webnovel

Obsessions: the unusual short stories

Crazy For Her What can you do for love? Are you willing to let go of the one who loves you wholeheartedly for the one who makes your heart beats faster? Who will you choose? The one you love or the one who loves you? Are you willing to bear the consequences of the decision you will make? ___ His dream Obsessing to pursue your dream is not a bad thing. Everyone wants to follow what their hearts desire, what they dreams to become. Pursuing and achieving that dream is what makes someone's life fulfilled. To be able to reach your dream. But what if the dream you wish to achieve have a lot of sacrifices to make? It will still be okay, right? The greater the sacrifice, the greater the fulfillment will be. Then let's see the sacrifices Charles Quizon have to fulfill his dream. ___ The chase We have different kind of race in life that we follow, that we need to chase. We chase to be the best, to be the number one. To be the greatest. But what if the race we want to chase is too hard, will you give up? Will you stop? What if the hardship is too much, will you chase a different kind of race instead? ___ The lover What can you do to attain the love of your life? What can you sacrifice to have that person? Are you willing to give up when the time comes that you found out the love of your life already loves someone else. Will you stay or fight for the love you have for that person, no what matter what happens? ___ The hands We have a different kind of obsession, with kpop idols, Hollywood actors and so on and so on. We like the way they smile, the way they dance or the way the act. We, sometimes are obsessed with how they look. What will you do to attain the sole thing you're obsessed about? What can you do and sacrifice to just have a glimpse of that, to be able to even just touch it? ___ The sounds We have different kind of addiction. Addiction to sweets, to chips, to drugs, to s3x etc. What if the addiction you have for the sounds will be something so fulfilling yet so painful? Is it really true, that pain with pleasure will be more satisfying? ___ Second Earth What if you were given a chance to experience a new life to a new Earth? Will you grab that chance and take off? If you will be at the second Earth what will you expect? ___ My only If you have a sole person who loves you and depends on you, will you be comfortable that they won't ever leave? What if you get too comfortable you bound to hurt that sole person, what will you do and can do to have that person back to your life? ___

spartace_lover · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
19 Chs

unfaithfully yours.. part 2

3rd person's POV:

Alas-onse y medya. Tinanghali na ng gising si Dylan dahil magaalas sais na din sila nakatulog ni Jon, naglasing nanaman kasi eto at niyaya si Dylan sa bahay ni Jon para makipaginuman. Si Jon lang din halos nakaubos ng ilang case na beer sa sama ng loob na nararamdaman. Una, dahil sa naging panaginip nito na iiwan na sya ng babaeng pinakamamahal. Pangalawa, nagseselos syang malaman na masayang nagdadate ang mag asawa samantalang yun din ang gusto nyang gawin. Ang ipaglandakan sa mundo na sya at si Selena ay nagmamahalan.

Pagkatapos magligpit ng pinaghigaan nagpasya na ding magayos si Dylan dahil alam nyang pagkagising ng kaibigan ay magmamadali na din itong umalis upang mapuntahan si Selena. Habang naliligo si Dylan ay pinapagalitan ang sarili sa sinabi nya kay Jon na tutulungan eto kay Selena. Hindi naman talaga nya intensyon sabihin yun at lalong hindi nya din talaga gagawin yun. Napasubo lamang sya, dahil sa naaawa sya sa kalagayan at hitsura ng kaibigan noong naglalasing ito at umiiyak. 

10 years old lamang ang kaibigan pero tramautic na ang pinagdaraanan nito. Magkapitbahay sila kaya magbestfriend nasila noon pa man. Kaya alam nya ang kwento ng buhay nito lalo na ang sakit na pinagdaanan ng kaibugan. Halos araw araw nalang ang mga magulang ng kaibigan ay walang ginawa kundi ang magbangayan at magsakitan, na araw araw na nakikita ni Jon. Hiniling ng kaibigan noon sa sarili na sana maghiwalay nalang ang mga magulang baka kasi mas maging masaya pa sila, gaya din ng pamilya nila Dylan. Pero hindi naman naghihiwalay ang mga ito, para na rin siguro kay Jon. Pero nang magedad ng 18 ang kaibigan saka lamang sila naghiwalay. Nagiwan lang ang mga ito ng konting pera para sa kaibigan at parehong nangibangbayan. Sa loob ng 6mos parehong nagpapadala pa ang kanyang mga magulang. Pero after that naglaho na ang mga ito, parang mga bulang bigla nalang nawala.

Mabuti nalang at matalino't masikap si Jon nagawa nitong ipunin ang pinapadalang pera dahil full scholar naman ito hindi nya masyadong alalahanin ang gastusin sa school. Pero dahil nga sa scholar ito, hindi ito natutong magchix. Aral, bahay at trabaho lang ang pinagkakaabalahan. Dahil sya nalang magisa sa bahay nila at kameng magbabarkada ay narenta sa boarding house, ginawa din nyang negosyo yun. Pinalipat nya ang buong barkada sa bahay nya basta ang barkada na ang sasagot at bahala sa pagkain, kuryente at tubig, na ayos lang sa buong barkada dahil mahal na din ang boarding house at isa pa magkakasama pa ang tropa parati may apat ang kwarto sa bahay ni Jon, kame ni Jon ang roommate yung anim naman sa tatlong kwarto. Nakita namen kung paano sya nagsikap na pati mga torn papers, projects at iba pa ng classmates namen kahit pa nga schoolmates lang o taga kalapit school skanya nagpapagawa. Matalino naman kasi sya. Kaya naman natapos nya ang BSBA with flying colors syempre sa sariling sikap at pagtyatyaga. Ngayon sa edad na 30, meron na itong 2 branch ng negosyo na bar. Isa sa ?alate at ang isa ay sa the fort. Magkasosyo sila ng kaibigan sa bar sa the Fort. Tinanong ko sya kung gusto nya pang makasama o kahit makita man lang ang mga magulang nya, sabi nya ayaw nya. Natatakot kasi sya. Baka daw kasi hindi na sya kilala o kaya ipagtabuyan lang sya. Oo, malakas ang physical apperance ni Jon pero sa loob ng kaibigan mahina ito. Kaya, ng magkakilala sila Jon at Selena, naging sobrang saya neto. Naradaman kasi ni Jon ang importansya ni Selena. Tapos ng malaman ng barkada na may affair si Jon sa isang may asawa na, nilayuan na ng barkada si Jon, ang mga gago natakot na agawin ni Jon ang mga asawa nila. Kaya hindi din basta maiwan ni Dylan ang kaibigan. Si Selena lamang ang makakaayos ng problemang eto. Hindi nya naman pwedeng husgahan si Selena, dahil kahit ito ang puno't dulo ng problema at ang tanging makakaayos, ay nakasama nya ito, napakabait nitong babae at maalaga. At higit sa lahat nararamdaman nyang genuine ang pagmamahal nito sa kaibigan.

