webnovel

CHAPTER 2

CHAPTER 2

"Dito tayo, Eliza. Baka umulan eh," aniya tapos nagpunta kami dito sa may silong.

Napatitig ako sa kanya at na-imagine ko sa kanya si Rome. Ganiyang-ganiyan talaga ang ginawa ni Rome sa akin noon.

Sobrang kulimlim at mukhang uulan. Mas mabuti pa sigurong sumugod na kami papasok sa SJU bago pa umulan.

"Sugod na kaya tayo? Hindi pa naman bumubuhos ang ulan eh!"

"Sure ka?"

"Oo. May payong ako rito."

"Baka kasi kumulog na naman eh! Hindi kaya ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo!" aniya tapos napalingon pa at tumingin nanaman sa akin. "Pero ayos lang basta ikaw."

Para akong nalaglag dito sa inuupuan ko. Nag-iiba sa akin 'yung mga sinasabi nya! Ewan ba. Nevermind!

"Salamat."

"Always!" aniya tapos ngumiti siya sa akin.

"A-Ah.. 'Di naman uulan eh! Makulimlim lang. Tara na at baka ma-late pa tayo!"

"Sige na nga," sabi pa niya at dahil doon, napagdesisyunan na nga namin umalis.

Mabuti at nakarating na kami sa school dito sa SJU nang hindi na umulan. Ngayon umakyat na kami sa building namin.

"Nga pala. Sasali ka sa semester party?" tanong sa akin bigla ni Sanjay at tumango ako.

"Oo, ikaw?"

"Syempre naman! Partner tayo ah!"

"Sige-sige."

Ngayon ay papasok na kami ng room. Tumingin muna ako sa langit at makulimlim pa rin. Humarap na ako sa pinto para pumasok.

After a few minutes ay pumasok na sina Marialyn at Andy. Mas nauna pa pala kami kaysa sa kanila. Kasunod din nila ang professor namin.

Recess na ngayon at nagpaiwan ang dalawang ito kaya kaming dalawa ni Sanjay ang sabay. Sila na daw ang bahala. Pupunta kasi sila ng library para mag-review dalawa.

Sana all!

"Gusto mo rin bang mag-review din tayong dalawa?" biglang tanong niya at agad na naman akong lumingon sa kanya.

"Ah, huwag na, nagre-review din naman ako sa bahay saka hayaan mo sila, moment nila iyon!"

"Sige ililibre na lang kita."

Nanguna na siya sa paglalakad at ako ay para akong naistatwa rito na ewan. Iba 'yung spark eh! What? Spark?

Kaso maglalakad na sana ako nang natanaw ko si Rome malayo rito na sinusubuan ng pagkain ang girlfriend nyang si Alexa.

Naalala ko na naman ang ala-alang namin niyan ni Rome, pero ang kabaligtaran ay ako ang sumusubo ng pagkain sa kanya.

"Eliza!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang tawagin ako ni Sanjay.

"Tara na!"

Pilit ngiti na lang ako sa kanya at nagpuntang patakbo sa kanya.

Ayon nga, nilibre nga niya ako ng kanin na may ulam na sinigang.

"Eliza, may kanin!" Tinuro niya ang kaliwang pisngi ko at pinunasan ko naman 'yon gamit ang palad ko.

"Okay na?"

Bahagya pa siyang natawa at lumapit siya sa akin tapos pinunasan niya ang hinlalaki niya sa may gilid ng labi ko sa kanan.

Ngumiti pa siya sa 'kin at nagpatuloy kumain.

"Alam mo ba, gusto ko ganiyan tayong dalawa, kaso puta may babae ka na naman!"

Napatingin ako sa narinig ko na babae na kausap ang lalaki sa kabilang table. Nasa likod 'yung lalaki at nasa harap yung babae. It means, babae 'yung nakikita kong nakaharap.

"Bakit mo ba kinukumpara 'yung ibang magjowa sa atin, huh?!" pagalit na sabi nung lalaki.

