"Wala akong planong makipaglokohan sa'yo, Mr De Marco." Nagngingitngit na ani Arielle. Matalim pa rin ang tingin niya sa lalaki. "Ano ba talagang kailangan mo sa akin?"
Naaaliw na tumawa si Theo. Napasunod ang tingin nya dito nang tumayo ito sa pagkakaupo. Sumirko ang puso niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Kaba na hindi niya rin alam kung para saan at excitement na baka gawin nga ng lalaki ang sinabi kanina lang.
Gusto niyang mapapikit nang mariin. Diyos na mahabagin, saan siya humuhugot ng kiri sa mga ganitong pagkakataon? She was supposed to be in panic, dahil baka magkaroon ng pagkakataon ang lalaking ito para malaman ang tungkol sa anak nito sa kanya. Magugulo ang maayos nilang buhay mag ina..
Wait. Gaano ba siya kasigurado na maghahabol kung sakali ang lalaking ito? Baka ito pa mismo ang lumayo oras na malamang may sanggol na nabuo dahil sa pangungulit nya dito?
Kagaya ng ginawa ng ilang lalaking nakarelasyon ni Ate Zeny. Those brute only wanted sex at hindi commitment o pamilya.
Doon nag ring ang cellphone niya. Kinuha ni Arielle ang cellphone sa bag para icheck kong sino ang tumatawag.
"Bakit hindi mo sagutin?" Tanong nito na tumaas ang kilay nang ilang saglit lang siyang tumitig sa screen.
Si Cecille ang caller. Tiyak na magtatanong ito kung nasa DeMar Hotel na siya. Kung alam niya lang na mapapasok siya sa gusot na ito, hindi na sana sya pumayag na makipagkita pa sa Theo De Marco na ito.
"Can we talk somewhere else? Hindi magandang makita tayong magkasama sa loob ng iisang kwarto."
Lihim niyang kinagagalitan ang sarili. Dapat kanina niya pa naisip yon bago pa niya isinara ang pinto at humakbang papasok sa loob ng kwartong iyon.
"Too late for that, Arielle. Wala akong kahit na sinong empleyadong pinapapasok dito sa suite ko. Nang umakyat ka dito kanina, malamang ay iniisip na ng mga empleyado ko sa ibaba na girlfriend kita."
Kulang na lang maglabas ng apoy ang mga mata niya sa narinig.
"Pinlano mo ito para mapapayag agad ako? You bast-..."
"Language, sweetheart." Putol ni Theo na bahagyang ngumisi sa kanya. "Hindi ako basta basta pumapayag na tawagin ako sa kung ano anong pangalan." his voice held warning when he said those.
Itinikom ni Arielle ang bibig pero naniningkit pa rin ang mga mata niyang nakatitig dito. Nagkamali yata siya ng pagkakakilala sa lalaking ito. Masyado siyang nag expect na mabuti itong tao dahil sa ipinakita nitong pag uugali sa kanya two years ago. Gentleman bagaman nag give in sa pangse seduce niya.
Gentleman? No way! Hiyaw ng kabilang bahagi ng utak niya. He was vulgar at hiniya siya nito bago sila maghiwalay noon. Partly ay kasalanan niya, nag offer itong panagutan siya pero tumanggi siya.
Nakahinga si Arielle nang maluwang nang tumalima si Theo para kunin ang whisky na nasa ibabaw ng center table.
"Ang aga aga umiinom ka?" Hindi mapigilang tanong niya. Wala sa loob na ipinatong ang cellphone sa tabi nya.
Sinundan ni Arielle ng tingin ang pagsalin nito ng alak sa baso maging ang pagdala nito niyon sa mga labi.
Pakiramdam niya sumunod ang lalamunan niya nang lumagok ito roon. Nakita niya ang pagtaas baba ng adams apple nito. Gusto niyang sabunutan ang sarili when she found him another two points hotter. Dios me, kailan pa siya na hot-an sa pagtaas baba lang ng adams apple ng isang lalaki?
Guilt flooded her face nang lumingon si Theo at makita ang paraan ng pagtitig niya dito.
"T-tungkol sa pabor na hinihingi mo.. bakit kailangan nating magpanggap na mag on?" Tanong niya may masabi lang at mawala sa isip nito ang hitsura niya kanina lang.
