"LATER," anito. He gave her leg a gentle squeeze before putting it back to its previous position.
Naghintay si Ruby sa susunod nitong gagawin. Nararamdaman niya ang pagkilos-kilos nito. She could imagine him shedding his clothes. Nagmuntikan tuloy siyang pagdikitin ulit ang mga hita para madiinan ang pagkababae niyang masyado nang natatakam.
Maya maya ay lumapit ito sa kanya. Would he lie beside her or is he going to push her legs apart and place himself between them? Pigil-hininga siyang naghintay pero walang nangyari sa alin man sa inisip niya.
"Hey..." Hindi na siya nakatiis, inabot niya ang piring.
"No!" Pinalo ni Aegen ang kamay niya. "Don't take your blindfolds off. Behave or I would tie you down," banta nito. Imbes matakot ay lalo lang nag-init ang sinapupunan ni Ruby. An image of her, tied-down and spread-eagled before Aegen flashed in her mind.
"Ano ba kasi ang hinihintay mo? Start already," giit niya.
"I have started. If you'll quit squirming, I'll get this done faster."
Get what done faster? Whoa, is he masturbating? Pinakinggan niya ito. Wala siyang marinig na tunog. May mga konting kaluskos but that's it. Napakatahimik naman nitong magpasarap ng sarili. And why is he doing it all by himself? Ang daya naman. Here I am burning up and he won't take up my invitation. Para saan pa ako naging fuck buddy?
"Kasama ito sa pagiging fuck buddy ko? Pareho ba tayo ng definition ng term na iyon?" nasabi tuloy niya.
Natawa si Aegen. She likes the sound, she realized. Para iyong malamig na tubig na bumubuhos sa tuyo niyang lalamunan.
Wow, poet ka na pala ngayon, kantiyaw niya sa sarili.
"Yeah, I know what a fuck buddy is," anito. "Bear with me. This is just something I need to do."
Hindi na ito nagsalita. Wala tuloy ideya si Ruby kung ano ang ginagawa nito.
"This is getting to be a bore. Okay lang ba kung magsalita ako?" aniya.
"Sure."
"W-what is she like? My grandmother." Iyon ang unang sumagi sa isip ni Ruby.
Hindi umimik si Aegen. Uulitin nga dapat niya ang tanong.
"She is a nice old woman," sabi nito bago siya makapagsalita ulit. "Well, maybe nice is not the right word. She is quite unique. Dignified siya, very conventional in some ways but liberated in other things. Kagaya ko, gusto niyang mapag-isa. She hated being in a crowd, she said. Napagod na raw siya sa mga pagkakaong nasa mata siya ng publiko."
"Hindi niya nababanggit si mommy...at ako?"
Hindi ulit nagsalita ang lalaki pero sa pagkakataong iyon ay natuto nang maghintay si Ruby. Na-realize niya, iniisip pa siguro nito ang sasabihin kaya hindi it agad-agad umiimik.
"She did."
"Galit siya."
"Disappointed is more like it. Lalo pa raw dahil nadiskubre niya na tama siya. That the guy your mom hooked up with is a no-good bastard. Sorry to offend you. He's your dad after all."
"No offense taken. Iyon din naman ang opinyon ko sa kanya. Inabandona niya kami eh." Nakagat ni Ruby ang labi. Hindi siya natuwa sa emosyong umahon sa kanya. She felt like crying but she didn't want to do that. It makes her feel weak and vulnerable.
"It was just me and mom for a long time. Tapos ay...naaksidente siya and then she was gone." Nabasag ang boses niya. She hated that more. "Hay naku, change topic," hayag niya. "Tell me about yourself."
"Not much to tell."
"Kahit gaano ka-boring ang naging buhay mo ay may maiikuwento ka pa rin, I'm sure. So talk," utos niya.
"Only child ako. Inampon ako, actually. Hindi mayaman ang mga magulang ko pero gusto raw nila ng anak kaya nagpunta sila sa ampunan sa kabilang bayan. Doon niya ako nakita at kinuha. Unfortunately, my parents died in an accident. Three years old daw ako noon. Napunta ako sa isang kamag-anak. Kapatid ng adoptive mom ko. Mabait naman siya pero well, siguro ay hindi niya gusto ang pakiramdam na napilitan siyang mag-alaga ng bata na hindi niya kadugo. Okay lang ang trato niya sa 'kin pero hindi ko maramdaman ang tutoong pagmamahal. Namatay siya sa sakit pagka-graduate ko. I made my own way since then. Mabuti na lang at sinuwerte naman ako. Naging maganda ang buhay ko."
"Ano ang trabaho mo?" usisa ni Ruby. Dahil siguro nakapiring siya at naka-focus lang lahat ng atensiyon niya sa pakikinig kaya napansin niya na maganda ang boses ng lalaki. It is a nice baritone. Pang-DJ.
"Oh, this and that," paiwas na sagot nito.
"So, ba't napadpad ka rito?"
"I wanted peace."
"Why?"
Sa pagkakataong iyon ay naging mahaba ang pananahimik nito.
"Change topic," anito nang magsalita ulit. "Ikaw naman ang magkuwento. Ano ang natapos mong course?"