Matapos makapaglinis ng katawan at magbihis ay bumaba na si Dylan upang makapagluto sana ng tanghalian dahil alauna na din. Medyo nagulat pa sya ng makita ang kaibigan na naghahain ng hapag.

"Mukhang maaga tayong nagising ah o hindi ka pa natutulog" tanong ni Dylan sa kaibigan ng makalapit ito sa lamesa. Halatang masaya at excited itong makita si Selena. Sabagay si Selena lang naman talaga ang nagbibigay ng ganyang klaseng kaligayahan sa kaibigan.

"Andyan ka na pala. Kala ko gigisingin pa kita eh, bubuhusan sana kita ng kumukulong tubig, sakto kakakulo lang ng tubig" biro ni Jon.

"Ulol" natatawang sabi ni Dylan at naupo sa harap ng mesa. Nagsimula na silang kumain pero si Jon ay tila nakikipagkarerahan.

"Uy! Hinay hinay naman, mabulunan ka nyan, hindi mo na nginuya yang pagkaen" natatawang sabi ni Dylan sa kaibigan. Pero pinagpatuloy pa din nito ang mabilisang pagkaen.

"Bilisan mo dyan nang makita ko na si Selena. Ako, tapos na." At agad agad tumayo si Jon upang umaakyat sa kwarto nito. 

Naiiling na minadali nalang din ni Dylan ang pagkain,alam nya ang ugali ng kaibigan. Kaya tinapos at niligpit na din nya ang pinagkainan. Mga 15mins din ang kaibigan sa kwarto. Kung kanina, maaliwalas at mukhang excited eto. Ngayon naman mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura nito, mukhang badmood. Hindi nalang pinansin pa ni Dylan ang kaibigan dahil kapag magkasalubong na ang kilay nito eh nabwibwisit to, kaya kahit kausapin mo sya wala ka ding makukuhang matinong sagot mula rito. Kaya sumunod nalamang sya sa sasakyan. 30mins ride din ang papunta kina Selena. Saktong alas dos andun na sila. Pero pagkasuot pa lang ni Dylan ng seatbelt ay agad ng pinaharurot ni Jon ang kotse.

"HOY! HAYUP KA! BAGALAN MO. AYOKO PANG MAMATAY! IKAW NALANG KUNG GUSTO MO!" pero imbes na pakinggan ang kaibigan tila nangiinis pa ito dahil lalo nitong binilisan ang pagpapatakbo na paekis ekis sa daan. Tila aliw na aliw sa pagmumura at pagsisigaw ni Dylan. Kaya imbes na 30mins na byahe, andito na sila sa tapat ng bahay nila Selena in 10mins.

"Ano, dito na tayo. Baba na" nakangising sabi ni Jon sa kaibigang tila hinahabol ang hininga.

"ULOL! Hayop ka. Hinihintay ko pa kaluluwa ko. Naiwan sa highway sa bilis mo." Ngumisi lang si Jon at pumunta na sa harap ng bahay nila Selena. Agad din namang lumabas ang isang lalaki. Si Guy. Kilala na ito ni Dylan sa mukha dahil minsan nya na etong nakitang namamasyal ang magasawa. Nang maiayos na ni Dylan ang sarili ay bumaba na din ito upang puntahan si Guy.

"Guy, si Dylan Cruz bestfriend ko. Dylan si Guy DeGuzman" pagpapakilala ni Jon sa dalawa. Agad namang naglahad ng kamay si Guy upang kamayan si Dylan.

DYLAN's Pov:

"Happy bday pala pards." Natutuwang bati sakanya ni Guy.

"Ahhh, sala....mat pards" nalilito kong sagot. Bday ko ba ngayon?

"Sakto kakaluto lang ni misis ng tanghalian, nakapagtanghalian na ba kayo?" At iginaya kame ni Guy sa loob.

"Hindi pa nga eh" Sagot ni Jon.

"Bakit ngayon pa lang din kayo manananghalian?" Curious kong tanong na agad na simpleng pagsiko at pagsimangot ni Jon. Bakit masama bang magtanong?

"Naglabing labing pa kasi kameng magasawa" nahihiyang sabi ni Guy. Ahh kaya pala badmood si koya kanina kasi naunahan sya ng isa pang koya. Hahaha

Simple lang naman ang bahay nila. Pagpasok mo sa gate, may garden doon na may swing at pwede mong tambayan saka meron ding maliit na garage sa kanan. Tapos pagpasok mo dito sa bahay, kaliwa hagdanan agad na may pintuan sa tapat nito. Library, dameng books eh. Sa kanan sala at isa pang pinto. Sa harap namen ang dining table na pang animan tapos mero pang dalawang pinto. Yun isa maliit lang so im guessing yun ang banyo at yung isang bukas na pinto na may nangangamoy masarap na ulam ay ang kusina.

