webnovel

Pet Raiser's Shop

Chimirie has promised to his friend Lervian to join their league and to play a National E-Games Tournament in Manila Philippines. Ngunit hindi inasahan ni Chimirie nang may napindot siyang Ads sa isang App Store na naging dahilan para siya'y maging transparent na parang kaluluwa at naisanib kay Zala A. Androvaje na bago lamang namatay dahil sa lason. Sa mundo na kan'yang pinuntahan ay nagtataglay ang tao ng kapangyarihan na mula sa pet, na kanilang ikinontrata mula sa ibang realm. Para makabalik sa kan'yang dating mundo ay kailangan niyang gawin ang mission na ibinigay ng system, at ito hanapin ang pumatay sa katawan na kan'yang sinaniban, at protektahan ang city kung mula beast sage kung saan nandoon ang kan'yang negosyo na Pet Raiser's Shop. Will Chimirie Accomplish her mission before the tournament or she will failed her promise to her male friends Lervian? ... Chimirie promised to her male friend Lervian to join his league after the Top 2 and Top 3 league join force their pro player into a team. Ito ang naging banta sa kanila Lervian na matalo sa Championship sa Master Pet's League National E-Games Tournament. Lervian beg to Chimirie whom played the game anonymously and has a title as Shadow Queen. Lervian wants to win the National Tournament to represent the Philippines on the Olympics E-Games. He wants to win to prove his worth to his family who doubt the direction of his Career. Ang kan'yang tanging pag-asa ay ang kan'yang female friend na ayaw ng exposure ay si Chimirie. Ngunit isang aksidente ang nangyari nang mapindot ni Chimirie ang Ads sa Apps Store. Doon naging transparent ang kan'yang katawan na parang kaluluwa. Nagising na lamang siya na nasa katawan ni Zala A. Androvaje na namatay dahil sa lason. Isang Mission ang kan'yang natanggap at 'yon ang maging Manager ng Pet Raiser's Shop. Upang makabalik sa mundo para tulungan ang kan'yang kaibigan ay kailangan niyang hanapin ang naglason sa katawan niya at protektahan ang City na kung saan naroon ang kan'yang shop na may banta ng Beast Invasion.

Nightwakerz · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
13 Chs

Chapter 10

Tumingin-tingin sa paligid si Sidrach at saka tumingin siya kan'yang ama at ina. Nagtataka sila sa kagustuhan ng mga ito na sumama sa isang estranghero. Isa pa ay hindi ba't kailangan ng tagapagmana ang rasa nila? Bakit mas gustuhin pa nilang umalis ako?

"Ama, ina, hindi ko kailangan ng tagapag-alaga, ang laki ko na para alagaan. Isa pa ama? Sino ang susunod na maging hari?" Tanong nito.

Napailing-iling naman siya sa sinabi ni Sidrach. Talagang hindi ito nagbabasa ng libro o nakikinig man lang ng mga turo. Imposible naman kasing walang nangaral sa kanila.

Mula sa alaala niya nalaman niyang may hangganan lamang ang lakas nilang mga pet. Mabagal pa ang kanilang progress kapag wala silang tagapag-alaga.

Isa pa ay tila ignorante ito na hindi alam kung ano ang benepisyo na maaari niyang makuha kapag naging pet ito ng isang pet raisers. Hindi ito makukulong sa realm na limitado ang pag-unlad kung hindi ay ang mundo kung saan malaya itong maglakbay at magpalakas sa sarili.

"'Yan ang resulta nang hindi ka nakikinig sa mga aral at puro paglalandi ang iniisip mo. Alam mo ba ang mangyayari kung maging alaga ka? Mas lalakas ka pa sa amin dahil ang mundong mapupuntahan mo ay hindi tulad dito na limitado ang pagunlad.

Napatango si Zala bilang pagsang-ayon sa matanda. Hindi siya pumunta rito to babysit a pet kundi kumuha siya bilang companion sa mga laban niya.

Zala was somewhat astonish to what was happend  to her life. Ang daming nangyayari, at parang movie na yata ang buhay niya. Saan-saan na siya napunta at bawat napuntahan niya tila may drama.

Ang napuntahan niya ay nakulong na tribo ng mga pusa. Hindi niya kung paano at kung bakit nasa kalagayan nila ito. Still, she feel creepy na makita ang daming mata. Para bang nasa isang demonic place siya. O may mga orakulong nagsubaybay sa kan'yang galaw.

Pero nandito siya sa sobrang dilim na lugar. Ano pa ba ang aasahan niya lalo't alam niyang mga itim ang mga ito. Hindi naman sila matatawag na Shadow Cat kung hindi sila itim diba?

Nagharap ang tingin ng pares ng mata ng Hari at reyna.

"Tama si Tandang Aserol anak, malaking pagbabago ang mangyari sayo kapag sumama ka sa kaniya. Huwag kang mag-alala sa amin anak, ang dapat mong isipin ang sarili lalo't makikita mo na ang tunay na mundo. Kung tagapagmana ang iniisip mo ay wag kang mag-alala lalo't magkaroon ka na ng bunso"

Sidrach could see a smiling as he heard those words ngunit nagbago rin ang kan'yang expression ng napagtanto niyang hindi niya makikita ang kan'yang bunso. Pero naisip niyang mas mabuting  tanggapin niya na maging alaga siya ng hindi kilalang pamilya alang-alang sa bunso niya na makita ang liwanag na matagal ng ipinagkait sa kanila.

Tumingin naman ang isang mata na nasa  malapit lamang kay Zala at saka nagwika.

