webnovel

Perfectly Unordinary (Tag-Lish)

Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes and let him touch them.. No one but.. Faith Fajarah.. Nothing's ever perfect in her life, well, not anymore. She don't talk to anyone unless it's necessary, she don't listen to them, she avoids them and she won't look just anywhere because it's the reason why her life turned upside down. But what will happen when she explodes because someone's so stubborn around her.. in one single touch, nagsimula ng gumuho ang mundong ginawa niya..

IzannahFrame · Horror
Zu wenig Bewertungen
30 Chs

Chapter 10: FAULT

Huminto sila sa harap ng Divine Shepherd Memorial Chapel, ang pinakamalaki at marangyang memorial house sa kanilang syudad. Marami ng nakapark na kotse sa parking lot. Bumaba na din sila at sumunod siya.

Habang naglalakad ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso niya. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Pagpasok ay dumeritso pa sila sa isang pinto.

Bumukas ang pintuan at napahinto siya sa kinatatayuan. Nabungaran niya agad ang nag-iisang kabaong na nasa unahan lang. Ibig-sabihin, ligtas nga talaga ang kakambal niya. Napakaraming bulaklak ang nasa kaliwa't kanan na naglilinyahan. Ang kabaong, kulay gold at sobrang kintab, hindi imposibling isipin na baka gold nga talaga yun. Hindi niya alintana ang mga tao sa paligid dahil nakasentro lang ang atensyon niya sa kanyang kabaong at nabasa ang pangalan na nandon. Kumunot ang noo niya, he blinked many times and narrowed his eyes. Hindi niya namalayan na papalapit na pala siya don dahil may sarili atang utak ang binti niya na lapitan ito.

RAIMER F. AZARCON

Yun talaga ang nababasa niya na ngalan sa kabaong.

"Hindi.." Sambit niya at tumakbo na para makompirma ito. Dread filled him as he took every step. No! Paulit-ulit sa isip niya ang salitang yan. Hindi niya kailanman matatanggap pag totoo nga ang nakikita. He's my damn brother! My twin! He can't be dead because of me.. Hindi pwede! Umiiling na din siya. Kahit nanginginig ang buong katawan ay pinilit pa rin na makalapit.

Agad siyang dumungaw sa loob niyon nang marating ito. His jaw dropped and tears started to build in his eyes. Napatitig siya habang umiiling.. "Hindi.. Hindi! Raimer!" Sigaw niya, tinangkang hawakan ito pero wala siyang napala. Naglaglagan na ang mga luha, ito na pinakamasakit na nasaksihan niya. Parang pinipiga at paulit-ulit na sinasaksak ang puso nang makitang patay na ang kakambal dahil sa kanya. "Raimer! Gumising ka! Ako ang namatay sating dalawa dahil isa nalang akong kaluluwa.. Raimer.. Bro.." Humagulgol na siya sa pag-iyak. "Bakit ikaw ang nandiyan? Akala ko ba may nakaligtas satin?" Napaluhod na siya dito. "I'm sorry.." Tinitigan niya ang mukha ng kapatid. "I'm really sorry, bro." Naupo nalang siya sa carpeted floor at nakatakip ang mga palad sa mukha. "This is all my fault." Bintang niya sa sarili. He gritted his teeth and clenched his fist. "Kasalanan ko ang nangyari sa'yo. My goddamn fault!" Tahimik nalang siyang umiiyak sa sahig. Wala ni isang nakapansin sa kanya. Nilalakaran at nilalagpasan lang siya ng lahat na lumalapit kay Raimer.

Hindi na muna inisip ni Rain kung nasan ang katawan niya dahil mas matindi ang nararamdamang sakit sa puso at konsensya nang makita ang bangkay ng kapatid.

Naririnig niya ang pangalan ng parents na parating nababanggit ng mga bisita sa paligid. Inangat na rin niya ang kanyang ulo at nakita ang mga magulang na kausap ang isa sa mga bisita. Malamang kasamahan nito iyon sa trabaho kasi hindi niya kilala. Isang lalaki na nakablack business suit.

Tumayo siya at tinungo ang direksyon ng mga to. May mga luha pa rin sa kanyang mga mata habang papalapit at huminto sa tabi ng mga magulang niya. Hindi na pinansin ang pinag-uusapan ng tatlo. "Ma, Pa, I'm sorry.. I'm so sorry for what i did to my brother. I'm very sorry napahamak ko siya." Paghingi niya ng tawad sa mga ito.. Tumulo ulit mga luha niya. "Sana naririnig niyo ko o nararamdaman man lang.." Hinaing niya kahit walang magagawa yun.

Nakaramdam siya ng lamig sa buong katawan nang may tumayo sa kinatatayuan niya. Napaatras siya dahil don at si Makoy pala ang lumagpas sa kanya.

"Excuse me po señor at señora." Tumango ito sa panauhin at bumaling uli sa mga magulang niya. "Nandito na po si sir Rain."

Nabigla siya sa narinig, nagpanting ang mga tenga. "Rain?" Bulalas niya na nakakunot ang noo at nakaawang ang bibig.

"Please, excuse us." Paumanhin ni Della sa kausap at iniwan na ito para salubungin ang anak.

Umugong ang bulungan sa paligid na nakatingin sa entrance. Bumaling din siya at nanlaki ang mga mata niya sabay laglag ng panga.

He's seeing himself walking towards the center, sinasalubong ng mga magulang.

