webnovel

-One Last Cry-

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin kapag nagmahal ka? Gaano nga ba katagal ang kayang mong hintayin para sa kanya? He love her so he waited.. She love her so she let go.. But destiny is sweet and cruel at the same time.. After so many years they met again but that's what he thought.. And the truth reveals it wasn't the girl he used to love but a girl wearing the same face as her.. Is it destiny? Would her love be enough for him to forget the past? Can someone love a person who has the same face but different identities?

MisterYoos_06 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
6 Chs

Chapter Five : Confusion

Mia POV

Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi talaga ako makatulog. May kung anong bumabagabag sa akin. Hindi maalis sa isip ko si Ram at yung kakaibang tibok ng puso ko ng makita ko siya kanina.

Sino ba siya?

Bakit paniwalang-paniwala siya na ako si Venice?

Sino nga kaya talaga si Venice sa buhay niya?

Totoo kayang magkamukha kami ni Venice?

Pero paano nangyari yun?

Bakit kaninang tinawag niya ako sa pangalang iyon ay may kung anong saya sa dibdib ko?

Na may halong lungkot..

Kahit kaninang umaga ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nang makita ko siya ay sa kanya ako tumakbo. Naisip ko na magiging ligtas ako sa kanya.

Nakakahiya pa yung ginawa ko. Shocks!

Hayst!! Ano bang nangyayari sayo Mia!?

Bumuntong-hininga ako at muling tumagilid ng higa. Mabuti na lang ay medyo malayo sa akin sina lolo at kuya kung hindi nagising na sila sa kalikutan ko. Hinawakan ko ang puso ko at normal naman ang tibok nito ngayon pero kapag nakikita ko si Ram ay biglang nagiging kakaiba ang pakiramdam ko.

Kanina nang yakapin niya ako.. ang normal na reaksyon dapat ay itulak siya at sampalin kasi nakakabastos yun pero..

Iba ang naramdaman ko..

Pinaghalong saya at lungkot..

Pakiramdam ko ay nami-miss ko siya..

Pero bakit ko naman siya mami-miss e ngayon ko lang naman siya nakita at isa pa sa Maynila siya nakatira?

Isang beses pa lamang naman ako nakakarating sa Maynila at sigurado naman ako na hindi ko pa siya nakikilala doon?

Waaahhh!!

Ano bang nangyayari sa akin!?

Venice..

Sino ka ba?

Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising sila lolo at kuya saka ako lumabas. Napatingin ako doon sa puno na inuupuan namin ni Ram kanina at inalala yung mga sinabi niya..

"Sino si Venice?" ~ako.

"She's my love and my destiny," ~Ram.

"Kung ganon espesyal pala siya sayo," ~ako.

"Oo,"~Ram.

"Pero bakit mo ako tinawag sa pangalan niya? Magkamukha ba kami o naaalala mo siya sa akin?" ~ako.

"Mia, paano kung sabihin kong naniniwala ako na ikaw at si Venice ay iisa?" ~Ram.

"Ram.. ako si Mia Jeign Lazaro at iyon lang ang nag-iisang pangalan ko," ~ako.

"Iyon din ang gusto kong sabihin sa sarili ko pero puso ko mismo ang nagsasabi sa akin na iisa lang kayo," ~Ram.

"Pero Ram.. magkaibang tao kami at iyon ang totoo," ~ako.

"No. I'll prove to you na ikaw si Venice," ~Ram.

"Paano kung mali ka?" ~ako.

"Kung mali ako.. tatanggapin kong hindi na siya babalik at kinalimutan na niya ako," ~Ram.

"Ngayon pa lang Ram, sinasabi ko na sayo na hindi ako ang babaeng hinahanap mo," ~ako.

Bakit ganito?

Bakit nasasaktan ako habang inaalala lahat ng pinag-usapan namin kanina?

Bakit ang hapdi ng puso ko?

Alam ko naman na hindi ako si Venice pero bakit parang may masakit sa parte ng puso ko?

Ganito ba yung love at first sight?

Ibigsabihin love ko si Ram?

