webnovel

-One Last Cry-

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin kapag nagmahal ka? Gaano nga ba katagal ang kayang mong hintayin para sa kanya? He love her so he waited.. She love her so she let go.. But destiny is sweet and cruel at the same time.. After so many years they met again but that's what he thought.. And the truth reveals it wasn't the girl he used to love but a girl wearing the same face as her.. Is it destiny? Would her love be enough for him to forget the past? Can someone love a person who has the same face but different identities?

MisterYoos_06 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
6 Chs

Chapter Four : Who Are You?

Ram POV

"Ram, bakit ba nakatitig ka na lang diyan kay Mia?" tanong ni Yahen.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Venice. Napakaganda niya pa rin.

"Ram.. you're making Mia uncomfortable," naramdaman kong hinawakan ni Yahen ang braso ko kaya nilingon ko siya pero agad ko ring ibinalik kay Venice.

"M-Mia? Who's Mia?" naguguluhan kong tanong ng hindi man lang inaalis ang titig kay Venice.

Ipinaliwanag sa akin ni Ken kung sino ang babaeng kaharap ko kaya naman medyo nahiya ako.

"Ah! Hindi mo ba alam na Mia ang pangalan ko?" tanong ni Venice.

Kumalma na din ako at ngayon ay nakakaramdam na ako ng hiya dahil sa inasal ko kanina. Lahat sila ay nakangitin sa akin at puno ng pagtataka ng kanilang mga mukha. Pati si Ken ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin habang nagpapaliwanag.

"Hindi ka siguro niya nakilala kasi ayon sa kwento mo kanina ay puno ng putik ang mukha mo ng tumalon ka sa kanya," ani Ken.

"Kuya naman e!" reklamo ni Venice.

"H-Hindi ikaw si Venice?" napapalunok na tanong ko.

"Hindi.. ako si Mia Jeign Lazaro--teka, sino ba si Venice?" balik tanong niya sa akin.

Naguguluhan na ako. Pakiramdam ko ay sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Paanong hindi siya si Venice e magkamukhang-magkamukha sila!? Napahawak ako sa ulo ko dahil parang sasabog na ito sa gulo ng iniisip ko.

"Mga apo, kain na tayo," dinig kong aya ni lolo Isko.

"Tara kain na," si Veni--Mia.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil kamukhang-kamukha niya talaga si Venice. Lahat ng parte ng mukha ay si Venice ang nakikita ko.

Wala sa sarili akong sumunod sa kanila at naupo. Isda at gulay ang ulam na inihanda ni lolo Isko. Mukha namang masarap dahil mabango yung gulay pero ngayon lang ako nakakita ng ganyang gulay. Sabi ni lolo Isko ay ampalaya daw yan pero hindi naman mapait.

Nagkukwentuhan sila habang kumakain pero pakiramdam ko ay lumulutang ang utak ko at tanging si Mia lang ang nakikita ko. Ayokong maniwala na hindi siya si Venice. Dahil sinasabi ng puso ko na ang babaeng minamahal ko at ang taong nasa harap ko ngayon ay iisa lang. Maaring nakalimot lang siya at may magagawa pa ako para makaalala siya. Kailangan kong malaman kung anong nangyari kay Venice at kung bakit Mia ang ipinapakilala niyang pangalan sa akin.

"Baka naman matunaw na ang apo ko sa katititig mo balong," nabalik ako sa reyalidad ng marinig kong magsalita si lolo Isko sa tabi ko.

"Lolo, apo niyo po ba talaga si Venice este si Mia?" wala sa sariling tanong ko.

"Bakit ba Venice ang tawag mo sa apo ko?" tanong din sa akin ni lolo Isko.

"Kasi po.."

"Kung nag-aalinlangan kang sabihin sa akin ay ayos lang balong," napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi ni lolo.

Bakit nga ba natatakot akong sabihin na kamukha ni Venice ang apo niyang si Mia?

Bakit ba natatakot akong malaman na magkaiba sila ni Venice?

Natatakot akong malaman na hindi siya si Venice!!

"Lolo, anong gagawin niyo kapag umalis yung taong gusto mo?" tanong ko habang nakatanaw kina Mia at Ken na nakaupo malapit sa ilog.

Medyo madilim na rin at mahangin na din sa paligid. Nakatayo naman sina Yahen, Maki, Jayden at Iyen malapit sa kinaroroonan nina Mia at Ken.

"Kung sakaling umalis ang taong mahal ko at hindi ko na siya mapigilan pa.. hihintayin ko siya hanggang sa bumalik siya," nakangiting sagot ni lolo Isko.

"Pero lolo, paano kung..nakalimutan ka na niya?" parang kinukurot ang puso ko matapos kong matanong yun.

"Kung talagang mahal ka ng isang tao ay hindi ka niya makakalimutan, maaring nakalimutan ka niya sa isip pero sa puso hindi," sagot ulit ni lolo.