"Iha, sana tanggapin mo ang Prinsipe ng mga Shadow Cat bilang iyong alaga?" Pakiusap sa kan'ya ng matanda.

Tumango naman si Zala lalo't isang Shadow Type hound ang kan'yang pet dati. Hindi na masama kung pusa naman ito ngayon. Isa pa gusto niya rin ang pusa lalo't may mga ability itong napakaganda. Tulad ng matalim nitong kuko, high jump at balancing kung saan ito magaling.

"Opo, nais ko po dahil ganoon naman talaga kaming mga tagapangalaga na kailangan magkaroon ng alaga. Ang kapalaran ang nagtagpo sa amin kaya mas mabuting hindi tanggihan ang sinasaad ng kapalaran" mahabang sabi niya.

Tumango ito kay Zala.

"Salamat iha, isang magandang regalo ng langit ang kan'yang ibinigay lalo't sa wakas ay maging malaya na kami sa bilangguang ito."

Lumingon naman ang matanda sa pusang nasa banga. Naunawaan naman ito ni Sidrach ang ibigsabihin nito. Naging mentor niya ito nang matagal. Ginawa nga niting miserable ang buhay niya sa mga training nila. Kaya nga inakala niya ito ang dumisturbo sa kan'ya.

"Aba tanda napag-isipan kung mas mabuting lumayo sa'yo, puro nalang pasakit dala mo sa akin. At syempre hindi lang 'yon, gusto ko makita ng bunso ang liwanag na 'di ko nakita sa tanang buhay ko."

Tumango ang matanda na hindi makita ni Zala dahil nga sa kadiliman. Ngumiti ito kaya atsyaka bigla na lamang nawala ang mata na 'yon saka naglaho.

...

"Ang gawin niyo lang ay sundin ang aking sasabihin bilang seremonya ng pagkontra"

Naroon pa rin sila ngunit magkaharap na sila ngayon. Pinaupo si Zala dahil hindi naman maabot ito ni Sidrach. Umupo si Zala na parang nag-meditate.

Hanggang sa may nilabas ang matanda na maliwanag na bagay na parang likido. Mula sa alaala ni Zala ay masasabi niyang isang potion ang bagay na iyon na ibibigay sa kan'ya ng matandang pusa na may tungkod.

"Inumin mo ito iha nang hindi ka mabaliw kung maghalo ang iyong dugo" utos sa kan'ya ng matanda.

Tumango si Zala sa kan'ya nilunok ni Zala ang likidong iyon. Nagkaroon ng magandang sensasyon na nararamdaman sa katawan si Zala. Mas lalong naging relax ang kan'yang katawan nang unti-unting kumalat ang gamot na 'yon sa kan'yang katawan.

"Ngayon ay magsimula na tayo" saka tumingin ito sa paligid. Ang mga matang tahimik lamang sa paligid at sa hari at reyna na nasa kanilang likuran.

Halo-halo ang naramdaman ng mag-asawa. Natuwa sila lalo't ayon sa propesiya ay may tagapangalaga ang pupunta sa kanilang lugar kung nasaan. Ngunit nalulungkot din sila nawalay sa kanilang panganay na anak.

Ngunit kailangan nilang isakripisyo ang anak para sa kapakanan ng nakakarami. Isa pa hindi naman sila na konsensya na ginamit ang anak para sa sariling kapakanan dahil pangarap ng tulad nila makalabas sa kanilang mundo para harapin ang hamong sa labas.

"Ikaw ang mauna iha" aniya.

Tumango si Zala at hinintay ang panunumpa.

"Ako si -----, ako'y nangangako na tratuhin ang aking alaga na kapantay.

"Ako'y aalaga rito at iisipin ang kapakanan nito."

"Huhubugin ko ang aking alaga sa hanggang saan ang kaya ko."

"Hindi ko iiwanan sa peligro ito at ako'y mamatay sa kamatayan ng aking alaga"

Ang sunod naman na nanumpa ay si Sidrach. Ngunit hindi na kailangan na itaas ang kamay nito bilang panumpa.

"Ako si ----, ako'y nanunumpa na sundin ang iniutos ng tagapangalaga para sa aking kapakanan."

"Protektahan ko ang aking tagapangalaga sa abot ng aking makakaya"

"Ang kamatayan ng aking tagapangalaga ay siyang aking kamatayan din"

Sinunod din ng pusa ang salita ng matanda. Matapos ang panunumpa ay lumapit ang matandang pusa sa kanila at hinawakan ang kanilang kamay. Naramdaman na lamang ni Zala ang tumusok na kuko ng matandang gayundin ay napaaray ang pusa.

Hanggang sa ipinagdikit ito at tila ba naramdaman niyang parang may pumasok na mainit na likidong pumasok mula sa daliri ni Zala. Kumalat ito sa kan'yang katawan.

Ngunit hindi naman masyadong naapektuhan si Zala. Marahil ang dahilan ay ang ibinigay na potion.

Hanggan sa bigla nalang nagkaroon ng pagsabog sa itaas at nahulog ang mga bato roon. Mabilis namang umilag ang mga pusa doon na maririnig pa ang kanilang tiling ngiyaw.

Nagkaroon ng liwanag ang butas iyon kaya't naaninag na ni Zala ang buong lugar.

Hanggang sa bigla na lamang nasira ang itaas ng kinaroroonan nila at nahulog ang mga bato. Mabuti na lamang at nakaiwas ang mga pusa.

Pinagmasdan ni Zala ang paligid at naging klaro na sa kan'yang paningin ang mga ito. Mga itim na pusang may asul na mata habang may malalaking pusa na tila kasinglaki ng aso ang ilan tulad ng mga nakatatanda na may mataas na level.