Pero imposible naman yun..

Huminga ako ng malalim at naglakad papalapit sa ilog. Kumikinang yung tubig dahil tinatamaan ito ng sinag ng buwan. Masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin. Tinanaw ko yung bahay kung saan sila tumutuloy. Nakapatay na lahat yung ilaw nila.

Nahiga ako at ginawang unan yung mga kamay ko. Tinitigan ko yung mga makikitang na bituwin sa kalangitan. May maliliit at may malalaki pero pare-pareho lang naman silang mga bituwin. They are all made of burning gas.. and gas might disappear anytime soon.

Masaya ako na nakakalabas na ako..

"You might get sick if you're going to sleep there," halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa gilid ko.

Siya yung kaibigan ni Ram na mukhang angry birds kasi bukod sa makapal ang kilay ay hindi rin ngumingiti. Mayro Kian ata yung pangalan niya.

Lumingon siya sa akin at parang hinihintay akong magsalita.

"A-Ah.. hindi kasi ako m-makatulog," sagot ko saka naupo na din.

"Dahil ba kay Ram?" tanong niya kaya ako naman ang lumingon sa kanya. "Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko dahil sa ginawa niya kanina, he was just been suffering a lot,"

"H-Hindi ko lang kasi siya maintindihan.. bakit ba ipinipilit niyang ako si Venice?" wika ko at nakita ko namang bumuntong hininga siya at naupo sa tabi ko.

"Because you exactly look like her.." sagot niya na para bang inaalala ang mukha nito. "Kung hindi ko nga lang alam na wala dito si Venice ay napagkamalan na kitang siya, I don't have any idea of why you look like her but it's the truth.. para kayong pinagbiyak na bunga," dagdag niya pa.

Ewan ko ba pero parang ang lungkot nung pagkakasabi niya ng 'Kung hindi ko nga lang alam na wala dito si Venice ay napagkamalan na kitang siya'. Nasaan na ba yung babaeng tinutukoy nila?

"Kung ganon ay kilala mo rin si Venice?" tanong ko. Nakatanaw na ulit ako sa ilog.

"Mm.. childhood friend namin siya ni Rameigh, mabait siya at sobrang ganda.. para siyang bulaklak na nakakatuwang titigan lalo na kapag nakangiti o tumatawa.. ako ang unang makilala ni Venice pero si Rameigh ang naging mas malapit sa kanya," usal niya. "Una pa lang alam ko ng may something sa kanilang dalawa na sila lang ang nakakapagbigay sa isa't isa.. adopted si Venice kaya lagi siyang tampulan ng tukso kaya madalas ko siyang makitang malungkot at umiiyak pero ng ipakilala ko siya kay Ram ay madalas na siyang ngumiti at sinabi niya pa sa akin na nahanap na niya ang kaligayahang matagal na niyang nais makita at maramdaman," pagkukwento niya pa. "They even vowed to each other na magpapakasal sila someday but destiny is so cruel dahil one day ay dumating ang totoong mommy ni Venice at kinuha siya. Dinala siya sa America at simula noon ay wala na kaming naging balita sa kanya," mababanaag ang kalungkutan sa boses ni Kian habang nagkukwento. "Rameigh's waiting for her for almost ten years but he never gave up, naniniwala siya na tutupad si Venice sa sumpaan nila na babalik siya sa kanya," nang lingunin ko siya ay may namumuo ng luha sa mga mata niya.

Bakit?

"Kung ganon, bakit hindi niyo siya hanapin sa America?" tanong ko.

Mapait naman siyang ngumiti.

"Kung pwede nga lang kaso hindi e," kumunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya.

"Bakit hindi?" takang tanong ko.

"You know what.. I don't know why I feel so comfortable with you kahit alam kong kamukha mo lang naman siya," pag-iiba niya sa usapan.

"Ako rin.. magaan din ang loob ko sayo kahit na ngayon lang kita nakilala," nakangiting sagot ko.