Venice..

Mahal mo ba talaga ako?

Ayokong pagduduhan ang lahat ng mga pangako natin sa isa't isa nung mga bata pa tayo pero sampung taon na ang nakararaan ay hindi ka pa rin bumabalik.

Ngayon ay may nakilala ako na kamukhang-kamukha mo. Kahit pa magkaiba kayo ng pangalan ay may kung ano sa puso ko na nagsasabi sa akin na ikaw at siya ay iisa.

"Yung taong mahal mo na umalis.. kamukha ba siya ng apo ko?" natigilan ako sa tanong ni lolo Isko.

"Lolo.."

"Si Venice at si Mia ay magkaibang tao Ram.. wag mong tingnan ang apo ko sa paraan nang pagtingin mo sa babaeng minamahal mo dahil lang sa mayroon silang iisang mukha," makahulugang ani lolo Isko.

"Pero lolo Isko--"

"Balong, kung talagang mahal ka ng babaeng tinutukoy mo ay babalik siya sayo kaya hintayin mo siya at kung sakaling magustuhan mo ang apo ko hindi naman ako hahadlang pero..mahalin mo siya biglang siya at hindi bilang ang minamahal mong kamukha niya," pangaral pa ni lolo Isko saka ako iniwan.

Napatitig na lang ulit ako kay Mia mula dito sa ilalim ng punong kinauupuan ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi si Venice ang babaeng tinititigan ko ngayon may kung ano talaga sa puso ko na nangungumbinsi sa akin na siya ang babaeng pinangakuan ko ng puso ko ten years ago.

Ang mga ngiti ni Mia ngayon ay katulad na katulad ng mga ngiti ni Venice noon. Ang mga mata niya na nakakatunaw kapag tinitigan ay parang mga mata din ni Mia ngayon. Bakit hindi ko makumbinsi ang sarili ko na magkaiba sila!?

Yung nararamdaman ko habang kasama ko si Venice noon ay naramdaman ko rin ng makita ko siya kanina. Kahit na sa pagtitig ko lang sa kanya ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pagtibok ng puso ko para kay Venice.

Magkamukha nga lang ba sila?

Paano kung hindi?

Kailangan ko munang subukang ipaalala sa kanya ang lahat at kapag sinabi niya pa rin sa akin na siya si Mia at hindi si Venice ay titigilan ko na siya.

Sa ngayon ay kailangan ko siyang makumbinsi na siya at si Venice ay iisa at kapag napatunayan kong iisa sila ay hindi ko na siya pakakawalan pa. Ten years is enough and I'm willing to risk everything for Venice.

Pero kapag napatunayan kong magkaibang tao nga sila.. tuturuan ko naman ang puso kong tanggapin na hindi siya si Venice..

Sa ngayon ay gagawin ko muna ang lahat para malaman kung si Venice ba at si Mia ay iisa.

Habang pinagmamasdan ko siyang nakangiti ay parang sumasaya ang puso ko..

(Now Playing : Ngiti by Ronnie Liang)

~Minamasdan Kita,

Nang hindi mo alam, Pinapangarap kong ikaw ay akin, Mapupulang labi at matingkad mong ngiti,

Umaabot hanggang sa langit~

~Huwag ka lang titingin sa akin at  baka matunaw ang puso kong sabik~

~Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling,

At sa tuwing ikaw ay gagalaw,

Ang Mundo ko'y tumitigil,

Para lang sa iyo ang awit ng aking puso,

Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin~

~Minamahal kita ng di mo alam,

Huwag ka sanang magagalit, Tinamaan yata talaga ang aking puso,

Na dati ay akala ko'y manhid, Hindi pa rin makalapit,

Inuunahan ng kaba sa aking dibdib~

Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko habang pinapanood ko ang pagtawa at pagngiti ni Mia. How can I convince myself that it wasn't you if my heartbeats are telling me that I've found you? I want to believe that you're a different person but my mind is telling me that I should prove myself wrong?

Something in me is telling me that you are Venice and not Mia. I need to do something and prove that you are Venice. I will do everything just to make you remember me Venice. Hindi ako susuko hangga't nararamdaman ko na ikaw ang babaeng mahal ko.

"Bakit mag-isa ka na lang diyan?" napatingala ako ng may magsalita sa harapan ko.

Nakita ko si Mia na nakatayo na pala sa harapan ko at nakangitin sa akin.

Dug! Dug! Dug! Dug!

Heto na naman yung bagay na kumukumbinsi sa akin na siya si Venice.

Umupo siya sa tabi ko habang nakangiti at sumandal sa puno. Tiningnan ko naman siya at sumandal din.

"Sino si Venice?" tanong niya makalipas ang ilang sandaling katahimikan.