"Dumating ang Mama at ang Papa mula sa Amerika nong isang araw. May gusto silang iretong babae sa akin, Julienne? Julie Ann? ..was her name. I haven't met her yet pero dinig ko, imbitado siya sa dinner na inihanda ni Trace, my brother at ng asawa niyang si Nowan bukas ng gabi."
"Ibig sabihin wala kang girlfriend?" Tanong niya.
"Wala ka rito kung mayroon."
Hindi siya makapaniwala, ang ganito ka gwapo at ka macho'ng lalaki walang girlfriend?
"Hindi ka naman siguro... ano, hindi ba?"
Ngumisi si Theo. "Akala ko ay napatunayan ko na 'yan sa'yo two years ago."
Pinamuluhan siya ng mukha. Bakit lahat na lang ng sinasabi niya bumubwelta sa kanya at sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan?
"Gusto ko lang malaman kung bakit, masama ba 'yon?" Angil niya dito.
"Ayokong isipin ng Mama na ayaw ko sa commitment. Until now they're thinking I'm the no strings attached kind of guy kaya hinahanapan nila ako ng babaeng seseryosohin." Napailing ito. "They want me to settle down the soonest. Gusto na daw nilang makita ang mga magiging apo nila sa akin."
Muntik na siyang masamid sa huling sinabi ng lalaki.
"I want a serious relationship, Arielle. Iyong may malalamin na damdaming involve. I am waiting for the right girl.. Iyong disenteng babae na liligawan ko ng pormal at.." sinadya nitong ibitin ang kasunod, mataman siyang pinagmasdan.
"At?" Gagad niya, kunway naiinip.
"At iyong babaeng may mataas na moralidad. May pagpapahalaga sa pagkababae at hindi basta basta pumapayag sa casual sex." Tumikhim ito. "You see, I belong to those men who want a virgin wife."
Nagpigil naman si Arielle. Gustong sumulak ang galit hanggang bunbunan niya.
"Kaya gusto mo akong panagutan two years ago, ganun?"
Umangat ulit ang isang sulok ng bibig ng lalaki para sa isang makahulugang ngisi. Pagkatapos ay tila nakakalokong nagkibit balikat.
"Forget about that. The offer doesn't stand anymore." Anito na nag iwas na ng mata sa kanya at nilagok ang lamang alak sa hawak nitong baso.
Maigi. Ani Arielle sa sarili.. pero bakit ganon, disappointed siya sa narinig mula rito. Kaya ba hindi ito nagtatanong sa kanya kung ano na ang nangyari pagkatapos ng huli nilang pagkikita dahil hindi na ito interesado?
"Hindi mo pa naman nakikita ang Julienne.. Julie Anne na 'yun, inaayawan mo na agad." Aniya sa kawalan ng masabi. Mas gusto niyang nagdadaldal kaysa manahimik sila pareho. Naa awkward siya lalo.
"Sabihin na lang natin na ayokong minamanipula ang buhay ko, Arielle. Marunong akong pumili ng babaeng gugustuhin ko, hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino para kilatisin ito." Seryosong anito. Sumandal ito sa counter at mataman na namang nakatitig sa kanya.
"Hindi ko alam na kaibigan ka ni Cecille.. I mean, nabanggit niya na may kaibigan siyang taga Maynila pero hindi ko alam na ikaw yon. I can't be happier nang makita kitang kumakaway sa mag asawa habang pasakay ka sa kotse mo." Parang wala sa loob na anito.
Ibinalik nya ang mga mata kay Theo. "A-at bakit ka naman natuwa.. na.. nakita mo 'ko?"
Good Lord. Para saan ang pag stammer niya? May ine-expect ba siyang maganda o nakakakilig na sagot mula rito?
"Dahil may sagot na sa problema ko. Mas convenient na ikaw ang alukin kong magpanggap bilang girlfriend ko. Alam kong hindi ka kagaya ng ibang babae." Sagot nito na kung nabigla lang sa sinabi kanina ay hindi sya sigurado.
Kumunot ang noo nya. "Anong ibig mong sabihin? Wala ka bang kaibigan o kakilalang ibang babae?"
"Friends?" Nakaangat na naman ang isang sulok ng bibig na gagad ni Theo. Pagkatapos ay umiling iling. "Sa tingin mo ba may babaeng papayag na 3 days lang ang validity ng kunwaring relasyon namin? They would surely demand more. Hindi lang kunwaring relasyon. Pati oras ko. At hindi ko gusto ng ganon."
