webnovel

Notes Know The Truths

More untold truths written on my notes.

envieve · Teenager
Zu wenig Bewertungen
18 Chs

3rd

2017

I was so down that afternoon. My parents were fighting at an early morning. They were arguing about my studies—which I failed. They forced me to study the course I did not want and now they're mocking at me.

Nasa swing ako non sa playground, nasa malayo ang tingin. Hanggang sa may pamilyar na tao akong nakita.

Tumayo ako at lumapit sa slide kung saan may lalake na nakaupo sa tuktok at malayo rin ang tingin.

Napangiwi ako. There goes my friend na alam kong mas problemado pa sa akin. Si Greyson.

He was wearing a simple white shirt and a sweatpants. Medyo hinahangin ang buhok niya. Natawa ako ng mahina kasi tila nasa music video siya. Nilabas ko ang phone ko at kinuhanan siya ng litrato.

Matapos ng dalawang picture, naglakad ako palapit sakanya. Marahan akong umakyat ng slide. By the way, simple lang ang hitsura nito hindi magara na may cover kineme.

Maingat akong umupo sa likuran niya at syempre, dahil alam kong delikado, kasabay ng paggulat ko sakanya, pinulupot ko yung binti ko sa hips nya.

Nakalimutan kong tulala siya at magugulatin ng kaunti. Dumulas kami sa slide. Walang silbi yung ginawa ko para mapigilan siyang dumulas sa slide.

Kinabahan ako na baka mahulog kami sa gilid at magkamali ng hulog. Mabilis ang pangyayari at hindi ko alam kung paano niya ginawa. Basta hinawakan niya ako ng mahigpit sa bewang. Sumunod na nalaman ko nalang bumagsak na kami sa damuhan.

Nagkatinginan kami at parehong natawa.

We both knew we're going through something but none of us bothered to ask. We talked about things, teased and play the swing. We took a photo and we laughed.

Masaya ako na napagaan mo ang loob ko at ganon din ako sa'yo. Kahit saglit nakalimutan ko ang problema kahit na hindi natin pag-usapan ito.