webnovel

-One Last Cry-

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin kapag nagmahal ka? Gaano nga ba katagal ang kayang mong hintayin para sa kanya? He love her so he waited.. She love her so she let go.. But destiny is sweet and cruel at the same time.. After so many years they met again but that's what he thought.. And the truth reveals it wasn't the girl he used to love but a girl wearing the same face as her.. Is it destiny? Would her love be enough for him to forget the past? Can someone love a person who has the same face but different identities?

MisterYoos_06 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
6 Chs

Chapter Three : Don't You Remember Me?

Ram POV

Dahil nga hindi na ako nakatulog pa mula ng magising ako kaninang madaling araw dahil sa panaginip ko ay naligo na lang ako at nagluto na rin. Madalas ay si Yahen ang nagluluto kapag magkakasama kami kaya gusto ko naman siyang pagpahingain. Hotdogs, eggs at fried rice lang ang niluto ko para hindi gaanong mabigat sa tiyan.

Tumingin ako sa relo ko at alas-sais pa lang ng umaga. Nang matapos na akong magluto ay lumabas na muna ako at pinagmasdan ang papasikat na araw. Sa manila hindi ganito kaganda ang sunrise. Tumingin ako sa malawak na bukirin at may mangilan-ilan ng magsasaka na nagpapastol ng kalabaw nila. Gusto ko rin sanang masubukang magpastol kaso nga lang takot ako sa kalabaw.

Papasok na sana ako sa bahay kaya lang biglang may narinig akong sumisigaw at nang tumingin ako sa direksyon kung saan ko yun naririnig ay may nakita akong babae na hinahabok ng kalabaw!! Matatawa na sana ako dahil sa itsura niya dahil puro putik siya kaso bigla siyang tumakbo sa direksyon ko!! Shit naman. I hate carabaoes too.

"Waaaaaaahhhh kuya, tulong namaaaaaannnn!" sigaw niya habang papalapit sa akin.

"Hey! Hey!" sita ko sa kanya dahil papunta talaga siya sa direksyon ko!

"Waaaaaaahhhh!!" sabay kaming napasigaw dahil tumalon siya sa akin kaya sabay kaming natumba.

Grabe. Ang sakit ng likod ko! Napangiwi na lang ako dahil sa bigat niya. Nakayakap siya sa leeg ko habang nakapulupot naman sa bewag ko yung mga paa niya. Hindi ko malaman kung puti o brown ba ang kulay ng dress na suot niya dahil sa putik. Napalingon ako doon sa kalabaw at hawak na siya ngayon ng amo niya.

"Ayna! Agan-annad ka barukken balasang ku, delikado ti nuwang nu mapakpakigtutan," (Naku! Mag-iingat kayo binata at dalaga dahil delikado ang kalabaw kapag nagugukat) sabi nung lalaking nakahawak sa kalabaw.

Ano daw?

Tatanungin ko pa sana siya kung anong ibigsabihin ng sinabi niya pero hinila na niya palayo yung kalabaw kaya bumaling na lang ako dito sa babae na hanggang ngayon ay nakapaibabaw pa rin sa akin.

"Ah.. miss, baka naman pwedeng bumangon ka na kasi hindi ka naman magaan," wika ko pero hindi pa rin siya gumagalaw.

"Baka meron pa yung kalabaw," mahinang usal niya.

"Don't worry, that thing is gone," tinapik ko pa yung likod niya.

Pakiramdam ko ay nawala yung batong nakapatong sa akin nang dahan-dahan siyang tumayo. Hoooooo!

"Pasensya ka na ah," paumanhin niya.

Puno pa rin siya ng putik pati sa mukha kaya pati ako na naputikan na din dahil nga tumalon siya sa akin kanina. Dahan-dahan na din akong tumayo dahil masakit yung balakang ko. Para siyang naghilamos ng putik sa itsura niya but I can sense she's beautiful.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Oo, ayos lang naman ako.. sorry talaga," paumanhin niya pa habang nakayuko.

