webnovel

Paalam Muna Sa Ngayon

Kilalanin ang tatlong characters sa kakaibang kwentong di nyo malilimutan... Ito ang aking First Installment sa aking Ibraim Sorrento Novel Universe... Happy Reading at ihanda ang inyong puso sa pagbabasa.

IbraimSorrento · Urban
Zu wenig Bewertungen
19 Chs

Chapter 10 - SA UNANG PAGKAKATAON

Simpleng umaga lamang iyon ng araw ng Linggo. Pangkaraniwang Sunday sa iba pero tila may kung anong saya ang hatid ang araw na iyon sa tatlo.

Sa unang pagkakataon, nakasabay ng magkapatid ang binata sa kanilang umagahan, habang naroroon pa rin at hindi maitago ng huli ang kanyang hiya sa dalawang magkapatid.

"Josh." mahinang wika ng binata. Nagpatuloy ito, "Josh ang pangalan ko."

Oo nga naman, halos mangangalahati na ang tasa ng kape niya ay di pa siya nakakapagpakilala sa magkapatid.

Nangiti naman dito si Elijah, "Di ko na siguro kailangang pang magpakilala." biro niya dito.

Sumulyap ito sa nakatatandang kapatid, at ito naman ang pinakilala, "Si ate Rachael."

Tumingin dito ang binata, tipid ang mga ngiti ng dalaga, at tumango lamang saka ipinagpatuloy ang pagpapalaman sa tinapay.

"Rachael." Na tila pinadulas ng binata ang pangalang iyon sa kanyang dila. Bagay sa kanya ang pangalan, na isip niya.

Ngumiti naman sa kanya ang dalaga, at nagwika, "Ate. Ate Rachael na rin ang itawag mo sa akin."

Di nakalampas sa dalawa ang pagkunot ng noo ng lalaki. Na tila ba naiilang na tawaging ate ito. Paano ba naman eh halos magkasing-edad lamang sila.

"Ayoko kitang tawaging ate." tugon ni Josh, na buo ang determinasyon sa boses. "Kay Elijah na lang yun." Baling nito sa nakababatang kapatid ng dalagang kaharap.

Sa unang pagkakataon, hindi napigilan ni Rachael ang mapangiti rito ng lubusan. Napaka-aliwalas ng mukha ng dalaga sa mga mata ng binata.

"Bahala ka." ang tanging tugon ng dalaga.

Nalaman ni Josh na magsisimba ang dalawang magkapatid, pagkatapos nito ay planong mag-grocery din ni Rachael ngunit binilin nito na dumiretso na sa bahay ang kapatid at siya na lamang ang mamimili. Dito nasaksihan ng binata kung gaano kakulit si Elijah sa kanyang ate. Ayaw kasi itong isama ni Rachael sa pamimili, ang totoo nito ay ayaw niyang mabinat o mapagod ang kapatid. Humaba tuloy ang nguso ni Elijah.

"May naisip ako." biglang sabi ni Josh. May ngiti sa labi ang binata.

Ano naman kaya ang naisip ng isang 'to? - bulong ni Rachael sa sarili.

Habang malakas naman ang kutob ni Elijah na kung ano man ang nasa isip ng binata ay aayon ito sa gusto niya.

*****

Nakasama nga ng dalawa si Josh sa kanilang pagsisimba. May mga ibang nakakilala sa tatlo lalo na kay Josh na di naiwasang mapakunot ang noo sa tanawing makita ito sa loob ng simbahan. Di kasi sila sanay makita ang binata sa pagsisimba lalo kasama pa yata nito ang tahimik at simpleng si Elijah.

Maya't maya rin ay may mga kalalakihang bumabati sa binata, maging mga karamihan sa babae ay bumabati rin dito. Isa pa nga sa mga ito ay kilala niya. Si Peaches kung hindi siya nagkakamali. Yung laging laman ng mga beauty contest. Magiliw nitong binati ang lalaki na para bang di sila nageexist na magkapatid na nakatayo lamang sa tabi. Popular pala ang lalaki, sabagay may itsura din naman kasi, usal ng dalaga sa sarili. Ano pa nga ba ang ineexpect mo sa taong tulad ng isang Josh. Na maraming barkada. Siga.