Nang makabawi sa pagkagulat ay lumapit siya sa mga ito, tinitigan ang sarili. "Paanong.. Anong nangyayari?" Hinawakan niya ito pero lumagpas lang din ang kamay niya. "Hey! Sino ka? Isa ka bang impostor?" Nagsisimula na siyang mainis dito. Gusto niya itong kwelyuhan para makuha ang sagot pero mas lalo lang siyang naiinis dahil wala siyang magawa dito. Sumisiklab na ang galit niya sa pagkalito sa buong nangyayari. "What's fucking happening here?!" Tanong niya sa lahat. Tumingin siya sa cross na nasa pader sa ibabaw ng kabaong. "Pinaglalaruan mo ba ako? Coz this is not freaking funny." Panggagalaiti niya sa galit, desperate to find answers. Bumaling uli ang mga mata niya sa kabaong. "So kaya pala isang kabaong lang ang nakikita ko dahil buhay pa ang katawan ko." Tumingin siya sa buhay niyang katawan. "Pero pano nangyari yun? I'm here, ang kaluluwa ng katawan ko." Napapapikit na siya dahil nagsisimula ng sumakit ang ulo niya sa pagkalito sa lahat. Fuck! So much for being a soul. Akala ko wala na kaming mararamdamang sakit. Sapo na niya ang noo. Matalas na tiningnan ulit ito. "Sino ka? Sino kang nasa katawan ko?" Pagtitimpi niyang tanong, kung nahahawakan lang sana niya ay kanina pa to nakahandusay sa sahig.

"Ate, Salamat po." Narinig niyang sabi nito kay Lina. And even hearing his very own voice but not speaking as himself is creeping him out.

" 'Ate'? Hindi ate ang tawag ko sa kanya." Pagpuna nya rito. "Si Raimer ang tumatawag nyon!" Sigaw niya dahil naaalala ang kakambal na nasa sarili na nitong kabaong. He's missing him so much now. Kung kasama niya to ngayon, hindi siya masasaktan ng ganito, hindi siya mag-iisa dahil may dadamay sa kanya. Pero siya rin ang dahilan ng pagkawala nito.

"Son.." Hinila ni Della ang buhay na Rain at niyakap ng mahigpit.

Nanunuod nalang si Rain sa nagaganap sa harapan. Kinakagat ang labi para patigilin sa panginginig dahil naiiyak na naman siya. His whole body is trembling from pain, jealousy, longing and loneliness in his situation. Sa pagtitig niya na niyayakap ng mga magulang ang buhay na Rain ay hindi namalayang tumulo na ang luha niya. He clenched his fist, nanggigigil siya sa nangyayari. "Ma, pa, i'm here.." Halos pabulong niyang sabi dahil paos na rin siya sa kakaiyak. "I'm just right here.." Pagsusumamo niya kahit alam niyang walang nakakarinig. It's better than do nothing. "Sana ako ang niyayakap nyo.. Matagal ko ng di nararamdaman yun." Patuloy ang pagtulo ng luha niya. He wished siya ang nasa katawan niya para maramdaman ang yakap ng mga ito. "Minsan ko lang kayo makasamang dalawa, tapos hindi ko pa kayo nayakap sa huling pagkakataon man lang. I.." His voice is trembling. "I haven't told you yet how much i love you both." Pabagsak na siyang umupo sa sahig. Gusto ng yakapin ang sarili. Gusto niyang protektahan ang sarili sa sobrang sakit na nararamdaman. "Even my brother. I love him so much, yet i.. I put him in danger. I killed him.." Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili dahil don. Humihikbi pa rin siya pero inangat nya ang ulo at tumingin sa cross. "What's your plan? Why am I still here? Ano bang pinaplano mo sa katawan ko? Why is he acting like Raimer?" Sunod-sunod na tanong niya sa Maykapal. "Are playing jokes with my parents? With everybody? By having them thought of me as alive?" Each question is triggering his frustration.

Pagod na siya sa mga nangyayari. Everything that happened only results to more questions, no answer, not a single one. "I'm the soul of that body, so who is inside it? Sino ang nakasapi sa katawan ko?" Natanong niya rin. Pero wala siyang narinig na kahit anong sagot mula sa itaas.

Natigil na siya sa pag-iyak at natawa nalang sa sarili, natawa sa nangyayari. "These are all so fucking crazy." Lumakas na ang tawa niya. Para siyang baliw na nakaupo sa gitna ng daan at nilalagpasan lang ng lahat. "These are all insane!" Bulyaw niya sa kawalan. Patuloy ang tawa na puno ng kabaliwan. "This is just a fucking nightmare! Hindi totoo ang mga to!" Sigaw niya pa, pinapaniwala ang sarili. "Buhay pa ako at ang kakambal ko. Natutulog lang kami saming mga kwarto. Magigising din ako dahil hindi ito totoo. Hindi ito totoo!" Ang tawa niya ay unti-unting naging mahinang hikbi at napatingin sa pamilya niya. "Hindi ito totoo.." Bulong sa sarili at napaluha na naman sa nakikita.

Tumayo na siya at inaktong niyayakap ang mga magulang niya kahit sarili lang niya ang nahahawakan, hangin lang ang mga ito sa kanya. "Hinding-hindi ko na mararamdaman ang yakap nyo. Kahit ang simpleng hawak nyo lang, hindi niyo na ako matitingnan sa mga mata. Hindi ko na magagawa lahat dahil patay na ako." He sobbed, Fuck! I'm turning into a crybaby. Then he turned to his mortal body. "Who are you? Why are you using my body?" Tanong niya kahit di siya naririnig. Kung sino man ang nasa katawan niya, sana hindi ito demonyo.

"Ma, punta lang akong c.r." Sabi ng mortal na Rain.

"Samahan na kita, sir." Ani Makoy.

"Wag na po. Kaya ko na. Gusto ko lang din muna mapag-isa." Naluluha tingnan ang itsura nito. Nagtaka si Rain, sumunod siya nang umalis na ito sa tabi ng pamilya niya.