webnovel

ONE MORE NIGHT

GENNIUUS · realistisch
Zu wenig Bewertungen
15 Chs

Ang Nakaraan 4

"Napakagwapo talaga ng kasintahan mo, Marie." sabi ni mama habang kumakain kami.

"Mama naman... Hindi ko siya kasintahan!" nginitian lang ako ni mama.

"Sus! Hindi mo kasintahan, ka-ibigan mo lang." sabay tawa ni mama. Hindi rin naman ako mananalo rito e. Kaya tumahimik na lang ako at kumain.

Yun na nga. Dahil pumayag nga akong turuan ng tagalog itong si Hae Jun, napadalas na ang pagpunta niya sa bahay.

At mula nang makilala siya ni mama, lagi na niya akong inaasar na boyfriend ko si Hae Jun kahit hindi naman.

Hindi pa.

Pansin ko rin na sa bawat araw na nandito si Hae Jun sa bahay, hindi maka tyempo si Emil, yung naging asawa ni mama ngayon. Kaya naman, gustong gusto kong nandito si Hae Jun. Tama nga ang naging desisyon ko.

Advantage ko rin kasi nga crush ko siya.

Ang swerte mo Marie!

Matapos kumain ay agad kaming dumiretso sa kwarto ko para ipagpatuloy ang pagtuturo ko ng tagalog sa kanya. At natutuwa naman ako dahil mabilis siyang matuto.

Ngayon nga, kahit ika-labing limang araw pa lang ng pagtuturo ko sa kanya, may mga salita na siyang natatandaan. Bumabati na rin siya ng tagalog sa mga kaklase at guro namin.

Yan ang isa sa nagustuhan ko sa kanya e. Madaling matuto, in short... matalino.

"Teka nga, mag iisang buwan ka na sa school. At ni minsan, hindi ka pa nagsasalita ng tagalog doon dati. E bakit ngayon, parang mama-master mo na tong tinuturo ko?" tanong ko.

Naalala ko lang, nag iingles siya sa school dati, lalo na kapag ako ang kausap niya. Pero ngayon... ang bilis matuto ng loko.

"Umm, I dont really understand what our teacher's discussion is. But you, you explained it well to me."

Sus. Kilig ako.

"Hey, what is... kasintahan? I heard that your mom said that earlier. 무슨 뜻인가요?" museun ddeut ingayo?  What does it mean?

Ano na namang sinasabi nitong loko na to?

"Anong sabi mo?"

"I said... What does it mean? See? I cant speak fluently but I now understand what you're saying." then he smiled.

That eyes! And that smile really wants me to fall for him even more! Hays! Stop, Marie!

"Edi, magaling ka na. Yung ibig sabihin nga pala ng kasintahan ay mag boyf-- magkaibigan. It means... friends." sinungaling!

"Oh, okay. Its kinda cheesy but... Okay." napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Ngayon, mga expressions in Filipino naman ang itinuturo ko sa kanya. At madali naman niya itong nakukuha.

"Marie..." napatingin ako sa kanya. And his eyes makes me fall for him deeper and deeper!

Huwag kang lalandi Marie, huwag. Masama yan!

"Its Philip's birthday tomorrow night. Will you attend? I heard our classmate invited you to go with them too. And if you will attend, I can pick you up here."

Hala! Oo nga pala! Hindi ko pa nasasabi kay mama an g bagay na iyan.

"Magpapaalam pa ako--"

"I will ask your mom. I will say that me, your kasintahan will be there, I will be there." Naman!

Tama ba ang narinig ko? Your kasintahan?

"B-bahala ka." napabuntong hininga na lang ako. Kasintahan. Napailing na lang ako. Napakadaling mag adopt ng ng mga words ng taong to. Hays.

"SURE KA NA KAYA MO NANG UMUWI MAG ISA?" Tanong ko. And he nod.

"야! Salamat! 잘 자. 안녕히 주무세요!" Ya! Salamat! Jalja. Annyeonghi jumuseyo!  Hey! Salamat! Sleep well. Good night.

Rinig ko ang sigaw niya nang makalayo layo na siya. Pero yung salamat lang na word yung naintindihan ko. Pero bahala na. Nang

tumalikod na ako ay muli ko siyang narinig na nagsalita.

"당신은 정말 좋습니다... 타갈로그어 교육!" dangsineun jeongmal joseumnida... tagalogeueo gyoyuk. You are really good... in teaching tagalog!

Pero, kahit tuluyan na siyang nakaalis ay hindi pa rin natatanggal ang mga ngiti sa labi ko. Nawala lang ang lahat ng iyon nang makita ko si Emil, ang pangalawang asawa ng mama ko.

Umiwas ako pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan at isandal sa pader. Napapikit ako dahil sa kirot na hatid nito sa likod ko.

"Ngayong tulog na ang mama mo, at wala na rin ang asungot na yon...-"

"tulong--"

"Subukan mong sumigaw, mayayari ka sa akin!" sabay takip niya sa bibig ko. Naiyak na lang ako dahil doon.

Maya maya pa ay naramdaman kong may humahawak sa hita ko. Pero kahit nakakaramdan ng sobra sobrang takot at kaba, nag ipon ako ng lakas para maitulak siya. Salamat sa Diyos t nagtagumpay ako.

Mabilis akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto. Dali dali ko itong ni lock at napaupo na lang sa sahig habang hinahabol ang aking hininga.

Diyos ko, hanggang kailan pa ba ako mananahimik? Hanggang kailan pa ba ako magtitiis?