webnovel

CHAPTER 3

CHAPTER 3

Tumayo na ako at pinagpag ang uniform ko. Umatras ako kay Sanjay at nagkatinginan kami.

"Ayos ka lang?"

"O-Oo. Ayos lang ako, ikaw?"

"Oo naman. Hays, ano ba nangyari sa 'yo?" Inayos niya pa 'yung buhok niya tapos tumingin na naman sa akin.

"May natapakan ako. Hays!" Suminghal ako.

"Wala bang masakit sa 'yo? Apat na hakbang sa hagdan ka rin nalaglag ah, buti na lang sinalo kita."

"Walang masakit hehehe, salamat. Tara na!"

Umakyat na lang kami pareho sa second floor at pagpasok naming lahat dito sa lab ay tinuro na ni Sir ang gagawin namin.

About cook ang aming course dahil gusto ko maging chef someday.

"Aray!" mahinang angil ko at napahawak ako sa balikat ko.

"Uy, beh! Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Marialyn.

Nagkatinginan kami ni Sanjay at iniwas niya ang tingin sa akin. Sa amin na lang 'yung nangyari kanina at wala nang dapat makaalam. Mabuti na nga lang, walang nakakita sa amin.

"Wala, hehehe," sagot ko na lang kay Marialyn.

Kaniya-kaniyang table kaming lahat at sa bawat isa ay magka-partner. Ngayon ay nirorolyo namin ang harina para sa tinapay na gagawin namin.

"Sabi mo walang masakit sa 'yo, eh bakit mo ininda 'yang sa balikat mo?"

"Wala 'to, ano ka ba!" sabi ko kay Sanjay.

Tinignan niya pa ako ng parang masama at hindi ko na lang siya pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.

"We're done!" sabi ko at ipinakita ko kay Sanjay ang bake naming heart shape na tinapay tapos color red.

Walo sya at sakto lang naman sa laki ito, parang isang kalahating kamao lang. Sinara ko na ang oven tapos nagkatinginan na naman kami ni Sanjay.

May natapos na ding ibang kaklase namin kaya naman tinikman na ni Sir ang bawat gawa namin. Maganda naman ang sinabi niya tungkol sa mga ginawa naming tinapay.

"Guys, ano 'yung inyo?" tanong ni Marialyn na lumapit sa amin ni Sanjay. "Wow! Pwede patikim?" Pumayag naman kami. Nang kuhain niya naman ang isang tinapay ay lumapit naman dito si Andy.

Kinagat ni Marialyn ang tinapay tapos sabay kinagat din naman ni Andy ang hawak niyang tinapay kaya parang nag-kiss sila.

"Uy, ano ba Andy! 'Wag dito!" suway ni Marialyn kay Andy. Tumawa lang sa kanya ang jowa niya.

"Ano naman sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"Oo nga! Patikim din!" segunda ni Sanjay.

"Heto oh!" ani Andy tapos pinakita nya sa amin ang graham balls.

"Tinapay ba 'yan?!" natatawang tanong pa ni Sanjay.

"Oo! Saka 'yan 'yung binigay ni Sir na gagawin namin eh!"

"Tikim kayo!" ani Marialyn.

Kaya kumuha na kami ni Sanjay ng isa at kinain na namin. Masarap naman siya! Sana kasi 'yung topic na binibigay is alam na ng iba eh, kami kasi ni Sanjay ay dapat sariling tinapay ang gagawin!

Pagkauwian nga'y naglalakad kaming dalawa ni Sanjay pauwi.

"Ano... Okay ka na ba?" seryosong tanong niya.

"Okay na nga. Saka kapag aksidente ang nangyari tapos nagkaroon ka ng sakit sa katawan, madali lang 'yon gumaling," sabi ko na ikinatawa niya naman.

"Weh?"

Hinampas ko siya sa braso. "Totoo naman kasi!"

At nagpatuloy pa rin siya sa pagtawa at kaya nanguna na 'ko maglakad sa kaniya. Subalit habang naglalakad ako...

"Eliza!" tawag ng isang lalaki tapos sinipa niya ang bato na nasa paanan ko.

"Hay, nako, Eliza! Madadapa ka na naman!" sabi ni Sanjay sa likod.

"Salamat, Joshua," pagpapasalamat ko sa lalaki.

