If You're Real by Mr. Ios
Habang nag iisip ako ang mga tanong sa aking isipan ay ang di inaasahang pagdating ni Ginoong Mateo na labis kong ikinagulat. Hindi ko man lang napansin na lumapit pala sya sa akin dahil may pinoproblema ako. Saka ko na lamang napagtanto at napansin nang magsalita sya. "Tila malalim ang iyong iniisip, Binibining Catalina."
Bigla naman akong nataranta at agad kong tinago ang sulat na ibinigay ni Mr Ios. Nilagay ko agad yun sa aking likod at nginitian si Ginoong Mateo na ngayo'y nasa side ko na. "Ipinaparating buong pamilyang Monteveros ang paumahin sa inasta ng aking Tiyo Sicario. Patawad kong nasira na nya ang iyong pagtingin sa aming pamilya. Ganoon lamang sya subalit nais ko lamang hingiin ang iyong pag-unawa." Pagsosorry nya. Ambait naman nya, siya pa ang humihingi ng sorry para sa kanyang tiyo.
"Ano ka ba, ayos lang yun. Sorry din este patawad kung ako'y nakabitaw ng hindi magagandang salita at umasta ako ng hindi maganda." "Patawad nga pala kung napagkamalan pa kitang magnanakaw noong kumukuha ka ng ubas sa inyong ubasan. " pagsosorry pa nya. Pinaalala na naman nya hayy. "Pwede bang kalimutan na natin yun, Mateo este Ginoong Mateo?"
Napatingin na lamang ako sa pamilyang Wilson at Villanueva. Kasalukuyang kinakausap ni Mr. Blythe kasama sina Mr and Mrs Wilson ang pamilya Villanueva. Napakasaya ng dalawang pamilya at kitang kita mo talaga na close na close sila. Hindi ko alam kung kailan at paano naging close ang mga Wilson at Villanueva gayong magkaaway naman ang dalawang pamilyang to sa kwento. Hindi din naman sakin binanggit ng mga Wilson ang tungkol dito. Bakit parang andming nagbago? Hindi ko na tuloy alam kung paano ko gagawan ng paraan ang bawat hakbang na gagawin ko at kung kailan at paano ako makakabalik.
••••
Gumising ako nang maaga at nandito ako sa kusina. Naggigisa ako ngayon ng sibuyas at bawang para sa lulutuin kong sangag. Ewan ko pero pakiramdam ko, maganda ang araw ko ngayon. Sabi nga ng isang quote, "Start your day with a smile." Good mood ako at sana walang sumira ng araw ko. Natutulog pa sila Mr and Mrs Wilson puyat pa siguro. Nagpatulong naman akong magpatimpla ng kape kina Manang Clarita at Lolita. Hindi kasi ako sanay sa purong kape na tanim daw ng mga Villanueva. Kinailangan ko pa tuloy dikdikin yun gamit ang mortar and pestle. Pero ang tawag nila dun dito, mortero at majadero na sa tagalog naman ay lusong at halo. Nagluto naman ako kanina ng adobo para sa ulam namin. Favorite ko kasi ang adobo kaya ipaghahanda ko sila. Nang maluto na ang sinasangag ko, nagpatulong naman ako sa kanila na maghanda ng mga plato at kubyertos.
Saktong paggising nila ay bumungad sa kanila ang nakahanda nang pagkain habang ako naman ay nakaupo na at naghihintay na sa kanila. Nagpunta muna sila sa lababo at nagmumog sabay upo sa kani-kanilang upuan. Nagising naman si Mr. Blythe at napakusot ng mga mata nang makita ang pagkain. "Smells good! Nagising ako dahil sa amoy ng inihandang pagkain."pambobola nya sabay upo sa upuang nakahanda para sa kanya. Tumayo naman ako at kinuha ang tray na laman ang mga kapeng tinimpla ko. I hope, magustuhan nila. Inilagay ko iyon sa tabi ng kani-kanilang plato at sinimulan nilang hinigop. Sana magustuhan nila, sana di mapait, sana masarapan sila, please.
"Hanggang ngayon ay wala paring kupas ang galing nyo sa pagluluto, Manang Perla! Ang sarap nyo pa ring magluto!"pagbati ni Mr. Blythe habang takam na takam na kumakain ng luto ko. Bakit si Manang ang pinupuri nya e ako ang nagluto nyan? "Subalit..."magsasalita sana si Manang nang magsalita naman si Mr Edward.
"Manang, may dumating bang diario? Maaari bang paabot?" pakiusap ni Mr Edward. " Sige po, Mr Edward."sabay yuko at nagpunta sa labas. Tiningnan ko lang sya habang sya'y papalayo. " Ikaw pala ang kapalit ng aking pinsang si Vionne." sabi ni Mr Blythe. Agad naman akong napatingin sa kanya at napangiti.
