CULPRIT
After two day ay inilabas din namin si Ate sa ospital sa tulong ni Tran. Sa dalawang araw na pamamalagi ni Ate ay laging sumasabay sa akin si Tran para bumisita. Nakakainggit lang.. dahil yong lalaking gusto ko ay si ate naman ang gusto..
We found out that the tablet I found on the when they suctioned her was analgesic. Ang sabi nang doctor, she planned to overdose with those tablets. Nagulat kami. Dahil wala kaming kaalam alam na may problema palang dinadala si Ate na ang ginawa nyang solusyon ay ang pagpapakamatay.
My mother and her talked privately. After they finished, I could see that they patched things up.
Everything went back to normal. Kaya masaya na ulit ako. Si Ina na ilang araw binantayan si Ate ay nasa palengke na ulit kasama si Tyong..
Binuksan ko ang bintana ko paggising ko para mapahanginan ang kwarto ko. Pakanta kanta akong nag ayos ng pinaghigaan ko at lumabas.
Nabungaran ko agad si Tyong na nakangangang natutulog sa sofa. Marahil ay napuyat kagabi sa inuman. Napailing iling lang ako at naghanda na ng almusal para sa mga kapatid ko.
Nang matapos ay kumain na ako ng naligo. Paglabas ko ay nakaupo na sina Ate at Dahlia at tahimik na kumakain.
Mabilis akong nagbihis at bago ako umalis ay kinuha ko ang sapatos ni Tyong sa may tokador at ipinatong sa dibdib niya para makita niya agad pag gising niya.
Pagpasok na pagpasok ko sa school ay nakaramdam agad ako ng kakaiba. At nakakapagtakang walang mga students na nakakalat sa parking lot o kaya naman sa locker room. Mabilis kong kinuha ang mga pang umaga kong libro at itinambak ang panghapon sa locker ko bago lumabas at lumingon lingon.
Weird.. isinawalang bahala ko na lang at dumiretso na sa student council office. Along the way, I heard grade eleven students that were talking about someone.
"Kawawa naman." Comment ng isa.
"Kung ako ang may boyfriend na ganyan, nako ipapakulong ko siya."sabi naman ng isa. Nagtataka akong humarang sa kanila.
Agad silang ngumiti at binati ako.
"Morning girls.. anong nangyayari?"tanong ko sabay tingin sa kumpulan ng mga students sa bulletin board.
"May nakastapled kasing pictures nong grade twelve sa bulletin. Kaya pinagkakaguluhan doon. Buti nga Miss President at dumating na kayo. Tignan nyo po yong mga pictures. Maaawa kayo sa kanya.."sabi nila at hinila ako.
Nang makita ako ng mga students ay agad silang nagbigay daan sa akin para makita ang bulletin.
I was shocked to see Laila's not so good pictures attached to the board. Tinignan ko ang mga pictures at nainis sa kung sinumang naglagay nito. Hindi dapat ipinapakita ang ganitong bagay sa publiko.
Napailing ako at isa isang tinanggal ang mga ito.
Bugbog sarado siya sa mga pictures. Sa school parking nangyari ito. Parang noong nakaraan lang na sinubukan ko siyang iligtas.
Hindi ko maintindihan bakit hindi pa niya hiwalayan ang boyfriend niyang ginagawa lang siyang punching bag.
Napatigil ako nang makita ko ang mga kaibigan kong tumulong na rin sa akin. Ang hirap tanggalin dahil parang galit na galit na dinoble pa ang pagkakastaple ng bawat pictures at pinuno ang malaking bulletin.
Nagsimula na ring magtanggal ang mga member ko sa student council. Kaya tumulong na rin ang iba.
Nang makarinig kami ng malakas na bulungan ay napatigil kami at nakita ko si Laila na seryosong papalapit sa amin. Mabibigat ang mga hakbang. Nakasuot siya ng coat ng school at makapal na make up na alam kong pantakip sa mga pasa niya. Ang ibaba niyang labi ay namamaga pa rin.. gusto kong maawa.
Umalis ang mga members ko para bigyang daan si Laila. She then ripped off her picture from the board and shredded it. She was fuming mad then laughed sarcastically while looking at the crowd. Everyone stepped back when her eyes met theirs. Then she focused it on me.
"Ang galing ah.. nagkaaway lang tayo kahapon, rumesbak na agad ang mga alagad mo? I didn't know that you'll stoop down to this level.."she said while laughing hysterically. Then her smile faded.