"Mia.. can I ask you a favor?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Sure,"

"I know that Venice won't be coming back pero umaasa si Rameigh na babalik pa siya at ngayon pinaniniwalaan niya na ikaw siya at posibleng nakalimot ka lang," ani Kian.

"Pero hindi naman ako si Venice e,"

"Alam ko.. kaya nga hihingin ko sayo 'tong pabor na 'to," aniya pa.

"Anong pabor ba yan?"

"We'll be staying her for about a month. Convince Rameigh that you're not Venice and that Venice won't be coming back anymore,"

"Pero paano ko naman gagawin yun? Baka hindi ko kaya,"

"Alam kong kaya mo dahil hindi naman ikaw si Venice.. kapag nakumbinsi mo na si Ram na hindi na babalik si Venice, saka ko gagawin ang bagay na dapat ay matagal ko ng ginawa," matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya.

"Teka Kian!" Pigil ko sa kanya.

"Malamang nga mapagkakamalan ka talagang si Venice,"

"Bakit naman?"

"Dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin sa pangalang iyan," natatawang sabi niya pa.

"Eh?"

"Mm, mauuna na ako sayo at maaga pa ang gising namin bukas kasi mamamasyal pa kami," paalam niya.

"Goodnight Kian," nakangiti ring paalam ko.

"Goodnight.. Mia," tapos tumalikod na siya.

Ilang sandali pa ay pumasok na din ako sa bahay at nahiga. Bago ako tuluyang nakatulog ay tinanong ko ang sarili ko kung bakit ako pumayag na kumbinsihin si Ram na hindi na babalik ang babaeng mahal niya. Parang ang sama ko naman kung sisirain ko ang pag-asa niya di ba?

Pero may kung ano sa akin na gustong kalimutan na ni Ram si Venice dahil baka nga hindi na ito bumalik..

Ten years na siyang naghihintay ayon kay Kian..

May tao bang handang maghintay ng ganon katagal para lang sa minamahal niya?

Siguro nga mahal na mahal talaga ni Ram si Venice..

Hayst!!

Nakatulog na lang ako sa pag-iisip..

***

Kinabukasan ay medyo mahapdi yung mga mata ko dahil napuyat ako kakaisip ng kung anu-ano kagabi. Pagbangon ko ay naghahanda na ng almusal si kuya Ken at nagpapainom naman ng kalabaw si lolo habang ginagatasan ito. Ako dati ang gumagawa nun kaso hanggang ngayon ay ayaw ko pa ring lapitan si susana dahil sa kataksilang ginawa niya sa akin kahapon ng umaga. Ihulog ba naman ako sa putikan at habulin. Mabuti na lang at nakita ko si Ram kung hindi--

Bakit ba bigla na lang siyang pumasok sa isip ko?

Hayst!! Naalala ko na naman yung usapan namin ni Kian kagabi!!

"Baka naman mauna ka pang tumanda sa akin dahil sa pagkakakunot ng noo mo?" biro ni kuya Ken.

"Kasi naman kuya e!!" Reklamo ko at natawa naman siya.

"Ano bang iniisip mo diyan?" tanong niya pa.

"Wala!" singhal ko.

"Siya nga pala.. inimbita ni lolo sina Yahen dito para mag-almusal," napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Eh? Kaya pala ang dami nating ulam at kainin ngayon," wika ko habang tinitignan yung mga nakahanda sa mesa.

"Alam mo Mj.. nawiwirduhan ako kay Ram," sabi pa ni kuya.

"Bakit naman kuys?" (Kuys talaga yan hindi typo) tanong ko.

"Syempre.. tinatawag ka niyang Venice at isa pa bigla ka na lang niyang niyakap kahapon," usal niya pa.

"Mahal na mahal niya kasi yung babaeng kamukha ko at iniisip niya na ako siya," matamlay na sagot ko.

"Bakit nasaan ba yung babaeng minamahal niya?" tanong pa ni kuya.

"Ewan.. sabi ni Kian nasa America daw,"

"Kian? Si Maki?" tanong niya pa.

Tumango naman ako.

"Pero baka hindi na daw bumalik," sabi ko pa.

