webnovel

Nuestro Amore ( Our Love)

" Kapag naakabut ka na sa kakahuyan, tumakbo ka lang. Huwag hihinto at higit sa lahat huwag kang lilingon." Ang nagbabadyang luha ni Estella ay tuluyan ng kumawala sa kanyang mga mata ng bitawan ni Lucas ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya mapupunit ang kanyang puso kapag naiisip niyang hindi na niya ito makikita pa kailanman. Ito na ang huli at wala siyang magagawa. Hinaplos niya ang maamo nitong mukha. Kitang-kita niya ang lungkot at pait sa abuhin nitong mga mata.  " Ngunit paano ka?Natatakot ako sa gagawin nila sayo kapag nalaman nilang tinulungan mo akong makatakas. Ayokong mawala ka sakin, Lucas. Ayakong-" Hindi niya natapos ang sasabihin g siniil siya ng binata ng matamis. Ninamnam niya ang matamis nitog labi subalit sa kabila ng halik na iyon ay alam niyang malabong maulit pa iyon. " Mahal kita," anito at dinala kanyang mga kamay sa matipunong dibdib nito. Ramdam niya sa kaniyang palad ang ritmo ng pagtibok ng puso nito. "Makakalimutan ka man ng aking isip pero patuloy na titibok ang puso ko para sayo." " A-anong ibig mong sabihin?." Natigilan ang dalawa ng may marinig silang mga yabag mula sa di kalayuan pati na ang ilang boses na pamilyar sa kanya.  " Malapit na sila. Tumakbo ka na at iwan mo na ako dito. " " P-pero..." Pagsusumamo ni Estella sa binata. " Lilituhin ko sila upang mabigyan ka ng oras na makatakas dito. Diretsuhin mo lang ang kakahuyan at igigiya ka nito sa pangpang kung nasaan naghihintay ang isang banka. Gamitin mo iyon upang makatawid sa kabilang isla." Niyakap niya ang binata ng mahigpit  bago tuluyang tumakbo papunta sa madilim na kakahuyan. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagpapaninag sa kanyang dinaraanan habang kumakawas sa kanyang mata ang masaganang luha. Hindi siya tumigil kahit na narinig niya ang pagsigaw ni Lucas sa di kalayuan. 

DayDreamer99 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
7 Chs

Kabanata VI

~*~

HINDI na nakasagot pa si Senyora Celeste kay Crispin na lihim namang ipinagbunyi ng loob ni Estella. Sa isang banda ay sumagi agad sa kanyang isip ang mga kwentong kanyang naririnig patungkol sa isal. Ang mga kadalagahang misteryosong nawawala at natatagpuan na lamang na walang buhay sa mga kakahuyan. Nanindig ang kanyang balahibo. Hindi kaya ay isa ang babaeng sa tinutukoy sa kwento? Hindi. May indikasyon na nais na itago ng kung sino man ang pumatay sa babae na gusto nitong sirain ang kahit anong ebidensya. Subalit, hindi ito naging matagumpay dahil hindi nasunog ang bangkay ng ababe. Mlayong malayo ang krimen na iyon sa naririnig niyang halimaw na gumagala sa isla at pumapatay ng mga kadalagahan. Kahit sinong tao ay kayang gawin ang ginawa nito.

Naputol ang kanyang malalim na pag-iisp nang sila na sunod sisiyasatin. Sinenyasan sila ng isa sa dalawang gwardiya sibil na bumaba. Pinangko niya si Clara at binitbit pababa ng carruaje samantalang hinid maipinta ang mukha ng amo niya dahil mahuhuli na ito sa misa. Ito lang ang tinanong ng mga gwardiya sibil. At dahil hindi naman siya nakakapagsalita o nakakaintindi ng Espanyol ay hindi nila siya binigyan ng pansin. Pagkatapos ng maikling interogasyon ay pinahintulutan na silang umalis.

Puno ng buhay ang bayan sa araw na iyon. Paroo't parito ang mga tao sa labas ng merkado. Nakalinya naman sa gilid ang ilang nagtitinda ng gulay, mga palamuti, at iba't ibang kagamitan. Noong nasa San Isidro pa siya gustong gusto niya talagang samahan ang knayang ina na mamalengke. Kahit na wala naman itong binibili para sa kanya ay nabubusog naman ang knayang mata sa samu't saring pwedeng makikita doon. Walang pinagkaiba ang bayan sa isla ng El Grande sa kanyang pinanggalingan subalit hindi na siya katulad ng ibang kadalagahan doon na isinasama ng kanilang mga ina sa pagtitinda. Isa na siyang tagasilibi sa isang marangyang pamilya.

