webnovel

-One Last Cry-

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin kapag nagmahal ka? Gaano nga ba katagal ang kayang mong hintayin para sa kanya? He love her so he waited.. She love her so she let go.. But destiny is sweet and cruel at the same time.. After so many years they met again but that's what he thought.. And the truth reveals it wasn't the girl he used to love but a girl wearing the same face as her.. Is it destiny? Would her love be enough for him to forget the past? Can someone love a person who has the same face but different identities?

MisterYoos_06 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
6 Chs

Chapter Two : The Dream

Rameigh's POV

Maaga akong gumising at naghanda dahil ngayon ang alis namin papuntang probinsya. Van nila Iyen ang gagamitin namin papunta doon. Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at binuhat ko na ang gamit ko pababa. Kumain lang ako ng kaunti dahil paniguradong madaming dalang pagkain si Iyen mamaya.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagbusina ng van na sasakyan namin kaya lumabas na ako. For sure tulog pa sila mimi at paps kaya nag-iwan na lang ako ng note sa lamesa na umalis na ako. Paglabas ko ay nakita kong kumpleto na sila. Napangiti naman ako ng makita kong nakaakbay na si Jayden kay Yahen dahil ibigsabihin non ay ayos na sila.

"Saan ba ang punta natin?" tanong ko habang inilalagay ang gamit ko sa likod ng van.

"Isabela, marami daw magagandang lugar dun sabi ni dad," sagot ni Iyen.

Sumakay na rin ako. Katabi ko sina Jayden at Maki dahil si Yahen ang driver at si Iyen naman ay nasa likuran namin.

"Talaga? Doon ba galing si tito Raf?" tanong ko at tumango naman siya.

"But I've never been to my dad's birth place kaya naisipan ko na doon na lang tayo magbakasyon," ani Iyen.

"Okay, pero karamihan yata doon ay palayan?" usal ko.

"Yeah. Sabi din ni dad ay mga ilocano ang nakatira doon," si Iyen.

"But we don't speak ilocano," ani Jayden.

"Don't worry, they also speak tagalog in Isabela.. karamihan lang sa kanila ay ilocano ang mother tongue pero nakakaintindi at nakakapagsalita din sila ng tagalog," paliwanag ni Maki. Napatango-tango naman ako.

"Then nice, hindi tayo mahihirapan makipag'communicate sa kanila," si Jayden.

Pagkatapos ng usapang yun ay wala na ulit umimik sa amin. Medyo malayo ang biyahe mula Maynila hanggang Isabela. Kung sa biyahe daw ng bus ay aabutin kami ng sampung oras pero dahil personal na sasakyan ang gamit namin ay aabutin lang kami ng pito hanggang walong oras.

Marami din kaming stock na gas para hindi na kami tumigil-tigil sa mga gasoline station. Umidlip muna ako dahil kulang yung tulog ko kagabi. Isa pa medyo mahaba din ang biyahe kaya mabuti pang matulog muna.

"Hey popcorn!! Bakit ba ang damot mo!?" nagising ako dahil sa ingay nina  Maki at Iyen.

"Marami namang pagkain diyan, bakit kasi 'tong kinakain ko pa ang gusto mong kunin!?" reklamo naman ni Iyen.

"Tss, pahingi lang naman ng konti!!" singhal pa ni Maki.

Iminulat ko na lang ang mata ko at umayos ng upo. Tumingin ako sa labas at puro bundok na ang nakikita ko. Maaliwalas ang paligid na nadadaanan namin.

"Ikaw na lang, Jayden.. give me some of your strawberries," rinig ko na namang sabi ni Maki.

"Dalawang kilo lang ang binili ko kaya iba na lang ang hingiin mo," tanggi naman ni Jayden.

"Hayst! Ang dadamot niyo talaga! Yahen.." tawag naman nito kay Yahen na abala sa pagmamaneho.

"Bakit Maki?" tanong nito.

"Pahingi ng hot--"

"Makz, baka naman pwedeng palampasin mo yang mga hotdog ko," putol ni Yahen sa sinabi ni Maki.