"Bakit naman? May mahal ng iba? May asawa na? O.. patay na?" tanong ni kuya.

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil parang biglang sumikip ito.

"Mj! Ayos ka lang ba?" agad naman akong nilapitan ni kuya at nag-aalala niya akong tinignan.

"Ayos lang ako kuya.." paniniguro ko sa kanya.

"Huwag ka kasing masyadong nagpapagod baka bumalik yung sakit mo," paalala ni kuya. Tumango na lang ako.

"Kailan ka babalik sa Maynila kuya?" pag-iiba ko sa usapan dahil alam kong pagsasabihan na naman ako ni kuya tungkol sa sakit ko.

"Kararating ko lang nung isang linggo tapos pinapaalis mo na ako?" biro niya pa saka naglungkot-lungkutan.

"Baliw!! Hahaha.. tinatanong ko lang naman kuya kasi sabi mo hindi ka magtatagal dito," natatawang ani ko.

"Hindi ko pa alam e.. kapag siguro tinawag na ako nung boss ko," sagot naman niya.

"Pero di ba kaibigan mo naman yung boss mo kuya?"

"Yep,"

"E di pwede kang magtagal dito,"

"Hindi rin.. madami kasing trabaho sa office sa Maynila at may project pa kaming kailangang tapusin," sagot ni kuya.

"Pero kuya.. bihira ka lang namin makasama tapos ang bilis-bilis mo pa bumalik sa Maynila," paglalambing ko pa.

"Sabi naman kasi sa inyo sumama na kayo sa akin sa Maynila dahil malaki naman yung bahay ko dun kaso ayaw niyo," reklamo naman niya.

"Ayaw kasing iwan ni lolo ang buhay natin dito sa probinsya at isa pa kuya.. alangan naman iwan natin si lolo dito di ba?"

"Hayss.. oo na,"

Tinulungan ko na lang si kuya na ihanda pa yung mga pagkain sa papag. May mesa naman kami kaso doon nakalagay yung mga termo, lalagyan ng kape, asukal at gatas, pati lalagyan ng tubig kaya sa papag na kami nagmemesa. Bukod sa mas maluwang hindi pa gaanong nakakangawit.

Nang maihanda na namin ang lahat ng pagkain ay siya namang pagdating nung magkakaibigan.

"Hi Venice!!" masiglang bati ni Ram sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Saka ko lang papansinin kapag tinawag na niya ako sa tunay kong pangalan..

Sorry Ram pero hindi talaga ako si Venice..

Hindi ako yung babaeng hinihintay mo sa loob ng sampung taon..

At hindi rin ako yung babaeng tinitibok ng puso mo..

"Hi Mia!" si Iyen.

"Hi" si Jayden.

"Hey Mia!" Si Yahen.

"Mia..," si Kian.

"Hoy! Paano naman ako? Hindi niyo ako babatiin?" tanong ni kuya.

Natawa naman sila maliban kay Kian na as usual ay naka-angry bird mode na naman.

"Sup Ken!" Yahen.

"Yo!" Iyen.

"Musta Kennedy," Jayden.

"Hey Kenny," Kian.

"Hi Ken," Ram.

Bati naman nung lima sa kanya. Parang close na close sila kung magbatian. Kanina lang tinawag ni kuya si Ram na weird tapos ngayon nakikipag-high five na siya sa kanila.

"Hoy Maki! How many times do I have to tell you not to call me Kenny?" inis na sabi ni kuya.

"Bakit ba?" patay malisyang tanong ni Kian.

"Anong bakit ba!?"

"Miro calls you Kenny so what's the matter if I call you Kenny too?" sagot naman ni Kian.

Teka!? Magkakilala ba si kuya at si Kian?

Taka kaming nakatingin sa kanilang dalawa. Magtatanong na sana ako kung magkakilala sila kaso may nauna na..

"You know each other dwarfy?" tanong ni Iyen at natawa naman kaming lahat dahil sa itinawag niya kay Kian.

"Hahahaha.. Grabe! Okay na ako na tawagin mo akong Kenny at tatawagin naman kita dwarfy hanep!" Kantyaw pa ni kuya.

