webnovel

Outlier

Lilliana grew up in a family of soldiers. Her father is a soldier and so are her brothers. Imagine living in a camp where you get to see them everyday. It does something to your system, something good. It taught you how to be brave and to be responsible - to own your actions because there's no one that should be held accountable for it other than your own. All her life, she believes that is also her calling. But life happens, it intervenes.

MarielleDomingo · Urban
Zu wenig Bewertungen
23 Chs

Much Needed Time

"What's the problem Lily?" Georgina asked while sipping her coffee filled with spoons and spoons of sugar. I sighed.

"Hindi ko alam. I have this nagging feeling but I can't pinpoint what's wrong." I whined, frustrated with the uncertainty. O baka masyado lang akong nag-iisip. She snickered.

"Well, let's start with the general. Is he okay? How about his health?" I heard her moan from my side. She needs lots and lots of sugar and caffeine to keep up with her schedule. Oh, the things you do for your dreams.

Umiling ako. "Ganoon pa rin naman. He's fine. Still young at heart." dad seems to have drunk an elixir. He exudes the maturity that comes with experience but can definitely beat the top most eligible bachelors around. He's aging like a fine wine. I just hope his genes can do me wonders.

"E si kuya mo? How's Mindanao?" that brother of mine was assigned the farthest. Malay ko ba kung saang gubat o bundok ang tinatahak niya sa ngayon.

"Last time I heard, he can't be contacted for two months. Inabisuhan lang kami at tsaka umalis na." no news is good news. This is what I apply to the Severino boys. "Diko is at home enjoying his break." if you want to know, dagdag ko sa sarili. Sunod-sunod na samid ang narinig ko mula sa kaniya. Aba, tinatablan din pala. Tinaasan ko siya ng kilay. Alam ko namang hinahangaan niya si diko. This is actually an open secret. Dinadaan sa biro tuwing kwentuhan. Pero dahil pareho silang importante sa akin, hindi ako nakikialam sa kung ano man ang pwedeng mangyari. "Malapit na ring magtapos si Sangko Severus. Sa susunod na buwan na iyon." they're all busy. May kaniya-kaniya ng buhay. Ako na lang talaga ang tila naliligaw pa.

Tell me. To where should I go?

"E kumusta naman si papa?" pilyang sabi niya. Sumimangot ako. Ilang beses na ba siyang umalis ng walang paalam dahil sa biglaang red alert? Really, we are in troubled times.

"We haven't really talked in a while." nakakunot na noo kong iniwas ang aking paningin. Loving someone with a great responsibility is really hard. You have to sacrifice a lot. Ipinilig ko ang ulo at dumiretso ng upo. Ginusto mo iyan, Lilliana. Ito ang paalala ko sa sarili. Mahirap magmahal ng sundalo. Pero ano ang gagawin ko? Kung mismong mga kuya ko ay sundalo rin kaya inasahan ko na dapat ang mga ganito.

Days passed and Joaquin's visit gradually lessened. Kung magagawi man sa amin ay saglit lang din. Pinilit kong intindihin dahil wala naman akong ibang magawa. I can see our future. Parehong duty at minsan lang kung umuwi. The Severinos know the drill. Kung may mababago man, kaunti na lang siguro iyon.

"Sigurado ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Napagdesisyunan na kasi naming ngayon siya pupunta sa bahay para pormal na ipakilala kay dad. This should have happened way before. Pero laging nauudlot. Tila ba tutol ang buong mundo sa aming mga plano.

My heart skipped a bit when I heard him chuckle. "Why, love?" nanlambot ang aking tuhod sa sinabi niya. "Are you backing out?" Asa. Ito na ang matagal kong hinihintay kaya malabong mangyari ang sinasabi niya. Unang kita ko pa lang sa iyo, alam kong akin ka na. I cringed at my thought.

"No." ipit na sabi ko. Namula ang aking mukha sa aking boses. "So, I'll wait for you here." love. Dagdag ko sa isipan. He's getting sweeter. Baka bumabawi at may kasalanang nagawa. Ganoon naman ang sabi nila diba? Baka may ibang babae na yan sa destino niya. I put a stop to my crazy thought. Trust is the key to a harmonious relationship. Both tangible and intangible syempre.

"Definitely." I ended the call to compose myself. Ano ba naman iyan Lilliana? Ang tagal niyo ng magnobyo at nobya. Bakit hanggang ngayon ay tila nahihiya ka pa rin? Mabuti na lang at hindi nauubos ang kilig.

I groaned at my timidity and fixed my errant hair. Magulo na nga ang isip ko, magulo pa rin ang buhok ko. This is your fault mom. My eyes are sparkling and cheeks are blushing. Ang kulang na lang ay maglagay ng marka sa aking noo at sabihing 'I'm in love'.

Ang totoo, hindi ko pa rin nasasabi kay dad ang tungkol sa amin hanggang ngayon. Pero halata naman nila kung ano ang mayroon. Sa dalas ba naman naming lumabas dalawa. Kung ibabase naman sa edad ay matagal na akong pinayagan. Ako na mismo ang tumatanggi dahil pakiramdam ko ay wala pa akong karapatan. Bakit hindi? E kay dad pa rin ako umaasa at sa trust fund na iniwan ni mom.