"Mahal, may bisita tayo" masiglang sabi ni Guy.

"Tsk. Ako naman mahal ng mahal mo" Jon. Siniko ko naman sya bigla. Siraulo neto, marinig sya ni Guy baka hindi na kame makalabas ng buhay dito. 

"Saglit lang pards, papakilala kita sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa syempre ang asawa ko" tumango lang ako at dumiretso na sya sa kusina

"Umayos ka nga" sabi ko kay Jon pero ngumisi lang sya. Tsk. Mukhang malakas ang loob ng gago dahil kasama ako? Kasi alam nyang may backup sya.

Alam na kasi ni Guy na merong naging iba si Selena, kasi sinabi yun ni Selena kay Guy pero imbes na iwanan sya, sumbatan o awayin kabaliktaran ang ginawa ni Guy mas pinakita nito ang pagmamahal sa asawa. Nasabi na saken ni Jon yun ng minsang malasing sya. Hanga nga ako, imbes na hiwalayan nya dahil naapakan ang pagkalalaki pinatawad nya agad si Selena at pinaalala kung bakit nainlab si Selena sa kanya. Kaya gusto ko din talaga makilala itong si Guy. Pero ngayon hindi na daw nagbabanggit pa ang asawa na naghihinala pa ito.

"Ah, pards eto na pala ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa ang asawa ko" natawa naman ako don kasi bigla syang siniko ni Selena pero niyakap nya lang ang asawa. Naku, for sure nagaalburoto na tong katabi ko.

"Selena, my lovely wife pards. Hon, si Dylan bday nya ngayon eh. Wala kasi syang ibang kaibigan maliban kay Jon kaya friend naren naten sya hah" pabulong lang yung huling sentence na sinabi nya. O pabulong nga lang ba talaga? Narinig din kaya namen. Nangingiting inabot ko ang nakalahad na kamay ni Selena.

"Ahh, ganun ba? Happy bday kung ganun hah" nalilitong pahayag ni Selena. Nginitian ko nalang sya at binitawan ang kamay.

"Salamat mards" sabay na sambit namin ni Jon.

"Tara na sa hapag at nagluto ang misis ko ng kanyang special dish na syempre pibakapaboritong ulam ko, menudo" proud na sabi ni Guy, na kung sakaling may pagkaen o iniinom si Jon nasamid na sya. Paborito din kasi nya yun.

"Pareho pala tayo ng paborito eh. Paborito ko yan kasi niluto dati ng papa ko yan" sabi ko kay Guy habang nakaen na kame. Ang totoo kay Jon yung side na yun, naging paborito nya ito dahil minsang magkasit at wala ang mama nya, papa nya ang nagluto nun para sa kanya. Yun lang daw kasi alam lutuin ni tito martin noon.

"Ahh, buti marunong magluto papa mo, yung papa ko kasi hindi. Haha saka naging paborito ko yun simula ng nagluto si Selena noon para sa first date namen back on our high school days" nakangiting saad ni Guy.

"Wow ha, hindi kaya naten first date yun, ano ka. Kasama naten sina V nun. Saka para sa buong barkada yun." Pagtatanggol ni Selena

"Ano ka ba hon, nakalimutan mo na ba yung sinabi ko. From the moment i first saw you, alam ko na on that moment you'll be my wife" nakangiting saad ni Guy.

"Naks mards, swerte naten ah" sarkastik na sabi ni Jon. Selos kasi eh. Pero pasimple ko syang sinipa sa ilalim ng mesa. Sabi ko na nga bad idea ang pagsama ko dito, nagkalakas pa ng loob ang gago.

"Hindi mas maswerte ako. Kasi kahit madameng nanliligaw sakanya noon ako pa din pinili nya. At kahit ngayon ako pa din ang nagiisa" medyo malungkot na yung last part na sinabi ni Guy. Hmmm. Hindi kaya, alam nya pa din na may iba pa din si Selena. Kasi nang maikwento saken ni Jon dati ng lasing sya wala na daw alam si Guy. Curiosity kicks in. This is interesting.  Nagiwas nalang ng tingin si Selena. Sapol eh. Pero teka, ano yun?

"Mards, anong nasa leeg mo?namumula ata" curios kong tanong kahit alam ko na kung ano yun.. Nagtataka namang kinapa ni Selena ang gilid ng leeg nya.

"Baka nakagat ako ng la.."Selena

"Ang laking lamok nyan ah" sarkastikong sabi ni Jon. Natawa naman si Guy.

"Haha pasensya na, di ko akalain na napalaki ko pala ang lovebite ko kanina" nakangiting saad ni Guy. Wala ba talagang alam to tungkol kay Jon, parang meron eh. Agad naman tinakpan ni Selena ang leeg ng mahaba nyang buhok. 

Nagpatuloy kame sa pagkaen at pagkwekwentuhan, when i said kame it means ako at si Guy lang, nang biglang natapon or rather tinapon ang juice ni Jon sa sarili. Dahilan para maligo sya ng juice.

"Hon kuha ka ng damit na bago sa storage"

Agad na tumayo si Selena at pumuntang kusina. At tumayo din si Jon.

"Pards, banyo lang ako ang lagkit ko na eh" nakangiting saad ni Jon.

"Sige, alam mo nanaman kung saan diba?"Guy

"Oo sa gilid ng storage" nakangiti at nakatingin nyang sabi saken. Oo, saken, may nais syang iparating sa tingin nyang yun. Gago talaga sya.

Tumango lang si Guy at humarap na ulit saken at nabigla ako sa sinabi nya

"Pards, tulungan mo naman akong mag setup ng surprise ko para sa misis ko, sa susunod na araw na kasi anniversary namen eh." Guy

Sa susunod na araw monthsary nila ah, saka alam ko May pa wedding anniversary nila ah.

