webnovel

Platonic Hearts

Meeting her was DESTINY… Becoming his boon companion was a CHOICE… But falling in LOVE with each other was out of CONTROL… Haley Miles Rouge and Reed Evans loved each other but their love is kind of platonic… They don’t realize that they’ve been ignorant of the magic that pulls the beauty of one other and heed the attraction they felt to each other. Love is never as painless as sharing the same track kaya hindi rin nila alam kung pa’no nila ito sisimulan. For them, mas kumportable sila na magkaibigan lang pero lagi silang magkasama. But what if one day, may isa sa kanila ang sumuko para mahanap ang totoong kasiyahan? Will their reach their love or this will be the downfall for the both of them?

Yulie_Shiori · Urban
Zu wenig Bewertungen
52 Chs

Caleb’s Route V - Reconcile  

Chapter 41: Caleb's Route V - Reconcile 

Reed's Point of View 

  Umagang-umaga pagkagising ko, sakit ng ulo kaagad ang naramdaman ko lalo pa noong dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga ko. 

Napaungol ako sa sakit habang nanatili pa ring nakapikit ang mata. Tsaka ko lang iminulat nang makaamoy ako ng mabango mula sa kung saan. 

  Pero mas tumuon sa atensiyon ko 'yung lugar. Nasaan ako? 

  Tanong ko kaagad sa isip ko bago may pumasok. Si Irish. 

Nagulat siya nang makita niyang gising na pala ako. "Oh, gising ka na pala. Baka gusto mo nang lumayas habang maaga pa?" Bungad niya sa akin habag sabog lang akong nakatingin sa kanya. "May pasok pa ako kaya hindi kita maasikaso." Dagdag pa niya. 

  Suminghot ako 'tapos tiningnan ang damit ko kahapon na nakatupi at nakapatong sa upuan. 

Ibinalik ko ulit ang tingin kay Irish para ituro ang damit na suot ko ngayon. "Pinalitan mo 'ko ng damit?" 

  "Hindi. Si Mickey ang nagpalit sa'yo." Sagot ni Irish at naglakad papunta sa bintana para iurong ang kurtina. Paakyat na rin ang araw. 

  Anong oras na ba? 

  "Reed, advice ko lang sa'yo." Singkit kong tiningnan si Irish kasi sumasakit pa rin ang ulo ko. "Huwag ka na sigurong uminum ng alak kapag broken ka." Dugtong niya kaya nagtaka ako. 

  Umiwas ako ng tingin. "Hindi naman ako uminum ng alak dahil sa ginusto ko, eh." 

  Humarap si Irish sa akin. "Kahit na ano pa ang rason mo." Bumuntong-hininga siya pagkatapos at humawak sa kanyang noo. "Jusko. Nakikita ko na ang gulong mangyayari sa'yo sa future." Naglakad na siya palabas ng kwarto. "May pagkain na sa baba, pagkatapos mong kumain. Umalis ka na dahil ayokong magka issue ako ng dahil sa'yo." Sinabi niya iyan habang walang ganang nakatingin sa akin at hawak ang door knob. "Tsaka kapag nalaman ni Haley na nandito ka nang dahil sa nalaman niya sa ibang estudyante," Nag gesture siya. "Double busted ka. Kawawa ka naman." Pang-aasar pa niya kaya medyo nainis ako. "Oh, siya. Bye, maliligo na ako. Isara mo na lang 'yung pinto pagkalabas mo, ha?" At isinara na niya ang pinto kaya naiwan na akong mag-isa rito. 

  Nanatili lang akong nakatingin sa pintuan nang ilipat ko sa bintana kung saan nakikita ko na ang papaakyat na araw. 

  Even Irish didn't see me as a "Man". Hindi man lang siya hesitant na sabihing maliligo siya. Alam naman niyang lalaki ang kasama at kaming dalawa lang. 

  Tumingala ako para blanko na mapatingin sa kisame. Nagbuga nang hininga kasabay ang pabagsak na pagbaba ng balikat ko bago umalis sa kama. "Uuwi na nga ako." 

Irish's Point of View 

  Kasalukuyan akong naliligo at nagbababad sa shower. Wala talaga akong halos tulog kagabi dahil sa nangyari. 

  Hindi naman iyon ang kauna-unahan na nahalikan ako ng isang lalaki pero kasi… Paano ko ba sasabihin…? 

  Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko para hawakan ang aking labi na aksidenteng nahalikan ni Reed kagabi. 

