webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Teenager
Zu wenig Bewertungen
102 Chs

Chapter 30.0

Chapter 30.0:

Abby's POV:

Bago kami pumasok sa kanya-kanya naming kwarto ay tinanong ko si Rigel kung pwede ko bang mahiram ang action camera niya na ginamit namin sa buong araw. Pero hindi ko ito nahiram dahil low battery na daw ang mga ito, kaya naman ay ang SD card na lang ang ipinahiram niya sa akin.

Dalawa ang hiniram ko, yung card ng ginamit niya na pangkuha ng litrato sa akin at yung card ng pinahiram niya sa aking camera. Pero bago ako magbrowse ng pictures ay naligo muna ako dahil sa lagkit na nararamdaman ko sa aking katawan dahil matapos naming mag-photoshoot sa tabing dagat ay sa dinning area ng hotel na kami agad dumiretso para kumain kaya ngayon pa lamang ako makakapaglinis ng katawan.

Hindi rin ako nagtagal sa banyo dahil excited na akong makita ang mga pictures ko. Ang tagal kong hindi nakapag-photoshoot sa gan'tong klaseng lugar kaya hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko dahil sa wakas ay may maipopost na rin akong ibang outfit sa instagram haha. Everytime is always like a first time kapag masaya ka sa ginagawa mo.

Habang nag-iiscroll ako sa mga kinuhang litrato ni Rigel ay hindi ko maiwasang humanga. 

Alam ko naman sa sarili kong marunong akong mag-pose at umanggulo, pero iba talaga kapag si Rigel ang kumuha. Ang "good photo" ay nagagawa niyang isang "fantastic photo". Hindi sa nag-eexagerate ako, pero kahit ata hindi ka marunong umanggulo pero kung siya ang kukuha ay kaya ka niyang gawing parang isang totoong modelo.

Napansin ko ay kaunti lamang ang mga prepared ako at nakatingin sa camera. Pero bakit gano'n, bakit parang ang ganda ko kahit hindi ako prepared, hindi ako mukhang adik tignan. Iba talaga si Rigel, kahit siguro ay mababang unit ng camera ang gamitin niya ay maganda pa rin ang kalalabasan ng shot niya.

Having this kind of skill without taking any course or training is just awesome!

Napaka-talented niyang tao; magaling sumayaw, kumanta, mag-vlog, mag-animation, magaling din siyang model at the same time ay photographer, isama pa ang pagiging smart niya sa mga bagay-bagay. Dang, mapapa-sana all ka na lang talaga.

Wait, am I praising him too much? Oh shut up Abby, this is not right. Masyado mo na siyang pinupuri. 

Bago pa lumayo at mapunta sa ibang dimensyon ang mga naiisip ko ay napag-desisyunan ko ng i-copy sa laptop ang lahat ng litrato na nasa SD card.

Isinunod ko naman ang memory card ng camerang ginamit ko. Hindi gaya ng naunang card ay mas kaunti ang litratong naka-save dito. Puro magagandang mga tanawin ang karamihan sa mga kuha dito. Mayroon ding litrato si Rigel, ito yung kuha ko sa kaniya sa entrance ng kuweba.

Mukha siyang bored dito pero bakit gano'n, ang gwapo niya pa rin. Sige, siya na ang gwapong bagot. Kahit saang anggulo at kahit ano'ng ekpresyon ay gwapo siyang tignan. No wonder ay agad siyang sumikat sa kaniyang modelling career. Hindi siya madalas lumabas sa mga drama sa tv, pero sa interviews at reality shows ay lagi siyang naiimbitahan. Pati sa magazines at billboard ay kotang-kota ang pagmumukha niya. Grabe siya! Kung ganito ba naman ang asawa mo ay siguradong hindi ka magugutom dahil katawan at mukha pa lang ay mabubusog ka na-- 

Aish! There you go again Abby, stop talking nonsense. Napasampal ako sa sarili dahil sa kung anu-anong naiisip.

May mangilan-ngilan rin siyang stolen shots dito. Pasimple ko siyang kinukuhanan ng litrato minsan para naman hindi lang puro pagmumukha ko ang laman ng SD card niya.

Pfft, ano ba 'yan, puro blurd ang mga nakuha ko. Pero ayos lang, siya naman haha. Ang mahalaga maayos ang mga kuha niya sa akin.

