webnovel

CHAPTER 50

ANG TUWANG umahon sa puso niya ay agad na napalitan. Ng galit. Hinintay lang niyang makalapit ito bago niya ito sinalubong. Ng sampal.

"That's for abandoning me. Naiintindihan ko na mahal mo si Tatiana. Pero grabe ka. Iniwan mo 'ko para todasin ng hayop na lalaking iyon? Kinalaman ko sa problema niyo ha? Kundi mo nga ako dinala-dala sa isla eh hindi ako madadamay. Tapos ako pa ang muntik mamatay para makatakas kayo ng matiwasay? Ang husay mo eh 'no!" talak niya. "At ngayon, nandito ka. Bakit? Saan mo na naman ako kakaladkarin?"

"Noon pa kita gustong makita at makausap," anang lalaki.

"Pero sobrang busy ka sa pagpapakasaya kasama si Tatiana, ganoon? Sorry naman nakaabala ako. Ni hindi mo nga ako naisipang dalawin sa ospital, alamin kung buhay ba ako o nasa bingit ng kamatayan. Well, I can imagine you were so excited to be alone with your girlfriend. Mabuti pa si Ted na hindi ko naman kilala eh nagmalasakit sa 'kin."

"Hindi ka niya napuntahan sa ospital dahil nang mga panahong iyon ay nakikipaglaban siya kay Kamatayan."

Nagulat si Ruby nang may magsalita. Masyado yatang naka-focus ang pansin niya sa panggagalaiti kaya ni hindi niya namalayan ang paglapit sa kanila ng isa pang lalaki.

"Ted?" bulalas niya nang makilala ito. "A-ano kamo?" Hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi nito.

"He got hurt in the island. Dahil sa pagliligtas sa iyo," anang lalaki.

"Ted, 'wag na," pigil dito ni Aegen.

"She needs to know," giit ni Ted. At ikinuwento nito ang nangyari...

"Si Tatiana o ang babaeng ito?" tanong ni Sen. Durante, naghahamon ang tono.

Sa pinagtataguan ni Aegen ay nagkatinginan sina Ted at Aegen. Umiling ang una. Naging matigas naman ang anyo ni Aegen.

Don't fall for it. Iyon ang sinasabi ng tahimik na pagbuka ng bibig ni Ted.

Naintindihan ni Aegen ang tinutukoy nito. Puwede namang patibong lang iyon. It might result in the man getting all of them. Umalis na sa pinagkukublihan nito si Aegen, lumayo ito para makausap si Ted. Mabilis na bumuo ng plano ang mga ito.

Si Ted at Tatiana ang sakay ng motorboat. Pinaandar ni Ted ang bangka para papaniwalain ang senador na umalis na ang mga ito at iniwan si Ruby. Pero sa di kalayuan, sa isang mangrove forest, ay pinatay din ng lalaki ang makina. He swam back to shore to give Aegen a hand. Nakontak na nito ang mga kakilala na puwedeng tumulong sa kanila pero hindi naman agad-agad makakarating ang mga iyon kaya balak nito ay gagawa ito ng distraction para makuha ang pansin ni Sen Durante. hanggang sa dumating ang saklolo. But Ruby was in danger.

Sumugod si Aegen sa kuwartong pinagdalhan sa kanya. Nang makita ito ng daddy ni Tatiana ay pinalo si Ruby ng lalaki gamit ang hawak nitong baril kaya nawalan siya ng malay. Sumugod ang dalawang tauhan ng senador. Nagkaroon ng barilan. Suwerte lang na nakaiwas si Aegen sa ilang naunang mga putok. Ginamit nitong shield ang ama ni Tatiana nang mahagip nito ang lalaki. But eventually, someone managed to shoot Aegen. Ilang bala ang tumama rito.

Noon dumating si Ted. Naagawan nito ng baril ang isa sa mga tao ni Sen Durante at ginamit iyon para patamaan ang kalaban. The man went down. Kasabay ng pagbalik ng ibang mga tauhan ng senador sa isla ay dumating naman ang ipinadalang resbak ng hiningian ng tulong ni Ted. Dalawa lang ang nauna dahil ang mga ito ang tiyempong may training sa lugar na medyo malapit sa isla.