"Talaga, wedding anniversary nyo?" Kunwa'y curious kong tanong

"Ah hindi, anniversary nang time na unang beses kaming nagkita. Every year may surprise talaga ako para sakanya. Special kasi ang araw na yun para sa aken. Dahil sa araw na yun nakilala ko sya."

"Nice sige tutulungan kita."and i mean that i should make Selena realize na hindi nya dapat ginaganito asawa nya, wala pa kameng 1 oras magkasama at magkausap pero magaan ang loob ko sakanya at alam kong mabuti syang tao. And maybe its time for Jon to let go. Ano ba sila ang tagal nila. Buti hindi nakakahalata si Guy dahil sa plano nyang surprise sa asawa.

MEANWHILE *3rd person's Pov*

Pagkapaalam palang ni Jon sa mesa, ay mabilis nyang tinungo ang kusina. 

Buti nalang pala dito nilagay ang banyo sa kusina. Nangingising sabi ni Jon sa sarili.

Pagpasok palang ng kusina nakita nya na agad ang babaeng mahal nya na naghahanap ng damit na ibibigay kay Jon. Bigla nya itong niyakap mula sa likuran at hinalikan ang parte ng leeg ni Selena kung saan nag iwan ng lovebite si Guy.

"Nagseselos ako dahil he can mark you whenever and wherever he wants." Sabi ni Jon sa gitna ng mga halik nya kay Selena.

"Jon.. ohh." Impit na sabi ni Selena. Ngumisi naman si Jon dahil alam nya kung saan ang kahinaan ni Selena na hindi kayang iresist ng babae at pinatungan ang ginawang lovebite ni Guy, kaya mas namumula na ito at halata. Wala namang nagawa si Selena dahil di nya kayang pigilan si Jon, dahil mismong sarili nya hindi nya kayang pigilan kapag si Jon ang kasama. 

"Ang tagal naman nila, sandali sisilipin ko lang sila" Guy.

"Papalabas na din siguro yun." Kinakabahang sabi ni Dylan. 'Bwisit ka Jon, yari ka saken mamaya!' Bwisit na naiisip ni Dylan.

"Ta...ma na Jon, baka maki...kita tayo." Selena.

Habang patuloy ang ginagawang halikan nila Jon. 'Mainam.' Sabi ni Jon sa isip.

"Ako nalang titingin pards, nakakahiya naman sayo" pagpriprisinta ni Dylan

"Ok lang pards, ihahanda ko na din kasi ang dessert naten eh." At tumayo na si Guy at nagtungo sa kusina. Agad na sumunod din si Dylan kay Guy dahil kinakabahan ito.

"Oh, bakit inaayos mo pa yan, mamaya nalang pag alis na ng mga bisita mahal. Halika na." Tawag ni Guy sa asawa ng makita si Selena na itinutupi ang mga nagulong damit sa storage. Bigla naman lumabas si Jon sa katabing pinto, sa banyo. Nakangisi itong nakatingin kay Dylan habang si Dylan ay nanlalaki ang mata sa bwisit na kaibigan.

"Tara na pards, sakto pala sayo yung mga damit dyan. Maghahain na ako ng dessert. Mahal, pakiayos na muna ang mesa." Guy

"Ako nalang magaayos ng dessert, ikaw na bahala sa mesa mahal." Sabi ni Selena at agad nagtungo sa ref upang kumuha ng salad at ihain. Nagtungo naman sa hapag ang tatlo upang ayusin at iligpit ang pinagkainan. Agad nagprisinta si Dylan na sya na ang tatapos, na di kaagad sinangayunan ni Guy ngunit nagpahinuhod din kinalaunan upang ayusin nalang ang hardin upang doon kumain ng desert. Nagdiretso agad si Dylan sa kusina, naabutan nito si Selena na papalabas na din ng kusina, bitbit ang tray na may desserts.

"Sana naman wag dito Selena." Biglang sabi ni Dylan kaya napatigil si Selena. Nalilito sa ibig sabihin ng lalaki..

"Sana, wag dito pigilan nyo naman. Mahiya naman kayo ng kaunti sa asawa mo, pamamahay nya ito at wag nyong babuyin." At agad na nawala sa paningin ni Selena ang lalaki. Natutulala syang nagpunta sa hardin dala ang tray na may dessert.

"Salamat hon, halika at maupo ka na" sabi ni Guy sa asawa at hinatak ito paupo sa kandungan nya. Dahil nabigla sya sa paghatak ay agad syang bumitiw at tumayo dahil alam nyang nagseseselos si Jon, nakita nya ang pagtataka sa mukha ng asawa pero bago pa man makapagsalita ay syang pagpasok ni Dylan kaya naupo din sya sa upuan sa tabi ng asawa, at bumulong

"Nakakahiya hon" nangiti nalang ang asawa at hinalikan ito sa pisngi. Dahil alam nyang likhang mahiyain ang asawa pagdating sa mga PDA, kaya hinayaan nya nalang ang asawang maupo sa katabing upuan hinapit nya nalamang ito.

"Kain lang kayo, tapos videoke tayo mamaya, gusto nyo?" Tanong ni Guy

"Sige" biglang sabi ni Jon, dahil gusto nya pang makita at makasama ng mas matagal si Selena. Nagaalangan man si Dylan ay walang magawa kundi sumangayon, ayaw naman kasi nyang sitahin dito ang kaibigan dahil nakakahiya.

Tumayo si Guy at sinabing iseset up na nya ang videoke, isinama nito ang asawa kaya naman..

"Pards naman, ano ba yung kanina?" Tanong ni Dylan sa kaibigan ng iwan sila ng mag asawa..

"Nagseselos ako sa lovebite eh, isa pa di naman kame naghuli ah" patuloy sa pagkaen si jon na akala mo'y wala lang ang kanina kaya lalong naiinis ang kaibigan nya.