"Good, bakit ka ba kasi hinabol nung kalabaw?" tanong ko habang nakatingin sa direksyon ng kalabaw.

"Ewan ko, kumukuha lang naman ko ng gatas niya e," sagot niya.

"Okay.. I think you should go home, wash up and change your clothes," nakangiting utos ko sa kaniya.

Ngumiti siya and I find it so familiar..

"Hmm.. salamat at sorry ulit," pahabol niya pa bago tuluyang tumalikod.

Hindi ko alam kung ako lang o sadyang pamilyar din ang likod niya sa akin. Hey! I'm not pervert it's not what you think. Bumalik na lang ako sa loob pero pagpasok ko ay nandoon na rin sina Maki at Yahen.

"Anong nangyari sayo?" takang tanong ni Maki habang nakatingin sa akin.

"Wala, disgrasya lang," maikling sagot ko saka ako umakyat sa taas.

Naligo na lang ako ulit at nagpalit. Pagkatapos ay bumaba na ako at nandun na rin sina Iyen at Jayden. Mukhang kakaligo lang din nila.

"Kumain na tayo para makapasyal na tayo sa buong lugar," ani Yahen at nagsiupo naman na kami.

Mabilis kaming natapos sa pagkain. Si Iyen naman ang naghugas ng pinagkainan ngayon at ako naman mamayang gabi. Oo, marunong kami sa gawaing bahay dahil hindi porket galing kami sa marangyang pamilya ay hindi na kami marunong magtrabaho.

Naglakad-lakad muna kami sa labas at pinagmamasdan namin ang malawak na bukirin. Siguro mas magandang tingnan dito kapag may mga tanim na? Sariwa ang hangin at payapa ang paligid. Kung hindi nga lang nagkalat ang mga kalabaw ay masayang maglibot-libot. Umabot kami hanggang sa ilog na sobrang linis. Hindi kaya sila binabaha pag-umaapaw 'to? Grabe, kung nasa Maynila ang ilog na 'to malamang ay itim na ang kulay at puro basura.

Nakita kong inilublob ni Iyen yung kamay niya sa tubig. Mabato ang ilalim nito na siyang dahilan kung bakit nagiging malinaw. Napatago naman ako sa likuran ni Yahen ng may dumating na mama at may dalang kalabaw. Pinapainom niya yung kalabaw sa ilog habang sinasabuyan ng tubig para paliguan. Napangiti siya ng lumingon sa amin.

Tumayo naman si Iyen at lumapit din sa amin nung maglakad patungo sa direksyon namin yung matanda.

"Naimbag nga bigat kadakayo babbarok," (Magandang umaga sa inyo mga binata) nakangiting bati niya sa amin.

May konti naman akong naiintindihan pero hindi lang talaga ako nakakapagsalita ng iloko.

"Magandang umaga rin po," bati ko rin sa kanya.

Mukha namang nagulat yung mga kaibigan ko dahil hindi nila akalain na nakakaintindi ako ng ilokano. Hahaha. Syempre kaninang madaling araw lang naman ako nag-research tungkol dun. Kaso good morning lang yung na-research ko. Magaling naman ako sa memorization kaya nakabisa ko yung ibang words saka ilokano din kasi yung kasama namin sa bahay at minsan ay nagpapaturo din ako sa kanya.

"Itatta kayla nga nakita dituy, haan kay nga tagadtuy anya?" (Ngayon ko lang kayo nakita dito, hindi kayo taga-rito ano?) hindi ko na naintindihan yun kaya napakamot na lang ako sa ulo.

"Pasensya na po, hindi ko po naintindihan e," nahihiyang sabi ko at natawa naman siya.

"Ang ibig kong sabihin mga binata, ngayon ko lang kayo nakita dito kaya alam ko na hindi kayo taga-rito," nakangiting wika niya.