Magjowa?

"Ano 'yun, Eliza?" tanong ni Sanjay at napatingin naman siya sa likod niya kung saan nakapwesto ang magjowang nag-aaway siguro.

"Saka lalong wala akong ibang babae ah!" Tumingin pa 'yong lalaki sa amin at bumaling muli sa jowa nya.

"Hindi ka kasi sweet sa akin! Naiinggit lang ako sa magjowa na 'yan sa kabila!"

"Tsk! Ayoko na nga! Tara na, bumalik na tayo sa room! Nakakawala naman ng gana oh!" Tumayo na 'yung lalaki at umalis at iniwan 'yung girlftiend niya. Napatingin lahat sa kanila.

Tinignan ko pa sila at ngayon parang nagso-sorry 'yung babae sa lalaki at pagkatapos noon ay hinalikan ng lalaki sa noo 'yung babae.

Narinig ko bigla ang tawa ni Sanjay nang lingunin niya ako, "Nakakaagaw pansin pala ang magjowang ganiyan. Tapos away-bati rin pala ang magjowa."

Napangiti ako dahil naalala ko na naman 'yung sa amin ni Rome. Na minsan tinotoyo ako pero todo lambing siya sa akin.

"Inaalala mo na naman si Rome, ano?"

"Ah, hindi ah!" Pagtanggi ko dahil nabasa niya pala ang iniisip ko. "Uhm, bilisan na natin kumain, baka ma-late pa tayo."

Natawa pa siya. "Sige, Pero Eliza..." Tumingin pa siya sa aking nakataas ang noo. "Gusto ko 'yung narinig kong magjowa! Napagkamalan tayong magjowa!" tumatawa pang aniya tapos nagpatuloy kumain.

Natawa na lang ako sa isipan ko dahil ganiyang-ganiyan 'yung nangyari sa amin ni Rome dati.

Puro discuss lang ang nangyari sa classroom pero may pinagawa sa amin. Groupings and reporting.

"Group into four."

Bago pa ako tumayo, lahat sila nakalapit na sa akin. Si Andy at Marialyn tapos si Sanjay. Si Andy, todo ngiti habang naka-akbay siya kay Marialyn.

"Next week, kailangan ko na 'yan ah. I will assign the topic to all of you later kapag nakahanap na kayo ng kagrupo," sabi pa nung babae na professor namin.

"Matik na! Tayo na magkakagrupo!" ani Sanjay.

Nagkatinginan pa kami ni Sanjay at nagkangitian.

"Ayieee! Parang may iba ah!" asar ni Andy, pero hindi na lang namin pinansin 'yun ni Sanjay.

Naibigay na ni Ma'am ang topic at about iyon sa nature. Ire-report pa namin 'yan.

"Deadline is next week class. Okay, goodbye, class."

At nagpaalam na kaming lahat kay Ma'am.

Napag-usapan namin nila Sanjay na simulan na namin mamaya ang paggawa. Dapat three days, gawa na namin ito, syempre si Sanjay ang leader namin.

Lumipas na ang uwian at nakauwi na kami. Ngayon, mabilis na lumipas ulit ang oras hanggang sa...

Sanjay's calling..

"Sanjay."

[Uy, tara na, nakaayos ka na ba?]

"Oo. Bakit? Ngayon na agad?"

[Oo arat na! Gusto na ulit kita makita eh.]

"Nasaan ba kayo?"

[Nandito na sa labas ng bahay mo. Nakikita nga kita riyan sa bintana eh]

Dahil sa sinabi niya, bigla naman ako napatingin sa gilid ko at ayon hawak-hawak ni Sanjay ang cellphone niya tapos nasa tainga at ngumiti sa akin saka kumaway.

Binaba ko na ang cellphone ko pagkatapos ay sinara ko na 'yung bintana na ito.

"Gusto raw ako makita eh... Nakatingin nga sa 'kin!" bulong ko pa sa sarili ko at binuksan ko 'yong pinto.