Dammit, pare. Umiinum naman ako nang kaunting alak paminsan-minsan pero bakit lasang lasa ko pa rin 'yung alak na ininum niya? 

  Tiningnan ko ang toothbrush ko na nasa itaas ng lababo. "Kato-toothbrush ko lang din kanina bago ako magluto." 

Reed's Point of View 

  Kinabukasan. May pasok pero kahit wala naman ako masyadong ginawa kahapon dahil off ko rin sa pag-asikaso sa E.U. 

Pakiramdam ko, ang bigat pa rin ng katawan ko. Pero aware ako kung bakit. 

  Pagod lang talaga ako mentally, kaya pati physical. Nadamay.

  Isinara ko na ang pinto ng sasakyan ko at dumiretsyo na nga sa building namin. 

Binabati pa rin ako ng mga estudyante, may iba naman na tinitingnan ako habang naglalakad. Wala ng bago, pero mas rumami yata sila kumpara noon.

  Nakababa lang ang tingin kong naglalakad nang may maamoy akong pamilyar na amoy. Lilingon pa lang ako sa kanya nang tapikin niya ako sa braso. 

"Good mornin'." Bati niya na may matamis na ngiti sa kanyang labi. 

  Maganda naman na itong babaeng 'to pero sa totoo lang, mas gumanda yata siya ngayon. 

 

  May panibago siyang gupit na bangs. Nakatali na rin ang side hair niya sa likod at kung tititigan ay para itong kumikinang lalo pa't napakaganda ng mga ngiti sa labi niya. 

  "Good morning." Bati niya sa akin nang madaanan niya ako. "Bilisan mo, male-late ka na." Habol niya bago siya tumakbo paloob para makahabol sa klase namin. 

  Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya habang nawawala na siya sa paningin ko. 

*** 

  NAKARATING na ako sa gagamitin naming classroom pero hindi na ako nakaabot dahil na-late na ako. 

Dumiretsyo ako sa pwesto kung nasaan si Jasper na nagsusulat ng kung ano. "Ano 'yan?" Tanong ko. 

  "Mayroon lang akong inaaral, pupunta ako mamaya sa ospital na malapit lang dito. May training ulit." Sagot niya kaya taas-kilay akong ngumiti. 

  "Motivated ka, ha?" 

  Paismid siyang ngumiti. "Gusto kong galingan para hindi mag-alala si Mirriam sa future ko." Sabi niya at tinuro ang sarili gamit ang ballpen. "Biniro ba naman niya ako na walang mag-aalaga sa akin. Eh, ako nga ang mag-aalaga sa kanya." 

 

  Nakaawang-bibig lang ako nang ngumiti na lang din ako. "Gano'n?" Nasabi ko na lang bago ako mapatingin sa gawi ni Haley na ngayo'y nakikipagkwentuhan kina Rose. Hindi pa naman nagsisimula 'yong klase kaya wala pang pagsita na nagaganap mula sa guro namin. 

  "Jasper," Tawag ko sa kanya na balik sa pagsusulat. "Gumaganda si Haley." 

  Nakita ko sa peripheral eye view ang paglingon niya sa akin bago niya ilipat ang tingin kay Haley. "Ganyan talaga siguro ang babae kapag broken hearted. Gumaganda lalo kapag na sa stage na ng healing." 

  Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya kaya muli kong ibinaling ang tingin kay Jasper. "Healing…? You mean… nagmo-move on na siya?" Tanong ko. 

  Ipinatong niya ang mga siko niya sa kanyang lamesa at pinaikot-ikot sa daliri ang hawak na ballpen. "Possible." Patangong sagot niya. "Alangan namang magmukmok siya nang dahil sa'yo? Eh, alam naman niyang wala kang gagawin talaga." Pagkibit-balikat niya kaya parang nasaktan ako. Kasi sa paraan pa lang ng pagkakasabi niya, pati siya sumuko na rin sa akin. 

  "P're. Kahit ako na babae, mapapagod din sa kakahintay sa'yo." Huling sabi niya bago siya muling nagsulat sa kanyang kwaderno habang wala naman akong sinabi at natulala lamang. 

***

  LUNCH BREAK, hindi sumabay si Jasper sa akin at may gagawin muna raw siya sa library. Malamang at may nire-research. Pero sana kumain na muna siya. Wala tuloy akong kasama ngayon. 

  Inayos ko na ang gamit ko kasabay ang aking pagsulyap kay Haley na tumatawa ngayon kasama pa rin sila Rose nang dumating si Jin para kausapin siya. 

