webnovel

-One Last Cry-

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin kapag nagmahal ka? Gaano nga ba katagal ang kayang mong hintayin para sa kanya? He love her so he waited.. She love her so she let go.. But destiny is sweet and cruel at the same time.. After so many years they met again but that's what he thought.. And the truth reveals it wasn't the girl he used to love but a girl wearing the same face as her.. Is it destiny? Would her love be enough for him to forget the past? Can someone love a person who has the same face but different identities?

MisterYoos_06 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
6 Chs

Chapter One : My Promise

Rameigh's POV

"Hello?" papasakay pa lang ako sa kotse ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Yo! Asan ka na?" tanong ng kaibigan kong si Iyen sa kabilang linya.

"I'm on my way, just wait and don't rush me, okay?" sagot ko.

"Fine! Fine! We'll be waiting for you on the parking area, bye," saad niya pa.

"Bye!" saka ko ibinato sa katabing upuan yung telepono ko.

Hindi ko alam kung bakit pinagmamadali niya akong pumasok samantalang ngayon lang naman siya naunang nagising sa akin. Nagmaneho na lang ako ng tahimik hanggang sa makarating ako sa University na pinapasukan namin. Malapit lang ang South Beige University o mas kilala sa tawag na SB University sa bahay. Mga twenty minutes drive lang kaya madali rin akong nakarating.

"RAM!!" tawag ni Iyen sa akin pagkababa ko ng kotse.

"What?" tanong ko.

"It's Friday!! Sa lunes ba mag-uumpisa ang one month semester vacation natin!!" excited na sabi niya.

"Hey popcorn!! Baka naman pwede mong hinaan yang boses mo, Ram is just a meter away from you," sita naman ni Maki kay Iyen.

Kasunod naman niya ang dalawa pa naming kaibigan na sina Yahen at Jayden.

"Hey Ram/Sup Ram!" sabay nilang bati sa akin.

"Hey!" bati ko rin.

"Hoy! Makinig naman kayo sa akin!" parang batang reklamo ni Iyen habang nakanguso pa.

"Makinig man kami o hindi, maririnig at maririnig ka namin dahil sa lakas ng boses mo," sambit ni Maki na lalong ikinanguso ni Iyen.

"Hey guys, stop that," saway ni Yahen sa dalawa. "We can talk about the vacation after class pero sa ngayon kailangan na nating pumasok dahil baka mapagalitan pa tayo," wika pa ni Yahen.

"Fine," si Iyen.

"Let's go," aya ni Jayden.

Sabay-sabay kaming naglakad papasok ng University. Some girls are talking about us as we past them. Hindi na namin pinansin dahil araw-araw naman nangyayari yun. Naglakad na lang kami ng deretso hanggang sa classroom namin.

Pagpasok namin ay sumunod na ring nagsipasukan yung iba naming classmates kaya umingay na naman yung paligid. Well, habang wala pa yung Prof namin, let me introduce myself..

Ako nga pala si Ashren Rameigh Domingez. People call me Ash, Rameigh or Ren pero mas common yung Ram. I'm 20 years old and fourth year college. Journalism ang kursong kinuha ko at ganun din ang mga kaibigan ko.

Business Management ang gusto ni paps na kunin ko pero wala talaga sa utak ko ang pagpapatakbo ng negosyo namin. Meron naman yung kuya ko kaya siya na ang bahala dun.

I have four friends and all of them were my classmates..

Mayro Kian Dela Cruz aka Maki. He's 22 and he is the oldest of us. Madalas siyang masungit specifically kay Iyen dahil sa kulit nito. Mabait naman si Maki kaso nga lang hindi siya vocal kasi naniniwala siya sa kasabihan na 'Action speaks louder than words". He often wear his 'I-don't-care-about-the-world' look.