"Ah, opo. Nagbabakasyon lang po kami rito," nakangiti ring sagot ko. "Ako nga po pala si Ashren Rameigh Domingez.. Ram na lang po," pagpapakilala ko.

"Ako naman po si Yahen, si Jayden, Maki at Iyen.. magkakaibigan po kami," pakilala naman ni Yahen.

"Tawagin niyo na lamang akong lolo Isko, diyan lang ako nakatira," turo niya dun sa bahay-kubo na halos katabi lang ng bahay na tinutuluyan namin. Nakaharap yung bahay ng lola ni Iyen sa kubo.

"Magkapit-bahay po pala tayo, lolo Isko," nakangiting ani ko.

"Ah, oo.. Hala sige, ipapastol ko lamang itong aking kalabaw dahil kailangan na rin niyang kumain para hindi na muling magwala katulad kaninang umaga," sabi niya pa habang nakatingin sa kalabaw niya.

Napakunot naman yung noo ko..

"Nagwala po yung kalabaw kaninang umaga?" tanong naman ni Iyen.

"Oo balong, hinabol pa nga ang aking apo mabuti na lamang at may binata raw na tumulong sa kanya.. si pareng Kuse ang humili dito sa kalabaw ko kaninang umaga dahil hindi naman na ako makatakbo pa dahil matanda na," kwento pa ni lolo Isko.

Parang pamilyar sa akin ang kwento niya!

"Teka lolo, babae po ba yung apo niyo?" curious na tanong ko.

"Bakit Ram, gusto mong ligawan pag babae?" siniko ko naman si Iyen dahil sa tanong niya.

"Hahaha oo balong, babae ang apo ko," tumatawa namang sagot ni lolo.

Hayst! Mukhang na-misinterpret na tuloy ni lolo Isko yung tanong ko. Ito kasing mais na 'to e!

"Ah ganun po ba? O sige po baka nakakaabala na po kami sa inyo, maglilibot-libot na po ulit kami," paalam ko at tumango naman siya.

"Why are you asking about lolo Isko's granddaughter?" tanong ni Maki habang papalayo kami sa matanda.

"You remember earlier that I was covered with dirt?" tanong ko at tumango naman sila ni Yahen. "A girl jumped into me because she was chased by a carabao," paliwanag ko pa.

Gulat namang napatingin sa akin yung dalawa.

"Ibigsabihin na-meet mo na yung apo ni lolo Isko?" nakangising tanong pa ni Iyen at halatang nang-aasar na naman.

"Maybe, if she's the one this morning," kibit-balikat na sagot ko.

"Maganda ba?" tanong naman ni Yahen na halatang nang-aasar din.

"I don't know, I didn't get to see her face kasi puro putik," patay malisyang sagot ko.

"Nice!" si Jayden.

Pati ba naman siya?

Umiling-iling na lang ako dahil sa paraan ng pagtatanong ng mga kaibigan ko. Sumilong kami sa isang puno ng akasya na nadaanan namin. Mahangin sa ibaba nito. Halos puno naman ang nadadaanan namin. Siguro silungan 'to ng mga magsasaka kapag nagtatanim sila.

"Alam niyo dati ring magsasaka ang lolo ko," kwento ni Iyen. "Sabi ni dad ay farming ang isa sa mga naging dahilan para umangat kami sa buhay," dagdag niya pa.

"Hmm.. kung ganoon ay nasubukan din siguro ni tito Raf ang magtanim ng palay," ani Yahen.

"Oo naman.. sabi ni dad sa akin noon ay mahirap daw ang magtanim pero masaya naman daw kapag anihan na at marami silang ani," salaysay ni Iyen.

"Well, one of my dreams is to try kung paano ba magsaka ang kaso takot talaga ako sa kalabaw e," natatawang usal ko.

"Hindi pa rin nawawala ang phobia mo?" tanong ni Jayden at napailing naman ako.