Sa dahilang ayoko silang makitang magkasama ay umalis na nga lang ako sa classroom para kumain sa kung saan. 

  Ngunit napag desisyonan kong kumain sa rooftop dahil mukhang mahangin doon ngayon. Bale bumili lang muna ako ng makakain sa canteen bago ako umakyat. 

Buti nga at walang tao. 

  Naglakad ako sa may bench na may silungan. Doon din ako nagpalipas ng oras kahit noong matapos na 'yung pagkain ko. Nakaupo lang ako't nakasandal ang likod sa sandalan habang pinapanood ang bawat paggalaw ng ulap nang may magbukas ng pinto tsaka lumabas si Haley. 

  Siya lang din mag-isa at may dala-dalang pagkain. 

Inaasahan niya sigurong walang tao dahil pagkakita pa lang niya sa akin, nagulat siya pero binawi rin niya kaagad ng pag ngiti bago ako nilapitan.

  Umayos kaagad ako ng upo bago siya umupo sa tabi ko. "Uupo lang ako rito, ah?"  Paalam niya sa akin na hindi ko kaagad inimikan. 

Binuksan na niya 'yung box na may laman na pagkain niya. Tahimik na siyang kumakain kaya parang nakakaramdam ako ng awkwardness kasi kahit gusto kong magsalita, wala rin naman akong masasabi kasi hindi ko rin talaga alam. 

  Kaya handa na sana akong tumayo nang hawakan ni Haley 'yung dulo ng polo ko. "Where are you going? Let's talk." 

  Ilang segundo rin siguro akong nakalingon sa kanya bago ako umupo. 

Subalit nang makaupo, wala ng sinabi si Haley at kumain lang ulit kaya ako naman itong hindi mapakali na naghihintay kung ano 'yung gusto niyang pag-usapan. 

  "Ano--" 

  Ibinasura na ni Haley 'yong kinainan niya sa dala niyang plastic kanina at inilagay na muna sa tabi niya. Uminum na rin muna siya ng tubig bago niya iyon ibaba sa simento.

  Napalunok na lang din ako dahil sa paraan ng pagtingin ni Haley sa harapan, parang ang hirap niyang kausapin dahil sa aura niya. Nakaka intimidate.

  Ibinaba ko na ang tingin ko. "Ano 'yung gusto mong pag-usapan?" Tanong ko. 

  Nanatili pa rin siyang nakatingin sa harapan. "I want us to be friends again." Panimula niya kaya ako naman itong napatingala para makita siya. Hindi pa rin niya inaalis 'yung tingin sa harapan. "I just realized recently na… maybe hindi nga talaga tayo para sa isa't isa." Panimula niya sa pag-uusapan natin. "Sa dinami-rami ng pagkakataon na pwede kong aminin sa'yo iyong nararamdaman ko, ni isa sa mga 'yon, walang nagtagumpay. At noong nagkaroon ako ng chance na sabihin sa'yo nung gabing iyon. Lumayo loob mo sa akin." Aniya at lumingon na sa akin kaya nagtama na ang tingin naming dalawa. 

  Nandoon pa rin sa mata niya 'yung kaunting lungkot pero nakangiti na siya. Ito 'yung ngiti na masasabi mong tinatanggap na niya 'yung nangyari. 

Kaya 'yung puso ko, parang nawarak. "My feelings can't be changed that easily. However," She paused. Nakikinig lang ako sa kanya. "Sana bumalik tayo sa kung ano tayo dati. I want to reconcile with you, Reed." In-extend niya ang kamay niya sa akin. Senyales na gusto na niyang maging maayos kami. 

  Matagal pa nga akong natulala bago ako maluha. Nagulat si Haley dahil doon pero kinuha ko na kaagad 'yung kamay niya. 

  Hindi ko talaga siya deserved. Duwag ako. 

She deserve someone who will give the attention that she really needs. A person who won't hesitate to ask her out, to tell what they feel. 

  Nakatungo lang ako habang hawak-hawak ang kamay niya nang tumingala na ako para ngitian siya. "Thank you, Haley." 

  Bilog na nakabuka ang bibig niya nang muli siyang ngumiti. 

At simula nga no'n, nagkasundo nga kami na magiging mag kaibigan na lamang. Doon ko rin unti-unting sinimulan na tanggapin na mas nagkakalapit na si Jin at Haley. 

Happy New Year!! Thank you for your patience.

Mas focus na po tayo sa JinLey next chapter.

Yulie_Shioricreators' thoughts