DINNER
Kumaway ako kina Shanelle nang makalabas ako ng kotse. Ibinaba niya ang bintana at kumaway din sa akin. Nginitian ko si Ashmere na hindi man lang ako tinignan bagkus ay seryosong nakatingin sa likuran ko. Parang may hindi nagugustuhan. Siguro na turn off sa kalumaan ng bahay namin.
Napasunod nalang ako ng tingin sa papalayong sasakyan nila.
"Sampaguita.."tawag sa akin ni Tran sa likuran ko. Saktong papalabas siya ng bahay namin.
"Tran! Kamusta?"nakangiti kong bati. Hindi ko mapigilang ngumiti sa kagwapuhan niya..pero parang may nagbago sa feelings ko para sa kanya.. parang mas gusto ko na si Ashmere.. siguro dahil wala akong pag asa..
Napasulyap ako sa pintuan namin at nakita kong nakasilip si Ina at nakatanaw sa sasakyan.
"Sino yon?"nagtatakang tanong ni Tran. Kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Ah.. kaibigan ko. Sila yong pinuntahan ko kagabi."sagot ko at nagsimula nang maglakad.
"Yong lalaki, sino yon?"napapalunok na tanong ni Tran. Agad akong bumati kay Ina at nagmano.
"Bagong sasakyan yon ah. Mamahalin. Sino yon boyfriend mo?"tanong ni Ina.
Napailing ako agad. "Bagong lipat po sa school namin Ina..classmate ko. Sila po yong pinuntahan namin nina Megan."tanggi ko.
"Hay nako.. ano pa nga bang maaasahan ko sayo. Puro kaibigan lang ang kaya mong dalhin dito. Nasa pang mayaman kang eskwelahan pero wala man lang pagkamaling ligawan ka at nang makaambag ka naman sa gastusin sa bahay. Walang kwenta."bulong ni Ina na narinig ko.
Sa likod ko naman ay napabuga ng hangin si Tran sa likuran ko.
"Okay ka lang?"tanong ko nang may ngiti ulit sa labi. Sanay na ako sa pagpaparinig ni Ina sa akin.
Napakamot siya ng kilay. Ang cute dahil para siyang nag aalangan..
"Magpapatulong ka kay Ate?"bulong ko at hinila na siya sa may sofa namin.
"Hindi-"
"Kailangan mo ng payo?"
"Hindi-"
"Ay alam ko na.. aayain mo siyang magdate?"
"Hindi Sampaguita-"
"Gia na lang ang itawag mo sa akin Tran!"naiinis ko ng sabi.
"Okay.. Gia-"
"Sabi ko na nga ba eh! Magtatapat kana?"excited kong tanong. Napabuntong hininga siya at napakamot sa kilay.
" Sa gwapo mong yan Tran.. alam mo kung magtatapat ka kay Ate , baka mapansin kana niya.."advise ko. Biglang nanakit ang puso ko.
"Kasi Gia.. gusto sana kitang ayaing lumabas ngayong gabi.. wala akong maisama sa dinner meeeting ko sa magiging client namin.."Napaawang ang labi ko.. date na rin ba ito??
"K-kasi.. wala si Ate mo. May pupuntahan daw.."kinakabahang sabi ni Tran.
Napatango tango ako.. biglang nalungkot.. syempre.. second choice lang ako kapag hindi pwede si Ate..
"Sige.. sino bang client yan?"pilit ang ngiti kong tanong. Sumasakit ang puso ko. Akala ko si Ashmere na ang gusto ko.. si Tran pa rin pala..
"Wright.."pabulong na sagot niya na hindi ko maintindihan dahil mas nangibabaw ang sakit sa puso ko.
"Anong oras ba?"
"Half five, kailangan na natin umalis.."
Napatango ako at sinilip ang iphone ko. May dalawang oras pa ako para maghanda.
"Sige.. buti nalang pala nakauwi ako agad.. kundi wala kang maisasama."hindi ko mapigilang magkomento.
"Sorry Gia.."bakas ang pagsisisi sa mga mata niya.
Tumango ako at ngumiti ulit.
"Bakit ka nagsosorry? Ayos lang.. magkapitbahay tayo kaya dapat lang na magtulungan tayo.."sabi ko at nagpaalam na.
Napipilitang tumayo na rin si Tran at napakamot ng kilay na lumabas ng bahay namin.
Napasunod lang ako ng tingin sa kanya na panay ang suntok sa noo habang papalayo.
Napatakbo na ako sa kwarto ko nang akma siyang lilingon sa bintana namin.
"Bakit kasi hindi mo na tapatin yon?"Napatalon ako ng makita si Ate na nakatayo sa may banyo paglabas ko galing sa shower. Nakabihis na ako ng simpleng black square neckline above the knee dress.