Noong bata kasi ako ay mahilig akong maglaro sa malalawak na lugar. Lalo na noong umalis na si Venice dahil kailangan kong libangin ang sarili ko para hindi malungkot. One time pumunta nami ng cebu tapos nawili ako sa paglalaro sa may manggahan at hindi ko napansin yung nakataling kalabaw. Ayun, nagulat siguro sa akin kaya hinabol ako. Halos maihi ako sa pantalon ko noon dahil sa takot. Imagine, ang haba pa naman ng tali nung kalabaw! Mula noon takot na ako sa mga baka at kalabaw dahil halos magkakamukha naman sila. Mestiso at Negro. Hahahaha.

"Hindi na siguro mawawala yun," sambit ko.

"Babbarok!!" (Mga binata!!) sabay-sabay kaming napalingon kay lolo Isko ng marinig namin siyang sumigaw.

Nakangiting naglalakad siya palapit sa amin at may mga kasama din siyang matatandang lalaki din. Pare-pareho silang nakangiti habang naglalakad palapit sa amin.

"Magandang tanghali po," bati namin sa kanila.

"Isu daytoy diyay baru itattay bigat nga nangsippaw didyat apukom manong Isko," (Ito yung binata kaninang umaga na sumalo sa apo mo manong Isko) turo nung isa niyang kasama sa akin.

Parang kilala ko siya.

Tama! Siya yung humuli sa kalabaw na humahabol dun sa babae kaninang umaga!

"Agpayso Kuse? Kitam laeng met ti paspasamak aya?" (Talaga Kuse? Tignan mo nga naman ang pagkakataon ano?) tumatango-tango pang ani lolo Isko habang kami naman ay nanonood lang at walang maintindihan.

"Naggapo dan sa idyay syudad, haanda nga makaawat iti iloko," (Nanggaling yata sila sa city, hindi sila makaintimdi ng iloko) sabi pa nung isa nilang kasama.

"Ah pasensya na kayo mga balong at ganito lamang mag-usap ang mga matatanda dito," ani lolo Isko.

"Ayos lang po lolo," si Yahen.

"Siya nga pala, sila ang mga kaibigan ko.. si Kuse at si Erning," turo niya dun sa dalawang kasama niya.

"Nice meeting you po, ako si Ram," pakilala ko.

"Ako po si Iyen,"

"I'm Maki,"

"Jayden po,"

"Yahen po ang pangalan ko,"

Isa-isa namang nagpakilala ang mga kaibigan ko at halatang natutuwa sa amin yung dalawang kasama ni lolo Isko.

"Sumama muna kayo sa amin at doon kayo sa bahay mananghalian," aya ni lolo Isko sa amin.

"Nako! Nakakahiya naman po--" tatanggi na sana ako kaso biglang sumingin si Iyen.

"Sige po lolo!"

Ayon. Wala na akong nagawa dahil sinumpong na naman sa kakapalan ng mukha si Iyen. Patay gutom ang isang 'to e.

"Pasasalamat ko na rin kay Ram at iniligtas niya ang apo ko kaninang umaga," nakangiting wika pa ni lolo Isko.

Sa totoo lang hindi ko naman iniligtas yung apo niya kasi nahuli naman agad ni angkel Kuse yung kalabaw kaya hindi siya--kami inabutan.

Sumama na lang kami sa bahay ni lolo Isko kasi nga naka-oo na si Iyen. Maliit lang ang bahay nila pero maaliwalas tingnan. Mukhang masayang tirhan kahit pa simpleng-simple lang ang loob. Iisa na kasi ang higaan at hapag-kainan nila. Katre daw ang tawag sa kama nila na derektang nakakabit na sa pader ng kubo. De-tungkad naman yung bintana nila na gawa sa kawayan.

"Nasaan po yung apo niyo?" tanong ni Yahen habang naglilibot din ng tingin sa bahay.