"Buti at ika'y pumayag."
"Pansamantala lamang po."sabi ko at napainom naman sya ng kape. " Oo nga pala, Mr Edward, binebenta lamang po ba ninyo ang mga prutas ninyo?"tanong ko kay Mr. Edward na noo'y kumakain at napatigil nang itanong ko yun. " Anong ibig mong sabihin, hija?"tanong nya.
"Kagabi po kasi, di ba po uminom tayo ng wine este vino? Naisip ko lamang po na bakit hindi ninyo gawing alak ang inyong mga tanim. Kalahati po ay gawin ninyong vino (wine) habang ang natitirang kalahati ay ibenta bilang prutas lamang o hindi kaya ay gawin ninyong pasas ang iba." suggest ko.
" Pasas?"
" Opo, yung pinatuyong ubas."
" Maganda nga ang iyong suhesyon subalit wala tayong mapagkukunan ng panggastos gayong matagal nang kapos tayo."sagot naman ni Mr Edward. Kaya pala hindi sila masyadong naghahanda. Now I know! "Bakit po ayaw ninyong humingi o umutang sa iba dyan?" parinig ko sanay subo ng pagkain ko. Nasamid naman si Mr. Blythe. "Hindi ko alam na may alam ka pala sa negosyo, Binibining Catalina." sabi sa akin ni Mr Blythe. Napangisi naman ako.
" Hindi naman po gaano pero mas makabubuti pong pahiramin nyo muna ang inyong tiyo ng pera. Tutal, dito ka naman nakatira, bilang utang na loob mo sa kanila."pagtataray ko. "Sinasabi mong dapat na magbayad ako sa aking paninilbihan ko dito?"tanong nya na medyo may pagkasarcast. " Oo"sagot ko with pagtataray. Napahalakhak lang sya at napahawak sa kanyang tiyan. Napatingin sa akin si Mrs Rosa. Hinawakan nya ang kamay ko.
"Si Mr Blythe ang may ari nitong bahay."sabi sa akin ni Mrs Rosa. Napatitig lang ako kay Mr Blythe na wala paring tigil sa pagtawa nang marinig ko yun. Paano nangyari yun?
"Pero sige, payag ako. Tiyo, gawin gumawa kayo ng negosyo ng alak para sa binibining nasa aking harapan." Hindi ko alam kung sasapakin ko ba tong kumag na to sa asta nya. Tinuloy lang namin ang pagkain namin at nagmukmok ako sa aking kwarto pagkatapos.
••••
Habang nandidito ako sa kwarto ay narinig kong may dumarating na kalesa. Napasilip ako mula dito sa bintana sa aking kwarto. Nakita kong ibinaba nito ang isang lalaking hindi ko inaasahang darating. Napababa agad ako at sinalubong ako ni Mrs Rosa. "Magandang umaga po, Mrs Wilson" pambungad na bati ni Mateo na kay aga aga ay nakangiti na habang ako, nakabusangot pa. Agad akong napalabas ng bahay. "Magandang umaga din, Hijo! Anong sadya natin?" tanong ni Mrs Rosa. "Nais ko lamang pong mahiram si Binibining Catalina."sabi ni Mateo.
Mahiram si Binibining Catalina....
Mahiram si Binibining Catalina...
Mahiram si Binibining Catalina...
Paulit-ulit ko yung naririnig sa isip ko.
May feelings na kaya sya? Gusto nya na kaya ako? Pero imposible kasi dalawang beses ko pa lang yata sya nakakasama. Tatlo pala! Mukhang magpaahanda na agad ako kina Mr and Mrs Wilson ng wedding gown ah. Ang dream fictional character ko, mukhang sa aki'y may gusto. Parang ang OA ko dun ah.
"Catalina, anak, mag-ayos ka muna sa loob." Sabi sa akin ni Mrs Rosa. Napatango naman ako at napatakbo akong umakyat sa aking kwarto para mag-ayos. Hindi ko alam na ang panget pala ng hitsura ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumingin ako sa cabinet para tumingin kung may magandang pwedeng suotin. Yung blue ba na saya? Red ba? Dilaw? Napatingin naman ako sa salamin at hindi ko alam kung meron bang dumi sa mukha ko. Kung magulo ba ang buhok ko o kung may muta ba ako. Hayyssstttt.... Bahala na nga.
Bumaba ako nang ayos na at nakadamit na. Pagkababa ko ay naabutan ko silang nag-uusap sa sala.