"Tapatin? Anong sinasabi mo?"Bigla akong kinabahan.
"May gsuto ka kay Tran. Tapatin mo na. Nakakainis kayong tignan. Parehong mga tanga."inis na sabi ni Ate.
"Hindi ah!"Deny ko at nilagpasan na siya. Hindi magandang malaman ni Ate ang nararamdaman ko dahil baka mabasted pa si Tran.
"Sabagay.. mukhang bigatin yong naghatid sayo kanina.. siya nalang ang jowain mo."napalingon ako sa kanya nang makitang hindi siya nakabihis.
"Wala ka bang lakad?"takang tanong ko.
"Wala. Pahinga ko.."sabi niya at tinalikuran na ako at pumasok sa kwarto niya.
Napasunod lang ako ng tingin.. akala ko ba may lalakarin siya? Ano yon nagsinungaling siya kay Tran para hindi makasama?
Ang sama talaga ni Ate!
Nagngingitngit na pumasok ako sa kwarto at naglagay ng make up.
"Kawawa naman ang sinta ko.. inaayawan.. kung sa akin nalang kasi siya... hay buhay.."umiiling na sabi ko at nagpatuyo na ng buhok.
After kong maitali ang buhok ko ay kinuha ko na ang black leather sling bag ko at lumabas na ng kwarto. Nakita ko si Tran na hindi mapakaling nakaupo sa sofa kaharap ni Ina. May mga pagkain at paperbags sa coffee table namin. Nanlaki ang mga mata ko.
"Gia! ang bagal mo talagang kumilos. Kanina pa si Tran dito!"sigaw ni Ina kaya napabilis ako ng lakad. Nakablack wedges lang ako kaya mas nakakalakad ako ng mabilis.
Napatayo na si Tran at ngumiti nang kinakabahan sa akin.
"G-Good evening Gia." Napangiti ako at sinalubong siya ng yakap. At kumalas agad para magpaalam na kay Ina.
Nakita ko si Ate na nakatingin sa amin sa may kusina.
Nakakainis na nagpakita pa siya kay Tran. Hindi man lang nahiya sa kasinungalingan nya. Napairap ako sa hangin.
"Humayo na kayo at Tran, wag mong hayaang mapahiya ka dahil kay Gia. Ewan ko ba bakit siya pa ang nagustuhan mo.. nako.."bubulong bulong na sabi ni Ina.
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Ina dahil mabilis na akong hinila palabas ni Tran.
"Sa may Seaside Restaurant tayo. Swerte ko nga dahil nahuli ko ang big boss dito sa Alaminos." Kwento ni Tran. Napapatango ako.
Nagtatrabaho siya sa advertising. At may ilang taon na rin sa company nila. Maayos na trabaho, may sariling bahay at higit sa lahat, gwapo at macho. Kulang nalang ay asawa.. at si Ate na yon..
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa party na pinuntahan ko kagabi. Halata ang interes niya.
"We're here." Sabi niya at pinark ang sasakyan sa bandang dulo. Mabilis siyang umibis ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.
Nakangiti akong nagpaalalay.
Nang makapasok kami ay palingon lingon ako sa loob. Ito yong mamahaling restaurant sa lugar namin.
Napakaganda ng lugar. Ang kalahati ng restaurant ay nasa tubig at glass wall ito kaya sobrang gaganahan kang kumain.
Pinaupo kami sa may pinakadulong mesa. Sa tabi ng glass wall. Wala pa ang kameeting niya kaya inaabala ko nalang ang sarili sa pakikipag usap kay Tran.
Pinagusapan na rin namin ang mga nakasulat sa Menu.
Napangat ako tingin nang may tumayo sa tapat namin. Hinanda ko na ang ngiti ko na biglang nawala dahil ang nakatayo sa harap ko ay si Coles na may seryosong mukha na nakatingin sa akin.
Tumayo na si Tran at binati si Coles na nakatingin pa rin sa akin.
Bigla na akong pinagpawisan kahit malamig naman.
"Please take a seat Mr Bermudez and Miss Sampaguita." Alanganin akong ngumiti sa kanya. Kung kagabi at kanina ay sobrang friendly niya, ngayon ay ibang aura na niya. Nakakatakot. Siguro dahil pera na ang pinag uusapan.
Napalingon ako nang tingin kay Tran nang hawakan niya ang nanlalamig kong kamay.
Napalundag ako sa upuan ko nang biglang ibagsak ni Coles ang menu.
"Are you okay Mr Wright?"magalang na tanong ni Tran at pinisil pisil ang kamay ko. Napahila ako nang kamay ko nang matalim na tignan ni Coles ang mga kamay namin.