"Shut up, popcorn!!" singhal ni Kian kay Iyen.

"Teka.. magkakilala kayo ni Kian kuya?" tanong ko kay kuya at tumango naman siya.

"Kapatid ni Maki ang boss ko.. si Miro," sagot ni kuya.

"Woah! Small world," ani Yahen naman.

Kaya pala. Ilang sandali pa ay dumating na din si lolo Isko matapos niyang painumin si susana at kumain na kami. Nagkukwentuhan sina kuya, Yahen, Iyen at lolo. Hindi ko masyadong maintindihan yung kwentuhan nila kasi naiilang ako sa mga tingin ni Ram. Nasa harapan ko siya habang nasa magkabilang gilid ko naman sina kuya Ken at Kian. Katabi naman ni kuya si lolo at si Jayden naman ang katabi ni Kian. Si Iyen naman at si Ram ang magkatabi. Pabilog ang pwesto namin pero medyo magkakalayo kasi nga sa papag kami kumakain.

"Kailan ba ang balik niyo sa Maynila mga balong?" tanong ni lolo sa kanila.

"Isang buwan po ang bakasyon namin kaya baka po last week of October na ang uwi naman lolo," magalang na sagot ni Yahen.

"Kung ganoon ay medyo matagal-tagal din kayong mamamalagi dito sa probinsya," nakangiting ani lolo.

"Ganon na nga po.." si Yahen.

"Kung ganon ay may mga binata na rin ang makakakwentuhan.. puro matatanda na lang kasi lagi ang nakakausap ko e," tumatawang biro ni lolo.

"No prob'z lolo Isko," si Iyen.

Matapos naming kumain ay naghugas na ako ng pinggan habang nagtungo naman sa ilog sina lolo at yung magkakaibigan. Pumunta naman sa bayan si kuya Ken para bumili ng ulam mamayang tanghali.

"Venice!!" alam kong si Ram ang tumawag sa akin pero hindi ko siya nilingon.

Tinapos ko na lang ang hugasin ko at iniligpit ito.

"Bakit hindi mo ako pinapansin Venice?" nakanguso pang tanong niya pero hindi ko pa rin siya pinansin. "Mia.."

"Bakit?" tanong ko ng tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Do you hate me?" nawala na ang mga ngiti niya ng itanong sa akin iyon.

"Hindi," deretsong sagot ko.

"Are you afraid of me?" tanong niya ulit.

"Bakit naman ako matatakot sayo?" tanong ko din.

"Kung ganon.. bakit parang iniiwasan mo ako?" inayos ko munang mabuti yung mga pinggan saka ako humarap sa kanya.

"Ram.. wala akong dahilan para iwasan ka at isa pa hindi naman tayo close kaya pansinin man kita o hindi, walang kaso yun," pandederetso ko sa kanya.

"Venice--"

"Mia, Ram.. Mia ang pangalan ko," pagtatama ko sa kanya.

"We'll be staying her for about a month. Convince Rameigh that you're not Venice and that Venice won't be coming back anymore,"

Naalala ko yung sinabi ni Kian sa akin kagabi. Mananatili sila dito sa loob ng halos isang buwan at sa loob ng araw na yun ay kailangan kong makumbinsi ang lalaking nasa harapan ko ngayon na hindi ako ang babaeng hinihintay niya at.. ang babaeng iyon ay hindi na babalik.

Pero bakit naman nasabi ni Kian na hindi na babalik si Venice?

"Sige.. if you want me to call you Mia.. tatawagin kita sa pangalang gusto mo pero sana naman hayaan mong ipaalala ko sayo kung ano ang meron tayo," may nababasa akong lungkot sa mga mata niya.

Bumuntong-hininga ako at tumingin ng deretso sa kanya.

"Rameigh, wala kang dapat ipaalala sa akin dahil wala naman tayong alaala dahik hindi ako si Venice," pagpapaintindi ko pa.

"Kung hindi ikaw siya.. ipaliwanag mo itong nararamdaman ko ngayon habang kinakausap kita.. bakit ganito yung nararamdaman ko?" matigas na tanong niya.