"Ina, ayos na po ba ito? " tanong ko s kanya habang pumaikot-ikot ako suot ang wrdding gowm niya na tinago niya. Alam ko namang para s akin yun. "Ano ba iyang suot mo? Hindi ka naman ikakasal. Sasamahan ka lamang ni Ginoong Mateo na maglibot sa San Jose." umakyat kaagad ako at nagpalit ng damit. Kung nas kalagayan mo ako ngayon, aigurado akong magsusuot ka din ng gown kapag nakita mo ang dream fictional character mo. Pinili ko ang blue-ng saya. Naligo naman ako para sure na maayos ako at malinis. Nakakahiya naman. "Anak, mag-iingat kayo ha. Ipinagpaalam ka sa akin ni Ginoong Mateo. Mateo,hijo, ingatan mo ang aking anak, ha" bilin Ginang Rosa kay Mateo bago kami umalis. " Sige po." sagot ni Mateo and we leave happily ever after hawot.
••••
Kasalukuyan kaming naglalakad at hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Baka dukutin nya ako o di kaya ay nakawan. Pero mayaman naman sila kaya imposible. Hindi kaya balak nyang gahasain ako, kung mangyayari naman yun, hindi ko alam kung manlalaban ba ako o ewan. Biro lang!
"Saan nga pala tayo pupunta, Ginoong Mateo?"pagtataray ko sabay crossarm. " Ililibot lamang kita sa buong San Jose. Nabanggit kasi sa akin ni Ginang Rosa na hindi ka masyadong lumalabas magmula nang ika'y makarating dito kaya't igagala kita." sagot nya sabay ngiti. Kailan namn sila nag-usap? Ayyytt.... Oo nga pala, nag-uusap pala sila nng datnan ko sila sa sla pagkagaling ko sa aking silid. Marahil ay ikinuwento ni Ginang Rosa na hindi ako lumalabas kasi busy ako sa kakaaral ng tamang gawi ng mga babae sa panahong to.
"Ganun ba? Saan tayo unang pupunta?" tanong ko pa. "Dadalhin kita patungo sa langit." Sagot nya. Saan daw? Sa langit? Omyyyyy..... Balak nga nyang gahasain ako! Noooooo!!!!!! Kahit gusto ko, gusto kong pakasalan muna nya ako. Hindi naman ako ganun kadaling bumigay. Pwera gwapo sya? Maganda syang pumorma at malinis aa katawan, isusuko ko na agad ang Bataan?
"S-sa l-langit?" nauutal na tanong ko s kanya. Medyo may pumasok lang kasi sa isip ko. "Oo, sa langit. Ang ibig kong sabihin ay sa simbahan." paglilinaw nya. Hayyysssttt.... Buti naman. Akala ko sa kung saan. Malay ko bang simbahan ang tinutukoy nya tsaka bakit kasi sa langit? Pwede namang sa simbahan na lang. "Bakit naman langit ang tawag mo sa simbahan?" syempre nagtataka ako kumbakit yun. "Kasi ang simbahan ang tahanan ng Diyos. Tinuturing ko syang langit dahil doon ko nararamdaman ang presensya nya." sagot nya. Napatitig lang ako sa kanya at hindi ko akalaing ganito sya. Ang babaw lang namn pala ng rason may palangit-langit pa. Kala ko naman haysss...
"Binibini???" tanong nya. Napabalik tuloy ako sa aking katinuan nang sabihin nya yun. " May dumi ba sa aking mukha?" tanong niya aa akin n agad ko namang ikinailing. "Ahhhh...wala naman. May naisip lamang ako. Oo nga pala, maglalakad lang tayo? Nasaan yung karwahe nyo?" tanong ko. Masakit na kasi ang paa ko at hindi ako sanay sa galaan. Palagi kasi akong naka quarantine kaya pagdating sa galaan, pass ako dyan.
"Oo,maaga pa naman at mas magandang maglakad-lakad sa mga oras na ito. Nakakapag-ehersisyo ka na, nasusulit mo pa ang mga tanawin na madadaan mo."sagot nya. Sasabihan ko sana sya ng pwes sakin hindi. Pero may point naman sya. Tiniis ko ang paglalakad namin suot-suot ang mabigat na bakya. Wala man lang bang sapatos sa panahong to? Kung pwede lang, nagbitbit ako ng sapatos man lang. Nakasapatos yata ako nang makapunta ako dito, saan ko ba yun nalagay?