"You don't mind if we wait for my friend who's also interested in your advertising company do you?"Walang kangiti ngiting tanong ni Coles.
"Certainly not."nakangiti na nang maluwag si Tran.
Napahinga ako ng malalim at binuklat ang menu kahit alam ko na ang nakalagay.
Sino kayang kaibigan niya? Siguro naman ay hindi si Ashmere..
"Sorry, I'm late." Narinig kong sabi nang bagong dating.
Bigla akong nanghina. At napipilitang tumayo nang tumayo si Tran para magpakilala kay Ashmere fucking Monteverde na halata ang bagsik sa mga mata at nakatingin sa akin. Basa pa ang buhok na halatang kakashower lang at nagmadaling pumunta dito. Nakasuot nang black long sleeves dress shirt na hapit sa katawan at black slacks. Napakagwapo at sobrang lakas appeal..Nanginginig na kinamayan ko si Ashmere para magpakilala din.
"I know her.."he said sternly. At hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Napatingin ako kay Coles na nakikiusap na sabihan si Ashmere.. pero nakataas lang ang isang kilay niya at naupo na. Walang kangiti ngiti.
"She's my sister's new friend."nakahinga ako ng maluwag at binawi na ang kamay kong sobrang lamig.
"Oh. What a small world."comment ni Tran at inalalayan akong maupo. I heard a low growl from Ashmere. He was clenching his jaw. He was looking at Trans hand while holding my elbow. I immediately pulled my elbow away. At napayuko.
Si Tran naman ay naupo lang sa tabi ko at tinanong ako kung okay lang ako. Tumango lang ako at pabulong na sinabihan siyang hwag akong alalahanin at makipag usap na sa mga kameeting niya. Naputol ang sasabihin sana ni Tran nang magsalita ulit si Ashmere. Mas matigas na ang english.
"So, I want to know how far you can go just to get a contract from my company Mr Bermudez."
Mas napayuko pa ako at pinaglaruan ang mga daliri sa ilalim ng mesa. This would be a long dinner..
Inorderan na ako ni Tran nang makakain ko at tahimik kong pinapanood ang tubig sa ibaba ng restaurant habang nag uusap silang tatlo. Nakaharap ako sa glass wall dahil hindi ko makayanang tignan sina Ashmere. Parang bubuga siya ng apoy. Hindi ko maintindihan.. wala naman akong ginagawa sa kanila.
Nang iserve ang pagkain ay binalatan ako nang hipon ni Tran na kahit anong tanggi ko ay hindi siya nagpapigil. Lalo akong hindi mapakali dahil dinig na dinig ko ang pagmumura nilang dalawa. Parang konting konti na lang ay mang aamok na sila ng away.
Baka ayaw nila akong kasama dahil wala naman akong silbi dito? Para akong extra. At isa pa hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila.
Nakakahiya lang.
Halos hindi ko malunok ang pagkain ko kaya bawat subo ko ay ang pag inom ko ng pineapple juice.
Nang sasalinan ulit sana ako ni Tran ay napailing na ako. Sobra siyang attentive sa akin na para kaming may relasyon..
Nakakahiya sa mga kameeting niya dahil wala naman silang mga kadate..Nang hindi ko na makayanan ang tensyon ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko na magbabanyo lang.
Ramdam ko ang mga titig nila sa likuran ko.
Pagbalik ko ay si Ashmere na ang katapat ko at wala na rin sina Tran at Coles.
Napayuko ako agad at kunwaring nagpipindot sa cellphone ko.
"You can't wait for your lover huh?"madiing sabi niya. Napaangat ako ng tingin.
His eyes were like burning. Napalunok ako at umiling..
"H-hindi kami.. nakiusap lang na samahan ko siya k-kasi hindi nakasama si Ate ko.."pahina nang pahina na sabi ko at yumuko ulit.
"Who are you texting then?"mainit na tanong niya.
Nanginginig na inilapag ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang chat namin nina Megan.
Pinagmasdan ko siya habang binabasa ang mga usapan namin.
"So you're talking about me.."nakataas na ang isang kilay niya at binaba ang cellphone ko sa harapan ko. Biglang nawala ang dilim ng mukha niya.
Napakagat ako ng labi at nagback read. Ang pinag usapan namin ay yong nangyari sa theatre room kanina. Kung paano ako naapektuhan sa mga ginawa nya sa akin.
Nanghihinang napayuko ulit ako sa kahihiyan. Ang tanga ko talaga kahit kailan.. hindi ako nag iisip. Sa sobrang kaba ko ay pinakita ko pa ang mga messages namin..