"Walang anuman, sige mauna na ako!" paalam niya. Siya 'yung kaklase naming pansin kong tingin nang tingin sa akin sa classroom at ewan ko ba.

"Crush ka ba, no'n?" tanong ni Sanjay sa likod ko habang nakatingin kay Joshua na tumatawid.

"Huh? Hindi ah!"

"Sobra 'yung pagngiti sa 'yo eh!"

"Ewan ko sa 'yo! Tara na nga!"

At ayon, nanguna na naman ako sa paglalakad.

"Uy, wait lang! Saka baka masalubsob ka na naman nako! Tumingin ka sa dinadaanan mo."

Hays, nakakainis lang siya dahil hindi niya napapansin 'yung keychain sa bag ko!

Habang naglalakad kami rito ay bigla siyang napahawak sa bag ko.

"Ang galing ah! Nilagay mo pala 'yan?" tukoy niya sa keychain na nasa zipper ng bag ko.

"Oo, sa wakas napansin mo na!"

"Ngayon ko lang napansin, bagay sa black mong bag ah!"

Kinagabihan ay nandito ako sa rooftop namin. May sinampay pa nga rito eh. Ang init kasi kaya rito muna ako para magpahangin.

Habang nagsi-scroll ako rito sa cellphone ay may bigla akong narinig sa baba. Kaya naman napalingon ako sa hagdan.

"Si Eliza po?"

"Nandoon sa rooftop. Bakit ka naman napapunta rito?" tanong ni Ate sa kausap niya roon.

"May sasabihin lang, Ate."

"Sige, Marialyn, akyat ka na lang doon!"

Ano namang ginagawa rito ni Marialyn? At ano 'yung sasabihin niya?

Maya-maya pa'y narinig ko na ang yagabag ng kaniyang pag-akyat dito.

"Eliza!"

"Ano ginagawa mo rito? Gabing-gabi na ah?" tanong ko nang makalapit na siya sa akin.

"Balews ka! Ano'ng gabing-gabi? Mag-a-alas siyete pa lang!" sabi niya na napatingin pa sa cellphone niya.

"Ano ba'ng ginagawa mo kasi rito?"

"May sasabihin lang kasi ako!"

"Ano naman 'yon?"

"Si Sanjay!"

"Ano?"

"May gusto sa 'yo si Sanjay!"

"Huh?!"

Napalingon ako sa gilid at natawa ako sa kaniya. Ako? Gusto ni Sanjay?

"Oo nga! Ayaw maniwala! Inamin niya raw kay Andy tapos ayon, sinabi ni Andy sa akin at dahil sa kadaldalan ko ay ito sinasabi ko sa 'yo!" explain niya pa.

Huh? Pano naman mangyayari 'yun?! Magkaibigan kami ni Sanjay. Saka gwapo siya at dapat maganda ang nararapat sa kaniya. Ako kasi sakto lang naman.

"Bahala ka riyan! Ayaw mong maniwala!" Kiniliti niya pa 'ko, "Pero alam kong kinikilig ka! Yieee!"

Dahil sa sinabi ni Marialyn. Hindi na 'ko makatulog ngayon dito sa kama ko. Paano na 'to? Baka bukas mailang ako sa kaniya!

Tinakpan ko na lang ng unan 'yung mukha ko at hanggang sa hindi ko namamalayan na nakatulog na ako.

Naka-P.E. uniform ako dahil P.E. day namin at mag-isa akong pumasok dahil ang message ni Sanjay ay may ginagawa pa siya sa kanila.

Mabilis lumipas ang oras at recess na namin ngayon.

At grabe kanina, naiilang ako kay kay Sanjay! Pansin kong hindi rin siya makatingin sa akin kapag nagkakatama ang mga mata namin! Pero nagkakausap naman kami like batian ganoon.

"Mamaya sa Noodles Hanna ah!" sabi ni Andy habang kumakain kami.

Nakatingin si Andy sa amin ni Sanjay at ngingisi pa.

"Oo nga pala p're, 'no! Manlilibre ka sa amin!" buyo ni Sanjay kay Andy tapos tumawa pa.

"Luh? Ikaw nga 'yung manlilibre 'di ba!"

"Sabi ko nga." Napapayuko pang sabi ni Sanjay kay Andy. Napatingin pa siya sa akin pero dali-dali naman siyang tumingin sa pagkain niya at nagpatuloy kumain nung tignan ko rin siya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Andy kay Marialyn.