Si Yahen naman ang parang tatay namin sa grupo dahil daig niya pa si paps kung magpaalala. He's real name is Kyiahen Kris Domingo. He's an exact opposite of Maki. He's always smiling kaya kapag masama ang araw mo at makasalubong mo siya ay mapapangiti ka na lang din. Siya rin ang sumasaway kina Maki at Iyen kapag nagbabangayan sila.

Jairus Hayden Ramos is the most silent in our group. Ngingiti-ngiti lang siya at masyado siyang tahimik. Parang mabibilang lang ang salitang sasabihin niya but he is a very talented man dahil mahusay siyang kumanta. Yung tipong magugulat ka na lang dahil hindi mo aakalaing may talent siyang ganun.

Si Vien Yancyn Flores aka popcorn aka Iyen ay ang pinakabata sa amin. He's just 19 and he's really childish. Mahilig siyang mang-asar. Well, hobby na yata niya ang asarin kami lalo na si Maki. Pero dahil nga siya ang bunso namin ay hinahabaan talaga namin ang kordon para sa kanya.

Just on time!!

Umayos na kaming lahat ng upo at tumahimik na rin yung mga nag-uusap na kaklase namin ng pumasok na si Prof. Eyo Telan. Gaya ng dati ay may hawak siyang makapal na encyclopedia at marker pen. May nakahanda na ring listahan ng mga pangalan namin sa isang papel.

Umubo-ubo muna siya bago tumingin sa amin at talagang nakakapanindig balahibo ang mga tingin niya. Para siyang nangangain ng gwapong taong katulad ko.

"Good morning," mapanindak na bati niya sa amin.

"G-Good morning sir," bati naming lahat.

Halos lahat ay nakatutok lang kay sir Eyo habang pinupunit at tinutupi niya yung mga papel kung saan nakasulat ang pangalan ng isa't isa. Siguradong magtatanong na naman siya ng vocabulary words gaya ng lagi niyang ginagawa!!

"Perez, Jasmin," tawag niya sa kaklase kong babae na nakaupo sa harapan.

"Y-Yes, Sir?" kabadong tumayo ito.

"Give me your vocabulary words for the day," saad ni prof, napalunok naman si Jasmin.

"P-Peculiar sir.. s-something u-unusual or not n-normal, s-sir," nauutal na sagot niya.

"Good, sit down," utos ni sir.

"Taguinod, Redentor," tawag naman ni sir kay Den, isa siya sa pinakamatalino sa klase namin.

Agad naman siyang tumayo at sumagot. "Hurricane, an extremely large, powerful, and destructive storm with very strong wind that occurs especially in the Western part of Atlantic Ocean,"

"Very good, Mr.Taguinod," sambit ni sir. "Next! Flores, Vien Yancyn," napalingon ako kay Iyen ng marinig kong siya na ang sasagot.

Hindi na ako nagulat ng makita kong nakangiti siya dahil siya lang naman ang nakakangiti sa harap ni sir Eyo.

"Vacation sir!!" masiglang sagot ni Iyen. "Is a period of time that a person spends away from home, SCHOOL, or businesses usually in order to relax or travel," pagpapatuloy niya pa.

Grabe talaga ang kaibigan kong ito. Napapailing na lang ako dahil sa lakas ng loob ni Iyen. Nang paupuin na siya ni sir ay nagsimula na naman siyang magtawag ng pangalan.

"Academya, Camilla," tawag na naman ni sir sa isa naming kaklase.

Tumayo naman ni Camilla. "Love..a feeling of strong or constant affection for a person,"

"Sit down," si sir. "Next! Ramos, Jairus Hayden," tawag niya kay Jayden.

"Traitor sir.. a person who is not loyal to his or her own country, friends..or a person who betrays a country or group of people by helping or supporting an enemy," sagot ni Jayden.

Ako lang ba o talagang diniinan niya yung word na traitor?

"Good, sit down," utos ni sir. "Domingo, Kyiahen Kris,"

"Forgiveness, the act of forgiving someone for doing mistake unintentionally," sagot naman ni Yahen habang nakatingin kay Jayden.

Wait? What does that mean?

"Domingez, Ashren Rameigh," agad akong tumayo ng tawagin ako ni sir.

"Caress, to touch something or someone in a gentle way," sagot ko at pinaupo naman ako ni sir.

Nagsimula na naman siyang magtawag ng pangalan ng mga kaklase ko pero hindi ko na nagawang mag-focus dahil sina Yahen at Jayden ang tinitignan ko. Pakiramdam ko may mali sa dalawang 'to e. Yahen and Jayden are the closest among our group and this past few days or exactly one week to be specific ay napansin kong hindi sila nagpapansinan.

Did something happen between this two?

Hayst! Did they fight?

Why am I not updated?

Hindi ko namalayang natapos na palang mag-lecture si sir Eyo dahil sa pag-iisip ko kung anong meron sa dalawang kaibigan ko. I am worried. I need to do something para malaman kung anong meron kina Yahen at Jayden.

Dahil friday ngayon at next week na mag-uumpisa ang one month sembreak namin ay wala ng ibang nagklase. Si sir Eyo lang talaga ang mahilig magpahirap sa amin.

Kung bakit isang buwan ang sembreak namin? Ewan ko din.

Tanong niyo sa author baka alam niya. Hehehe.

Nang maglabasan na ang mga kaklase namin ay tumayo na ako at lumapit sa kinauupuan ni Yahen. Magkakahiwalay kasi kami ng assigned seats kasi daw para makapag-focus yung classmates namin. Ano namang kinalaman ng pagtatabi naming magkakaibigan sa concentration ng classmates namin?

"Yahen, pwede ba akong magtanong?" hinila ko yung upuan sa harapan niya at naupo paharap sa kanya.

"What is it, Ram?" matamlay na tanong niya.

Confirmed!! Something's not right. Hindi ako sanay na matamlay si Yahen.

"Jayden and you.. what's going on between you two?" deretsong tanong ko. Bahagya naman siyang natigilan saka napayuko. Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita. "You've been acting weird since last week after the team's practice,"

Pagkatapos kasi ng praktis nila ng basketball last week ay hindi na sila gaanong nagpapansinan.

"Look, Ram.. I'm not in the position to tell you what's happening between us.. kay Jairus mo na lang siguro tanungin," napapabuntong hiningang sagot niya.

Lumingon naman ako kay Jayden na abala sa pag-aayos ng gamit sa bag niya. Ano nga kayang problema ng dalawang 'to?

"Uwi na tayo para makapaghanda pa tayo ng gamit na dadalhin natin para sa bakasyon natin sa province," dinig kong sabi ni Iyen na nakatayo na sa pintuan.

"Why are you so excited popcorn? Is it your first time going into provinces?" kunot noong tanong ni Maki na nakatayo na rin sa tabi ni Jayden.

"Ano naman sayo kung first time ko makapunta ng probinsya dwende ka?" inis na tanong naman ni Iyen.

"Tch.. marami kang kapatid sa pupuntahan natin," nakangising sambit ni Maki na nagpakunot sa noo ni Iyen.

"Only child ako.. paano naman ako magkakaroon ng kapatid sa probinsya?" takang tanong ni Iyen.

Natawa naman kami dahil halatang hindi nakuha ni Iyen ang ibigsabihin ni Maki.

"I'm talking about the corn plantations, kapatid mo yung mga nakatanim na mais doon," tumatawang sabi ni Maki kaya lalong kumunot ang noo ni Iyen.

"Hindi naman tao ang mga mais, baka ikaw may mahanap na kamag-anak mong dwende doon," pang-aasar niya din.

Napapailing na lang ako dahil sa usapan nung dalawa. Para silang may oldest and youngest conflict. Napatingin naman ako kina Jayden at Yahen. Siguro nga kailangan namin magbakasyon sa lugar na malayo sa polusyon at ingay para makapag-relax naman kami kahit papano.

Pagkatapos mag-asaran nung dalawa ay bumaba na rin kami. Kumain muna kami ng kaunti dahil nagugutom daw si Iyen, sabagay madalas namang gutom ang isang yun. Pagkatapos ay pumunta na kami sa parking area at sumakay sa kanya-kanya naming sasakyan. Sumabay sina Iyen at Yahen kay Maki. Nakamotor naman si Jayden at nauna na siyang umalis. Matapos kong magpaalam ay nauna na rin ako kina Maki.

Pag-uwi ko sa bahay ay si mimi lang ang inabutan ko dahil may imporanteng pinuntahan daw si paps. Tungkol na naman siguro sa business yun. Nasa ibang bansa kasi ngayon ang kapatid ko kaya walang tumutulong kay paps sa negosyo namin.

"Hindi ka muna ba kakain, Ren, anak?" tanong ni mimi ng akmang aakyat na ko sa hagdan.

"Nah! Kumain kami nina Yahen bago kami umuwi, mi," sagot ko.

"You sure?" paniniguro niya.

"Yep!" maikling sagot ko at hindi naman na siya nangulit pa.

Agad ko nang inihanda ang mga gamit na dadalhin ko. Halos puro pambahay ang dinala ko at ilang panlabas dahil kahit ano naman ay bagay sa akin. Iba ang gwapo e. Pagkatapos kong ihanda ang mga damit ko ay kinuha ko naman ang ibang kakailanganin ko din. Such as.. toothpaste, toothbrush, shampoo, sabon, moisturizer, lotion, at kung ano-ano pa na makapagdadagdag sa kagwapuhan ko. Inabot na pala ako ng alas-singko sa pag-aayos ng gamit. Tiningnan ko yung bag ko at hindi naman ganun kadami yung laman nun pero inabot ako ng dalawang oras sa pagpreprepara.

Matapos kong masiguro na maayos na  ang lahat ng gamit ko ay nagpahinga lang ako saglit saka ako naligo at nahiga sa kama ko. Dahil hindi pa naman ako nagugutom ay nagbasa na lang muna ako ng libro. Mahilig ako magbasa ng libro dahil nakaka-relax gawin 'to. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ako..

Nagising ako ng mag-ring ang cellphone ko. Nakapikit ko itong kinapa at sinagot..

"Hello?" antok pang sagot ko.

"Rameigh.." agad akong napamulat ng marinig ko ang boses ni Jayden sa kabilang linya.

Tunog lasing at garalgal..

Umiiyak ba siya?

"Jayden? What happened?" kunot noong tanong ko.

"P-pwede mo ba akong p-puntahan ngayon?" humihikbing tanong niya.

"Sure.. where are you?" nag-aalalang tanong ko.

"Robin's Garden," matapos niyang sabihin ang location niya ay ibinaba ko na ang linya saka ko kinuha yung hoodie ko at nagmamdaling bumaba.

"Anak, saan ka pupunta, gabi na ah?" Napahinto ako ng magsalita si mimi.

"May importante lang po akong pupuntahan, don't worry about me, mimi," nakangiting sabi ko.

Lumabas na ako ng pinto nang hindi na siya magsalita. Nag-taxi na lang ako papunta RG dahil tinatamad akong magmaneho. Tiningnan ko ang relo ko at alas-otso na ng gabi. It's the first time Jayden called me and worst he's crying!

Kailangan ko na talagang malaman kung anong nangyayari sa kanila ni Kris.

Nang makarating sa RG ay agad kong binayaran yung manong at saka nagmamadaling pumasok doon. Nakita kong nakaparada yung motor ni Jayden sa labas kaya agad ko siyang hinanap dito sa loob.