Maingat na giniskng niya si Clara na malayang nakasandal sa kanya nang humito ang carruaje sa harap ng simbahan. Minulat nito ang ang mapupungay na mata.

" Nandito na tayo, Senyorita Clara," aniya at binuhat ang bata.

Naunang lumabas si Senyora Celeste. Marami ang tao kahit na sa labas pa lang sila ng simbahan.Pulo-putong ang mga ito at nahahati sa maliliit na grupo. Hindi siya nahirapang hanapin ang Senyora dahil pulu-putong nag mga taong nandoon. Nahahati lang naman ang mahihirap at mga nabibiang sa alta sociedad ang kanilang mga grupo. May kausap itong ilang kababaihan at tila ba hindi napansin ang kanilang pagdating. Binaba niya si Clara at sinenyasan itong pumunta sa kanyang ina. Umiling lamang ang bata sa utos niya.

" Sa likod lang ako, Senyorita Clara. Kailangan mong sumama sa iyong ina."

Sumimangot ito ngunit sinunod naman ang sinabi niya. Hindi sila madalas magsimba ng knayang pamilya dahil malayo sila sa bayan. Tuwing kaarawan lang o di kaya ay pista sila nagkakarronn ng pagkaatong magsimba. Nang pumasok na si Senyora Celeste at ang mga kasama sa loob ng simbahan ay sumunod na din siya. Dumeretso ang mga sa pinakaunahan haang siya ay mas piniling sa pinakahulihan umupo sunod sa isang dagitang halos kaedad lang niya. Tipid niyang nginitian ito pabalik. Medyo asiwa siya sa knayng suot dahil ibang-iba iyon sa suot ng iba sa bahaging iyon. hindi naman iyon kasing grandiosa ng suot ng mga nasa alta sociedad ngunit malayong malayo din nama sa kasuotan ng mga maralita.

" Nagtatrabaho ka ba sa mga Valiente?," halos pabulong na tanong ng kanya ng katabi.

" Oo," pabulong na sagot din niya.

"Sabi ko na eh. Ganyan na ganyan kasi ang suot ng mga katulong nila," anito. " Hindi ka ba natatakot sa kanila?"

Natigilan si Estella, parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Tila kasi may kung anong ipinapahiwatig ang babae.

" A-anong ibig mong sabihin?" nauutal na sagot niya dito.

Nagkibit-balikat ito, " Balita ko kasi sobrang estrikta ni Senyora Celeste kaya halos walang tumatagal na tagapagbantay ng kanyang piping anak. "

Oo, muntik na nga niya akong paalisin sa unang araw ko pa lang sa mansyon. Gusto niya sanang isagot ngunit naalala niya ang bilin ni manang Elsa. Imbes na sumagot ay mas pinili niyang ngumiti ng tipid. Umisod ng kaunti palapit sa kanya ang babae at mas hininaan ang kanyang boses.

" Usap-usapan din dito sa bayan na kaya hindi sila dito sa pueblo nakatira ay dahil may itinatago silang halimaw."

Napalunok si Estella at pilit na itintago ang pagkakabagabag. Halimaw. Bigla kasing sumagi sa isip niya ang pares ng mapupulang mata na nakita niya noong unang tumapak siya sa mansyon ng mga valiente. hindi kaya iyon ang halimaw ang tinutukoy ng babae? Hindi na niya mapigilan ang kanyang kuryosidad.

" Noong unang araw ay may nakita ako- "

Kaagad naputol ang kanyang sasabihin nang lingunin niya ang kausap. Wala na ito sa kanyang tabi. Higit sa lahat, pinagtitinginan siya ng ibang tao na para bang nababaliw siya. Pilit niyang itinago ang hiya sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin niya sa mga ito. Sa buong durasyon ng misa ay hindi siya mapakali. Maraming katanungan ang namuo sa kanyang isipan dahil sa sinabi ng babaeng nawala na parang bula sa kanyang tabi. Sino ito? Bakit nito sinabi sa kanya ang lahat ng iyon?

Higit sa lahat, totoo kaya ang mga sinabi nito sa kanya?

~*~

DAHIL hindi siya makatulog ay nagpabiling-biling sa kanyang higaan si Estella. Malakas ang bukos ng ulan sa labas, pinupuno ng ingay nito ang madilim na gabing iyon. Sinasabayan din ito ng panaka-nakang pagkulog. Hindi iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog. Binabagabag siya ng mga sinabi ng misteryosang babae sa simbahan.

Ang halimaw.

Ang mga mapupulang mata sa bintana.

Hindi kaya ay totoo talaga ang kwento na may itinatagong halimaw ang mga Valiente? May kinalaman kaya sila sa mga karumal-dumal na pagpatay?