"Or maybe you did this yourself Miss President? So I'll leave you alone or even leave this school in shame.."she concluded then threw the shredded picture on my chest. Napapikit lang ako. Naramdaman kong lumapit ang mga kaibigan ko sa akin at umalalay.
"Everybody listen up! Ganito bang Presidente ang gusto nyo sa school na to? Bully.. a devil.. you all can do better than that!"she said then pointed her finger on me.
"I want you to step down on your post Miss President. You don't deserve it." Tumalikod na siya sa akin at lumakad palayo. Lahat sila ay nakatingin lang sa kanya.
Nanghihinang napasandal ako kina Megan.
"Bestie.. are you okay?"Shanelle asked. Napatango lang ako at ngumiti ng maliit.
"Ayusin na natin ito para makapasok na tayo sa classroom." Nasabi ko.
Nagsimula ulit silang tumulong sa akin.
"Alam ko po Miss President na hindi nyo yon magagawa."sabi nang nasa likuran ko kaya napalingon kaming magkakaibigan.
Nakatayo ang limang grade seven students na tinuturuan ko. Ngumiti ako sa kanila. Pagkatapos ay nagkumpulan na ang iba pa para sabihin ang kanya kanyang naiisip.
Napangiti na ako dahil lahat ng mga sinasabi nila ay puro positive patungkol sa akin.
"Salamat guys.."nakangiti kong tinapik isa isa ang mga ulo nila. They smiled back and continued what they're doing.
When the bell rang, we all parted ways.
Every start of the class ay palagi akong lumilibot para icheck lahat ng mga rooms sa school. After my walk on the school ground, I entered our room quietly. Nakita ko ang bakanteng upuan ni Laila kaya napatingin ako kay Megan na seatmate ko. Sina Shanelle naman at Arana ang magkatabi sa likuran namin.
"Nagpunta sa infirmary kasi dumugo yong labi niya Pres."pabulong na sagot ni Megan. Napatango lang ako. Nang pumasok ang teacher namin sa first period ay agad niya akong sinabihan na magpunta sa principal's office bago ako maglunch.
"Good morning class, I want you to get your exercise book and turn the page to 13."Mrs Marasigan said.
Everyone groaned. Napatingin ako kay Megan na may nginunguya na. Napailing ako. Ang takaw talaga nito. Kakasimula pa lang ng klase..
"Megan, stop that."I whispered.
"Pero nagugutom na ako." She said then pouted. Naglabas kami ng libro at hinanap ang pahina.
I rolled my eyes on her. "Lagi ka namang gutom. Bahala ka dyan. Kapag nahuli ka, detention na naman."
"Tssk. Sa gutom ako eh. Anong magagawa ko?.."parang bata nyang angal. Ang cute talaga nitong babaeng ito.
"Fine." Natatawa kong sabi.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Travis na magkasalubong ang kilay. Parang galit.
"Morning Missus." Travis greeted our teacher with dead tone.
"Do you know what time is it now?"Mrs Marasigan asked with her eyebrow raised up.
"You're the teacher here. You tell me." Travis said unbothered.
Napasampal ako sa noo ko sa sinagot niya at yumuko. Halatang wala siya sa mood pero hindi dapat niya sinasagot si Missus nang ganon..
"Out! Get detention slip from the office. Now!" Her voice boomed that made my classmates jumped on their seats.
Yan tuloy.. nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin. Bigla akong kinabahan sa tingin niya. Tapos tumalikod na siya at tahimik na lumabas habang nakapamulsa. Hindi ko alam bakit ganon siya makatingin..
Nang mawala siya sa paningin namin ay hinampas na ni Mrs Marasigan ang whiteboard para makuha ang atensyon namin.
"Now, answer the first question Miss Relano!" She said a bit annoyed. Nanigas sa tabi ko si Megan. Kaya napatingin ako sa kanya. Hindi siya magkandaugaga sa pagpunas ng bibig niya at paglunok.
Sinabihan na kasi.. dahan dahan siyang tumayo at nanginginig ang boses na binasa ang tanong bago sinagot ito.
Napatango tango ako sa sagot niya. Nang pinaupo na siya ng teacher namin ay halatang nakahinga siya ng maluwag.
"Thanks Pres."sabi niya sabay ngiti ng maluwag. Napathumbs up lang ako at nakinig na.