Itinaas niya ang baba ko gamit ang hintuturo niya. May masuyo nang ngiti sa mga labi. Nawala bigla ang nakakatakot at mabagsik niyang itsura.
"I don't mind you talking about us with your friends.. but you have to leave some private things just between us in the near future baby.."he said gently then wiped my lower lip with his thumb.
Napakagat ako ng labi at tumango ng mahina..
Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil okay na ulit si Ashmere.. hindi na siya galit sa akin..
Pinakiramdaman ko ang puso ko at ang mabilis na tibok nito ngayong kasama ko siya..
Bakit.. parang hindi ganito kalakas ang tibok ng puso ko kapag kasama si Tran?
Ilang minuto pa ay hindi pa rin bumabalik sina Tran at Coles.
"Ashmere.. anong nangyari? Bakit wala pa sila?" Nag aalala kong tanong. Isang oras na kaming naghihintay sa dalawa.
Kumunot lang ang noo niya at nagkibit balikat habang hawak ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Parang walang pakialam.
Pagkatapos naming mag usap ay lumipat siya sa tabi ko at nagtanong tanong tungkol sa akin. Tinanong ko na rin siya. Magaan lang ang usapan namin. Habang pinipisil pisil niya ang kamay ko.
"Let's go home. You have classes tomorrow." He said in his serious tone.
"P-pero.. siya yong kasama ko Ashmere.. paano kung may nangyaring masama sa kanila ni Coles? Baka kung anong masabi ng parent niya sa akin!"
"Baby.. you're the girl here.. they won't blame you for anything.. and don't worry.. I'll call Coles to ask him about your neighbour."sabi ni Ashmere at inalalayan na ako para makatayo.
Agad niyang pinulupot ang braso sa baywang ko at tahimik kaming naglakad papunta sa car park. Nakita ko ang sasakyan ni Tran sa dulo.
Iginiya ako ni Ashmere sa kumikinang nyang BMW na itim. Inalalayan niya akong makapasok at kinabitan ng seatbelt bago umikot at sumakay sa driver's seat.
Humahangang tinignan ko ang loob ng kotse niya..
Ang ganda.. ang bango at sumisigaw ang pagiging mamahalin nito.
"Do you like this car?"he asked me. Napalingon ako sa kanya at umiling.
"Wala akong pambili.."sabi ko at pinindot ang malaking screen. Nanlaki ang mga mata ko nang umilaw ito.
"Cool! Touch screen na rin!"Excited kong sabi at nagpipindot..
"Sandali.. may music ako dito.. paano ba ikabit ito sa stereo mo?"tanong ko at inabot ang cellphone ko.
Nakangiting kinuha niya ang cellphone ko at ikinonek sa Bluetooth. Habang ginagawa ito ay itinuturo rin niya sa akin.
Nakangiti akong tumango.
"Salamat!"At sumandal na sa upuan at pumili ng mga kanta.
Napangiti ako nang marinig ko ang favourite kong kanta na pinapatugtog. Nang hindi pa rin paandarin ni Ashmere ang sasakyan ay napatingin na ako sa kanya
"A-ayaw mo ba?"tanong ko at kinuha ang cellphone ko para sana patayin ang tugtog. Mabilis niyang pinigilan ang kamay ko at ipinatong sa hita niya.
"No.. I'm listening while you're singing.."Nakaramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.
"Pero pwede ka namang magdrive habang nakikinig sa kanta.." nahihiya kong sagot.
"I wanna hear you sing your song baby.. will you let me?" Napatango ako at sumabay sa kanta.
"So pardon me
If I should stare
And tremble like a child
Nanginginig kong sinabayan ang kanta.
That wanting me look
All over your face
Is driving me wild
Napatingin ako sa kamay nyang humigpit ang hawak kaya napatingala ako sa mukha niya. Nakita ko ang init sa mga mata niya..
I'm just what you make me
Can't wait till you take me
And set all my feelings free
Biglang kumabog ang puso ko sa kaba.. at excitement..
I know that you can
So come be my man
Tonight, I want to be
Itinaas niya ang kamay ko at hinalikan ito nang matagal
Just another woman in love
A kid out of school
A fire out of control
Just another fool
You touch me and I'm weak
Napahingal ako nang gumalaw ang mga labi niya na animo hinahalikan ang mga labi ko..
Naalala ko ang paghalik niya sa akin. Bigla akong nainitan at hindi mapakali..
Itinigil ko ang pagkanta at mahinang tumawa sabay hila ng kamay ko at ipinatong sa hita ko.
"T-tara na?"sabi ko at tumingin sa mga mata nyang madilim.
May pinindot siya sa gilid at nabuhay ang makina ng sasakyan.
"Sure baby.."