Hindi na niya naituloy ang pagmuni-muni sa bagay na iyon ng isang matinis na sigaw ng bata ang nalulunod sa tunog ng ulan at kidlat. Mahina man ay sapat na iyon para marinig niya. Sunod-sunod iyon. Si Senyorita Clara! Agad siyang napabangon. Gigisingin sana niya si Aling Concha at Manang Elsa na natutulog sa kabilang kwarto ngunit nag-alangan siya dahil himbing na himbing ang mga ito sa pagtulog. Napagisip-isip niyang siya na lang ang pupunta kay Clara. Pagbukas niya ng pinto ay agad siyang sinalubong ng malakas na hangin at ulan. Gumuhit din ang nakakapanindig balahibo na kidlat sa kadiiliman. Nais niyang magkubli na lang sa kanyang kumot at subukang matulog ngunit puno ng takot ang mga sigaw na kanyang naririnig.

Ilang metro lang naman ang layo ng mansyon sa kubo. Ilang hakbang lang ay naroon na siya sa loob ng ilang minuto. Bumalik siya sa loob ng knayang kwarto at kinuha ang kanyang kumot. Itinalukbong niya iyon upang hindi gaanong mabasa. Isinara niya ang pinto at nagsimulang tumakbo kung nasaan ang isang sulo na tanging liwanag na nakikita niya ng mga oras na iyon. Lumulubog ang kanyang paa sa putik sa hindi maiwasang tumilamsik ang ilan sa mga iyon sa kanyang suot na pantulog. Sa kabila noon ay hindi siya huminto hanggang marating niya ang lkurang pintuan kung saan sila madalas dumaan. Gamit ang ipinuslit na susi mula kay Manang Elsa ay binuksan niya iyon at dali-daling pumasok. Agad niya rin naman iyong isinara. Medyo mamasa-masa ang kanyang buhok at kasuotan ngunit isinawalang bahala niya iyon. Wala na ang mga sigaw sa halip ay nakakabinging katahimikan at walang hanggang kadiliman ang bumungad sa kanya sa loob ng mansyon.

Ang tanging naririnig niya lang sa mga oras na iyon malakas na tibok ng kanyang puso sa kaniyang sarilig taenga. nag-aalala siya at baka may kung anong nangyari sa bata. Kumuha siya muna ng kandila sa kusina at sinindihan iyon. Kahit papaano ay nakikita na niya ang knayang paligid . Ipnagpatuloy niya ang paglalakad. Ibinaba niya ang kumot na dala at pansamantalang isinampay niya iyong sa isa sa mga upuan sa comenador. Maliliit at dahan dahan ang kanyang mga hakbang. Sinisigurado niyang hanggat maaari hindi gumawa ng ni katiting na ingay. Baka kasi magising ang Senyora. Mahimbing siguro ang tulog nito at ni hindi man lang namalayan ang pagsigaw ng sariling anak. O ipinagsawalang bahala lang nito iyon. Inakyat ang escalera nang may pag-iingat. basa kasi ang kanyang mga paa at malaki ang tsansang madulas siya sa sahig at malaglag. Nakahinga lang siya ng maluwag ng marating niya ang pinakahuling hakbang. Mayroong limamng kwarto saikalawang palapag ng bahay ayon kay Manang Elsa. Ang kwarto ni Clara ay nasa dulo ng pasilyo. Pigil hininga siyang naglakas papunta roon. Ano kaya ang naghihintay sa kanya doon?

Kumtaok muna siya at tinawag ang pangalan ni Clara, " Senyorita Clara?"

Walang sumagot.

Pinihit niya ang seradura at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanyan ang magulong kwarto ng bata. Nagkalat sa sahig ang mga laruan at libro nito sa sahig. Ang higaan nito ay magulo din. Malamig at may hanging nanggagaling sa labas ang dumarampi sa kanyang balat. Dumako ang mga mata niya sa malaking bintana sa kwarto. Natigilan siya. May pigurang nakatayo doon. Nakatalikod ito sa kanya at nakatanaw sa labas. Pamilyar ang pigurang iyon, ramdam niya. Subalit may kung anong hindi maipaliwanag ang humaharang sa kanyang mga alaala para muling lumitaw. Tila ba naramdaman nito ang kanyang presensya at unti-until itong humarap sa direksyon niya. Nandidilim na ang kanyang paningin ng mga oras na iyon dahil sa pinaghalong kaba at takot. Hindi niya aninag ang mukha nito ngunit may kakaiba itong presenya. Isang nakakapangilabot na presenya. Inilahad nito ang kamay sa kanya, inaanyayahan siyang lumapit. Tia ba may sariling isip ang kanyang mga paa at humakbang ang mga ito papalait sa pigurang iyon.