~

Nang mag-umaga ay nag-jog ulit ako sa buong property bago mag-almusal. 

Hindi gaya kahapon ay mas nauna ngayon si Rigel na pumwesto sa dinning area. 

"Good morning! Did you sleep well?" Bungad nito sa akin at saka ako pinaghila ng upuan.

"Thanks. And yeah, I did sleep well. Medyo late nga lang ako nakatulog dahil inedit ko pa yung mga pictures ko kahapon." Pero kahit gano'n ay hindi ako nakakaramdam ng antok ngayon, siguro ay dahil sa ginawa kong jog kanina. Gising na gising na ang diwa ko.

"Oh, then you should've have told me para ako na sana ang nag-edit at maaga ka ng nakatulog kagabi."

"Thanks, but no thanks. Ayaw ko ng makaabala pa sa'yo. Ah heto nga pala yung mga SD cards mo, salamat sa pagpapahiram." Baka kasi maiwala ko pa, 1TB pa naman ang bawat isa. 

"No worries. So ano pala ang order mo?" Tanong niya habang sinisipat ang mga nakasulat sa menu.

"Hmm, something heavy will do." Buong araw kaming magrerecreational activities ngayon, kaya kailangan kong kumain ng marami para magkaroon ako ng sapat na enerhiya.

"Oh ok, I see. A heavy one then." Tinawag niya ang waiter at saka umorder.

Hindi rin nagtagal ay dumating agad ang order namin. 

"Ang dami naman ata nito?" Pagpuna ko, halos mapuno kasi ang lamesa ng mga pagkain. Mauubos kaya namin 'to?

"Well, hindi lang ikaw ang kailangang kumain ngayon ng marami." Kumindat ito bago magpasalamat sa waiter.

"Oh sige, sabi mo eh."

~

Para sa unang activity ay napagdesisyunan naming mag-rock climbing muna.

"You wanna bet?" Paghahamon ni Rigel habang nagsusuot kami ng safety gears.

"Para saan?"

"Let's race."

"Haynako, tigil-tigilan mo nga ako. Tinatamad ako sa mga ganiyang bagay, wala naman akong mapapala."

"Well, mahina na pala ang Abby na kilala ko. Akala ko ba ay wala siyang inaatrasan, duwag pala." Ngumisi ito at saka sumipol.

"Aba't! Hoy, sino'ng duwag? Tinatamad lang talaga ako ngayon kaya wala akong gana." Gusto kong sulitin ang view habang umaakyat ako.

"Well, ikaw bahala. Sayang maganda pa naman ang dare kapag nanalo." Bulong nito.

"Dare?"

"Yes, kung sino man ang mananalo ay idadare niya ang natalo. A common game, but exciting."

"Eh ilan namang dare 'yan?" 

"Isa lang. So the winner must think about kung ano ba talaga ang ipapagawa niya sa loser dahil isa lang ang pupuwede niyang idare dito." 

"Eh ano ba 'yan. Edi boring." Isa lang naman, nasaan ang thrill do'n?

"There are lots of dare, just so you know." 

Parang may biglang umilaw na bumbilya sa itaas ng aking ulo at agad akong napangisi dahil sa ideyang pumasok sa aking isipan. 

"So pa'no ba ang rules?"

"Simple lang, paunahang maka limang beses na akyat sa taas."

"What the hell? Seryoso ka ba?!" Limang beses? May plano ba siyang patayin ako? Ang taas kaya ng aakyatin namin. 

"Five is just right."

"Ano'ng just right? Baka gusto mong makatikim ng batok?" 

"Sige, ilan tawad mo?"

"Isa."

"Apat." Pagtawad din niya.

"Dalawa."

"Apat."

"Nagpapatawad ka pa kung apat din lang pala ang gusto mo, iisa lang nabawas. Sana ayos ka lang." Sarcasm na sabi ko. "Tatlo. Last na tawad ko na 'yan. I can't go beyond that number." Humalukipkip ako at inirapan siya. Hindi niya ako mapipilit mag apat na balik, masaydong mataas ang aakyatin at may iba pa kaming activities na gagawin. Ayaw kong maubos ang energy ko sa unang activity pa lang. 

Bumuntong hininga ito. "Okay then, tatlong balik sa taas." 

"Okay, game!"

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts