webnovel

Paalam Muna Sa Ngayon

Kilalanin ang tatlong characters sa kakaibang kwentong di nyo malilimutan... Ito ang aking First Installment sa aking Ibraim Sorrento Novel Universe... Happy Reading at ihanda ang inyong puso sa pagbabasa.

IbraimSorrento · Urban
Zu wenig Bewertungen
19 Chs

Chapter 8 - ISANG ARAW SA BUHAY NG BINATANG SI JOSH

Nakailang katok na ang binata ngunit wala pa ring nagbubukas o sumasagot man lang sa kanya mula sa loob ng bahay. Sinipat-sipat rin niya ang loob ngunit wala talagang tao. Araw iyon ng Sabado. Inisip niya na siguro'y nagpunta sa ospital ang magkapatid. Napagpasyahan nyang maglakad-lakad muna o dumaan sa ilang kabarkada.

Sa bilyaran, tulad ng dati ay naroroon ang masasaya niyang barkada. Binati siya ng mga ito at muli ay naging bahagi si Josh ng masasayang kulitan ng tropa.

Natagayan din siya ng ilang bote ng beer. Ngunit di tulad ng dati ay di gaanong nilunod ni Josh ang sarili sa alak.

Isa sa mga tropa ang lumapit sa kanya. Yung isang laging may problema sa girlfriend. Sa kanya ikinuwento at naglabas ng sama ng loob kaya naman di sinadyang naparami na rin ang kanyang nainom. Lumipas pa ang mga ilang oras at inabutan na rin siya ng paglubog ng araw.

Kilala ni Josh ang kanyang sarili. Kahit may kalasingan ay kinaya pa rin niya makarating kila Elijah. Ngunit tulad din ng kanina, patay ang mga ilaw sa buong kabahayan at tanging ang ilaw lamang sa balkonahe ang siyang nakabukas. Doon lamang niya napansin ang isang duyan sa gawing kanan ng balkon. Maaaring hindi niya ito napuna nung una dahil na rin sa tensyon. Pasuray-suray man ay nagawa niyang maihiga at ipagkasya ang sarili sa pagtanaw sa dilim ng kaulapan.

Kay dilim ng gabing iyon. May mga mangilang-ngilang taong naglalakad sa kalye... minsan ay may mga kotse pang nagdaraan. Marahil ang iba ay galing sa pamamasyal. Araw nga pala iyon ng Sabado. Ang bahagi ng subdivision na iyon ng magkapatid ay napakatahimik.

Isang araw na nag-umpisa at ngayo'y magtatapos. Binalikan niya sa isip ang mga nangyari ng araw na iyon. Si Elijah at ang ate nito. Akala niya wala ng bibigat pa sa mga problema niya sa buhay pero nagkamali siya. Si John. Ang napakaliit na batang si John. Naalala niya ang mga ngiti sa mga mata ng bata ng iabot niya rito ang inayos na laruan. Ang kanyang ama, na larawan ng lungkot at kahinaan na unti-unti ng nirurupok ng katandaan. Ang tropa... tulad din ba niya ay may mga itinatagong ring problema sa buhay?

Kalimitan sa mga ganitong pagkakataon nagtatapos ang isang araw sa buhay ng binatang si Josh. Ni walang kasiguraduhang hatid ang bagong umaga.

Hahaha... lagi namang ganun hindi ba? May pait na usal niya sa sarili.

Kay dilim ng kanyang buhay. Kasing dilim ng gabing iyon...