webnovel

ONE MORE NIGHT

GENNIUUS · realistisch
Zu wenig Bewertungen
15 Chs

Ang Nakaraan 10

I lived  with my father here in his house. Natahimik naman ang buhay ko rito, pero hindi masyado. Pakiramdam ko kasi, ayaw ng mga kapatid niya sa akin.

At tama nga ang pakiramdam ko. Ayaw nga nila sa akin.

Ngunit hindi na lang ako nagsalita, hindi ako lumaban. Pakikisamahan ko na lang ang mga ito.

Dalawang buwan pa lang matapos mangyari ang lahat ng iyon ay nangyari sa akin ang bagay na hindi ko talaga inaasahan.

I'm pregnant. And its... Hae Jun's child.

Ilang mga linggo ako paulit ulit na nagsusuka tuwing umaga. Wala akong ganang kumain, at laging hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko alam pero duda ko, dala lang to ng stress dahil sa pagkawala ni mama.

Pero, iba na pala.

Nagbunga ang nangyari sa amin ni Hae Jun.

"Oh my Gosh, Benjamin! Ikasisira ng pangalan natin kapag kumalat ang balitang ito! 'Benjamin Faraon's only daughter, a **** victim'. Gosh!" napayuko na lang ako nang marinig ang sinasabi ni Tita Cora, kapatid ni papa.

"Kapag nalaman ng papa ang mga ito, siguradong magagalit siya." dagdad ng asawa ni Tita Cora na si tito Randy.

Ang iba pang kapatid ni papa ay walang komento. Rinig na rinig ko rin ang mga bulungan ng mga pinsan ko, na dahilan kung bakit napaluha ako.

Maya maya pa ay nagsialisan sila, at siya namang pagdating ni Mama Desa, bagong asawa ni papa.

"Ano bang nangyari, Benjamin? I just saw them all na papalabas ng bahay. Hindi naman nila sinabi sa akin kung bakit."

Matapos niyang sabihin iyon ay muling natahimik ang buong paligid, hanggang sa marinig kong magsalita si papa.

"Marie is... pregnant." nang sinabi niya iyon ay mas naiyak ako. Naramdaman ko na lang na may biglang yumakap sa akin. Kaya, nabawasan ng kaunti ang bigat ng dinadala kong problema ngayon.

"Benjamin... she's still a minor. She's a victim. Ano? You will still be worried about what your sisters and brothers will say? Remember, she's your daughter." rinig kong sabi niya.

Napayuko na lang ako. At muling natahimik ang buong lugar.

"I know, Desa, I know. And I'll pay the media, para hindi na kumalat ito. But, you have to abort that child--"

"No, pa!" hindi pwede! Anak namin to ni Hae Jun!

"And why? Want a remembrance from your rapist?"

"Benjamin!" sigaw ni Mama Desa.

"What?!" napapikit na lang ako nang marinig ang sobrang galit na boses ni papa. "Bahala ka." iyon na lang ang narinig kong sinabi niya, at umalis.

"Tahan na, hija. Kakausapin ko ang papa mo mamaya. Wag ka nang umiyak. Halika na, ihahatid na kita sa kwarto." rinig kong sabi ni Mama Desa.

Pinunasan niya ang luha na nasa pisngi ko. Dahil doon, medyo nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Kasi naman, akala ko noon ay napaka strikta at masama ang ugali ng bago niyang asawa kaya nagdalawang isip ako na sumama kay papa. Pero, mali ako.

Minahal niya rin ako, gaya ng pagmamahal ni mama.

"Mama Desa, why they are so rude? Specially when it comes to me?" tanong ko sa kanya habang sinusuklayan niya ang buhok ko.

Galing pa siya sa trabaho at hindi pa nagbibihis pero ako na kaagad ang inaalagaan niya. I'm already 16 but she still treats me like a little child.

Parang si mama. And, I like it.

"They are acting like that because you are finally here, the next heiress of the Faraons. Wag mo na silang intindihin." saka nadako ang kamay niya sa tiyan ko. "This angel has no sin."

And she smiled.

"I will talk to your dad about this. Kaya, wag ka nang mag alala." then she removed my eyeglasses, and kissed my forehead. "Good night, sweetie."

Napangiti na lang ako dahil doon.

NANG makalabas na ng kwarto si mama Desa, nadako ang aking mga kamay sa aking tiyan. At naalala ko ang panahong iyon.

That night at the hotel, where I gave myself fully to him.

At na realize ko na naging padalos dalos ako sa desisyon ko. Hindi ko na kasi alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Ang naisip ko lang noon, ang sarili kong kapakanan. Akala ko, tama ang naging desisyon ko na ibigay sa kanya ang sarili ko.

Pero, kahit papaano naman ay ikinasaya ko ito. Mahal ko na yung tao e. Pero, nakagawa ako naman ng napakalaking kasalanan.

Would God still forgive me?

Napa buntong hininga na lang ako.

Muling pumasok sa isip ko kung sino ang ama ng batang ito. Hindi si Emil, kundi si Hae Jun.

