ginuhit, seksing katawan, matambok na puwit, dibdib na malaki, tamang tangkad na 5'7, mahabang buhok at malahangel na mukha. Kaya hindi na bago sa akin kung may pumuri sa akin, dahil halus naman ng nakakilala sa akin, ganoon ang puri nila
" ang order namin limang black coffee" sabi ng isa sa mga kasama ng tsinitong lalaki
" elena, ang gandang pangalan bagay sa pangalan ko eros"sabi ng tsinitong lalaki, habang sinasabi niya yun, nkangiti siya, ah eros pala ang pangalan noon, hindi naman ako interesado sa kanya, isang lang ang pinakakabahalan ko , ang makapagtapos ako ng pag aaral, wala akong pakialam sa ibang bagay.
" paano nyo nalaman ang pangalan ko sir" sabi ko kay eros , dahil wala naman akong naalala na binangit ko ang pangalan ko sa kanya at tinuru nya sa akin ang aking nameplate, oo nga pla nakalgay sa aking name plate , kaya pla alam niya ang pangalan ko
" yun lang po ba ang order nyo mga sir" tanong ko sa kanila, tumango silang lahat sa akin , at eros grabe kung makangiti sa akin, may sakit ba yun, bat ngayan makangiti yun, parang baliw.
Umalis na ko sa kanilang harapan. Ang naghatid ng order nila si allan yung kasama kong waiter dito sa coffee shop, siya pinagdeliver ko sa mga irder ng table 18, dahil mukhang may sayad yung eros,at mukhang mapanganib ang mga yun , kaya habang maaga iiwasan ko na muna sila.