"Kaya nga eh, paano kung nahuli kayo, aber? Anong gagawin..."

"Andyan ka naman, bakit ako matatakot, baback-up ka naman saken diba?" Putol ni Jon sa sinasabi ni Dylan. Naihilamos nalang ni Dylan ang mga palad sa mukha sa sobrang inis sa kaibigan at sa sarili. Sa isip nya'y kasalanan din na sinabi nyang tutulungan ito.

"Basta, ayoko ng maulit yun.. niloloko nyo na nga yung tao, manong galangin nyo man lang yung bahay nya. Utang na loob Jon, tumigil ka hah" may laman ang huling ainabi ni Dylan dahil sa naiinis na sya sa kaibigan. Biglang tumingin sakanya si Jon at seryosong sinabing

"Hindi. Hinding hindi ako papayag na mawala sya aken. Ikamamatay ko, kaya ipaglalaban ko sya kahit patayan, alam mo na dapat yan" at agad na tumayo si Jon at pumasok sa bahay para magpunta sa banyo saktong pagpasok naman ng mag asawa.

"Oh, saan yun?" Tanong ni Guy

"Sa banyo lang pards, napadame kasi kaen, sarap kasing magluto ng ulam ng misis mo" kunwa'y nakangiting sabi ni Dylan pero parang gusto nyang singhalan ang babae dahil sa nangyayari.. nalilito na din kasi sya kung sino ba dapat ang tulungan ay kampihan nya? Nang maiayos na ang videoke, pumasok na din si Jon sa loob at naupo sa gitna nila Selena, pabilog kasi ang upuan, kaya nasa gitna ngayon si Selena ng dalawang lalaking nagmamahal dito ng lubos, naiiling nalang si Dylan sa itsura nila.. si din nya kasi alam kung papaano ihahandle ang sitwasyong ganito.. tumayo si Selwna at uling pumasok ng bahay upang kuhain ang songbook na naiwan sa loob, pagpasok ng babae nagsalitang muli si Guy

"Basta pareng Dylan ah, pupunta ka bulas tutulungan mo ako. Sumama ka na din dito bukas Jon, magcecelebrate uli tayo bukas" sabi ni Guy sa dalawang lalaki

"Bakit, anong meron bukas?" Nagtatakang tanong ni Jon. Ayaw na sanang malman pa ni Dylan pero muling nagsalita si Guy

"Sa susunod na araw kasi anniversary ng pakakakilala namen mag asawa, taon taon kasi akong may hinahandang surprise para sa asawa ko nagpapatulong lang ako kay Dylan." Paliwanag ni Guy kay Jon, ng biglang tawagin i Selena ang asawa dahil may bitbit ito..

"Basta bukas balik kayo ulit dalawa hah" muling pahabol ni Guy sa dalawang lalaki na ikinangisi ni Jon at napansin ito ng kaibigan

"Wag ka nalang pumunta pa bukas Jon.. maawa ka naman sa tao, isang monthsary lang mawawala si Selena sayo, hayaan mo na sya sa asawa nya" pagsusumamo nito sa kaibigan

"Akala ko ba ako ang kaibigan mo bakit parang yun na ata ang kinakampihan mo?" Pagalit na sabi ni Jon sa kaibigan

"Hindi naman sa ganun, kaya lang.."

"Kaya lang ano?? Minsan ko lang nakakasama si Selene kaya hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang monthsary namen sa susunod na araw.. maraming taon na yang nakasama si Selene, hiyaan at ipaubaya naman nya saken" magsasalita pa sana si Dylan pero agad na dumating ang mag asawa kaya nagsimula na ang kantahan..

Makalipas ng 30mins na kantahan at inuman ng tatlong lalaki, mukhang nalalasing na si Guy dahil mababa lang naman ang tolerance nito sa alak kaya naman..

"Mga pards last bottle na naten to tapos pagpasensyahan nyo na ako kung sakaling kayo ay pauuwiin ko na pagkatapos nito dahil inaantok na ako at nais nang magpahinga ng pinakamamahal kong misis"

"Ayos lang, basta may last song muna ako" sabay tayo ni Jon at lumapit sa videoke upang pindutin ang numero ng kanta.. nakatayo lang ito at nakatitig kay screen na umabot na ito sa chorus humarap ito at pinakatitigan si Selena habang kinakanta ang mga katagang ito..

"I wanna review my kisses, on every inch of your body. I WANNA REVEAL MY SECRETS, that only you should know. I feel all this pain inside me, that only your lips can make better. I wanna review my kisses, so YOU WONT FORGET THAT YOU ARE MINE" pinagdidiinan ni Jin ang mga sinasabi habang nakakatitig ito kay Selena, nagpapahiwatig na sila lang nila Selena at Dylan ang nakakaalam. Umiiwas nalang ng tingin si Selena at kinakausap ang asawa upang hindi nito mapansin ang pagkanta ni Jon.

Nang matapos na ang inuman ay nagsiuwian na din sila, maghahapon palang naman kaya pagkaalis nila Dylan at Jon, nahiga saglit si Guy upang ipahinga ang sarili at maya maya din naman ay nawawala na din ang kalasingan nya..

Habang nakapikit ay iniisip nya kung dapat bang tanungin nya si Jon kung may alam to tungkol sa ibang lalaking mahal ng asawa, dahil alam nyang kahit papaano nagbibisita dati ang lalaki sa asawa nya panahong malayo sya, kaso wala syang lakas ng loob, paano pala kung may alam si Jon, natatakot sya sa magiging sagot ng kaibigan.. eh kung papaano naman na walang alam ang kaibigan nya, ayaw naman nyang ipahiya ang asawa sa ibang tao, na isa itong malanding babae.. dahil kahit minsan di nya naisip yun, para sakanya, kaya lang naging ganun ang asawa dahil ng mawala sya, ay nalungkot ito at nakahanap ng kalinga sa iba.. ayaw nya ring komprontahin ang asawa at itanong kung hanggan kelan ito mananatili sa tabi ng kung sinumang lalaking yun dahil natatakot syang baka iba ang isagot ng asawa, at sabihin na sya ang gustong iwan.. nababagabag sya at nahihirapan..

