webnovel

ONE MORE NIGHT

GENNIUUS · realistisch
Zu wenig Bewertungen
15 Chs

Ang Nakaraan 3

"MARIE... MARIE!"

"H-ha?" wala sa sarili akong napalingon dahil sa narinig ko.

"Okay ka lang? Isang buwan ka nang laging lutang diyan!"

Mag... iisang buwan?

Napatingin na lang ako sa kaklase ko. At nag peace sign lang siya sa akin. "Hindi... Joke lang yun."

Inayos ko na lang ang eyeglasses na suot ko.

Napatingin naman ako sa isa ko pang kaklaseng babae. "Teka nga, naalala ko... Yung kaklase nating si Philip, inimbita niya kami ng boyfriend ko na sumama sa kanila bukas ng gabi. Birthday kasi ni Philip e. Baka gusto mong sumama..."

Kung papayagan ako ni mama, Sasama kaya ako? Ewan.

"Magandang umaga, mga mag aaral." umayos lamang ako nang makita ang teacher namin sa Filipino. Maya maya pa, nakita ko na lang ang kaklase kong si Hae Jun na tumabi sa akin.

Nakalimutan ko, katabi ko nga pala siya.

Late na naman siyang dumating. Buti na lang at hindi nakita ni teacher.

"좋은 아침." joeun achim. nakangiti niyang sinabi.

Anong sabi nito? Di ko maintindihan.

"W-what?"

"Oh, I said good morning." a... yun pala yon.

Nakangiti lang siya sa akin. Dahilan kung bakit ako nagka crush sa kanya. Mula nang lumipat siya rito galing Korea, hanggang ngayon ay ganito lang siya kapag dumarating na siya sa school. Kaya ako na fall e. 

Natuon na lang ang atensiyon ko sa teacher namin. Pero lihim din akong napapasulyap sa kanya. Di niya naman napapansin e.

"O, Ginoong koreano, ikaw na ang sumagot nitong unang tanong."

Napatingin ako sa kanya. Natawa na lang ako. Kasi naman, mag iisang buwan na rin siya rito. Pero hindi pa rin siya masyadong marunong magtagalog. Kahit nga Filipino subject, nag eenglish to e.

Kaya natatawa na lang ako.

"야... 제발 도와주세요..." ya... Jebal dowajuseyo.  mahina niyang sinabi.

"What did you say?"

"I said... help me, please..." hala, nagmakaawa ang instik na to.

Pasalamat ka, crush kita.

Tiningnan ko ang tanong na nakasulat sa board. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Ito pala ang lesson namin ngayon.

"Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang mauunawaan ng lahat? Ipahayag ito sa limang salita."

Kumuha ako ng papel. At isinulat ko rito ang sagot na naiisip ko. At nang matapos ko na, ibinigay ko ito kaagad sa kanya.

"Umm, excuse me ma'am. Can I just read it? My answer is in the paper." nag english na naman ang loko.

One more thing, matalino si Hae Jun, sa english nga lang....

"Sige, tutal isang buwan ka pa lang naman dito. Pero, pagdating ng finals niyo, hindi ko gustong magsalita ka pa ng ingles. Dahil nandito ka sa Pilipinas, pakiusap ko lang na mag aral kang magsalita ng Filipino. Ayos lang ba sayo yon?"

"Yes--"

"Opo..."  bulong ko.

"Opo, ma'am." rinig kong sabi niya.

Napangiti na lang ako nang magsimula siyang magbasa.

"HEY! HEY! MARIE! WAIT FOR ME!" napalingon ako nang marinig ko iyon.

Mag isa na akong naglakad papalabas ng school. Uwian na kasi. Pero narinig kong may tumawag sa akin. At nang lumingon ako, nakita ko si Hae Jun na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

Sobrang gwapo niya!

"Marie... Thank goodness! I saw you. I've been looking for you but I didnt see you."

Hala, bakit naman kaya niya ako hinahanap?

"What do you need?" nagpatuloy ako sa paglalakad matapos kong sabihin iyon.

"Nothing, I guess. I-I just want to say thank you for helping me earlier." sabi niya.

"Dont mention it. Sige na, uuwi na ako--"

"What did you say?"

Napabuntong hininga na lang ako. Ang daming tanong nitong lalaking to!

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pero nagulat na lang ako nang biglang may umakbay sa akin.

Napalingon ako. At nakita ko na lang si Hae Jun na inakbayan ako. At dahil doon, agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

Hae Jun! Wag mo akong akbayan! Mamamatay ako dahil kakapusin ako ng hininga kakahabol sa puso kong ang bilis ng pagtibok dahil lang sayo!

"You know what... I have an idea. What if you teach me tagalog? You'll be a great teacher you know?"

"I dont want to teach you."

"Why? Marie, you're really a great teacher... And my grades in that subject is improving. And that's because of you. So please, teach me..."

"Ayaw..."

"Please? I'll buy you your favorite panda stuff toy. Human size. Come on... I know you love pandas."

Napatingin ako sa kanya. Paano niya nalaman na paborito ko ang mga panda?

Nakakainis ka Hae Jun! Ano ba yan!

"Kanino mo nalaman-- How did you know that I like pandas?" tanong ko.

Naoakamot siya sa ulo. "Umm, I ask our classmates... And most of them says that you like pandas."

Ganon?

Ramdam kong nag iinit ang pisngi ko. Marie! Kontrolin mo yan!

Pero isipin mo ha... May human sized panda stuff toy ka na. At kung tuturuan mo siya, pwede mo na siyang dalhin sa bahay, at pwede ring hindi ka na gambalain ng step father mong manyakis!

"Hmmm... I guess you dont like--"  rinig kong nagsalita siya. Pero, agad kong pinutol ang sinasabi niya.

"Payag ako."

"What is that?" tanong niya. Hay, tanong ng tanong e.

"I said, I agree."

"Really?" mas nagulat ako nang yakapin na niya ako. "Oh, sorry... I didnt mean to do it... I'm just happy. Thank you, Marie..."

"Welcome..." nakayakap na naman siya sa akin. "Hae Jun, put your hands down..."

"Oh, sorry. Thank you again."

Napangiti na lang siya. Napangiti na lang rin ako.