Nagpipigil ng tawang lumingon ako sa katabi ko at halatang naiinis na dahil pinagdadamutan siya. Hahahaha. Naglaho ang pagkakangiti ko ng bigla siyang tumingin sa akin.

"What?" napapalunok na tanong ko.

"Pahiram ng phone," nilahad niya sa akin yung kamay niya.

"Why do you need my phone e may sarili ka naman?" kunot noong tanong ko.

"Hayst! Basta akin na kasi.." he demanded.

"Wag mong lolobatin dahil manonood pa ako ng kimetsu no yaiba," napipilitan kong inabot yung telepono ko sa kanya at nag-umpisa naman siyang kalikutin yun.

"O yan na," abot niya sa akin matapos niyang mangalikot.

"What did you do?" curious na tanong ko.

"Wala lang, akala ko pagdadamutan mo rin ako e," napanganga na lang ako sa sagot niya.

Eh?

Nakalimutan kong sabihin na minsan ay may pagka-isip-bata rin itong si Maki.

"Teka, nasaan na ba tayo? Bakit puro bundok ang nakikita ko?" baling ko kay Yahen.

"Sta. Fe.. puro bundok talaga dito dahil nasa Isabela na tayo, lahat ng bundok na nakikita mo ay ang tinatawag na Sierra Madre Mountain Ranges," mahabang litanya ni Yahen.

"Woah! Mukhang marami kang alam sa Isabela, Kris ah," namamanghang ani Iyen.

"Hindi naman, naririnig ko lang," sagot naman ni Yahen.

"Oh! 11:11 na pala," kunot noo kaming napatingin kay Iyen ng sumigaw siya.

"Do you really need to shout, popcorn?" inis na sambit ni Maki.

"Naniniwala ba kayo sa 11:11 wish?" tanong pa ni Iyen, hindi pinansin si Maki. Nagkatinginan naman kami ni Jayden.

"No," si Maki.

"Maybe?" si Yahen.

"Yes/Dati" sabay naming sagot ni Jayden.

"Talaga Ram, Jairus? Naniniwala kayo?" tanong niya pa sa amin kaya tumango kami.

"Bakit ba?" tanong ni Jayden.

"Dali mag-wish kayo!!" utos niya pa sa akin.

"Walang katotohanan yan," ani Maki.

"Why not try? Wala namang mawawala di ba?" wika naman ni Jayden.

"Ram, ikaw muna!" excited na sabi ni Iyen.

Napaisip naman ako. Sa totoo lang naniniwala naman ako na posibleng matupad ang wish ng isang tao. Wala namang imposible di ba?

"My wish is.. sana makita ko na yung taong matagal ko ng hinihintay," nakangiting sabi ko.

Siguro nga desperado na akong makita siya kaya pati sa kalokohan ni Iyen ay pumapatol na rin ako. Pero malay mo naman di ba, magkatotoo yung wish ko?

Sunod naman niyang pinag-wish si Jairus..

Nag-asaran pa sila kaya dumungaw na lang ako sa bintana at pinanood ang madadaanan namin. Nagdala ako ng libro na pwede kong basahin kapag nabored ako kasi yun lang naman ang nakakapagpa-relax sa akin.

Sense of Waiting ang pamagat ng librong binabasa ko at ito ang pinakapaborito ko sa lahat dahil nakakarelate ako sa male protagonist na matagal ng naghihintay sa babaeng minamahal niya..

Ilang saglit pa ay natahimik na din sila. Nakatulog na kasi si Maki kaya wala ng maasar si Iyen. Nakasalpak naman sa tenga ni Jayden yung headphones niya at nakikinig siya sa paborito niyang kanta na Tilaluha by SB19.

Sabagay magaganda nga naman yung kanta nila lalo na yung Go Up. Gwapo din yung mga members lalong-lalo na yung Ken. Hahahaha.

"Rameigh," napalingon ako kay Iyen ng tawagin niya ako.

"Hm?"