Nang nakitang nakapikit na ang asawa ay bumaba na din si Selena upang magluto ng hapunan nila mamaya.. matapos makapagluto, halos isang oras din ang itinagal nya sa kusina sa dami ng hiniwa at sa pagluluto nya.. agad syang pumunta sa library upang tawagan sila Dylan upang malaman kung nakauwi na ba si sila ni Jon.. patuloy lang sa pagriring ang telepono ng biglang may yumakap sa likod nya, si Guy.. hindi na din kasi nakatulog pa ang lalaki sa dame ng gumugulo sa isip..

"Sinong tinatawagan mo mahal?" Tanong nito habang nakasiksik ang ulo nito sa leeg ng babae. Agad namang binaba ni Selena ang telepono at marahang iniangat uli at pasimpleng pumindot ng ibang numero upang hindi mairedial ng asawa ang numero nila Jon..

"Wala mahal, tatawagan ko sana si V kaso wala namang sumasagot.." hindi nagsalita si Guy at nanatiling nakasiksik sa leeg nito.. hindi kasi alam ni Selena na napansin ng asawa ang ginawang pagpindot ng ibang numero upang hindi nito mairedial ang sigurado syang lalaking kaagaw sa asawa.. last resort ko na talaga ang surprise ko para sa anniversary namen, di ko na alam pa ang gagawin ko pagkatapos.. sabi ni Guy sa sarili..

"Tara kain na tayo" yakag ni Guy sa asawa habang naglalakad ay paulit ulit nitong binubulong sa asawa kung gaano nya ito kamahal.. 

Matapos nilang kumaen, ay sabay naligo ang mag asawa at ilang beses inangkin ni Guy ang asawa upang ipadama dito ang pagmamahal, na sa bawat pagsasanib ng kanilang katawan ay nagsasanib din ng kanilang kaluluwa.. yun ang pananaw nila dati.. sana ganun pa rin ang pananaw ni Selena, ang piping sabi ni Guy sa sarili..

SAMANTALA..

Nang umalis ang magkaibigan sa bahay nila Selena at Guy ay nagdiretso ito sa isang bar na malapit..

"Jon payong kaibigan lang, sa tingin ko tama nang hayaan mo na ang mag asawa at maghanap ka ng magiging asawa mo na wala kang kahati at.." "hindi mo ako maiintindihan Dy, mahal na mahal ko sya.. sya ang buhay ko.. sa sinasabi mong hiwalayan ko sya parang sinabi mo na din na dukutin ko na ang puso ko" naiiyak na sabi ni Jon sa panenermon ni Dylan.. at tinungga ang alak sa kopita..

"Alam ko, hindi ko maiintindihan dahil di ko naman naramdaman yan eh, pero isa ang naiintindihan ko pards, sa ikabubuti ni Selena yun, ang hiwalayan sya hindi na sya mahihirapan pang mami.."

"Putsa pards, ako din naman hirap na hirap na.. nagtitiis naman ako ah.."

"Kaya nga dapat mo ng itigil, durog na durog ka na pards, di na kita kilala.. para ka nalang ding magulang mo na walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.." sabi ni Dylan at agad na lumayo sa kaibigan.. alam nyang matatamaan ito, alam nyang below the belt din ang sinabi nya.. pero matagal nya na dapat ginawa iyon.. hindi nya lang maisantinig dahil natatakot syang magtangka muli ang kaibigan na kitlin ang sariling buhay.. nakita nya ang kaibigan habang patuloy sa paginom ay tuloy tuloy din ang luha nito.. nasasaktan sya para sa kaibigan dahil alam nya at nakasama nya ito na naghihirap sa pinagdadaanan nito.. pero di na tama pa.. binantayan nya lang sa malayo ang kaibigan habang patuloy itong nagiinom.. mag aalasais na ng bumagsak na ito at malasing kaya binuhat na din nya ito papuntang sasakyan upang maiuwi.. pagdating sa bahay ay nagising muli si Jon at pinagpatuloy ang pagiinom.. inaawat ito ni Dylan pero ayaw talaga tumigil ni Jon sa paginom kasabay ng di pagtigil ng mga luha nito kaya naman hinayaan nya nalang ang kaibigan, nagluto nalamang sya ng almusal nila.. tuluyan ng nakatulog si Jon mag aalas otso na din ng umagat matapos nitong magwala at magsisigaw.. ilang bote din ng alak ang binasag nito, pero hinayaan lang ni Dylan ang kaibigan, upang kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman nito.. Hindi umalis si Dylan sa takot na may gawin nanaman ang kaibigan sa sarili.. matapos magligpit ay natulog na din ito..

KINABUKASAN

Halos magtatanghali na magising ang mag asawa.. nanonood lang sila ng mga movies matapos kumain, gusto sana tumiming at magpaalam kay Guy na aalis sya bukas, pero di nya alam ang idadahilan.. natatapos na ang ikalawang movie na pinapanood nila ay di pa sya nakakapagpaalam sa asawa.. iniisip nya kung ano ang sasabihin, pero kelangang makapagpaalam sya dahil bukas ang monthsary nila.. saktong 4:30 ng kumatok sila Dylan at Jon sa bahay ng mag asawa.. agad na pinagbuksan ito ni Selena, at nagulat ng makitang andoon muli sina Jon at Dylan..