••••
Matapos ang 15 minutes na lakaran ay narating narin namin sa wakas ang Simbahan ng San Jose. Dinaanan namin ang malawak na taniman ng ubas ng mga Wilson, ang tulay na sa ilalim naman ilog Sinukuan at ang malawak na taniman ng kape ng mga Villanueva. "Ito ang Simbahan ng San Jose na itinayo noong taong 1724 ng mga misyonaryong mga Augustino. Ang aming patron dito ay si San Jose na ama ni Jesus. Tuwing ika-8 ng Agosto namin ipinagdiriwang ang fiesta dito. Ang bawat haligi nito ay gawa sa mga bahura (coral reefs) na pinagtagpi-tagpi sa pamamagitan ng paggamit ng puti ng itlog. Habang ang mga pula ng itlog ay kinuha ng mga kababaihan upang sangkap sa paggawa nila ng iba't ibang pagkain gaya ng leche flan." pagbibigay impormasyon sakin ni Mateo sabay ngiti s akin. Ang cute niya talaga pag nakangiti. Magaling syang magsalita, bagay syang maging politiko o di kaya ay magtour guide.
"Ginoong Mateo Monteveros!" salubong sa amin ng isang prayle. Teka, naalala ko sya, sya yung nambato sa likuran namin. Hindi ko alam kung anong name nya. Mataba sya at matanda na. Kung iko compare sya kay Padre Camorra at Padre Damaso, magkakalevel lang sila. "Kasama mo pala ang binibining nakikipagdaldalan habang ako'y nagmimisa. Alam mo bang ikaw dapat ang aking babatuhin?"
Ano daw?
Ako?
Nagtanong lamang ako nun ah! Huh!
Balak ko sana syang sagutin nang hawakan ako sa kamay ni Mateo. Napatitig lamang ako sa kamay nya na mahigpit na mahigpit na nakahawak sakin. Ramdam ko ang magaspang nyang kamay. I like it! It means, hardworking. Masipag sya at napakaswerte ng magiging asawa nya. Kung pwede lang talaga na manatili na lang ako dito sa mundong to. Aasawahin ko to at gagawin ko sa kanya lahat ng natutunan ko sa mga SPG stories. Dear Mateo, if you L my P, I'll S your D and F you more until you C. Hahahahhahahahah.....
"Marahil ay may nais lamang syang sabihin noon, Padre Kiko."pagtatanggol ni Mateo. Napatingin naman sa akin si Padre Francisco alyas Kiko. "Mauna na po kami, tutungo lamang po kami sa palengke." Sinimulan na naming humakbang papalayo sa kanya pero napatigil ako nang may sinabi syang hindi ko nagustuhan. "Kababaeng tao kung umasta parang hindi dalaga. Marahil ay may demonyong sumanib sa iyo. Halata namang hindi ka napalaki ng ayos." pag iinsulto nya. Nagsimula na akong mainis sa kanya. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero kung makaasta sya parang hindi pari. Babalikan ko sana sya nang hinawakan ako sa kamay ni Mateo at ngumiyi sya sakin. Nakita ko sa mga mata nya na parang sinasabi nya na, "Wag mo nang patulan"
••••
Pagkatapos naming magpunta sa simbahan at iwan ang nakakainis na paring yun, nagfoodtrip kami. Marami kaming pinuntahang mga kainan at libre nya kaya tuwang tuwa pa naman ako. Nawala ang inis ko nang makakain ako.
"TAHHOOOOOOOOOEYYYYYYYY!!!!"sigaw mg magtataho na may kakaibang accent. Nakakatuwa yung accent nyang yun kasi imbis na straight na taho lang ay may eyyy pa sa dulo. Agad akong lumapit sa kanya at sumunod naman sakin si Mateo. "Gusto mo nyan, Binibini?"tanong nya sakin. Napangiti lang ako at napatango. Para akong bata dito pero libre daw. Hindi ko alam pero hindi ako nahihiya sa kanya.
"Manong, isa nga po."
Inabot sa akin ni manong ang isang malaking baso na may lamang napakaraming taho. Sarap nito! Masarap talaga pag libre! Napansin kong nakatitig sakin si Mateo habang enjoy na enjoy ako sa pagkain ng taho. Ang lambot kasi ng tukwa yata yun, lasang tukwa e pero mas malambot lang. Tapos ang tamis pa ng syrup. Tapos mainit init pa yung sago. Sarap!
N
apatigil lang ako sa pagkain nang matawa sya. Anong meron??
"Bakit ka natatawa?"
"Wala naman."sagot nya sabay halakhak. May something dito e.
Lumapit sya sa akin at napaatras naman ako. Hindi ko alam kung anong gagawin nya pero pakiramdam ko, kinakabahan ako. Itinaas nya ang kamay nya at pinunasan ang gilid ng akig pisngi. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o kung ano. Nagsimula nang maghalo-halo ang pakiramdam ko. Kakaiba yung feeling.