"Ayos lang. Baka sila ang hindi okay?" natatawa pang sabi ni Marialyn na tumingin sa amin ni Sanjay.

"Okay lang."

Nagulat ako dahil sabay naming isinagot ni Sanjay 'yan. Nagkatinginan na naman kami at para bang awkward na naman!

--

"Clear naman ang instructions ko, 'di ba? Again, magru-running tayo today. So, let's go inside class dahil kayong lahat ay magkakarerahan, bubunot na lang ako," sabi ng Professor naming lalaki at lumabas na.

Nanguna sina Marialyn at Andy lumabas kaya naiwan kami ni Sanjay.

"Iniwan tayo!" sabi ni Sanjay habang nakatingin kina Marialyn.

"Tara na kaya!"

Tumingin nga si Sanjay sa akin saka na naman siya umiwas. Naalala ko 'yung sinabi ni Marialyn kagabi! Wala 'to, Eliza! Trip ka lang nina Marialyn at Andy!

"Uy, Eliza! Sanjay! Tara na at baka pagalitan pa tayo ni Sir!" sabi ni Joshua tapos lumapit pa sa amin.

"Sasabay ka sa amin?" tanong ko na nakangiti.

"Oo naman! Tara na!"

"Hindi na Joshua." Sabay kaming napalingon kay Sanjay. "Una ka na with your friends, sabay kaming dalawa," seryosong sabi ni Sanjay.

"Ah ganoon ba," sabi ni Joshua tapos bumaling sa akin. "Sige una na ako, sunod na rin kayo!"

Pagkaalis ni Joshua ay nagkatinginan kami ni Sanjay.

"Tara na!" aya niya.

"Sige."

Pagkarating namin dito sa malaking court dito sa SJU ay nagsalita si Sir kung sino ang unang magkakarera.

"Bautista and Ferrer," sabi ni Sir.

Nakita kong umatras sina Sanjay at Joshua. Nagkatinginan pa sila at ngingisi-ngisi si Sanjay sa kaniya.

"Tatlong balik ah! Okay... Ready, get set..Go!"

At ayon na nga, nagkarerahan na silang dalawa. Nakakatuwa lang dahil ang sarap nila tignan!

Sa malaking court na 'to, ang karera ay iikot ng tatlong beses. 'Yung akala mong hindi nakakapagod pero nakakapagod siya 'pag ikaw na ang tumakbo. Malaki ang court ng San Juanito University. Mabuti na nga lang at hindi kami sa quadrangle o sa gym kasi mas malawak doon. May mga upuan naman dito sa court na siyang palapag din para na rin sa audience at nandito kami ngayong lahat na mga nanonood.

Cheer ang mga kaklase namin dito dahil nagkakaunahan sila. Si Sanjay ang nangunguna at maya-maya naman ay si Joshua naman ang mangunguna.

"Mukhang sa 'yo sila nagkakatalo oh!" asar ni Andy. Hindi ko na siya pinansin dahik nakita ko 'yung dalawang nagkakarera na parang nagkakausap.

Pangatlong balik na nila at kaya mas malakas ang cheering ng mga kaklase ko. Kita kong hinahawakan ni Sanjay ang kaniyang buhok dahil pawis na rin sila.

28 lang kami sa klase at mabilis naman kami matatapos na akala mo matagal.

Sinulyapan ko si Marialyn at Andy, nakita ko si Andy na nakayakap kay Marialyn.

Pumito na nga ang Professor namin at tumayo na tapos bumaba at nagpunta sa court nung tapos na sina Sanjay at Joshua.

"Okay, Bautista wins!"

Nagsigawan ang mga kaklase ko at kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Sanjay.

"Next... Ello and Huang."

Kalaban ni Andy 'yung half chinese naming kaklase. At ang nanalo naman diyan ay si Andy kaya tuwang-tuwa si Marialyn dito.

Ngayon, bumunot na nga muli si Sir sa papel na hawak niya.

"Next is Herras and... Hmm Ikaw!" Tinuro ako ni Sir. "Dela Cruz. Let's start na!"

"Hoy, beh, walang pagbibigyan dito, huy!" sabi ni Marialyn kaya sinulyapan ko siya.

"Oo. Walang best friend best friend dito!" hamon ko at tumawa kami pareho.

