webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · realistisch
Zu wenig Bewertungen
366 Chs

Kababata

Chapter 1. Kababata

    

     

EVERYTHING had been solved. So, what was this stomach turning, unsettling feeling?

Hindi mapakali si Bree nang matapos niya ang pinatrabaho sa kaniya ng private intelligence agency na kinabibilangan niya. She was only eighteen when she entered the agency, a freshman college student, taking up music-related course. Then, a year after, she was entrusted to handle some cases on her own already. At nitong huli nga ay ang pagdakip sa utak ng gun smuggling na tinutukan nila ng halos tatlong buwan. They successfully caught their underlings as well.

She was at the agency, done reporting the whole situation to their boss, when his right-hand man butt in.

"Bakit parang hindi ka mapakali?"

Sinamaan niya ng tingin ang nagsalita. "Hindi ka naman kasali sa misyong ito, bakit nandito ka?"

"You're so hot-heated. Hindi bale, bagay naman sa mga hot na katulad mo." Dinilaan nito ang ibabang labi saka siya nginisihan.

"Shut the fuck up, Estacio!"

"That's enough. Para kayong mga bata," saway ng boss nilang si Eulogio Arellano, ang head ng AIA, o Arellano International Agency na kinabibilangan niya. The man was already in his early fifties but he looked younger than his actual age. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

"Kaya na nga naming gumawa ng bata, boss," segunda pa ng tinawag niyang Estacio. She really loathed guys like him. Walang bayag. Laging kumakapit sa mas may kapangyarihan.

He's an employee at a TV station and he managed to get in there through connections only. Kaya nga ba sunud-sunuran ito na parang aso sa boss ng istasyon. Isang asong ulol.

"That's enough," sita ni Arellano. Mabuti at alam ng boss nila kung kailan dapat magseryoso. Pagkuwa'y bumaling ito sa kaniya. "Is that all, Mendoza?"

Sinabi niyang oo at pinaalis na siya. Her job was now done and would only be called out once needed.

She was busy looking at her phone to book a taxi when she entered the elevator, then, she was pushed on the wall as the door closed. Nabitiwan niya ang kaniyang cellphone.

"What the heck, Estacio?!"

"Don't you miss me, baby?"

"Fuck you!"

"Damn, where's that clingy girlfriend that I had before? I miss your touches... your sweet kisses."

"Gago! You know that's just an undercover. Don't be so full of yourself!"

Yumuko siya para damputin ang kaniyang cellphone.

Pumito nang nakakabastos ang lalaki. "You still don't wear panties?" Kung makapagsalita ito, akala mo'y nakuha na ang puri niya.

She stood up and was now totally pissed off. When she was about to kick him, her cellphone rang. Tiningnan niya iyon at bago pa makita ang caller ID ay nahablot na sa kaniya at namalayan na lang niyang nakasandal siya sa pader saka lumapat ang labi nito sa kaniya.

Puro mura ang narinig niya sa kabilang linya habang magkahinang ang labi nila ni Estacio at doon ay parang kumulo ang kaniyang dugo. She bit his lips hardly as she stomped his feet—but that didn't affect him at all—kaya tinuhod niya ito sa pagitan ng hita at doon pa lang ito lumayo. Saktong bumukas ang pinto, hudyat na nasa tamang palapag na, at inagaw niya ang cellphone rito habang nakayuko ito, sapo-sapo ang sinipa niya't siniko ang likuran nito bago tuluyang lumabas ng elevator.

Napalunok siya nang maalala ang mga malulutong na mura ng kaniyang kababata na nag-video call pala sa kaniya kanina. Napakagago talaga ng Timo Estacio na iyon kahit kailan. Napakabastos at walang modo!

Ipinagpatuloy niya ang pagbu-book ng taxi at ilang sandali pa ay dumating na iyon. Hanggang sa lulan na siya ng sasakyan ay hindi siya mapakali. Hindi na iyon tungkol sa misyong tinrabaho niya, kundi tungkol sa kung paano ba niya kahaharapin ang kababata niyang tumawag kanina at naabutan siya sa sitwasyong iyon.