"Bakit.. ano bang nararamdaman mo?" tanong ko din.

"Masakit.. dito," turo niya sa parte ng puso niya. "Pero masaya ako dahil nakikita na kita.." usal niya pa.

"Ram.. hindi ako si Venice at sigurado ako dun, wala akong nakakalimutan dahil naalala ko lahat ng detalye sa pagkatao ko simula ng bata ako," wika ko.

"You keep on denying it and I badly want to believe you.. I want to leave you alone and wait for the real Venice but my heart is telling me not to," parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib ko ng makita kong tumulo ang mga luha niya. "Gusto kong maniwala na hindi nga ikaw siya pero.. kahit anong gawin kong pangungumbinsi sa utak ko nananalo pa rin ang puso ko.. Mia, my heart is telling me that you are Venice," he insisted.

Huminga ako ng malalim at tumingin ng deretso sa mga mata niya.

"Minsan ay nagkakamali ang puso, Ram.. hindi lahat ng sinasabi ng puso ay totoo at dapat paniwalaan lalo na kung ang usapan ay tungkol sa pagmamahal," pagpapaalala ko sa kanya. "Ako mismo ang nagsasabi sayo na hindi ako si Venice at kahit kailan ay hindi ako magiging siya," dagdag ko pa. Lalo namang tumulo ang mga luha niya habang umiiling.

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil parang sumisikip na naman ito. Bakit ba kasi kailangan niya pang umiyak sa harapan ko?

"Nagawa ko ng maghintay ng sampung taon at magagawa ko ulit maghintay hangga't sabihin mo sa akin na ikaw si Venice," desedido talagang usal niya.

"Ram.. minsan ang paghihintay sa taong mahal mo ay kailangan mo ring tigilan dahil hindi lahat ng naghihintay ay binabalikan,"

Nasaan na ba kasi yung Venice na yun?

Bakit hindi na niya mababalikan si Ram?

Bakit hindi man lang niya sinabihan ang lalaking 'to na huwag ng maghintay sa kanya?

"Nangako siya e.. Venice, you promise me na babalikan mo ako at magiging masaya tayo pero bakit ngayong nakita na kita sinasaktan mo naman ako?" alam kong para kay Venice ang tanong na yun pero ako yung nasaktan.

"Ram.. tigilan mo na ang paghihintay dahil hindi na babalik si Venice," sabi ko.

"NO! Hayaan mo akong ipaalala sayo ang lahat, please Venice, let me," pakiusap niya pa.

Paano ba 'to?

Ano bang dapat kong gawin sa lalaking 'to?

Nako naman!!

Mukhang kotang-kota talaga siya na paniwalain yung sarili niya na ako si Venice. Paano ko naman ipaiintindi sa kanya na hindi ako ang babaeng mahal niya at hindi na siya babalik sa kanya!?

Bakit ba naman kasi ako pumayag sa hininging pabor ni Kian e!?

"Paano mo naman gagawin yun?" tanong ko na lang dahil mukhang mahihirapan pa akong kumbinsihin siya ngayon.

Nagliwanag naman yung mukha niya saka niya pinahid yung mga luhang tumulo sa mukha niya. "Akong bahala!"

"Fine," sagot ko na lang.

"Sige!! Pupuntahan kita dito mamayang hapon.. mamamasyal muna kasi kami ng mga kaibigan ko e," nakangiti na ngayong sabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay patakbo na siyang umilis. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa mga pinag-usapan namin.

Totoo pala na kapag lalaki ang umiyak talagang masasaktan ka..

Pero bakit kaya hinayaan ni Venice na maghintay ng ganon katagal si Ram?

Shocks!! Ayoko ng ganitong feeling!

Ayokong mag-isip ng mga bagay na wala namang kinalaman sa akin!!

Pero teka.. wala nga bang kinalaman sa akin yun?

Waaaahhhhh!!

Ayoko na talagang mag-isip!!

Venice..

Ram..

Kian..

You three are confusing me!!