Two well-trained men are enough. Nakatulong ang mga ito, pati ang dalang armas ng mga ito, para maisalba ang sitwasyon. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga kinauukulan...

"Aegen was on the brink of death when he was evacuated from the island," patuloy sa pagsasalaysay si Ted. "Madaming dugo ang nawala sa kanya. Pagdating sa ospital ay nadiskubre ng mga doktor na tinamaan ang kidney at bituka niya. Honestly, I didn't expect him to live. But even as he was dying on the way to the hospital, he made me promise that I make sure you're okay and that you get what he promised you. Kaya ako ang nagisingan mo sa ospital."

Tumingin kay Aegen si Ruby. He did all that for her? Iyong luhang lagi niyang pinipigilan ay malaya nang umagos ngayon. Galit na galit siya rito, kung ano-ano ang iniisip niya, iyon pala ay muntik itong mamatay nang dahil sa kanya.

"Ted, ano ba? Ang drama mo," angil nito sa lalaki. "I told you to keep everything a secret."

"Mas maganda nang malaman niya ang buong kuwento. Now, I will leave you two so you can talk. And I suggest you do it somewhere private. Kagaya na lang doon sa pupuntahan niyo dapat ng kaibigan mo," baling ni Ted sa kanya. "And just to let you know, that was a set-up. Kinausap namin ni Aegen si Bianca para kutsabahin. Anyway, ikaw na ang mag-decide kung sasama ka o hindi." Ilang hakbang na naglakad ng paatras sa kanila ang lalaki, tinitignan yata ang reaksiyon niya, bago ito tumalikod na at iniwan na sila.

"M-muntik ka nang mamatay para sa 'kin. Why do it?" tanong ni Ruby.

"Because I promised your grandmother I'd save you," anito.

"Ha?" Disappointed siya sa narinig na sagot. She was hoping to hear something else. Something like because I love you. Pero asa pa siya. Iba pala ang rason.

"Nakiusap siya sa 'kin noon na iligtas kita," patuloy nito.

"Oh, I see. Thank you pala kung ganoon. Really," giit niya. Nagpapasalamat pa rin naman talaga siya kahit ano pa ang rason nito. He did almost die because of her.

"M-marami pa 'kong gustong sabihin sa iyo. But not here. Please, come with me," anang lalaki.

Ayaw na sana ni Ruby. Pagkatapos ng nalaman niya ay mas mahirap na para sa kanya na pigilan ang nararamdaman niya pra kay Aegen. Dati kasi ay may nagagamit pa siyang panangga, iyong ideyang iniwan siya nito, inabandona sa kapalaran niya. But now, after finding out he was ready to die for her, that just made her love him all the more. Mas masakit kung sasama siya rito para lang siguro magkaroon sila ng closure pagkatapos ay maghihiwalay na rin sila ulit. But then, she feels she owes it to him. Kaya kahit mahihirapan siya sigurado pagkatapos ay pumayag na rin siya.

He reached out a hand to her and when she took it, she couldn't help but shiver at the delicious sensation created by the simple touch of his skin. Naalala bigla ni Ruby ang lahat ng mga tagpong pinagsaluhan nila at hindi niya maiwasan ang manabik na madama ulit ang sarap na ipinalasap sa kanya ng lalaki. She suddenly longed to feel them once more. Gritting her teeth, she shoved the memories out of her mind. Parang napapaso ang kamay niya na hawak ng lalaki. Napapaso pero ayaw din niyang hilahin palayo. The heat coming from Aegen's hand is warming her whole body, yes, but it is settling more intently in that area between her thighs. Just by his touch he was able to sensitize her private part, especially her bud which must have started swelling by now.

Oooh... Hindi maiwasang madiinan iyon sa paghakbang niya. The pressure increased her craving to feel Aegen's hard, thick shaft inside her.

Isang lantsa, iyong sinakyan din niya dati, ang natanaw ni Ruby. It seems such a long time ago since she first got into that boat. Ang dami nang nangyari mula noon. Ang pinaka-momentous ay ang pagkahulog ng kalooban niya sa lalaking nagpilit na isama siya sa isla. They got in and soon they were headed out into the open waters.