"She's my love and my destiny," deretsong sagot ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot sabihin sa kanya kung sino si Venice sa buhay ko samantalang takot akong sabihin iyon sa iba.

Dahil ba siya at si Venice ay iisa?

O dahil ba sa iyon ang iniisip ko?

"Kung ganon espesyal pala siya sayo," aniya habang nakatingin sa kalangitan na ngayon ay puno na ng bituwin.

"Oo,"

"Pero bakit mo ako tinawag sa pangalan niya? Magkamukha ba kami o naaalala mo siya sa akin?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.

"Mia, paano kung sabihin kong naniniwala ako na ikaw at si Venice ay iisa?" nakita kong gumuhit sa labi niya ang isang tipid na ngiti.

"Ram.. ako si Mia Jeign Lazaro at iyon lang ang nag-iisang pangalan ko," sagot niya habang nakatitig ng deretso sa mata ko.

Umiling ako. Ayokong maniwala.

"Iyon din ang gusto kong sabihin sa sarili ko pero puso ko mismo ang nagsasabi sa akin na iisa lang kayo," deretso rin akong tumitig sa mga mata niya.

"Pero Ram.. magkaibang tao kami at iyon ang totoo," giit niya pa.

"No. I'll prove to you na ikaw si Venice," matigas na saad ko.

"Paano kung mali ka?" tanong niya pa. Ibinalik na niya sa langit ang tingin niya.

"Kung mali ako.. tatanggapin kong hindi na siya babalik at kinalimutan na niya ako, o hihintayin ko na lang siya habambuhay hanggang sa bumalik siya," parang may kutsilyong tumarak sa puso ko matapos kong bigkasin ang pangungusap na iyon.

"Ngayon pa lang Ram, sinasabi ko na sayo na hindi ako ang babaeng hinahanap mo," aniya pa.

Hindi na ako sumagot dahil mas gugustuhin ko ng manatiling tahimik habang nasa tabi ko siya. Pumikit na lang ako at inalala ang mga ngiti ni Venice ten years ago. Kung paano niya ako tingnan at kung paano niya ako ngitian.

"Venice..," tawag ko pero hindi siya sumagot kaya tinawag ko siya sa pangalang gusto niya. "Mia..,"

"Hm?"

"Ilang taon ka na?"

"19," napamulat ako sa sagot niya. "Kakabirthday ko lang noong--"

"September 12," putol ko sa sinasabi niya. Naramdaman ko namang napalingon siya sa akin.

"Paano mo nalaman?" takang tanong niya kaya napangiti ako.

"Dahil ikaw si Venice,"

"Hindi Ram.. Mia ang pangalan ko at hindi Venice," giit niya.

Bumuntong hininga na lang ako dahil alam kong paulit-ulit niya lang itatanggi ang bagay na iginigiit ko.

Ilang minuto kaming nanatiling tahimik habang nakatingin sa mga bituwin.

(Now Playing : Langit na Bituin by Carol Banawa)

~Hanggang saan kaya,

Hanggang kailan pa ba, Maghihintay ang puso kong umiiyak,

Sana'y malaman mo ako'y naririto,  Pakinggan mo, sumasamo, Damdamin kong ito~

~Kailan makakamit langit na bituin,

Kailan masisilayan,

Ganda ng iyong ningning,

Sana'y iyong dinggin,

Bulong ng damdamin Sana'y makapiling, sana'y mahalin,

Sana'y makamit langit na bituin~

~Ba't ligaya'y di ganap,

Ngayong nasa akin ang pangarap, Nalulungkot, hinahanap,

Ang mga yakap~

~Kailan makakamit langit na bituin,

Kailan masisilayan,

Ganda ng iyong ningning,

Sana'y iyong dinggin,

Bulong ng damdamin Sana'y makapiling, sana'y mahalin,

Sana'y makamit langit na bituin~

~Sana'y makamit langit na bituin, Nagkamali ako nang minsang iwan ka,

Ngayong batid ko na,

Ikaw lang pala ang hinahanap, Ang nag-iisang langit kong bituin, Sana'y iyong dinggin,

Bulong ng damdamin,

Sana'y makamit langit na, ang langit ko~

~Kailan makakamit langit na bituin,

Kailan masisilayan,

Ganda ng iyong ningning,

Sana'y iyong dinggin,

Bulong ng damdamin Sana'y makapiling, sana'y mahalin,

Sana'y makamit langit na bituin~

Nararamdaman kong masaya akong nakita ko na ulit si Venice kahit na Mia ang pangalan niya ngayon pero parang may kulang.. marahil ay dahil hindi niya ako maalala at paulit-ulit niyang itinatanggi na siya si Venice?

Hindi ko na alam..

Baka dahil hindi na niya ako mahal..

She keeps on insisting that she's not Venice but my heart is telling me that she is Venice..

Tumingin ako sa kanya at nakita ko namang nakapikit siya..

If you're not Venice..

Who are you?