Pagkabukas ko naman ng pinto ay tumambad sina Mama at ni Ate Lilian sa harap ko. Kapwa silang nakatingin sa akin. Lumapit naman si Mama sa akin.

"Ayan na 'yong boyfriend mo. Inaantay ka!"

"Oo nga, beh! Pinapapasok nga namin kaso ayaw niya!" Tumawa pa si Ate. "Ang pogi talaga niyang Sanjay na 'yan!"

Binatukan siya ni Mama.

"Aray!"

"Ikaw talaga! Kay Eliza na 'yan, hays! May manliligaw ka na nga eh."

Napatawa naman ako sa kanilang dalawa. Sanay na rin ako na asarin nila ako na boyfriend ko si Sanjay. Nakakatawa lang talaga! Lagi na lang kasi kapag kasama ko si Sanjay is aasarin nila ako. Kapag sa daan naman inaakalang magjowa kami ng ibang tao!

"Sige na po, aalis na po ako." Sinukbit ko ulit ang bag ko kasi malalaglag na. Mahaba kasi ang tali nito. Para hindi malaglag ay pinaigsi ko na lang 'to.

"Sige, magpaspas kayo ng kalandian ni Sanjay!" sabi pa ni Ate.

"Nako ka, Ate! Sige na, aalis na 'ko!"

"Ready to go na, sis!"

"Ingat ka anak!" paalam ni Mama sa akin bago ako makalabas ng bahay.

"Sanjay!" tawag ko sa kanya. Napansin kong nakatingin siya sa akin hanggang sa buksan ko itong gate. "Ikaw talaga! Nagpunta ka pa sa gilid ng bahay para tignan ako eh, 'no!"

Tumawa siya. "Hayaan mo na."

"Ano, tara na? Saan ba tayo gagawa?"

"Kila Andy raw eh."

"Ah sige."

Ngayon ay nandito na kami kila Andy. Magkakalapit lang kami ng bahay kaya pwedeng lakarin.

"Pasok kayo," aya ni Andy.

Pagkapasok namin sa bahay nila ay nakita ko si Marialyn na tinutulungan ang Mama ni Andy. May nakita ako sa mesa nilang maliit na isang laptop na nakapatong doon.

"Hi po, tita Love," bati ko sa Mama ni Andy.

"Hello po, Tita!" bati rin ni Sanjay.

"Hello, Eliza at Sanjay! Kumain na ba kayo?"

"Opo," sabay naming sagot ni Sanjay.

"Nice, duet!" pang-aasar pa ni Marialyn habang nag-iipit ng mga damit sa hanger dahil naglaba pala sila ni Tita.

"Magjowa din ba kayo?" tanong ni Tita bigla!

"Hindi po," sabay na naman naming sabi ni Sanjay. Ang awkward tuloy!

"Nako, Mommy. Hindi pa po sila nagkakaaminan!" sabi pa ni Marialyn kay Tita Love.

"Ganoon ba... Kayo talaga! Sige at kumain na kayo, papakainin ko ulit kayo. Teka, punta muna ako sa kusina at paghahandaan ko kayo ng meryenda." At ayon, nagpunta na si tita Love sa kusina.

"Huwag nyong tanggihan 'yon si Mommy! Kailangan ubusin niyo 'yung ibibigay ni Mommy," sabi pa ni Andy.

"Salamat, p're!" ani Sanjay.

"Nga pala, labas ko muna ito," salita naman ni Marialyn.

"Samahan na kita!" Agad na tumayo si Andy mula sa sofa at tinulungan na magbitbit ng ipitan at hanger.

"Ang sweet nila, 'no!" sabi pa ni Sanjay. Ngumiti na lang ako sa kanya.

Sakto rin 'yun ng paglabas ni tita Love mula sa kusina at may dala-dalang tray na isang malaking mangkok na tinapay na spanish bread at juice na may pitsel pa.

"Sige, kain lang kayo! Enjoy!" nakangiting sabi ni Tita Love.

