webnovel

PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay)

May isang dakilang nilalang ang sumagip sa'kin sa tiyak na kamatayan!.. Marahil utang ko sa kanya ang lahat-lahat!.. Magmula sa paghihirap hanggang sa kaginhawaan na muli n'ya sa'king pinaranas... "HINDI KO ALAM at KUNG PAPAANO!!??", na ang dati ng patay ay muli pang nabuhay. Isang malaking palaisipan o sabihin man nati'y maging isang "MISYON" man na gumugulo sa magulo kong isipan. O, sadyang "MASAMANG DAMO LANG!". ITO ANG AKING KWENTO, LASAPIN N'YO. At tulungan n'yo akong hanapin iyon... [ANG DAKILANG LUMIGTAS SA AKIN SA TIYAK NA KAMATAYAN]

Axl_Carbonell · realistisch
Zu wenig Bewertungen
71 Chs

"ISTOKWA AGAIN!"

*SI ANDY BOY, ANG BAGYO AT ANG KAPANGYARIHAN NI LOLA*

Naging magulo noon ang sitwasyon ng pamilya ko. Si papa matagal nawalan ng trabaho, kung magkakagawa man, panandalian lang. Minsan isang linggong trabaho, dalawang linggo, tatlong linggo, isang buwan, dalawang buwan at kung minsan paextra-extra lang. Pagtapos 'nun nganga na ulit. Mailimit din sila mag-away noon ni mama nu'ng kami'y naglalakihan na. At sa bahay, kami-kaming magkakapatid minsan ay nag-aaway-away din at nagkakaroon ng 'di pagkakaunawaan. Minsan naman ay nagmamahalan at nagtutulungan kami. (Normal na siguro sa pamilya 'yon!)

Inaamin ko sa ganong edad ay nagtanim ako ng sama ng loob sa'king ama dahil parang pinapabayan n'ya kaming magutom. Si mama noon halos umikot na ang puwet sa pag-utang kay ganito, pautang ng bigas kay ganito, pautang ng pambaon kay ganito, pautang ng pera kay ganito, pautang ng ganito. Kinakapalan na n'ya daw ang mukha n'ya may makain lang kami. "Pero ngayon ay wala na akong galit sa aking ama at matagal ng wala o nawala 'yon!.. Mahal ko silang lahat hindi ko man madalas nasasabi 'yon sa kanila."

At muli sa kaguluhan ng isip ko, naglayas na naman ako ng bahay. Nakapagdala din ako noon ng isang damit at isang short bitbit sa aking bag. Umalis ako ng bahay para umiwas sa ganong sitwasyon ng buhay namin at naglakad muli ako papalayo sa kanila. Hindi na rin ako noon nagtitinda ng pandesal. "Edad trese, tumikim ako ng sigarilyo pero patikim-tikim pa lang."

Sa Marikina Village, Apo Street nakita ko si Andy (malaking tao na ngayon) na dating uhugin. Mas matanda ako sa kanya ng ilang taon. Doon sa labas ng kanilang bahay inengganyo ko si Andy boy na maglayas. Sinabi ko noon sa kanya na... Di'ba, binubugbog ka naman ng kuya mo. Bakit hindi ka nalang sa'kin sumama?... At maglayas na lang tayo. Para akong tukso noon na nanghihikayat sa kasalanan o nandedemonyo sa isang inosente na gumawa ng mali. Madali kong napasama si Andy noon na nakita ko lang sa labas ng kanilang bahay. (Malakas yata ang convinsing power ko noon)

Ilang araw ko lang noon nakasama si Andy sa paglalayas. Noong gabing iyon natulog kami sa jeep at kinabukasan pumunta kami kila lola Ordonez. Kumatok kami sa harap ng mataas at malaki nilang kulay green na gate, pinagbuksan naman kami ni Bambino. (isang baklang maputi) Doon sa loob ng bahay ni lola sinabi ko sa kanya na naglayas kami. Sinabi ko din kay lola na binubogbog ako ng aking ama at wala s'yang trabaho. Nagsinungaling din ako kay lola para lang tanggapin n'ya kami ni Andy. At nagpasya si lola na tanggapin kami at kanyang aampunin.

Lagpas isang linggo lang ako noon tumigil kila lola. Minsan, lumalabas kami ng bahay ni lola para magvideo games. At minsan naman, inuutusan n'ya kaming bumili ng makakaing ulam at kanin. Matagal ko na din noon kilala si lola at ang kanyang apo na si bambino. Nakakapaglinis na din kami noon sa kanilang bahay bago pa man ako maglayas.

