webnovel

OneSoul2

"mahal?!!!" tawag ko habang kumakatok ng sunod sunod. wala nakong oras para maghanap pa ng susi ng aking inuupahang kwarto.

"mahal?!!!!" muling tawag ko takot na takot ako, ang pakiramdam ko ay talagang may naka sunod sa akin na hindi ko nakikitang nilalang

"sandali eto na" narinig kong sagot ni Garen sa loob ng bahay naka hinga ako ng maluwag sa wakas! unti unting bumukas ang pinto nag madali ako pumasok sa loob at sinarado agad ito.

"Mahal ano bang ginagawa mo at di mo narinig agad ang tawag ko?" tanong ko habang nag hahanap ng ipang papalit Kong damit.

"pasensya na mahal pagtapos ko kasi mag linis at maglaba ng mga damit mo nag laro ako ng basketball kasama ang tropa kaya pag kauwi ko nakatulog ako" nakangiting tugon niya sakin

"ha? mahal bakit mo nilabhan mga damit ko? ang sabi ko'y maglinis ka lamang dito sa bahay" nahihiyang tanong ko dahil sa malamang nakita niya lahat ng pangloob kong damit.

"Wala lang, Tara kumain na tayo bumili nako ng ulam natin" pag yayaya niya hindi kaya hinahanap ang lalaking to sa kanilang tahanan? baka mamaya'y hindi ito nag paalam at ako ang mapagalitan ng kaniyang Ina.

"nag paalam ka ba kay tita na andito ka mag mula kaninang ika tatlo ng umaga?" taas kilay kong tanong sa kanya

"Alam na ni mama yon" nakangiti nanamang tugon niya

"anong alam, mag paalam ka kay tita kundi di kita papayagang manatili pa dito"

"ito na po mahal tatawagan ko na si mama pag tapos nating kumain"

pag tapos ng hapunan agad agad akong pumasok sa banyo upang mag linis ng katawan narinig ko din na natawagan na ng aking nobyo ang kanyang ina. pasaway talaga ang lalaking ito ngunit kahit kailan hindi siya naghanap ng iba kahit ganito lamang ako.

matapos kong mag linis nag init ako ng tubig para makapag linis na din ang aking nobyo, ayaw niya sa malamig kahit anong klaseng malamig ay ayaw niya inumin man yan o kahit ano pa. minsan pa nga'y naramdaman kong sobrang init ng kanyang katawan na para bang nag aapoy ngunit wala naman siyang sakit. kaya madalas pag dito siya natutulog hindi ko pinapagana ang aircon ng aking apartment mayroon din siyang napaka gandang birthmark sa kanyang balikat na parang hugis apoy na lalong nag pa dagdag sa kanyang kakisigan.

"oh tulala ka na naman mahal, ang sabi ko sayo'y wag mona ko pinag iisip at andito lang naman ako" nakangiting biro niya sakin, Ang lalaki na to napakahilig ngumiti at napaka pilyo.

"hindi Kita iniisip, iniisip kolang kung bakit masyado kang takot sa malamig"

"hindi ko masasagot ang iyong katanungan aking prinsesa dahil hindi ko din alam ang kasagutan" natatawang sagot niya marahil ay pati siya hindi maintindihan ang kanyang sarili

"maligo kana mukhang nangangamoy araw kapa kahit Gabi na"

"hindi yan totoo aking mahal, mabango ako kahit hindi ako maligo ng isang buwan"

"wag na tayong maglokohan pa maligo na at ako'y antok na antok na" agad agad naman siyang pumasok sa banyo at naligo

magkayakap kaming naka higa sa maliit kong kama pilit sinisiksik ang aming sarili nawa'y diko mapanaginipan ngayong gabi ang masamang panaginip na nararanasan ko tuwing ako'y natutulog

"mahal matulog kana babantayan kita hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo" dahan dahan niyang sinusuklay gamit ang kanyang kamay sa aking buhok nakaka panatag ang sarap sa pakiramdam

"Vanna kailangan mo ng mamatay! kailangan mo ng mamatay! Ang propesiya ay kailangan ng matupad sa lalong madaling panahon"

"hindi! bakit ko kailangan mamatay?!!!" pagalit na tanong ko

"Vanna ito ay para sa ikabubuti ng lahat! kailangan mo ng mamataaaaaaaay!!!"

napabalikwas ako ng bangon mula sa aking mahimbing na pag kakatulog, isang bangungot nanaman kailan ba ko matatahimik bakit ko ba ito laging napapanaginipan? napalingon ako sa aking nobyo bahagya itong gumalaw dahil sa aking biglang pagbangon

"mahal ?! hindi ! mahaaaaaaal!!!!!" nagulat ako ng paglingon ko ay sumisigaw ang aking nobyo anong nangyari akala ko ay nagising siya? binabangungot din siya at tinatawag niya ako sa kanyang panaginip nabigla ako ng biglang may maliit na apoy na nagmula sa kanyang kamay napalingon ako sa kanya at bumalik ang paningin ko sa kanyang kamay ngunit walang bakas ng apoy, marahil ay namamalikmat lamang ako napaka imposibleng bagay nga naman iyon.

"mahal gumising ka! ano ba ang iyong napapanaginipan" pag gising ko sa kanya at bahagya syang tinapik sa balikat, nagulat ako ng bigla itong naupo hingal na hingal agad agad akong kumuha ng tubig.

"uminom ka muna mahal ano ba ang nangyari sa iyo?" nagtatakang tanong ko ano ba ang iyong napanaginipan at tila hingal na hingal ka?"

"mahal wag moko iiwan ha, sa aking panaginip ikaw ay aalis pupunta sa malayo at Hindi mo na ko babalikan Hindi ko din kanyang sumunod sa iyo kahit pilit kitang hinahabol" nakatingin siya sakin habang sinasambit ang kanyang panaginip ang mata niya'y maluha luha takot na mawala ako sa kanyang piling , kahit ako ay takot dahil parehas kaming nanaginip ng masama tungkol sa akin ngunit tinatatagan ko ang aking kalooban.

"isa lamang panaginip yun aking mahal tayo'y matulog na ulit" niyakap ko siya ulit habang hinahatak siya pahiga magmula sa aming pag kakaupo.