Anyway, Robin's Garden is not a garden literally.. it's a bar. Ito ang tambayan namin nina Maki kapag gusto naming uminom. Hindi ganun ka-exaggerate ang music kaya magandang puntahan at tambayan.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang kaibigan ko at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang nakaupo sa madalas naming pwestuhan. Agad ko siyang nilapitan at nginitian naman niya ako ng mapansin niya ang pagdating ko.

"Hey!" nakangiting usal niya.

"Jayden, I know something's not right and I want you to tell me what's going on," I sincerely said saka ako naupo sa tapat niya.

"I don't know if I am in the position to tell you what's happening," napapailing na sabi niya.

Napapabuntong hininga naman akong tumitig sa kanya.

"I tried to ask Yahen earlier but he gave you the honor to tell me what's happening," sambit ko at napatingin naman siya sa akin.

"Okay.. I'll tell you what happened but promise me you won't be mad at Kris,"

"Why would I be mad at Yahen? Is it really that serious?" takang tanong ko.

"Just promise me,"

"Okay.. fine, I promise,"

"It's about Keisha," panimula niya. "Yahen and Keisha are together and they didn't even tell me.. you guys know how I love Kei but still.. Yahen dated her and last week I found out they're together," pagkukwento niya pa na may kasamang buntong hininga. "Kung hindi ko pa aksidenteng nasagot yung cellphone ni Yahen.. h-hindi ko pa malalaman na sila na pala," sabi niya saka tumagay ng beer.

Tama naman si Jayden. Alam naming lahat na may gusto siya kay Keisha at matagal na niya itong balak ligawan pero naduduwag lang siya. Si Yahen pa nga ang nangungumbinsi kay Jayden na ligawan na si Kei pero natotorpe lang talaga itong isang 'to. Kaya nga naguguluhan rin talaga ako kung paano nangyaring si Kris at Kei na?

Hindi naman siguro gagawin ni Yahen yun kung hindi siya sincere kay Kei di ba?

"Did Yahen explain to you?" tanong ko at tumango naman siya. "What did he say?" tanong ko pa.

"He said he didn't mean it.. that he just fell in love with her unplanned," sagot niya.

"Is it the reason why you two are not talking to each other since last week?" I asked and he nodded.

"But I can't blame him.. I'm such a coward kaya napunta sa iba yung taong mahal ko," napahilamos pa siya sa mukha niya habang bumubuntong-hininga.

"Are you mad at him?" tanong ko at umiling naman siya.

"At first I was mad and thought he was a traitor until this morning.. wala naman akong karapatang magalit sa kanya dahil kasalanan ko naman kung bakit sa halip na ako ay siya ang nagustuhan ni Kei," he said while sighing. "At isa pa hindi naman kami ni Keisha kaya talagang wala akong karapatan," he said looking so down.

"Normal lang naman yang nararamdaman mo, Jay.. hindi lang naman ang may mga karapatan ang pwedeng masaktan, mahal mo siya kaya ka nakakaramdam ng sakit," pagpapagaan ko sa loob niya. "Pero sana maging okay na kayo ni Yahen kasi wala namang mangyayari kung magtatampo ka sa kanya dahil sa sila na nang babaeng gusto mo," dagdag ko pa.

"I know.. that's why I'm planning to make up with him tomorrow before we go," nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako.

"Mabuti naman at magiging ayos na rin kayo.. should I call them para samahan tayo dito?"

"Hindi na.. hayaan mo na lang silang maghanda ng gamit para bukas," he said smiling.

"Don't worry Jay.. mahahanap mo rin ang para sayo, maybe one day you'll just bump into her," nakangiting saad ko saka ako tumungga na rin ng beer.

"What about you? Kailan mo balak hanapin ang para sayo?" makahulugang tanong niya.

I smiled because I know what he meant.

"I'm waiting for her to comeback, Jay.. and after our graduation kapag hindi pa siya bumalik.. hahanapin ko na siya," sagot ko.