Sisitahin nya pa lang sana ang dalawa ng sumulpot sa likod nya ang asawa..

"Dito sila magsleepover hon hah, may gagawin kasi kame bukas" sabi ni Guy habang ginagaya papasok sila Jon..

"Ano yun?" Kinakabahang tanong ni Selena sa asawa.. papaano na ang monthsary namen piping tanong ni Selena sa sarili..

"Basta" at tuluyan na din pumasok ang asawa.. 

Wala na ding nagawa si Selena kundi pumasok sa loob ng bahay.. bahala na kung papaano ako makakapagpaalam tanging naisip ni Selena. 

Nagdiretso lamang sa kusina ang babae upang magluto ng hapunan.. Habang ang tatlong lalaki naman ay nasa hardin at nagiinuman.. pinagpapaplanuhan ang surprise para kay Selena.. 

"Saglit lang mga pards, check ko lang si misis" nagtanguan lang amg dalawa at nagdiretso na si Guy sa kusina.. pag alis ng lalaki..

"Nagmamakaawa ako sayo, maawa ka saken Dy, gawin mo na lahat, awayin mo ko, suntukin mo ko, pero utang na loob, ako ang tulungan mo. Gusto kong makasama bukas ang babaeng pinakamamahal ko. Please" naiiyak na pagmamakaawa ni Jon kay Dylan. Seryoso kasi si Dylan na hindi sila pagtagpuin bukas, at gagawin nya lahat para di sila magtagpo

"Please Dy, ikamamatay ko pag nawala sya saken. Ibibigay ko na sayo yung naipundar kong negosyo pati na.."

"Ganyan ka talaga kadesperado?" Naiiling na sabi ni Dylan sa kaibigan

"Oo kahit bahay, negosyo at kaluluwa ko, ibibigay ko sayo, wag mo lang kameng paghiwalayin. Tulungan mo lang kameng magkasama." Nagsusumamong sabi ni Jon sa kaibigan. Alam kasi nya ang kayang gawin ng kaibigan, mapera ito, higit kaysa sa kanya at higit kaysa kay Guy. Kung tutuusing kaya nitong mamuhay ng di nagtratrabaho, at kung magkakaanak ito, mamumuhay din ng maalwan kahit di na magtrabaho..

"Paano kung si Guy pa rin ang tulungan ko, anong gagawin mo? Paano kung dalhin kita sa La Breza para matigil na ang kahibangan mo?" Isa itong isla na pagaari ng lalaki, pribado ito kaya naman walabg sinuman ang nakakapasok o makakalabas ng isla ng walang permiso sa lalaki..

Tumulo ang luha ni Jon at saka lumuhod sa harap ng kaibigan, na ikinagulat ni Dylan dahil ayaw na ayaw ng kaibigan ang lumuluhod sa kahit kaninong tao..

"Kahit ano gagawin ko Dy, kahit ano ibibigay ko, wag lang sya ang kunin mo, please"

Biglang pumasok si Guy dala dala ang tray ng ang mga pulutan..

"Pards, tikman nyo tong niluto ko na hipon" at inilapag sa mesa ang pulutan.. light na alak pa lamang ang iniinom nila dahil maghahapunan pa sila mamaya..

"Banyo lang ako pards" paalam ni Jon at pasimpleng nagkubli sa likod ng pintuan upang pakinggan ang paguusap ng dalawa

"Bakit mahal na mahal mo si Selena?"

"Wala" simpleng sagot ni Guy

"Eh bakit ka pa maghahanda ng.."

"Wala akong pwedeng ibigay na dahilan, dahil sa totoo lang, nung unamg beses ko syang makita back in our high school days, alam na kaagad ng puso ko na sya na" nakangiting sagot ni Guy

"Last na tanong, kung sakali lang, halimbawa lang ha, gusto ko lang malaman opinyon mo kasi ganito yung nangyayari sa kaibigan ko eh" mahabang paliwanag ni Dylan kay Guy

"Sige, ano yun?"

"Papaano ang gagawin mo kung malalaman mo na ang asawa mo may mahal ng iba, at gusto ka na nyang kalasan?" Kunwa'y normal na sabi ni Dylan.. agad na lumungkot ang mukha nito at nagyuko.. makalipas ang dalawang minuto nag angat ng mukha ang lalaki at ngumiti.. isang mapait at puno ng sakit na ngiti..

"Ang gagawin ko, di ako papayag na mawala sa aken ang asawa ko.. ipaglalaban ko sya.. ipaparamdam ko saknya kung bakit nya ako minahal dati.. ang saklap naman ng kwento ng kaibigan mo.." malungkot na sabi ni Guy na may paghihinala kay Dylan.. 'hindi kaya... sya kaya? Sana hindi...' pipiing sabi ni Guy sa sarili..

"Oo nga eh.. eh kung papaano naman, ok lang sa kabit na dalawa kayo? At nahihirapan yung asawa mong mamili sa inyo, anong gagawin mo?"

"Di ako papayag.. pasimple kong babawiin ang asawa ko.. ipapakita ko lalo na MAS ako sa buhay nya.. na ako ang asawa nya.. magtyatyaga akong ang asawa ko ang kusang mangiwan sa lalaki dahil narealize nya na ako ang mas mahal nya" sa sinabing yun ni Guy alam na ni Jon na hindi na sya tutulungan pa ng kaibigan kaya nanlulumo nalang syang pumasok sa loob at pasimpleng umiling si Dylan sakanya na nagkokompirma na di sya tutulungan ng kaibigan kaya kelangan nyang makaisip ng paraan, sariling paraan upang di mawala ang babaeng minamahal..