Tila naman nahiya bigla si Rachael sa sarili. Ito siya at nagiging judgemental sa binata, sa kabila ng paghingi na nito ng paumanhin... pero ano nga ba ang ginagawa nito dito ngayon at kasama pa nila? Haaaay... isa lang naman ang kasagutan... bumabawi sa kalokohang nagawa. Yun lang yun at wala ng iba.

Pasimpleng sinulyapan ni Rachael ang dalawang lalaki... may sinasabi sa kanyang kapatid si Josh... hindi pala... tila bumubulong at tatawa ng palihim... ano naman kayang kalokohan ang pinag-uusapan ng dalawa? Hindi man niya maitago ang kasiyahang nadarama pag nakikitang masaya si Elijah. Sana laging ganun, na masaya ang kanyang kapatid, alam niya na iba pa rin ang klase ng katuwaan pag kapwa mga lalaki ang nagkukulitan... bigla tuloy siyang nangamba... paano kung wala na si Josh... pag wala na ang bahid ng konsiyensya nito sa nagawang kasalanan? Nakita niya ang mga ngiti ng lalaki, sumulyap pa ito sa kanya saka nagpatuloy sa kulitan kay Elijah... ang mga ngiting iyon ng binata. Mukha rin pala itong anghel... medyo makapal nga lang ang kilay... haaaay... panandalian lang naman si Josh... walang dapat ikatuwa at i-expect.

Natapos ang misa na lipad ang utak ni Rachael. Habang ang nais na maisakatuparan naman ni Josh ang nabuo niyang plano kanina. Nagprisinta kasi siyang samahan ang dalawa sa pamimili.

Abala si Elijah sa pagbili ng Sampaguita kaya't nagawang simplehan ni Rachael at kinausap ang lalaki.

"Kailangan niyang makapahinga sa bahay. Wag na kayong sumama." sambit dito ng dalaga.

"Ayos lang yan." maiksing tugon naman ng binata na di pinahalagahan ang kanyang tinuran.

Totoo ngang may katigasan din itong lalaking 'to, naibulong niya tuloy sa sarili.

"Mapapagod nga siya." Halata na sa boses ni Rachael ang pagkainis.

Tiningnan ni Josh sa mga mata ang dalaga saka nagsalita, "Kaya ibuburo mo siya sa bahay, ganun ba?" Di nawawala ang tigas sa boses ng binata.

Sinubukan ni Rachael na sumagot, pero wala siyang mahagilap na isasagot sa lalaki.

Sinulyapan ni Josh si Elijah na nasa di-kalayuan na tila hirap makasingit sa pagbili sa dami ng tao. Di niya inaalis ang tingin dito nang magpatuloy, "Takot ka sa kalagayan niya alam ko yun." At muling humarap sa dalaga, "Kaya nandito ko."

Nagtama ang kanilang mga paningin. Sandaling katahimikan.

Kaya nandito ko. Parang kay sarap sa pandinig ng dalaga ang mga salitang iyon. Nagbigay ito ng kung anong lakas ng loob. Sa haba kasi ng panahon, siya lang tong kinakayang pagtibayin ang sarili at mag ipon ng lakas ng loob para sa kapatid. Pero hindi nino man maitatago na tao lamang tayo, siya, na minsan ay tinatakasan din ng lakas ng loob. Pero itong taong nasa kanyang harapan ngayon, ay sa unang pagkakataon nakapagoadama sa kanya ng kasangga sa pagharap sa kalagayan ni Elijah. Pero hanggang kelan? Bago pa man mag-unahan ang kanyang mga luha ay binawi niya ang kanyang tingin mula sa binata. Sakto namang paparating si Elijah, bitbit ang nabiling Sampaguita na walang kamalay-malay sa naging pag-uusap ng dalawa.

"Tara." masiglang baling ni Josh kay Elijah. "Sasamahan ko kayong mamili."

***