"Sabi na nga ba, pagkain lang ang makakapagpakalma sayo."sabi nya sakin sabay gulo ng buhok ko gamit ang kabila nyang kamay. Hindi ko alam kung nang iinis ba sya o ano. Pero di ko makalimutan yung paggulo nya sa buhok ko at pagpunas nya ng dumi sa pisngi ko. Ewan ko pero parang kinakabahan yata ako, ambilis ng tibok ng puso ko e. Basta gusto ko lang kumain. Ang sarap e.
••••
Nang papunta na sana kami sa Hacienda Teodoro, dumating ang kapatid nyang Melvin. Siya yung lalaking kasama ni Mateo kahapon ng umaga. Hindi ko alam kung sino sya at hindi ko rin alam na may kapatid si Mateo. "Kuya, kailangan ka ni ama ngayon din, may gagawin daw kayo bilang paghahanda sa iyong pag-alis." pagbabalita ni Melvin. Agad namang napatingin sa akin si Mateo.
" Patawad binibini kung hindi na kita masasamahan sa iba pang lugar, maaari bang sa susunod na mga araw na lamang kita ipasyal?" sabi nya. Napatango lang ako at sumakay kami sa karwahe na dala ni Melvin. Hinatid muna niya ako sa aming bahay at saka siya umalis. Ayos lamang iyon sa akin, hindi naman sa lahat ng pagkakataon, tayo ang priority di ba? Syempre, nandyan ng family. Tsaka sino nga ba ako sa kanya, kung siya, kilalang kilala ko, ako naman, hindi pa niya lubusan pang nakikilala.
••••
Inabutan kong sinusuklayan ni Mr Blythe ang pusa nya. Maputi sya at napakamabalahibo. Blue ang mga mata nya at napakasarap pisilin ang mga pisngi nya. Nilapitan ko ang pusa at hinawakan ang ulo nya sabay kamot sa magkabilang pisngi nito. Nakakagigil ang kacute-tan nya. "How's your date?"tanong sa akin ni Mr Blythe. Napatigil ako sa pagkamot ng pisngi ng pusa nya.
Date daw.....
Date na ba matatawag sa lalaki at babae na sabay naglalakad at magkasama?
Sabay na namamasyal?
Sabay na kumain ng iba?
Nagfoodtrip at libre nya?
Date na ba yun?
"Ano po?" Patay malisya kong tanong.
"Wag mo nang isipin yun."sabi nya.
"Ano nga po palang pangalan nitong pusa nyo?"tanong ko at kinamot ko ulit ang mga pisngi ng pusa. Kitang kita ko na gustong-gusto ng pusa ang ginagawa ko.
"Zoody, sya si Zoody." sagot nya. Parang pangmodern naman ang name nito. Pero, bagay naman sa ka cute tan nya. "By the way, take this" sabay abot nya sa akin ng isang notebook at pluma. "And also, this." sabay abot nya ng maliit na boteng itim. Tiningnan ko ang laman at nakita ko na ink pala to. Ito yung gusto ko sanang bilhin sa Expression kaso ang mahal kaya hindi na ako nakabili. Mas mahal din sa national bookstore. "Para saan po ito?"tanong ko.
"Regalo ko." sagot nya at pinagmasdan ko ang inabot nyang itim na notebook. Hindi pala to notebook, isa itong diary o journal na bagong bago. May mapagsusulatan na din ako sa wakas!
"
Thank you!" sabi ko. Nagulat sya sa sinabi ko. Oo nga pala, hindi nya alam na marunong akong magsalita ng English. "Marunong kang magsalita ng Ingles?" tanong nya sa akin. Tumalikod ako at iniwan ko syang nag iisip. Bahala sya dyan. Basta ako, pupunta ako ng kwarto ko. Bibinyagan ko ang binigay nya.
—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—•—
Dear Diary,
Hindi man naappreciate nila Mr and Mrs Wilson ang inihanda kong agahan at binuwisit ako nung pari pero kahit ganun ay natuwa naman ako dahil nilibre naman ako ni Mateo ng pagkain. Sayang lang dahil hindi ko sya nakasama ng matagal. Binigyan din ako ni Mr Blythe ng diary at pluma. Pero thankful pa rin ako. Hindi ko rin makakalimutan ang pagtanggal ng dumi sa pisngi ko at paggulo ni Mateo ng buhok ko. Mukhang hindi ko babasain ang buhok at pisngi ko ah.
Labis na nababaliw,
Catalina
—•••—
"There is only one happiness in life, to love and be loved. "
—Mr Ios
—•••—