"Salamat po," sabi ko.

"Sige, maiwan ko na kayo riyan."

"Okay po, Tita Love!" sabi ni Sanjay. Umalis na nga si Tita at nagpunta sa kwarto.

"So ano na ba ang gagawin natin?" tanong ko at may binigay siya sa akin na flashdrive.

"Heto, nahanda ko na at may gawa na rin! Nandiyan lahat sa flashdrive. Tignan mo na lang dito sa laptop ni Andy."

"Ang bilis naman?" mangha kong sabi.

"Ayaw ko na kayo pahirapan eh! Pero kayo magre-report niyan, ako na bahala sa mga tanong."

"Oh, sige! Kaya na namin 'to!"

Sabi niya after three days is kailangan na tapusin? Pero nakagawa na pala! Talino talaga nito ni Sanjay eh, 'no.. Maski nga sila Marialyn at Andy ay gulat na gulat nang malaman nilang tapos na pala. Kaya ang ganap na lang namin ngayob ay in-explain na lang ni Sanjay ang gagawin tapos nagkwentuhan na lang kaming lahat saka tumambay.

--

Ngayon makalipas ang isang linggo ay heto na 'yung reporting namin kay Ma'am. Ayon, naging successful naman.

"Good job!" puri ni Ma'am at nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.

"Ang galing natin! Galing mag-explain ni Eliza!" sabi pa ni Marialyn.

"Kayo rin naman ah! Syempre may Sanjay tayo eh!"

"Iba talaga ang isang Sanjay Ferrer!" sabi pa ni Andy at ginulo-gulo pa ang buhok ni Sanjay.

"At dahil diyan. Libre ko kayo!"

"Saan naman?" tanong ni Andy kay Sanjay.

"Sa Noodles Hanna!"

"Sige-sige! Hindi nakakasawa roon!" Ani Marialyn.

"Okay, game! Kailan ba?" salita ko.

"Next day na lang!" sabi ni Sanjay.

Maya-maya pa ay dumating na 'yung sumunod na Prof namin.

"So, ayon guys. 'Yung semester party nyo ay malapit na! Three weeks later at kailangan makapaghanda na kayo ng susuotin niyo and also our project is by group into eight! That's all and goodbye class!"

Dapat daw, after two weeks ay mapasa na namin ang report namin dahil exam na sa next three weeks at sa sabado, ayon 'yung semester party!

"Okay lang 'yung project natin. Madali lang naman 'yun, saka sa kanya lang tayo may ganoon, ano ba kayo!" Sabi pa ni Sanjay. Ngayon nga'y naglalakad kami papalabas ng gate.

"Oo nga... Pero dapat maghanda tayo sa semester party!" si Andy.

"May susuotin na 'ko roon! Saka casual lang naman 'di ba at hindi naman 'yon 'yung parang promenade?" tanong ni Marialyn.

"Yah!" sagot ni Andy.

"Partner kami ni Eliza. 'Di ba, Eliza?"

"Oo," sabi ko na lang habang natatawa nang mahina.

Ngayon ay nagpaalam na sina Andy at Marialyn kasi roon kasi sila sa shortcut dumadaan kaya hindi na kami nakakapagsabay. Buti na lang ay kasama ko si Sanjay na ihahatid na rin ako.

"Ashtrella... Libre ah!"

"Oo naman!"

Usap pa nung dalawang babae na nadaanan namin dito. Hindi ko na lang iyon pinansin.

"Uy, nga pala. Ano'ng susuotin mo sa semester party?"

"Ako? Hmmm... Pang-sexy ata?" biro ko sabay natawa.

"Hoy, ano ba 'yan! Huwag!"

"Huh, bakit? Party naman 'yun eh!" biro ko pa.

Gusto ko siyang biruin. Akala niya yata 'yung pang-sexy na kita ang katawan ko. Slow!

"Pwede naman. Pero... Dapat takpan mo ng scarf or kaya blazer na pambabae!"