Oh, to be an independent woman is definitely not easy.

Sunod-sunod na katok ang narinig ko. "I'm coming!" hindi ko na sinubukan pang pigilan ang aking ngiti. Pagkatapos naman nito, lisensyado na ako. That's what Georgina says. Basta legal na kayo, lisensyado ka na. Saan na naman ba ito napulot ng bruha?

"Lily…" maingat na sabi niya, tila nananantiya.

"Yes, Ate Rosa? Nandiyan na ba siya? Nagalit ba si dad? Hindi naman siguro dahil kilala na siya. Teka, okay lang ba sila? Hindi ba nagulat?" akmang lalabas na ako ng pigilan niya.

"A-ano kasi… gutom na kasi sila sir." sabay kamot sa ulo niya. Tumango ako. Sus, yun lang pala e. Magsasalit na ako ng unahan niya. "Kaso wala pa yung bisita mo." she whispered. Lumaki ang mata ko sa narinig. That man! Ngayon pa talaga siya nahuli. I froze for a second before collecting myself.

Tipid at pilit na ngiti ang itinugon ko. "Nahuli lang siguro iyon. Mabuti pa at paunahin na natin sila dad kumain. Hihintayin ko na lang muna." itinago ko ang pangambang nadarama sa mga oras na ito. Subukan mo lang talaga Joaquin at makikita mo. I'll bite you! I'll bite your abs din kaya? Estupida! Lilliana umayos ka nga.

Inilibas ko ang aking cellphone at tiniwagan siya. 'Sorry, the number you have dialed…' hindi ako nagpapigil at inulit uli ito. Pero wala e. Tumalon ako sa aking higaan at pinaulanan ng suntok ang aking unan. Right hook, left hook. Ito muna ang aking pagpapraktisan. I huffed away these pesky curls. Malamang at mukha na naman akong tsismosang nakipagsabunutan. Ng hindi pa sapat ay isinubsob ko ang aking mukha at saka sumigaw. Ngayon ko na lang uli ginawa ito makalipas ang ilang taon.

Dad taught us to control our emotions, to manage our demons and not let it run rampant. We all have it - both the good and the bad. That's what makes us. Humans. Vulnerable but determined to reign our life.

Medyo hinihingal at namumula pa ako ng buksan muli ang pinto. Iniluwa nito ang gulat na si Ate Rosa. "Lily, sabi ng dad mo bumaba ka na raw at kumain na." bakas ko ang pag-aalala sa mukha niya. I smiled to ease her worries. I'm big girl.

I took one shaky step at a time. Kalaunan ay nasanay rin at nakayanang harapin ang katotohanan. Inhale the positivity, exhale toxicity. Wala naman sigurong masama. This is his first, afterall. Wag lang maging the first of many more.

Ngumiti ako ng makita si dad. "Sumabay ka ng kumain sa amin." iyon lang ang sinabi niya at nagsimula na sa pagsubo.

Ni hindi ko na malasahan ang mga pagkain sa aking harapan. I allow myself to indulge and sulk for a while. Nakailang tingin na rin ako sa aking relo at abot ang tanaw sa may pintuan. Nagbabakasaling makita ang pilyo niyang ngiti at naniningkit na mata. Pinilit kong kalmahin ang sarili at inisip ang mga bagay.

Today was supposed to be a good day. Technically, hindi pa naman tapos ang araw. May oras pa para ipakilala si Joaquin.

I swallowed my frustrations. Halos matapos ko na kasi ang stages of acceptance ni Kubler-Ross. "The food, is it to your liking?" dad asked. Inangat ko ang ulo at sinalubong ang kaniyang tingin. I smiled inside. He probably knows I'm sad na in-indian ako. Those strict dark eyes has shown some warmth, consoling my aching heart.

"Kare-kare. Yay." pagak na tawa ang narinig ko kay kuya. Sinimangutan ko lang siya. "I'm fine dad. If that's what you really wanna ask po." I flashed my white teeth at him. See, I'm a grown up. Pwede na ngang mag-asawa e.

"Good. Don't waste your time thinking about the unnecessary." payo niya. Straight and concise.

"Noted dad." malambing na sabi ko.

Ibinaon ko ang sarili sa trabaho. Sari-saring tela at sinulid ang pinagkakaabalahan. Nahihiya na rin ako kay Georgina na lagi na lang free advertisement ang drama. Nakalista naman lahat ng mga 'utang' ko sa kaniya.

Maybe I need something new. I browse the net and surf for some inspirations. Minsan sa kwento mo mahahanap ang makakatulong sa iyo. It will take you to a place where possibility is all there is. An inspired mind, is a productive mind.

Panahon na para unahin ko naman ang sarili. Maybe Joaquin really has an emergency. Mas mataas ang posibilidad nito. He's a responsible man. Wala ng mas importante pa kung hindi ang responsibilidad niya sa bayan. Who am I to sulk? And why should I waste my time? We're good as long as he has a valid reason. I love him. At kalakip nito ang tiwala sa kaniya.

I toss Joaquin out of my system. For now. I know, only for now.

Kumusta naman ang 3rd wave of lockdown? Stay safe. Let us all be strong. And keep your mask on!

MarielleDomingocreators' thoughts