"Hindi ka naman conceited ano?" Nang iinis na komento niya. May punto ang lalaki. Jesus, he was more than good looking! May pera pa. Kahit sinong babae magte take advantage.
"Paano ka nakakasigurong hindi ako kagaya ng ibang babaeng sinasabi mo?"
"Tinanggihan mo ang alok ko two years ago, wala akong nakikitang rason para habulin mo ako ngayon. Kung mayroon, dapat matagal ka ng nagdemand ng kung ano ano. Tama ba?"
Lumunok sya kasabay ng pagsalakay ng matinding kaba. Kailangan nyang makausap si Cecille tungkol kay TJ pag uwi na pag uwi niya.
"Tama." Wala sa wisyong sagot niya. "At wala akong balak hanggang ngayon." Dagdag niya.
Tumango tango ito. "At mukha ka namang hindi maluhong tao. Hindi ako maghihirap kahit araw araw mong gamitin ang credit cards ko. Maliban of course sa perang ibabayad ko sa serbisyo mo."
"Let me just clear this out, Mr De Marco. Hanggang pagpapanggap lang for 3 or 4 days ang maitutulong ko sa'yo. Huwag ka ng magpakita sa akin kahit kailan pagkatapos."
Mapaklang tumawa ang lalaki. "You were aching so hard to get rid of me, sweet." Anito na nagtagal ang mga mata sa mga labi nya.
Shit. Nagtataasan ang mga balahibo ni Arielle sa batok sa sunod na eksenang pumasok sa isip niya. Him, smiling seductively at her habang unti unti itong humahakbang palapit sa kanya. And then he'd pin her painfully on the wall pagkatapos ay dahan dahang bababa ang mga labi nito sa mga labi niya..
No! No! Hiyaw niya sa isip.
Susmaryusep. Ano bang iniisip niya? Padabog siyang umahon sa kinauupuan at binitbit ang bag niya. Hindi niya kayang tumagal pa sa harap nito nang hindi siya ipinagkakanulo ng nararamdaman niya.
Iyon ba ang tinatawag na physical at sexual attraction? It can't be. Hindi pwede. Imposibleng mabuhay at magkatotoo ang ilusyon niya sa lalaking ito.
"Aalis ka na? Where can I pick you up tomorrow?" Tanong nito nang tumalikod siya patungo sa pinto. "Hindi mo ba kukunin ang paunang bayad?"
"I don't need it." Agap niya na nilingon ito. "Basta huwag mo na ako ulit istorbohin pagkatapos nito."
"I'll see you tomorrow at the lobby six pm sharp." Anang lalaki na nagkibit ng mga balikat.
Sinundan nito ng tingin ang tuluyan niyang paglabas ng pinto. Ipinatong ni Theo ang hawak na baso sa sidetable. The past two years didn't change her. Higit lang itong gumanda. Nadagdagan ng kaunti ang timbang pero bumagay lang iyon lalo sa katawan ng babae.
He liked it when she tense and stammer and blush. Na parang ito pa rin ang inexperience na babae mula sa nakalipas.. begging him to make love to her.
He smiled without humour. Sex. Something she was very eager to learn about then.
Noon siya nakarinig ng pagtunog ng cellphone. Kumunot ang noo niya nang makita ang umiilaw at nag iingay na cellphone sa sofa. Nilapitan niya iyon. Mommy ang nakasave na pangalan ng tumatawag.
Hinayaan niyang matapos ang tawag bago sinipat ang cellphone. Naiwan marahil ni Arielle sa pagmamadaling umalis kanina. Kumunot ang noo niya nang makita ang paglitaw ng litrato ng batang lalaki sa screen nang pindutin niya ang lock button.
Kumabog ang dibdib niya. The smile looks familiar.. Pinakatitigan niya ang screen. May anak na ba si Arielle? Nag asawa na ba ito? How stupid was he not to ask her? Hindi niya alam kung saan galing ang pait na nakapa nya sa dibdib nya sa naisip.
Paano kung may pamilya na pala ito? Heto siya nanggugulo, idinadamay ang babae sa problemang kung tutuusin ay hindi naman ganun kabigat talaga.
Muling nag ring ang cellphone. Si Cecille na ang caller. Mabilis at walang pagdadalawang isip niyang sinagot ang tawag. Tanging sa dating sekretarya niya lang makukuha ang sagot sa dalawang tanong niya..