Nang nilabas ni Selena ang hapunan ay samasama silang naghahapunan, nagbibiruan at nagkwekwentuhan.. matapos nilang maghapunan bandang 7 ng gabi nanonood muna sila ng movie.. hindi hinahayaan ni Dylan na makapagusap o magkatabi man lang si Selena at Jon.. seryoso sya.. itatama na nya ang dapat dati pa nya itinama.. matapos manood ay agad silang nagpunta sa hardin upang maginuman muli.. hard drinks na ang iniinom nila.. mag aalas dose ng maramdaman ni Guy ang pagkahilo.. kaya naman tumigil na sila sa paginom at iginaya ang dalawang bisita sa guestroom sa itaas.. 

Nang nasa kanya kanyang kwarto na sila kunwari ay natulog na agad si Jon

"alam kong gising ka pa.. ginagawa ko lang ang ikabubuti ng lahat para umayos na ang mga buhay nyo.. ginagawa ko lang ito bilang kaibugan na nagmamalasakit sayo.. sa tamang panahon pasasalamatan mo din ako.." at nahiga na sa katabing kama si Dylan.. 

pagsapit ng alas tres at siguradong tulog na at mahimbing si Dylan ay maingat at pasimple syang lumabas ng kwarto at lumabas ng bahay.. kumuha ng maliliit na bato at mahonang binabato ang bintana ng magasawa..

Naalimpungatan si Selena dahil mababaw lang ang tulog nya.. naramdaman pa nga nya ang pagbangon kanina ng asawa ng maghilamos ito at muling mahiga.. nangangamba kasi sya na may kakaibang gawin si Jon lalo na at nalasing ito kanina.. tumayo sya ng marahan at agad na sumilip sa bintana.. nakita nya si Jon na sinesenyasan syang bumaba.. kaya agad na lumabas sya ng kwato at marahang bumaba..

Pagbaba ni Selena sa hagdan madadaanan nya ang library napansin nyang nakabukas ito pero pinabayaan muna nya dahil kelangan nyang puntahan si Jon sa labas ng bahay at pagsabihan ito.. ng biglang may humatak mula sa likod nya and he pinned her on the side of the library door.. he started kissing her passionately.. instead of pushing him away, she pulled him closer to her body.. devoured by lust and love that she feels for him.. with the response from her, he immediately take off her evening dress, when he did, she saw lust, admiration and love in his eyes.. without thinking anymore she undress him as well..

Small moans from her and him filled the library.. 

"Jon,,stooop..... baka.. magising si Guy" she said between her heavy breathing. Instead of answering her, he filled her lips with his and take to the sofa right across the door while they devour each other, they forgot to close the door.. she's now on her hands and knees facing the bookshelves, each thrust he gave make her crave for more but remembering his husband might wake up.. "stoooop, Guy might.."she said between her moans instead he thrust deeper, making her completely at lost on the senstation his giving her.. they just silently shouting each others name as they reach their peak..

After dressing up she slapped him..

"Bakit mo ba ako pinapahirapan?" Hinihingal na tanong ni Selena kay Jon.. dahil sa halohalong emosyon na nararamdaman para sa lalaking kausap..

"I just miss you, ok? Isa pa, di ka pa ata nagpapaalam kay Guy, baka nakakalimutan mong monthsary naten ngayon?"

"Alam ko yun, pero diba sabi ko sayo, wag na wag dito sa bahay ng asawa ko.."

"I hate it when you say that"

"Pero alam mong yun talaga ang totoo.. Jon, magpapaalam ako mamaya pag gising nya, ok na ba yun?" Pagkonsola ni Selena sa lalaki

"Hindi ka na aalis mamaya kapag mamaya ka pa magpapaalam, baka hindi ka na nga sumama pa saken kahit kailan" mahinang bulong ni Jon sa mga huling pangungusap na sinabi nya..

"Ano? Bakit di ako makakaalis? Ako ng bahala, ok?"

"Eh kung gumawa ka na lang kaya ng note na umalis ka na dahil may emergency sa mga kaibigan mo.. dali na, may surprise ako para sayo ngayon sa bahay.. nagaantay na yun kanina pa eh.. dali na, monthsary naman naten ngayon diba?"

"Sige na nga, pasalamat ka monthsary naten ngayon" at kumuha si Selena ng papel at nagsulat..

~Hon, di pala ako nakapagsabi sayo kagabi na ngayon aalis kame nila V, girls bonding eh.. ill be home as soon as i can, okey? I love you!~

"Tara na?" Yakag ni Jon kay Selena..

"Saglit iiwan ko lang to sa kwarto.."

"Wag na makikita naman nya yan dito, isa pa gutom na yun. Kaya dali na.."

"Sige na nga" 'patawad Guy, pero di ko sya kayang isuko lang sayo.. patawad kaibigan' piping sabi ni Jon sa sarili at agad na silang umalis na di napansin pa si Guy sa sulok ng hagdanan na tahimik na umiiyak..

~KINABUKASAN~ 

Maagang nagising si Dylan dahil nais talaga nyang tulungan si Guy at ang kaibigan na itama ang lahat.. nang mapansin nya na wala sa tabing kama ang kaibigan, napabalikwas sya ng bangon.. agad hinanap ang kaibigan sa kwarto. Nang di ito matagpuan agad na nagpunta sa kwarto ng magasawa.. nang walang nakitang tao, napatakbo ang lalaki pababa.. hinalughog nya ang bawat sulok ng lugar nang may mapansin syang papel sa ibaba ng hagdan.. agad nya itong pinulot at binasa.. "SHIT" gigil na sabi ng lalaki.. at agd na lumabas ng bahay..

~~to be continued

EMN: eto po muna.. may mga konting binago ako mula UnFaithful at ang buong UFY.. hmmm.. nasan kaya silang tatlo? Ano nalang ang gagawin ni papa Dylan? Alam na ni papa Guy na si melabs Jon pala ang kabit.. what will happen next?? Abangan ang nalalapit na pagtatapos ^____________^

spartace_lovercreators' thoughts