Nag advance reading kami kahapon kaya wala na siyang problema.
Matapos ang last subject namin sa umaga ay dumiretso na ako papunta sa office ni Mr Principal.
Habang naglalakad ay nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa may puno malapit sa grade eleven building at animong natutulog dahil may nakatakip na panyo sa mukha niya. Napailing ako nang makilala kung sino ito.
Lagi nalang talaga..
Lumapit ako at tinapik ang braso niya para gisingin. Nang hindi magising ay pumalakpak ako malapit sa tainga niya.
Napaupo si Travis ng diretso at napatingin sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at itinuro ang orasan sa may fountain. Magaan na ang loob ko sa kanya dahil okay na kami..
Tumingin lang siya sa akin nang seryoso at hindi gumanti ng ngiti kaya naupo na ako sa tabi niya.
"May problema ba Travis?"nag aalala kong tanong. Pero hindi siya sumagot kaya napabuntong hininga nalang ako at tumayo na.
"I waited for you Sampaguita.."napatigil ako sa paglakad at humarap sa kanya nang may pagtataka.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Yesterday. I told you to meet me up."he said while clenching his jaw.
"T-teka! May sinabi kabang magkita tayo? Wala akong matandaan!"nagpapanic kong sabi.
"I threw the paper to you. You even put it in your pocket!"he said then stood up and walked away.
Napahabol na ako sa kanya.
"Paper? Wala akong maalala.." nanlaki ang mga mata ko at napakapa sa palda ko. Pero nagpalit na pala ako ngayon ng bagong palda.
Napakagat ako ng labi.
"Sorry Travis.. hindi ko nabasa yon kasi marami akong tinuruan kahapon.."
He stopped and raised his hand up. telling me to stop talking.
"I'll hire you as my tutor then to get some of your time.."nanlaki ang mga mata ko at napailing.
"Matalino ka na! Hindi mo na kailangan ang tulong ko-"
"I said I want some of your time Sampaguita." Napabuntong hininga ako.
"Sige.. mamaya sama ka na lang sa amin nina Megan para magbasa sa library. Hindi mo na kailangang i-hire ako." Nakangiti kong alok.
"I want you alone." Seryoso niyang sinabi. Napakamot ako ng ulo. Ang hirap niyang kausapin.
"By year kasi yong tinuturuan ko. At kina Megan-"
"Never mind." He then walked away.
Napahabol na lang ako ng tingin at napakamot ng ulo. Mga lalaki talaga ang hirap ispelingin.
Nang makarating ako sa Principal's office ay kumatok ako nang malakas
"Come in" his deep voice thundered.
I took a deep breath and open the door. Nakita ko si Principal na seryosong nakatingin sa akin at halata na may hindi nagugustuhan sa nangyayari.
"I heard what happened yesterday and today Miss Ranoco. It seems like this is getting out of hand."napabulsa ako.
"Do you wanna explain yourself?"he then looked at me.
I swallowed hard and looked straight in his eyes.
"I'll investigate about what happened today Sir."
"Miss Sigua's parents just donated a big sum of money to our school Miss Ranoco. How can I face her parents if you, the school president was involved in the catfight with their daughter?" Halata ang pinipigilan niyang galit.
"I never did anything wrong Sir-"
"She said you spread her private photos."his voice boomed.
"Sir, hindi naman po fair na sa akin niyo isisisi yong nangyari ngayon dahil lang nag away kami kahapon. I'm innocent until proven gulity." Gusto kong magdamdam dahil matagal na ako dito at ni minsan ay wala pa akong nakaaway..
"And if I'm the culprit here, I won't do this thing right after we had a fight because I will get the blame Sir."I answered.
"Very well said. I expect you catch the culprit and clean your name. Otherwise, you have to step down as the President because I'll never tolerate bullying. You have four weeks to do that."
I balled my hands inside my pockets.
"Thanks Sir." I turned my back.
Of course.. ang mapera ang papanigan agad kahit wala pang ebidensya.. dahil sa mundong ito..
Walang impossible kapag marami kang pera..
"And by the way, the family of the founder of our school will be coming here to celebrate our school anniversary. And I'm planning for an open day Miss Ranoco.. so I will count on you."
I glanced at him for a couple of seconds before nodding. "I'll do my best Sir."
"Have a great day then Miss Ranoco." He said dismissively.