"Ah, nasa likod si Mia at nagsasalansan ng kahoy, yung kapatid naman niya ay may ginawa sa palengke," nakangiting sagot ni lolo Isko.

"Talaga po? Ginagawa yun ng mga babae dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Iyen na ikinatawa lang ni lolo.

"Oo, dito sa probinsya ang gawain ng babae ay magluto, mag-igib at magsalansan ng kahoy pati ang maglaba, minsa'y pati gawain ng lalaki ay ginagawa din nila basta't kaya," paliwanag pa ni lolo.

"Grabe! Kung gaano kaarte ang mga babae sa Maynila ay ganun naman kasipag ang mga promdi girls," ani Iyen.

"Rule of survival kasi ang pinaiiral sa probinsya, hindi katulad sa Maynila na karamihan ay mayayaman at may katulong na maasahan," napalingon kami sa pintuan ng may magsalita.

"Oh Ken!! Adda ka gayammen?" (oh Ken!! Nandiyan ka na pala?) salubong ni lolo Isko dun sa lalaking nakatayo sa pintuan.

"Asinno dagitta bisitam lolo?" (Sino yang mga bisita mo lolo) ~Ken.

Pinapakinggan lang namin sila mag-usap dahil wala naman kaming maintindihan.

"Agbakbakasayonda laeng ditoy, ken maysa pay.. insalakan dayta maysa itattay bigat dyay kabsat mo ta kinamat ti nuwang," (nagbabakasyon lang sila dito, at isa pa.. iniligtas nung isa kaninang umaga yung kapatid mo dahil hinabol siya ng kalabaw) ~lolo Isko.

"Kasdyay kadi?" (Ganoon ba?) ~Ken.

"Wen, isu nga angsingsingpet ka kanyada," (oo, kaya magpakabait ka sa kanila) ~lolo Isko.

"Apay, ket nasingpettak met ah?" (Bakit, e mabait naman ako ah?) ~Ken.

Nang mailapag lahat nung Ken yung mga dala niya ay nakangiti siyang humarap sa amin. Grabe ang weird niya. Kanina feeling ko ayaw niya yung presence namin tapos ngayon nakangiti na siya.

"Pasensya na kayo sa inasal ko, hindi lang ako sanay na may ibang tao sa bahay lalo na at ngayon ko lang kayo nakita.. ako nga pala si Kennedy Lazaro, lolo ko si lolo Isko at kapatid ko naman si Mia," pakilala niya sa amin.

"Ako naman si Ram at sila ang mga kaibigan ko, sina Yahen, Iyen, Jayden at Maki," pakilala ko naman sa mga kaibigan ko.

Saglit siyang napatigil at tumingin kay Maki ng ipakilala ko ito sa kanya. Nangunot pa ang noo ko ng ngisian niya ito.

"Masaya akong makilala kayong lahat at.. nga pala sino sa inyo ang nagligtas sa kapatid ko mula kay susana?" tanong niya sa amin.

"Sino naman si susana?" tanong ni Iyen.

"Siya yung alagang kalabaw ni lolo," sagot ni Ken.

"May pangalan yung kalabaw niyo?" gulat na tanong ko.

"Si Mia ang nagpangalan dun," si Ken.

"Anyways, si Rameigh ang nagligtas sa kapatid mo, and stop smirking at me," napatingin siya sa akin dahil sa sinabi Maki.

"Salamat," he said sincerely kaya napangiti ako.

"No prob'z," sagot ko.

"Maghahanda lang ako ng tanghalian para makakain na tayo," si lolo Isko na kanina pa pala nakatayo sa likuran ni Ken.

Nagpaalam naman sa amin si Ken na lalabas lang saglit para tawagin ang kapatid niya. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko dahil bigla akong nakaramdam ng kaba, saya at lungkot sa di ko malamang kadahilanan.

Yumuko ako habang hawak ang dibdib ko. Paulit-ulit akong lumunok saka humugot ng malalim na hininga.

