webnovel

Sobrang walang hiya

Redakteur: LiberReverieGroup

Ye Wan Wan: "…"

Hindi pa siya nakakakita ng sobrang walang hiya noon...

Normal na mga tao lang ang tatlong lalaki, kaya nang marinig nila ang sinabi ng lalaki, nagulat silang lahat.

"Umalis ka nga!" sigaw ng isang lalaki.

"Ay? Ayaw mong pag-isipan, be?"

"'Wag kang makielam! Kung hindi papataying ka din namin!"

"Bababaan ko ang presyo - paano kung $100,000?"

"…"

"$50,000 - wala nang ibababa pa!"

"Talagang gusto mo!"

Hindi na nakapagpigil ang tatlong lalaki. Nagkatinginan sila at sumulong sa lalaki ng sabay-sabay, handang alising ang sinumang makikielam.

Mahinang ngumiti ang lalaki, "Tsk, mura lang naman - bumibili ka ng tatlong buhay para sa $50,000 eh…"

Tinitigan ni Ye Wan Wan ang lalaki. Anong klaseng tao ba talaga siya?

Kahit na malaki ang sira ng kanyang kotse, ayos lang siya.

Kahit na alam niya na may ibang mga aristokratang martial arts na pamilya sa country Z, kaya nilang tiisin ang kanilang katawan sa malakas na pwersa matapos ang isang pamantayan ng training, at hindi sabi-sabi ang pagkakaroon ng tansong balat at bakal na bungo, hindi ba medyo nakakatakot na hindi takot ang lalaki na mabangga ng kotse?

Bukod dito, ganoon pa din ang kanyang itsura kahit na kaharap niya ang tatlong mamamatay tao na ito...

Mas mahusay pa siya siguro kay Nameless Nie at sa iba...

Maari ba na… ang misteryosong taong ito ay sikretong supling ng isang eksperto?

Sa naisip, agad nang sinunggaban ng tatlong lalaking naka-itim ang lalaki.

Kasunod no'n, napanganga si Ye Wan Wan...

Rinig ang mga suntok sa paligid - napalibutan ng tatlong lalaking naka-itim ang lalaki at patuloy ang pagbubugbog dito; hindi man lang ito makaganti.

Ye Wan Wan: "Uh…"

Masyado ko atang… inisip ang mga bagay at umasa sa kanya…?

Scammer lang talaga ang lalaking ito at magaling lang umarte?

Sa kakayahan niya, may lakas siya ng loob na itaguyod at ibenta ang sarili niya sa dalawang panig para tumulong sa laban? Ano 'yung iniisip niya...

Nang makita na walang lakas ang lalaki na lumaban pabalik, hindi na siya inabala pa ng tatlong lalaki at agad na inataki muli si Ye Wan Wan.

Nagliwanag ang mga mata ni Ye Wan Wan at tinuon ang lahat ng enerhiya niya para lumaban.

Nagkamali siya tungkol sa kakaibang lalaking ito, pero tama siya sa tatlong lalaki. Base kung paano makipaglaban ang tatlong 'to ngayon lang, eksperto ang tatlong ito at nakakapagod ang makipaglaban sa isa sa kanila, at sabay-sabay pa ang tatlo kung lumaban.

At nasa gitna ng kawalan sila ngayon...

Sa ilang sandali, madaming mga palaisipan ang kumisap sa utak ni Ye Wan Wan.

Gayunpaman, habang iniisip kung paano niya aasikasuhin ang tatlo, biglang bumagsak isa-isa ang mga lalaki sa sahig.

Nagulat si Ye Wan Wan. Anong nangyari?

Maari ba na… ang lalaking 'yon?

Pero paano niya binawian ng buhay ang tatlong 'to sa isang segundo lang? Anong klaseng kakayahan iyon?

Sa wakas, malinaw na nakita ni Ye Wan Wan ang lalaki. Sa likod ng mga lalaking naka-itim, may hawak na baril ang lalaki at may silencer na nakakabit sa baril.

Nakita ni Ye Wan Wan ang lalaking hinihinap ang nguso ng baril. Pinagpag niya ang alikabok sa kanyang damit at nandidiring sinabi, "Tsk, anong klaseng kapanahunan 'to? Saang puntod ba kayo nanggaling?"

Ye Wan Wan: "…"

Masyado niya nga inisip ang mga bagay-bagay...

Matapos na magsalita ng lalaki, tinapakan niya ang tatlong lalaki at lumapit kay Ye Wan Wan. Inilahad niya ang kanyang palad at sabi, "Ibigay mo na!"

"A-ano?" tuliro pa din si Ye Wan Wan.

Lalaki: "$100 - nangako ka."

Ye Wan Wan: "…"

Akala ko hindi siya sumang-ayon? Hindi niya nga binibitawan ang $100...

Lalaki: "Ano? Wala kang pera? Pwedeng mong ipadala gamit ang WeChat."

Ye Wan Wan: "…"

Mamatay ka na kasama 'yang misteryoso mong pagkatao at pasikretong eksperto.