"Are you really expecting her to return?"

"Yeah.. We promise each other that we'll reunite kahit gaano pa katagal,"

"But.. what if she's not coming back? I mean.. you said it's been ten years mula ng umalis sila,"

"I'm willing to wait, Jayden.. kahit gaano pa katagal," I said remembering our promise to each other.

"Pangako, Ashren.. babalik ako kapag kaya ko na at kahit anong mangyari dapat huwag mo akong kakalimutan ah?" she said with her pinky finger held in front of me.

Ngumiti naman ako at ipinulupot ang pinky finger ko sa daliri niya.

"Syempre naman Venice!! Kahit na saan ka pa magpunta, kahit gaano ka pa katagal na mawala.. hihintayin kita.. at kapag hindi mo alam kung saan ako pupuntahan, hahanapin kita at tutuparin ko ang pangako ko," nakangiting sambit ko.

"Pangako ko rin sayo, Ashren.. sayo lang ako magpapakasal at kahit anong mangyari, tayong dalawa ang magkakatuluyan,"

"Pangako.. kahit pa madaming babae ang magkagusto sa akin.. ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko at hihintayin ko ang pagbabalik mo,"

That was ten years ago. Sampung taon pa lang ako noon at walong taong gulang naman si Venice noon. Mula noong araw na umalis sila ay wala na akong naging balita sa kanila. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na babalik siya at gaya ng pangako ko kapag hindi pa siya bumalik pagkatapos ng graduation ay ako na mismo ang hahanap sa kanya.

"Pero paano kung hindi na siya bumalik at hindi mo na rin siya mahanap pa?" rinig kong tanong na naman ni Jayden.

"Hindi ako naniniwala na hindi ko na siya makikita pa.. alam kong magkikita pa rin kaming dalawa ni Venice.. if not soon maybe someday," sagot ko.

"Masyado ka talagang faithful sa batang babaeng pinangakuan mo nang pag-ibig mo ah," natatawang sambit ni Jayden kaya natawa na lang din ako.

"Baka dahil sa naniniwala akong 'promises are meant to be kept'.. kahit na gaano katagal pa akong maghintay sa kanyang pagbabalik.. hihintayin ko pa rin siya dahil nangako ako sa kanya,"

"Okay, ikaw na talaga.. umuwi na tayo, para maaga tayong magising bukas," saad niya.

Nang mabayaran na ni Jayden ang mga ininom namin ay sabay na kaming lumabas.

"Nasaan yung kotse mo?" tanong niya habang nagpapalinga-linga.

"Nag-taxi ako papunta dito," sagot ko.

"Bakit?"

"Tinamad ako magmaneho e," napakamot na lang ako sa batok.

"Sige, angkas na," utos niya sabay abot ng extra helmet niya kaya agad akong umangkas sa motor niya. "I'm grateful na nakausap kita ng ganito," sabi niya habang sinisimulang paandarin ang sasakyan niya.

"Me too,"

"Sana magkaroon ulit tayo ng oras para sa mga ganitong bagay," aniya pa.

"Hayaan mo kapag may problema ako sasabihan din kita," pabirong sabi ko kaya sabay kaming natawa.

Madali kaming nakarating sa bahay dahil wala na gaanong ibang sasakyan sa kalsada. Nang maihatid niya ako ay umalis na rin siya agad. Nang hindi ko na matanaw ang motor niya ay pumasok na rin ako sa loob at ni-lock ang pintuan. Wala ng tao dito sa baba dahil alas-diyes na ng gabi kaya siguradong tulog na rin si mimi.

Umakyat na lang din ako sa kwarto ko at pinagmasdan ang librong nasa ibabaw ng kama ko at binasa ko ang nakasulat sa harapan nito..

"Walang salitang matagal sa tunay na pagmamahal"

Tama!!

I'll find her in every part of this world..

I will wait for her even if it takes forever..

That's my promise.