"Ram, are you okay?" Tanong ni Yahen habang nakatingin sa akin.

"Ye--"

"Mabuti naman at nakabalik ka agad kuya," hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil dumating na si Ken at kasama niya si..

Venice??

Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang lahat sa paligid ko at si Venice lang ang nakikita ko. Dahan-dahan akong napatayo at humarap habang nakatitig sa kanya. She's smiling.

How I missed her face..

Her smile..

Her eyes..

Her nose..

And everything about her..

I really missed her and now she's standing in front of me with a smile..

Napalunok ako habang nakatitig pa rin kay Venice. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero tanging tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Tuwang-tuwa ako na makita siya.

(Now Playing : My Destiny by Gary V)

~What if I never knew,

What if I never found you never had this feeling,

In my heart,

How did this come to be,

I don't know how you found me,

But from the moment I saw you, Deep inside my heart I knew~

~ Baby, you're my destiny,

You and I were meant to be,

With all my heart and soul,

I give my love to have and hold, And as far as I can see,

You were always meant to be,

My destiny~

~I wanted someone like you,

Someone that I could hold on to, And give my love,

Until the end of time,

But forever was just a word,

Something I'd only heard about,

But now you're always there for me,

When you say forever,

I'll believe~

~Baby you're my destiny,

You and I were meant to be,

With all my heart and soul,

I give my love to have and hold,

And as long as I can be,

You were always meant to be,

My destiny~

~Maybe all we need,

Is just a little faith,

Cause baby, I believe,

That love will find a way, hey~

~Oh baby, you're my destiny,

You and I were meant to be,

With all my heart and soul,

I give my love to have and hold,

And as far as I can see,

From now until eternity,

You were always meant to be,

My destiny..~

"Venice.." usal ko sa pangalan niya.

"Ram.. are you okay?" dinig kong tanong ni Yahen pero hindi ko siya pinansin.

Hindi ko magawang alisin ang paningin ko kay Venice dahil ang tagal ko siyang hindi nakita.

Naglakad ako papalapit sa kanya..

"O-Okay ka lang ba?" Takang tanong niya sa akin at doon ko lang na-realise na may luha na pala sa mga mata ko.

"Ram, bakit ka umiiyak habang nakatingin sa kapatid ko?" rinig kong tanong ni Ken pero hindi ko rin siya pinansin.

"Venice," hinawakan ko yung kamay niya at napaluha ako dahil nararamdaman ko ang init ng palad niya. "Thank God you came back," the last thing I know, I was hugging her pero nagulat ako ng ilayo ako ni Ken kay Venice.

"Why are you hugging my sister?" kunot noong tanong ni Ken.

"Ah! Baka thankful lang siya na okay ako kuya kasi alam mo na, yung kaninang umaga, iniligtas niya ako di ba?" ani Venice pero hindi ko pa rin maalis yung tingin ko sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo, Venice? It's me Ashren!! Hindi mo ba ako naalala!? I've been waiting for you bakit ang tagal mo bumalik?" umiiyak pa ring tanong ko.

"Huh?" takang tanong ni Venice.

"Venice! Bakit ang tagal mong bumalik?" tanong ko ulit saka muli siyang niyakap.

But this time hindi gumalaw si Ken para ihiwalay ako kay Venice. Pati si Venice ay hinayaan lang akong yakapin siya. Ang tagal ko na siyang gustong mayakap ulit.

"Pasensya na pero hindi Venice ang pangalan ko.. ako si Mia," mahinang sabi niya.

Napapikit na lang ako habang dinadama ang init ng katawan niya. Nayayakap ko na ulit si Venice. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang hindi niya ako makilala. Pero hindi na yun mahalaga sa ngayon. Ang mahalaga ay nakikita at nayayakap ko na siya ngayon.

Venice..

It's breaking my heart that you don't look happy to see me..

Why?

Don't you remember me?