Napatingin ako sa human sized panda teddy bear na ibinigay niya sa akin. At napangiti na lang ako nang maalala ang lahat ng nangyari. Pero, muli akong naluha.

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung magsisisi ba ako o sasaya dahil sa naging bunga ng lahat ng mga pangyayaring ito.

Pero, isa lang ang sinisigurado ko. Na kailangan kong harapin ang mga sususnod pang mangyayari sa buhay ko na dala ng nagawa ko rito sa nakaraan.

MAKALIPAS ANG PITONG BUWAN.

"D-doc, ang anak k-ko ho, doc. Pwede ko ba siyang ma-makita?" kahit sobrang pagod ko na, pilit akong lumalaban sa labis na panghihina ng katawan ko. Because, I want to see my child.

Alam kong ilang minuto pa lang matapos akong manganak pero hindi ko narinig na umiyak ang anak ko. Bakit?

"Ms., we're sorry. Patay na ang baby nang mailabas galing sa sinapupunan mo. Pilit namin siyang ni-revive, but the baby didnt survived." sabi niya.

Nakaramdam ako ng sobra sobrang pagod, pero ramdam ko ang luhang tumutulo galing sa mga mata ko. Pero talagang hindi na kaya ng katawan ko. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

NANG magising ako ay agad kong hinanap ang anak ko. Pero, ni isa sa mga kasama ko rito sa kwarto ay walang nagsalita. Hanggang sa narinig ko ang boses ni papa.

"The doctor said that the child's body was already in the morgue." sabi niya. "The child is dead, Marie."

No...

"Looks like... makakahinga na tayo ng maluwag ngayon." rinig kong sabi ni Tita Cora.

At dahil doon, galit ang naramdaman ko. How could she say that thing? Hindi ba siya nagkaroon ng anak?

Gusto ko sana siyang sagutin pero nakita kong nariyan sina lolo at lola. Kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.

"Just tell her what we talked about, Benjamin." sabi ni lolo, at nakita ko sila ni lola na lumabas na ng kwarto.

Nakita ko namang sumunod sina Tita Cora, ang asawa niya, at ang mga anak nila. Kami na lang ni papa ang naiwan dito sa loob ng kwartong ito.

"I want to see my child, pa." sabi ko. Hindi siya nagsalita at lumabas lamang ng kwarto. Maya maya pa ay may nurse na pumasok at ito ang umalalay sa akin papunta sa morgue.

And I saw my angel, cold and lifeless...

No...

Agad akong lumapit sa anak ko. At labis akong lumuha dahil hindi ko akalaing mangyayari ito sa kanya. My child died.

Our child died.

Hindi kayang ipaliwanag ng mga salita ang labis labis na hinagpis at kalungkutang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko pa nga muling nakita si Hae Jun matapos ng lahat ng nangyari, at ito pa ang nangyari sa kanya.

My poor angel. Sana ako na lang ang kinuha mo.

Hindi man lang mararanasan ng anak ko na mabuhay sa mundo. My poor little baby angel.

WALA AKONG PAKIALAM sa sinasabi ng doktor na nasa harapan ko. Ang laman lang ng isip ko ay ang anak ko, at kung bakit niya ako iniwan ng napakaaga.

Hanggang sa narinig ko ang tinig ni mama Desa. I looked at her, and her teary eyes. Kaagad niya akong niyakap, dahilan ng muling pagluha ko.

"Pasensya na at ngayon lang ako nakarating... Ikinalulungkot ko ang nangyari kay baby, Marie."

Napayakap na lang ako sa kanya.

Maya maya pa ay narinig kong nagsalita si papa.

"Now, Marie... You need to move on after this." dahilan kung bakit napatingin ako sa kanya.

"Pagkatapos ng lahat ng ito, forget all of this. Forget the old you, and what life you have in past. Please forget it after this, Ellaine Faraon."

Ellaine? Pangalan ko ba iyon?

"I already changed your name, Marie. Now, people will know you as Ellaine Faraon."

Ellaine Faraon?

"T-teka... Papalitan niyo ang pangalan ko? Hindi ako papayag." sabay punas ng mga luhang patuloy na tumutulo galing sa mga mata ko. "Please, dont change my name."

"No."

Mas lalo akong naiyak. Thats my only remembrance from my mama Lanie. They cant just remove it without my permission. Pero, hindi niya ako pakikinggan kapag hindi ako nakiusap.

So, I plead.

"Please, pa... Iyan na lang ang natitirang ala ala ko kay mama."

He didnt speak, and the whole room was quiet. Pero binasag niya rin ang katahimikang iyon.

"Fine. You are still Marie. But, add Ellaine make it your first name, and you will bear my surname."

Wala na bang ibang paraan? Kung ito lang ang paraan, sige... payag ako. Basta, hindi mawala ang pangalang ibinigay sa akin ng nanay ko.

"And people will recognize you as Ellaine Faraon." then he walk, papalabas ng kwarto.

They want to change me. They really want to. From Marie Tuanzon, to this Ellaine... Faraon.