"Ready, get set.. Go!" Pumito na ang professor namin at nagsimula na kaming tumakbo ni Marialyn.

Rinig kong chini-cheer kami ng mga kaklase namin pero kita ko na sobra sa pagchi-cheer sa amin sina Andy at Sanjay. Mga tumatawa pa nga!

Nanguna na ako kay Marialyn sa pagtatakbo. Pero nung pagkatapos na namin ay siya ang panalo. Sayang tuloy!

"Okay lang 'yan! Pareho kaming panalo at pareho kayong talo! Oh, 'di ba! Destiny!" overacting na sabi ni Andy sa 'min ni Sanjay. Panalo kasi silang dalawa ni Marialyn at talo naman kami ni Sanjay kaya pinagtatawanan nila kami.

"Eliza." Napalingon ako kay Sanjay, inaalok niya sa akin ang bottled water.

"Salamat," sabi ko at habang umiinom ako ay nasusulyapan ko si Sanjay na nakatingin sa akin at nakangiti.

Ang awkward! Kaya nung pagkainom ko ay binigay ko na sa kaniya ang bote na one fourth na lang ang natitira na tubig. Ngumiti na lang ako sa kaniya.

Bigla ko na naman muling naalala 'yung sinabi ni Marialyn sa akin kagabi. Totoo bang may gusto siya sa akin? Tanungin ko kaya?

"Sanjay," tawag ko.

"Uhm?"

Sandaling katahimikan ang nangyari sa amin at nakatingin lang kami sa isa't isa. Hanggang sa na-realize ko na hindi ko pala kayang itanong sa kaniya kung may gusto ba siya sa akin.

Nagkangitian na lang kami sa isa't-isa at tumingin na lang sa mga kaklase naming nagkakarerahan.

"Ayieeeeeeee!"

Napalingon kami pareho ni Sanjay na nagpupunas ng pawis gamit ang towel kila Marialyn at Andy na magkadikit saka tumatawa sa amin.

Pagkatapos tumakbo ng lahat ay nagsalita na si Sir.

"Okay, nice! Go back to your classroom and goodbye." Nagpaalam na din kami sa kaniya at nagpasalamat.

"Hay, nakakapagod!" sabi ko pa sa sarili at umupo ako saka sumandal sa upuan ko.

"Eliza." Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Sama ka? Mamaya sa Noodles Hanna?"

"Oo, Sanjay. Celebrate natin 'yung sa kahusayan natin sa reporting e."

"Nice okay!" Nag-thumbs up siya sa akin.

Pagkauwian ay dumiretso kami rito sa Noodles Hanna. Pagkahigop ko ng sabaw ng noodles ay nilapag na ni Sanjay ang softdrinks sa table namin at umupo na sa tabi ko.

Nagkakasipsipan si Andy at Marialyn ng softdrinks gamit ang straw habang kami ay nakatingin lang sa kanila.

"Hoy! Ano ba kayo! Huwag kayo magganyan dito!" suway ni Sanjay sa kanila.

"Inggit si torpe!" sabi ni Andy sa kaniya kaya napatigil ako sa pag-kain ng noodles at napatingin sa kanila.

Natawa nga si Marialyn doon.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami rito sa Noodles Hanna.

"Sarap talaga kapag libre!" ani Andy at inakbayan si Marialyn.

"Syempre, minsan lang din ito eh!" sabi ni Sanjay.

"Busog ba, Eliza?" Tanong sa akin ni Marialyn na tumingin din kay Sanjay.

"Sakto lang... Salamat Sanjay!" sabi ko kay Sanjay habang nakayuko pa rin sa semento.

"Una na kami ah, punta pa kaming 7-Eleven for date. Ingat kayo, ha! Tara na Marialyn!"

At umalis na silang dalawa.

Habang kami ni Sanjay ay nakatayo pa rin at nagpapakaramdaman kung sino ang maglalakad. So ayon, ako na nag-adjust. Kaso pagkahakbang ko...

"Ah, Eliza..." tawag niya habang nakahawak sa braso ko.

"Uhm?"

Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita tapos napailing pa nga.

"Sandali lang... Tara na?"

"Okay."

"Cute talaga niyang binili na binigay ko sa 'yo!" aniya habang naglalakad na kami. Tapos hinawakan niya pa 'yung keychain sa bag ko

"Syempre, cute din ang nagbigay eh," pambobola ko sa kaniya pero totoo naman.