"Kung tawagin ko na kaya?"

She heard the driver chuckled and commented, "Tawagan mo na, Ma'am. Kanina mo pa binubulong-bulong iyan."

Nahiya siya pero hindi nagpahalata. "Kausap ba kita, Manong?" She raised an eyebrow.

Tumabingi ang ngiti nito at dumiretso na lang ng tingin. Sa buong durasyon ng biyahe ay hindi na ito kumibo pwera na lang nang sabihin nitong nakarating na sila. Nakapikit kasi siya at pilit na kinakalma ang sarili, nag-iisip na rin.

Forty-five minutes after, she arrived at the place. Nasa bungad na siya ng mansiyon ng mga dela Costa at hindi pa rin lumalakad para makapasok sa mismong property. She didn't even call him and she told the guards to not tell him yet. Hindi pa kasi niya alam ang idadahilan dito. Mukhang hindi naman nito paniniwalaan na wala naman silang relasyon ng gagong iyon lalo pa't kilala siya nito bilang papalit-palit ng boyfriend mula nang mag-eighteen siya.

She sighed.

"...susunduin ka na raw niya rito."

Napalingon siya sa guard nang sabihin iyon. Hindi niya namalayang nagsasalita pala ito habang nag-iisip kung ano ang idadahilan niya. Pinanlakihan niya ito ng mata nang mapagtanto ang ipinaalam nito sa kaniya. "Bakit n'yo ho sinabing nandito na ako?!"

"Ah... Eh... Tumango ka kasi nang itanong ko kung ipapasundo na ba kita..."

Did she? Pinagtaasan na lang niya ito ng kilay at humalukipkip. She must have nodded unconsciously.

Just after a few, he was already in front of her, riding his sleek motorbike. She almost rolled her eyes because they could've just walk. Para higit na limang minutong lakaran lang naman mula sa bungad hanggang sa mansiyon.

But she must admit, he's smoking hot while riding his motorbike. He's a graduating student, and two-year older than her, almost three. Yet, he's already toned up and could be a model if he'd want to. His hair was longer than the other guys but since he's wearing his helmet, it couldn't be seen now.

"Hop in!" Hinagis nito ang helmet na pinasadya nito para lamang sa kaniya.

"Bakit maghe-helmet pa? Ayan lang naman ang bahay ninyo."

"Sumakay ka na lang. Kanina pa naghihintay si Chelin."

"Huh? Why would she wait for us?"

"Have you forgotten? You told her she can watch us practice for our play."

Her jaw dropped remembering that promise she made with their childhood friend last week. But she didn't want to ride his bike now. Magugulo ang buhok niya.

"Dalian mo na! Huwag ka nang mag-inarte pa, mas mabilis kung magmo-motor tayo."

Kitang-kita niya kung paano ito ngumisi na ikina-inis niya. How did he know what was on her mind?

"'Sakay na sinabi, eh!"

Sumandal siya sa pader, napansin niyang nakamasid sa kanila ang dalawang gwardiya kaya sinamaan niya ng tingin. Nagmadaling tumalikod ang mga ito.

"Bree, dali na!" iritadong bulalas nito.

"Ayoko."

"Iiwanan kita," banta nito sa mababang tinig.

She rolled her eyes and didn't even flinch. Napakasungit nito ngayon, samantalang palagi naman siya nitong pinagbibigyan. Nakakainis!

"Aalis na ako. Bahala ka riyan."

Nanlaki ang mga mata niya nang pinaharurot nga nito ang motor palayo sa kaniya. Padabog na hinagis niya ang inabot nitong helmet sa kaniya at naglakad papalayo. She would just book another taxi to bring her to their friend's place.

Hindi ko na po tatanungin kung sino ang hula ninyo sa kababata ni Bree, kilalang-kilala n'yo naman na. Hehe

jadeatienzacreators' thoughts