"Yung wish mo kanina..," usal niya habang nakadungaw sa akin. Nasa likuran kasi siya nakaupo. "..sino yung taong matagal mo ng hinihintay?" tanong niya.

"She's my destiny," nakangiting sagot ko at naguluhan naman siya.

"Siya ang destiny mo?"

"Hm.. bata pa lang kami ay ipinangako ko na sa kanya na siya ang babaeng pakakasalan ko," pagkukwento ko.

"Talaga? E nasaan na siya ngayon?" tanong niya pa.

"Sa totoo lang.. hindi ko alam e," napapabuntong hiningang sagot ko. " Sampung taon na ang nakalilipas simula nung umalis sila ng pamilya niya at mula noon ay wala na akong naging balita sa kanya," malungkot na sa sabi ko.

"Hindi mo ba naisip kahit minsan na baka nakalimutan ka na niya?"

Napangiti ako ng mapait.

"Minsan naiisip ko din but I keep on holding on to our promise na gagawin namin ang lahat para sa huli ay kami pa ring dalawa,"

"Kung ten years ago na yun, ten years old ka pa lang nun.. ilang taon naman siya?"

"Eight years old siya that time pero kahit mga bata pa kami noon ay alam kong totoo ang naging sumpaan namin,"

"Is that the reason why you didn't date any girl?"

"Yeah. Sa kanya ko ipinangako ang puso ko kaya sa kanya ko lang din naman ibibigay ito," I know I sound corny but hell! I'm saying the truth.

I promised her my life and my heart. Kahit na matagalan man siya sa pagbalik ay handa akong hintayin siya kahit pa abutin ako ng dekada o siglo.

"Sana nga makabalik na siya sayo para naman hindi ka tumandang binata," biro niya pa kaya napangiti na lang ako.

Sana nga makabalik na siya sa akin..

Sana makita ko na siyang muli..

Venice..

I'm still waiting for you..

And I will never get tired waiting for you..

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Hindi ko alam kung ilang beses kaming tumigil dahil nga nakatulog ako. Nang muli akong gumising ay nakatigil na kami sa isang two storey house at nagbababa na ng gamit sina Yahen.

Bumaba na rin ako ng sasakyan at tinulungan silang magbaba.

"Kaninong bahay 'to?" tanong ko.

"Bahay ng lola ko 'to, dad's mom, may naglilinis naman dito twice a week sabi ni dad kaya malinis siya," sagot naman ni Iyen.

Halatang luma na pero maganda at malinis pa rin namang tingnan. May mga puno rin sa paligid at mga palayan na wala pa halos tanim. Last week of september na ngayon at sigurado na malapit na rin ang taniman. Mahangin dito at talagang malayo sa Maynila na puro usok.

May natatanaw din akong ilog sa di kalayuan. May nga kalabaw din na nakapastol sa ilalim ng ibang mga puno. Sana lang hindi sila nanunuwag. Walang gate dito sa bahay na 'to pero kung sabagay hindi naman yata uso ang mga akyat bahay sa probinsya.

Nang mapagmasdan ko ang paligid ay tinulungan ko na ulit silang magpasok ng gamit. Apat ang kwarto ng bahay. Dalawa sa first floor at dalawa din sa second floor. Parang bungalow style pero dalawa ang palapag. Maluwang din ang kusina at sala ng bahay. Dahil apat lang ang kwarto ay kailangan magsama ng dalawa sa amin. Dahil madalas magbangayan sina Maki at Iyen ay kailangan nilang maghiwalay kaya ang ending sina Yahen at Iyen ang magkasama. Matapos naming masettle kung saan ang mga kwarto namin ay pumasok na kami sa kanya-kanya naming silid at nagpahinga na lang saglit. Alas-kwatro na ng hapon nung dumating kami at inabot kami ng ilang minuto sa pag-aayos kaya nagdesisyon kami na bukas na lang mamamasyal.

Alas-siyete na nang gabi ng magsilabasan kami ng kwarto para mag-dinner. May dalang pizza si Iyen kaya yun muna ang kinain namin habang nagluluto si Yahen.