"Aysus!" Napabitaw siya sa keychain na ito.

"'Yung teddy bear pala na bigay ko sayo, nasaan?"

"Nasa bahay sa kwarto ko, naka-display nga sa kabinet ko eh!"

Isa lang napansin ko sa pag-uusap namin. Nakayuko siya sa akin pero binalewala ko na lang iyon!

Ngayon ay nandito na kami sa tapat ng road namin at nagkapaalaman ulit.

Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si Papa na nanunuod ng TV.

"Papa. Nandito na po ako," sabi ko tapos ngumiti ako sa kaniya.

"Kumusta?"

"Ayos lang po."

"'Nak, heto na nga pala 'yung pinabili mo sa akin na susuotin mo sa semester party niyo sa school." Napalingon ako sa sinabi ni Papa at dali-dali naman akong lumapit sa maliit na mesang kaharap nya nang makita ko 'yon na nakapatong doon.

Binuksan ko ang box at talagang napakaganda!

"Salamat, 'Pa!" sabi ko kay Papa at niyakap siya.

"Syempre, gusto kong maganda ka sa party niyo!"

Natawa naman ako. "Pero bagay po kaya sa akin 'to? First time ko rin pong makakapagsuot din nito."

Ito kasi naisip ko at nakita ko ito sa internet at talagang napakaganda! Tinignan lang niya ako at nginitian.

"Oo naman!" Pumunta ako sa harap ng salamin at sinusukat-sukat ko ito, "Nga pala si Sanjay, kumusta?"

Napatigil ako sa pagsusukat sa salamin at napatingin kay Papa.

"Ah... Ayos lang po!"

"Nililigawan ka ba ni Sanjay?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Papa at bahagya pa siyang natawa.

"Papa naman! Hindi po ah!"

"Biro lang, anak! Bagay kasi kayo eh."

Natawa pa si Papa nung mas lakihan ko siya ng mata dahil sa gulat.

"Nga pala, anak... Mamaya aalis na ko babyahe na ulit ako," aniya kaya tumago-tango naman ako sa kaniya.

"Sige lang po, 'Pa. Ingat po."

Nasanay na rin ako kay Papa na parang once in a blue moon umuuwi. Every two days siya sa trabaho niya as a taxi driver at natutulog na lang sa ka-boarding house niya at may extra work pa 'yan! Taga-drive ng mga mayayaman at mga artista, kasi kapag wala 'yung driver ng mga 'yon ay si Papa ang tinatawagan nila.

Kinabukasan ay nagbeso na ako kay Mama at nagpaalam na aalis na ako. Kaso natigilan ako rito sa kanto nang makita ko si Sanjay.

Hala, akala ko ba sabi niya is hindi muna ulit siya makakasabay sa akin?

Pagkagising ko kasi ay may messages na agad siya sa akin pagkabukas ko ng phone tapos sabi niya is hindi muna siya makakasabay sa akin at may ihahatid lang daw siya.

Tapos may dala pa siyang panyong rainbow ah?

Nahalata niya yatang nakatingin ako sa kaniyang rainbow na panyo at natawa pa sya ng bahagya sa akin.

"Oh bakit? Maganda naman 'di ba?" Binuka niya pa 'yon at isinuot sa ulo niya.

"Kala ko ba, hindi ka makakasabay sa akin?"

"Wala! Gusto ko lang ipakita sa 'yo 'to at masurprise kita!"

Ano raw? Ang babaw niya, huh!

"Hay nako, Sanjay! Tara na nga at pumasok na tayo!"

"Sa 'yo na lang!" Alok niya pa roon sa panyo.

"Ayaw mo?"

Kaya naman kinuha ko na lang 'yung panyong rainbow at nilagay ko na lang 'to sa bag ko tapos nanguna na siya sa paglalakad. Nakukulitan ako ngayon kay Sanjay. Pansin niyo?

"Huy, ano ba! Huwag ka ngang manguna kasi baka masalubsob ka na naman o masagasaan tapos mag-aalala na naman ako."

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

Natawa pa siya nang tignan ko siya nang diretso.

"Hays, tara na nga!" aniya pa at hinawakan na ako sa braso.

Ang weird!

Pagkapasok namin sa school ay nakita ko na naman sina Rome at Alexa. Hawak ni Alexa ang braso ni Rome.

Napatingin naman ako sa braso ko na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin ni Sanjay.

Nagkangitian lang kami ni Rome at habang si Alexa ay nakangiti din sa akin tapos napatingin pa sila sa braso ko na kinakapitan ni Sanjay. Nang makalampas na sila ay roon lang parang lumuwag!

"Uy, Sanjay!" Piniglas ko 'yung kaniyang kamay sa braso ko.

"Hah?" Natatawa pa niyang tanong sa akin.

"Tss!" bagot ko.

Pagkapasok sa room ay sinalubong kami ni Joshua.

"Uy, Eliza! May ka-partner ka ba sa semester party? Hmmm... Gusto sana kita maka-partner!" aniya tapos napatingin si Sanjay sa akin na tumingin ulit kay Joshua.

"Meron na, p're! Hanap ka na lang ng sa 'yo!"

"Sino, ikaw?"

"Oo, p're."

"Hays, sayang naman."

Hinawakan ako ni Sanjay at pahatak niya akong inilayo kay Joshua hanggang sa nakarating na kami sa upuan.

"Ano ba, Sanjay. Kakausapin ko pa nga lang eh!"

"Huwag na! Nakausap ko na eh, tsk!"

"Hay nako! L.Q. na naman po sila!" dinig ko pang sabi ni Andy.

"Oo nga. Hayaan na natin sila."

"Pero gusto ko, tayo rin mag-LQ!"

"Luh?"

"Oy, hindi kami mag-L.Q. ah! Hindi kami magjowa nyan ni Sanjay!" angal ko dahil puro sila asar. Tumawa nga lang sila.

"Heto kasi si Sanjay! Ayaw pa aminin!" ani Andy tapos napatingin si Sanjay sa kanya.

Natawa na naman 'yong dalawa hanggang sa may pumasok na Prof na namin.

--

MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO.

Tapos na ang exam, tapos na ang activities at lahat ng reports. Heto ba at bukas na ang aming semester party. It's friday and then tomorrow is saturday!

"Eliza!" rinig kong tawag ni Ate mula sa labas tapos pumasok dito sa kwarto ko. "Bagay ba?" tanong habang hawak-hawak niya ang long sexy white dress.

"Oo. Anghel ka naman eh, kaya bagay sa 'yo 'yang white!"

"Bakit sa 'kin parang hindi bagay?"

"Pakitingin mo lang 'yon, Ate!"

"Hays! I'm so excited sa semester party!"

Pagkalabas ni Ate ay napaupo ako sa kama ko at nag-isip. Panibagong semester na naman at panibagong hirap na naman. Ano kaya'ng magiging kapalaran ko ngayon?

Nasa kalahati na ako ng first year college at talagang mahirap din pala maging college. Pero kaya pa naman!

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang nag-rinig ang phone ko kaya pagkakuha ko ng phone ko ay nakita kong tumatawa si Marialyn.

"Hello?"

[Beh! Pupunta si Sanjay diyan sa inyo! Maghanda ka!]

"Bakit naman?"

[Basta!]

Magsasalita pa sana ako kaso bigla niyang ibinaba ang tawag at kasabay no'n ang nagkataon namang narinig ko na ang boses ni Sanjay na tumatawag sa pangalan ko.

Tumingin ako sa bintana at kita ko naman siyang naka-polo at naka-pantalon tapos nakangiti sa akin.

Bakit ang gwapo ni Sanjay diyan?

Napailing-iling na lang ako saka ako nagdesisyong lumabas ng aking kwarto.

Kaso nang pagkalabas ko rito sa kwarto ay natandaan ko na naman 'yung sinabi sa akin ni Marialyn na maghanda ako pagkapunta rito kay Sanjay.

Ano namang meron?

Dahil sa pagiging curious ko ay lumabas na ako at habang binubuksan ko 'yong gate namin ay nakangiti si Sanjay sa akin.

Napansin kong may kwintas siya sa leeg nya at ayon 'yung sobrang nagpagwapo sa kaniya!

Nakatingin siya sa akin at napabuntong hininga pa.

Ano ba'ng meron? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit parang may mangyayari?

Napatingin na lang ako sa kaniyang buhok na talagang nakaayos at ibang-iba ang itsura niya kasi naka-push back ang buhok niya! Gwapo siya pero mas gumwapo siya ngayon!

"Eliza. May ibibigay ako sa 'yo," aniya tapos tinanggal niya 'yung kamay niya sa likod niya.

Nagulat ako nang makita ko na hawak-hawak niya 'yong bouquet of flowers.

Hala?! Bakit niya ako binibigyan? Mahal 'yan, 'di ba?

Napalingon ako sa bahay at wala naman sila Ate doon. Kaya naman hinawakan ko 'yung balikat niya at ipinunta siya rito sa likuan kung saan hindi makikita ang bahay namin.. Mabuti na walang tao dito.

"Teka ano'ng ginagawa mo? Bakit mo 'ko idinala rito?" takang tanong niya.

"Baka lumabas sila Ate at makita ka na binibigay mo sa akin 'yan! Bakit mo ba kasi binibigay 'yan!"

"Para sa 'yo," aniya tapos ngumiti siya at inaalok niya sa akin ang bouquet of flowers.

Bigla namang humangin ng malakas pero nakatingin pa rin kami sa isa't-isa.

Para akong naistatwa sa kinang ng kaniyang matang nakatingin sa mata ko ngayon!

"May gusto akong ipagtapat sa 'yo. Sa semester party ko sana ipagtatapat sa 'yo kaso mahiyain ako kaya sa 'yo na lang at sa harapan mo mismo,"

Bigla naman akong napatingin nang diretso sa kanya! Napabuntong-hininga sya.

"Heto na..." Napabuntong-hininga pa siya. "Gusto kita Eliza. Pwede ba kitang ligawan?"

Nanlaki nga ang mata ko at parang natuloy ang lalamunan ko sa aking narinig! Napalingon ako sa gilid kasi baka may makarinig!

"Hindi ako nagbibiro. Gusto kita."

"Nung inaya kang ligawan ni Rome? Pumayag ka?" tanong sa akin ni Marialyn last week.

"Oo, gusto ko siya noon eh," sagot ko sabay tawa. "Kaya ayon, napapayag niya na rin ako!"

"Eh, paano ngayon? 'Di ba, nasaktan ka? Paano kapag may lalaking nagsabing liligawan ka niya... Magpapaligaw ka ba ulit?" tanong ni Marialyn kaya nagtaka naman ako sa kaniya.

"Ano'ng ibig mong sabihin diyan?"

"Wala. Saka kung meron man, panahon mo na para buksan ang puso mo! Dahil tingin ko! Para sa 'yo na siya!" At natawa siya tapos umalis na siya sa tabi ko at bumalik na kay Andy.

Nagtaka naman ako nang sobra roon! Ano'ng 'para sa 'yo na siya'? Sino naman?

At nag-flashback din sa aking isipan 'yung tinatanong ako ni Sanjay na katulad ni Marialyn.

Kaya niya ba ako tinatanong niyan noon dahil may gusto talaga siya sa akin? Na plano niya akong ligawan?

Hindi ko alam ang gagawin ko! Gulat na gulat ako sa pangyayari! Lalo na sa sinasabi niya.

"Pero Eliza. Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita! Gusto kong maranasan mo ang pagmamahal ko na hindi katulad kay Rome dahil mas higit pa 'ko kay Rome!" Napapalunok pang sabi nuya at dahil doon ay mas lalong nanlaki ang mga mata ko!

Kinurot ko pa ng patago ang braso ko at talagang totoo nga ito!

"Totoo nga! Seryoso ako Eliza!"

"Sanjay." Habol-hininga kong tawag sa pangalan niya.

Bigla niya naman akong hinawakan sa balikat at tinignan sa mga mata.

"Okay lang. Maghihintay ako! Alam kong hindi ka pa handa dahil sa nangyari sa inyo ni Rome, iniisip mo bang matutulad tayo sa pangyayaring 'yon? Hindi! Hinding-hindi mangyayari 'yon Eliza!" aniya pa at nakita ko sa mata niya na may luhang tumulo roon.

"Payag ka na kasi! Paligaw na!" Napalingon naman kami ni Sanjay sa nagsabi no'n.

Nagulat ako nang si Ate Lilian pala 'to!

"Ayos lang 'yan! Gusto naman namin si Sanjay para sa iyo eh!" ani Ate pa.

Nagkatinginan na naman ulit kami ni Sanjay at bumaling ulit kay Ate!

-END OF CHAPTER 3-

THANK YOU SO MUCH FOR READING! <3< em>