webnovel

ME 5

Pagkarating namin sa bahay, naligo na ako agad at nagbihis pantulog, agad akong nagtungo sa kwarto ni mama. Pagkaopen ko ng pinto nakito ko si mama na nakahiga na sa kama, at parang ang tamlay na naman niya, pilit siyang ngumiti.

"Mama pwedeng patabi."

"Nako ang anak ko naglalambing, siya halika na dito." Yumakap agad ako kay mama." Sige na anak matulog ka na, babantayan kita ok."

Habang nakayakap ako kay mama, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Ang tagal na panahon na pala siyang nasasaktan, nagtitiis para lang sa pamilyang ito. Pamilyang kahit kaylan ay hindi ko naramdaman na may pagmamahal ng isang ama. Niyakap ko ng mahigpit si mama at nagdasal.

*Panginoon, wag mo munang kunin si mama. Hindi ko kakayanin pag nawala siya. Palakasin mo siya Panginoon at gamotin ang kanyang nararamdaman. Tanggalin niyo po ang paghihirap at sakit nararamdaman niya. AMEN*

"Ma I love you." Sabi ko bago tuluyang nakatulog.

~○~

SUNDAY MORNING

akong umintindi at magtiis sa sakit. Nagtitiis lang ako anak para sayo, gusto ko ng sumuko sa pag mamahal ko sa papa mo." Lumuluhang sambit niya.

"Ma ok lang ako, wag niyo na akong intindihin. Suko na ma."

"Anak lagi kang mag iingat ha, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

"Opo mama lagi ko pong tatandaan." Niyakap ako ni mama ng mahigpit at hinalikan sa noo.

Nagsalang kami ulit ng isa pang papanuorin. Mag momovie marathon nalang kami.

Makaraan ng ilang oras at marami na rin kami napanuod, si mama ay nakahiga sa  lap ko at nakahawak sa kamay ko.

"Ma ihi lang ako."pero hindi pa rin gumagalaw si mama, pero nakatingin lang siya sa TV, kinakabahan na ako. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak saakin, ang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi parin sia gumagalaw, at nang ipatong ko ang kami niya sa dibdib nia ay dahan dahan itong nahulog sa sahig. At habang nahuhulog ito ay umaagos na ang luha ko.

"MAMA GUMISING KA MAMA! PLEASE MAMA WAKE U! MA WAG KANG GANYA OH! GUMISING KA MA!" ngawa na ako ng ngwa sa kwarto, hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumakbo ako palabas at tinawag si ate Minda.

"ATE MINDA TUMWAG KA NG AMBULANSYA PLEASE SI MAMA" sigaw ko habang umiiyak.

Nagmamadli kong hinanap ang phone ko para tawaga si tito Rex.

RING

RING

RING

RING

RING

"Tito sagutin mo please" sabi ko habang nanginhinig ang katawa ko. Habang hinihintay kong sagutin ni tito ang phone niya si ate Minda naman ay nagbabantay kay mama hindi na rin alam ang gagawin.

"Wala pa ba ate?"

"Wala pa po."

Lumapit ako kay mama" ma gising na po, kakainin pa natin tong binake nating cookies oh." Umiiyak parin ako habang ginigising si mama. "Ma sabi mo babantayan mo ako." Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak.

"Ma'am nandyan na po ung ambulansya."

Dead on arrival si mama sa ospital. Pinapatahan ako ni ate Minda habang nasa labas kami ng morgue. Sakto naman ang pagdating ni tito Rex at tita Aileen.

"Tito si mama wala na." Sabi ko at yumakap sakanya. "Tito ang hirap. Pero mas ok na rin para matapus na lahay ng pag hihirap na na dinanas niya."

"Magpakatatag ka, andito lng kami para sayo."

"Salamat po tito." Walang imik si tita halata ang galit sa mukha niya.

"Sinabi ko na noon pa saknya na hiwalayan at iwan na nia yung lalaking yun para hindi lumala ang kanyang sakit."saad nia na may halomg lungkot at galit sa kanyang mata." Mabuti nalang at naitransfer na nia lahat sa pangalan mo nahati na niya ang mga ari-arian nila ng papa mo." Dagdag pa niya. Si tita Aileen ay isang lawyer."mas matami ang pupuntang  property sayo, dahil halos lahat ng mga companya niyo ay sa mama mo pero mabait pa rin ang mama hanggang sa huli dahil ibinigay parin niya ang iba sa papa mo."

"Alam na ba ng papa mo?"

"Tinatawagan ko po siya kanina pero hindi po niya sinasagut, kaya nag send nalamg po ako ng text message."

 Sina tita at tito ang nag asikaso ng mga papeles ni mama para sa death certificate niya.

~○~

Pang apat na araw na ni mama, andito ang lahat ng mga kaibigan at mga kamag-anak namin. Si papa wala pa rin hanggang ngayon. Wala parin siyang reply sa message ko. At noong tinatawagan ko siya hindi na siya macontact.

Galit ang nararamdaman ko kay papa ngayon. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay mama. Ngayong ako ang may-ari ng ibang companya pag aaralan ko itong imanage at babawin ito sakanya.

"Tita wag mo munang sabihin kay papa na ako na ang may-ari ng mga kompanyang hawak niya."

"Anong balak mo?"

"Pag-aaralan ko itong patakbuhun, saka na ako lalantad pag marunong na ako."

"Ok, as you wish. Kung may kailangan ka pa andito lang kami ok."

"Yes tita. Ahm tita can you talk to our dean and ask her if I can take all my subjects final exam. Pag kalibing kay mama ay aalis na ako ng bansa."

"Ok aasikasuhin ko. Bukas din."

"Thanks tita."

"Anything for our princess."

~○~

Natapos na ang paglalamay kay mama pero wala parin kahit anino ni papa. Hindi parin siya nagpapakita. Bakit hindi nalang siya ang nawala, bakit hindi nalang siya ang nagdusa. Bakit si mama pa, bakit kailangan ni mama na magdusa ng ganito.

Pagbabayaran mo lahat ng pasakit na pinaranas mo kay mama.Magbabayad kayong dalawa. Gagawin ko ang lahat mapabagsak ko lang kayo. Gagawin ko ang lahat upang maranasan niyo rin ang naranasan ni mama.