Well, Yahen is a good cook. Mahilig siyang magluto kaya nga nagtaka ako na Mas-Com ang kursong kinuha niya. 

Fried rice, fried chicken, eggs at hindi mawawala ang mahiwagang hotdog ni Yahen. Tuwing kakain kami ay hindi pwedeng mawalan ng hotdog lalo na pag siya ang nagluluto sa kusina. Ewan ko ba! Sabi ng masama ang masyadong pagkain ng hotdog pero hindi siya nakikinig.

Nang maihanda na niya lahat ng pagkain ay nagsimula na kaming kumain. Well, hindi na uso ang sabayang pagdarasal bago kumain. Basta nag-pray na ako at siguro naman nagdasal 'tong mga 'to bago kumain di ba?

Tahimik lang kaming kumain dahil mukhang pagod pa rin ang bawat isa sa amin dahil sa biyahe. Pagkatapos naming kumain ay si Yahen at Jayden na din ang naghugas. Pumasok na ako sa kwarto ko at muling binasa yung libro na dala ko. Marami na akong nabasang libro na naghihintay ang mga bidang lalaki para sa mga bidang babae. Katulad ng He's Into Her ni Maxinejiji at I love you since 1892 pero hindi ko na kasi maalala kung sino ang author nun, Binibining Mia ata yun tapos yung Dating Alys Perez. May iba na happy ending, may iba namang malungkot ang katapusan.

Ganun naman kasi talaga sa reyalidad na hindi lahat ng kwento ay nagtatapos ng masaya.

Pero hindi ba nasa isang tao naman kung anong klaseng wakas ang gusto niya sa buhay niya? Para sa akin kasi ako ang author ng sarili kong buhay at ako rin ang magpapasiya kung magiging masaya o malungkot ba ang takbo at katapusan ng kwento ko.

"There are things we can't claim, things we can't be part of. But that's because they aren't meant for us. And something greater will be. Time is just as quick as a blink of an eye to pass. Waiting is meaningful if you want it but it's meaningless when you're hurting. That's reality but for me.. Waiting is nothing if it's for my love," basa ko sa isang linya ng libro.

Waiting is nothing if it's for my love..

Tama! Hindi hadlang ang tagal ng panahon na hindi kami nagkita o nagkasama. Ang mahalaga ay handa kaming hintayin ang isa't isa.

Inilapag ko yung libro sa lamesang nasa tabi ng kama at kinuha ko ang cellphone at headset ko saka ko pinatugtog ang isa sa mga musika na gusto ko..

(Now playing : Pangako by Flippers)

~Pag-ibig ko sa 'yo ko lang ibibigay,

Pagkat ikaw lamang ang tangi kong mahal,

Lumayo ka man ako'y maghihintay,

Ganyan kita kamahal~

~Lumuha man ako nang dahil sa iyo,

Di ko magagawang magalit ng totoo,

Pagkat ikaw lamang ang tanging mahal ko,

Pag-ibig ko'y sa 'yo ~

~Ang aking buhay ay lagi ng masaya,

Buhat ng tayo ay pinag-isa~

~Pag-ibig ko sa 'yo ko lang ibibigay,

Pagkat ikaw lamang ang tangi kong mahal,

Lumayo ka man ako'y maghihintay,

Ganyan kita kamahal~

~Lumuha man ako nang dahil sa iyo,

Di ko magagawang magalit ng totoo,

Pagkat ikaw lamang ang tanging mahal ko,

Pag-ibig ko'y sa 'yo ~

~Ang aking buhay ay lagi ng masaya,

Buhat ng tayo ay pinag-isa~

~Ang aking buhay ay lagi ng masaya,

Buhat ng tayo ay pinag-isa~

Kahit na minsan naiisip ko na baka kinalimutan na niya ako kapag naalala ko lahat ng pangakong binitawan namin sa isa't isa noong mga bata pa kami ay nabubuhayan ako ng pag-asa. Kaya naman naisip ko na kung hindi ko na siya mahintay na bumalik ay ako na ang hahanap sa kanya.