Unang gabi namin ni Andy sa bahay ni lola. Hindi kami makatulog noon at takot na takot kami. Andaming lumang litrato na nakaframe at nakasabit sa pader ng kanilang bahay. Andoon ang pictures sa kasal ng magulang nila lola. May litrato din ng mukha ng babae. Nakasabit din doon ang portrait ni lola'ng skecth noong s'ya ay dalaga pa. Iginuhit iyon ng isa daw magaling na artist ng kanilang kapanahunan. Ang ganda ng pagkagawa n'yon at ang ganda-ganda 'don ni lola. Tila ba mapapaibig ka talaga sa kanyang mukha!

Kung saan ka bumaling yu'ng mga litrato ng magulang ni lola ay parang nakatitig sa'yo. Marami din doon mga antigong gamit, at sa loob ng kanilang bahay ay may kakaibang aura kang mararamdaman kapag nan'don ka. Nagtatalukbong kami ni Andy ng kumot kapag tulugan na at minsan nama'y doon kami humihiga sa paanan ni lola. Malakas ang ulan noon ng biglang kumidlat sa gabing iyon at biglang nawalan ng ilaw. Sa takot namin ni Andy, tumalon kami sa kama ni lola at nagtalukbong ng kumot. 🤣🤣🤣 Inabot din kami noon ng bagyo sa bahay nila lola. Malakas ang kalampag sa paligid ng bahay kaya hindi talaga nawala ang takot namin ni Andy.

Wala na noon pera si lola noong kasagsagan ng bagyo. Wala pa din ang kanyang sustento galing sa mga anak n'ya, unti-unti kami noon nagugutom nila lola. Si Andy nakakita ng barya, lumabas s'ya ng bahay at tumungo sa bakery para ibili ng tinapay. Sinundan ko s'ya sa labas, hawak n'ya sa kamay n'ya ang dalawang tinapay habang kinakain ang mga ito.

"Penge ako Andy... Sambit ko sa kanya!"

"Hindi n'ya ako binigyan at talagang inubos n'ya ang lahat!"

"Sa kagutuman ni Andy hindi na n'ya ako nabigyan pa."

"Ang takaw mo naman! Sabay suntok ko sa mukha n'ya... Iyak s'ya noon sa suntok ko."

"Gutom na gutom na din ako noon!

"Tinakot n'ya ako at nagsabing, Uuwi na ako! Iiwan na kita!"

"Eh! Di umuwi ka!.. Sambit ko din sa kanya!"

"Hindi naman nagtagal at nagkabati din kami ni Andy."

Sa mga lumipas na araw, nahuli si Andy sa videohan ni manang Inday. Nabalitaan ko na lang na bugbog sarado noon si Andy sa kanyang kuya Mogie. Sa kasagsagan ng tag-ulan naiwan ako sa bahay ni lola. Nasanay na din ako noon kaya nabawasan na din ang takot ko sa loob ng bahay ni lola.

Habang umuulan, walang tigil ang ulan noon. Pinapapunta ako ni lola sa Christian Eatery sa Calcite St. Twin River Subd., doon nagpapalista kami ng ulam at kanin na aming kakainin. Wala na din 'non pera si lola kaya malimit akong pumunta doon para kumuha ng pagkain. Madami-dami na din kaming utang kay ate may ari ng kainan. Hanggang isang araw nu'ng ako'y pumunta 'don, sinabihan ako ni ate na tigil muna sa pagkuha ng pagkain. Mahaba na daw ang lista ni lola sa kanya at pinakita n'ya 'yon sa'kin. Umuwi ako ng walang bitbit na pagkain para sa'min nila lola. Nagalit noon si lola kay ate. Nag-uulan pa noon, habang si Bambino mainit na din ang ulo sa kagutuman. (Maraming bagay ang hindi kayang gawin ni Bambino!) At na spoiled s'ya ni lola. Malimit uminit ang ulo ni Bambino lalo na kapag s'ya ay nagugutom na at walang pera. Sinisigawan n'ya si lola, inaaway pa minsan, at walang magawa si lola kung hindi amuin ang apo.

Sa dis oras ng gabi, hindi pa kami kumakain tatlo, nag-uulan pa rin noon. Tinawag ako ni lola! Aniya, sumama ka sa'kin sa kabilang kwarto, "Master's bedroom" nila ng kanyang yumaong asawa.

May naitago pa akong mga barya doon, hanapin natin para may pambili tayong pagkain. Si lola kahit na 83 years old na ay matalas pa din ang memorya. Ang mga bagay-bagay ay alam n'ya kung saan hahanapin. 'Yung mga nakatago n'yang mga gamit ay alam n'ya kung saan kukunin. Inalalayan ko si lola gamit ang kanyang tungkod patungong kwarto. May susi ang kwarto na iyon at doon ni lola nilalagay ang mga importanteng bagay nila. Inutusan n'ya akong buksan ang kabinet ng kami'y makapasok, upang hanapin ang kanyang tinagong mga barya. Nagtagal kami sa kwarto ni lola, paglabas namin, bitbit na namin ang supot ng mga barya. Inutusan ako ni lola na bumili ng tinapay at biskwet, 'yun ang kinain naming tatlo noong gabi.

Kinabukasan pag tila ng ulan, may mga dumating na tao sa bahay ni lola. Isang naka-amerikanang suot ang lumabas ng kotse. May mga kasama itong lupon ng mga lalaki na nakasakay sa isang truck ang bumaba din. Pinagbuksan ko sila ng gate ng kumatok ang naka-amerikanang lalaki. Pumasok ito sa loob ng bahay, pinuntahan si lola, hinalikan at nagmano. Si lola noon mahigpit ang pagkakayakap sa lalaki! Ang dami n'yang gustong sabihin sana dito. Ang iba nasabi n'ya at oo na lang ng oo ang lalaki. Iyon daw ang apo n'yang konsehal na abogado.

Sinabi ng lalaki kay lola na, hihingiin daw nito ang antique na piano ni lola. (Gawa ito sa de kalidad na kahoy) At dadalhin din daw nila ito ngayong umaga. Pumayag naman si lola noon! Pinuntahan nila ang antigong piano sa kwarto, halos may walong lalaki ang nagtulong-tulong na magbuhat nito. Hirap na hirap silang buhatin ito at ilagay sa truck. (Parang ayaw yata nitong umalis sa bahay!) Sinabi ng lalaki sa kanila na, "Ingatan ninyo ang piano na 'wag magasgasan!" sa paglilipat sa truck. Sobrang bigat ng piano na iyon bago pa nila mailabas sa pintuan at maisakay sa truck. Kitang-kita ko ang mga tumatagaktak nilang pawis sa pagbuhat ng piano. (Lagi ko iyon pinapakealamanan at pinipindot ang bawat nota nito.)

Tuluyan ng umalis ang mga lalaki ng maisakay na nila ang malaki at mabigat na piano. Marami pa sanang gustong sabihin si lola sa kanya, pero tuluyan ng nagpaalam ang lalaki. Kinausap ko si lola pag-alis ng mga lalaki.

"Lola, bakit hindi po kayo humingi ng pera sa inyong apo?"

"Wala na po kayong pera di'ba?"

"Naku! Oo nga ano!.. Nakalimutan ko na kaseng sabihin sa kanya." [dagdag pa ni lola]

Kitang-kita ko ka sa matanda ang kasabikang makita ang mga kamag-anak n'ya. Para s'yang bata na nagkukwento at nagsusumbong sa kanyang apo.

Isang hapon, may kumatok sa bahay ni lola. Nagulat na lang ako ng makita ko si Raffy kasama ang aking mga magulang. Hindi naman sila mga mukhang galit noon. Binuksan ko ang gate at pinapasok sa loob. Nakausap sila ni lola at doon nagkwento ulit si mama. Susunduin na daw nila ako! Sinabi ni lola sa kanila na gusto n'ya akong ampunin. Sinabi din sa kanila ni lola na, bakit daw nila ako binubugbog...? Umiyak si mama noon habang si papa ay tahimik lang. Hindi naman daw nila ako binubugbog, wika pa ni papa kay lola. May "SINABI SI LOLA" sa kanila na hindi ko na matandaan. Pero alam kong pinagalitan sila noon ni lola. "MAHAL DAW N'YA ANG MGA BATA!" ang tanging natatandaan ko na lang na sinabi ni lola.

Nakapagpasya akong umuwi na lang at sumama sa kanila habang si Raffy ay tahimik na nakikinig lang. Bago kami umalis ay inabutan ako ng pera ni lola. Lumapit ako sa kanya, nagmano, nagpasalamat at nagpaalam na! May pera na din noon si lola dahil dumating na ang kanilang sustento ni Bambino.

Umuwi ako noon ng bahay kasama sila. Hindi na noon ako pinalo. Siguro, napagtanto din nila na hindi naman iyon makakabuti. Noong gabing iyon, pinapunta ako ni mama kay ate Taba, (kanyang inaanak sa kasal) para daw ipagdrawing ko ang anak nito ng kanyang assignment. Marahil kinausap ni mama si ate Taba para din ako kausapin.

Sa bahay nila ate Taba pinakain nila ako ng hapunan. At kinausap ako ni ate ng masinsinan. Sinabi n'ya sa'kin na 'wag na daw akong maglalayas dahil baka daw ako mapahamak. Sinabihan n'ya din ako na nag-aalala sa'kin sila mama pati mga kapatid ko. Tahimik lang ako 'non habang nagdodrawing, pero naiintindihan ko ang kanyang mga sinasabi sa akin.

Bumalik ang dating sigla sa bahay ng magbalik ako. Si Mama naging panatag na noon. Hindi na rin nila ako pinapalo. At nabawasan na din ang mga pagbabawal sa'kin.