webnovel

Mainam na pamamaraan sa “pag-abuso ng mga aso” nang walang ulit

Redakteur: LiberReverieGroup

Maski si Si Ye Han ay gulat din sa sagot na ito, kasama na din ang limang gwardya.

Hinilot si Xu Yi ang kanyang sentido, gustong umiyak pero walang mga luha ang lumalabas...

Tulad ng inaasahan, hindi niya mahuhulaan ang iniisip ni Miss Wan Wan gamit ang sentido kumon.

Sa kabilang banda, nagulat ang limang gwardya sa kanyang sagot.

Nag-isip sila ng hindi mabilang na mga posibilidad pero hindi inasahan na ito ang dahilan.

Kaya pala! Kaya pala hindi siya umakto hanggang sa sinabi iyon ni Yamamoto Tsubasa!

Dahil sa tinawag ni Yamamoto Tsubasa ang kanilang patnyarka na "walang kwenta"?

Grabeng… pagpoprotekta...

Napaangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan sa kanilang itsura. "Bakit?"

"W-wala po…" nahirinan ang limang tao, malakas na umiling-iling.

"May mga tanong pa ba?"

Nag-alangan na nagtanong ang inunong gwardya, "Edi ang rason kung bakit hindi ka lumaban noong una ay dahil sa…"

Nanghimutok si Ye Wan Wan. "Parte no'n ay hindi ako interesado. Pero ang rason talaga ay… hindi ako pinayagan ng master niyo na lumaban."

Ang limang gwardya: "..."

Hindi nila naisip iyon…"

Edi, mali ang lahat ng hula nila?

Nang napaisip si Ye Wan Wan, sumakit ang ulo niya. Miserable siyang nanghimutok. "Gayunpaman, sinira ko pa din ang patakaran… Sobrang makasalanan… tama na ang pag-uusap, kailangan kong bumili ng mga durian… sapat na kaya ang dalawa…"

Ang limang gwardya: "..."

Dalawang simpleng tanong lang ang tinanong nila, pero bakit pakiramdam nila na nakakain sila ng pagkain ng aso?

Kahit na ang halos namanhid na si Xu Yi ay nakaramdam ng lumbay sa kanyang puso.

Mula nang biglang nagbago si Miss Wan Wan, naging mahusay siya sa mainam na pamamaran ng "pag-abuso ng mga aso" nang walang ulit.

Unang naghanap si Ye Wan Wan sa kusina pero walang mahanap.

"Master, anong hinahanap mo?" mabilis na lumapit si Heidi.

"May durian ba tayo?" tanong ni Ye Wan Wan.

"Eh? Gusto mong kumain ng durian, Master? Bibili na ako ngayon na!"

"Sige, dalawa ang bilhin mo. 'Wag kang bumili ng masyadong matigas!"

Kung masyado itong matigas, masakit iyon kapag lumuhod ako doon...

"Sige, pupunta na ako ngayon!" mabilis na umalis si Heidi.

Sinara ni Ye Wan Wan ang fridge, nanghihimutok at nanaghoy. Paano niya aamuin ito ngayon? Hindi sapat ang pagluhod sa durian!

Dalawang beses siyang lumaban!

Bago pa pahirapan ni Ye Wan Wan ang utak niya dito, tumalikod siya at gulat na nakita si Si Ye Han na nakatayo sa pintuan ng kusina.

Kailan siya nakabalik? Nakasuot siya ng pormal na itim na suit at mukhang mabagsik at malamig, parang hamog nang nasa tuktok ng manyebeng bundok.

Napalunok si Ye Wan Wan. "Er, Ah-Jiu… nakabalik ka na pala…"

"En." tumango si Si Ye Han at lumapit sa kanya.

Napakamot si Ye Wan Wan sa kanyang ulo at mabilis na sinabi, "Buweno, um, narinig mo silang binanggit ang nangyari sa martial arts conference ngayon, tama? Kailangan kong ipaliwanag sa 'yo. Hindi iyon tulad ng iniisip mo! 'Yung unang beses na lumaban ako, pinukaw ako ng lalaki at kailangan lang na kalabanin ako, kaya wala akong magawa! 'Yung pangalawa naman… hindi pakikipaglaban 'yung pangalawang beses! Pinilit ako ni Sun Xuezhen na turuan siya ng kaunti. Tama, tinuturuan ako, hindi iyon pakikipaglaban…"

Dahan-dahang lumapit si Si Ye Han sa kanya. Niyapos niya ang kanyang braso sa bewang ni Ye Wan Wan.

Napaatras naman si Ye Wan Wan at tumama sa fridge. "Sinasabi ko sa 'yo na…"

Si Ye Han: "Mamaya mo sabihin sa akin."

Ye Wan Wan: "Huh?"

Tinukod ni Si Ye Han ang kamay sa fridge na nasa likod niya, matapos magsalita, yumuko si Si Ye Han at walang babala na hinalikan nito ang malambot niyang mga labi...

"Mm…" napadilat sa gulat si Ye Wan Wan.

Parang mali ang… kinalabasan nito?

Lumabag ako sa patakaran niya at sinira ko ang pangako ko. Hindi ba dapat pinaparusahan niya ako?

Bakit sa halip ay… ginagantimpalaan niya ako?