Humiga na ako ng maayos at ilang saglit pa ay nakatulog na rin ako. Habang natutulog ay nagkaroon ako ng panaginip. Nakabalik daw ako sa lugar kung saan nagpaalam sa akin si Venice noong mga bata pa kami. Nakangiti siya sa akin at napakaganda niyang tignan sa white dress na suot niya. Dalaga na rin siya at lalo pa siyang gumanda. Nakangiti siya sa akin habang naglalakad ako papalapit sa kanya.

Mahangin sa paligid kaya nalilipad ang mahaba niyang buhok ganun na din sa akin. Pero ang nagdudulot ng bigat sa puso ang malamig na hanging pumapaligid sa amin.

"Ashren.." tawag niya sa akin. Napakalambing pa rin ng boses niya.

"Venice, you're beautiful as ever," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ashren.." pagtawag niya ulit sa akin.

"Bakit ngayon ka lang? Ang tagal-tagal na kitang hinihintay," naluluha kong usal ng makalapit na ako sa kanya.

"Salamat kasi hanggang ngayon hinihintay mo pa rin ako.. pero Ashren, may ipakikiusap sana ako sayo," aniya pa.

"Kahit ano!! Masaya ako na nakabalik ka na," niyakap ko siya pero hindi niya ako niyakap pabalik.

Niyakap ko siya ng mahigpit at pinaramdam ko sa kanya ang aking matinding pananabik pero nanatili siyang nakatayo sa harapan ko at hindi niya sinusuklian ang pagyakap ko pero kahit ganon ay nakangiti pa rin ako at niyayakap siya.

"Don't wait for me anymore..," natigilan ako dahil sa sinabi niya kaya napaharap ako sa kanya. Unti-unting naglaho ang mga ngiti sa labi ko. "Wag mo na 'kong hintayin, Ashren.. dahil hindi ako ang nakatadhana sayo," naluluha na ring ani Venice.

"Ano bang sinasabi mo!? Nangako tayo sa isa't isa na tayo ang nakatadhana! Ano bang ibig mong sabihin, Venice?" umiiling na tanong ko pero ngumiti lang siya.

"May ibang taong nakatadhana sayo, Ashren at malapit mo na siyang makilala kaya wag mo na akong hintayin, kalimutan mo na ako,Ashren.. magpapaalam na ako," gusto ko siyang habulin nung unti-unti siyang lumayo sa akin. "Hindi man ako ang nakatadhana para sayo.. makakasama mo pa rin ako sa bawat araw sa buhay mo.. dahil ang puso habang buhay na magmamahal sayo, Ashren, mahal na mahal kitaaaaaaaa~" sinubukan kong gumalaw pero parang nakapako ako sa kinatatayuan ko.

"Venice!! Please don't leave me!! Veniceeee! I love you! Please.. please stay.. Venice!!" tinawag ko siya ng tinawag pero hindi na siya lumingon hanggang sa unti-unti na siyang maglaho.

"Venice!" Agad akong napabangon at naliligo na ako sa pawis ko.

Hindi naman mainit dahil pumapasok naman yung hangin sa bintana na iniwan kong bukas. Napahawak ako sa puso ko at na-realise ko na lang na may luhang umaagos mula sa mga mata ko. Mabilis ang paghinga ko at napakabigat ng pakiramdam ko. What's the meaning of that dream? Pinunasan ko yung pawis at luha ko na sabay tumatagaktak at saka ako lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.

Hindi ko alam kung anong oras na pero sure ako na madaling araw na dahil naririnig ko na ang tilaok ng mga manok. Maganda talagang tumira sa probinsya dahil normal ang lahat. Naupo na lang ako sa wooden chair dahil nawala na rin ang antok ko. Napapaisip pa rin ako dahil sa panaginip ko. Ano kayang ibigsabihin nun?

Bakit ko napanaginipan si Venice?

What was that dream all about?