Natawa ako. "Ano ako papasok na sa trabaho?"

"Ano ba kasing klaseng pang-sexy yan?"

"Turtleneck and black leggings na black! Baka kasi 'yung iniisip mo ay pang-sexy na kita katawan!" Umirap ako.

"Oo na, okay na at panatag na 'ko!"

Panatag? "Ano'ng ibig mong sabihin?" Lalo ako nagtaka. Hay nako, Sanjay!

"W-Wala! Sige na! Uwi na tayo, inaantok na ko eh!" Napapayuko pa niyang sabi sa akin.

Hindi ko na lang pinansin 'yon hanggang sa nandito na kami sa kanto ng road namin.

"Sige na Sanjay... Dito na lang, salamat!" aniko.

"Hindi ka na ba papahatid sa bahay niyo?" seryoso niya pang tanong.

"Hindi na okay na 'to. Inaantok ka na, 'di ba? Sige ingat ka!"

Napahinga siya nang malalim. "Okay, ingat! Bye!"

"Bye!"

Ngayon ay naghiwalay na kami ng daan ni Sanjay. Nang makauwi ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto.

Kinagabihan ay iniisip ko pa rin 'yung report namin kanina. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko 'yun! Nakakapanghawa pala ang katalinuhan kapag dumikit ka sa taong matalino, 'no?

Kinwento ko rin kila Mama at tuwang-tuwa sila! Nag-improve na raw ako!

Pagkalingon ko ay nakita ko 'yung bigay sa akin ni Sanjay na keychain na isang babae na nakatayo lamang at nakadisplay sa may patungan ng lamp ko.

Kinuha ko iyon at ngumiti ako rito sa keychain tapos inalala 'yung pagbigay sa akin ni Sanjay noon. Grabe, bakit ko naalala 'yung pagngiti niya nung inabot niya sa akin 'to?

Umiling na lang ako at naisipan kong ilagay ito sa zipper ng bag ko para naman gumanda ang araw ni Sanjay. Napapansin ko kasi na para siyang badtrip na ewan! Nakakainis lang, pero inaamin kong ang cute niya roon ah!

Kinaumagahan ay mag-isa akong pumasok sa school at pagkapasok ko sa classroom ay nakita ko agad sina Marialyn at Andy na nag-uusap at magkatabi.

"Oh, Eliza! Nasaan si Sanjay?" pambungad na tanong ni Marialyn sa akin pagpasok na pagpasok ko.

"Nasa bahay pa yata nila! Akala ko narito na?"

"Awts, L.Q. yata sila, babe!" ani Andy kay Marialyn.

"Kaya nga eh," pagsegunda pa ni Marialyn.

"Tumigil nga kayo riyan!!"

"L.Q. nga talaga!" asar ni Andy at nagtawanan sila ni Marialyn.

"Guys!" Tawag naman ni Sanjay at nakapagbigay pansin 'yon sa mga kaklase namin.

"Oh, bakit ngayon ka lang? At L.Q. pa talaga kayo ni Eliza, ah!" tanong sa kanya ni Andy at nakangisi namang tumingin sa kanya si Sanjay.

"Nako, kayo talaga! Wala, hindi ko na rin pinuntahan si Eliza kasi—"

"Aysus, ano?" tanong ni Marialyn.

"Nalate ako medyo ng gising. Nagmadali nga ako eh! Saka... Hindi ko na pinuntahan si Eliza dahil late na 'ko at alam ko na pumasok na siya!"

"Hay nako, Sanjay! Pinaghintay mo ang best friend ko! Tignan mo, ayan nagtatampo!" sabi pa ni Marialyn at tumingin naman sa akin si Sanjay.

"Kararating mo lang?" takang tanong ni Sanjay.

"Oo."

"Sorry, hindi kita napuntahan."

"Okay lang!"

Naalala ko bigla 'yung message ni Sanjay sa akin kagabi.

Sanjay:

Bukas pupuntahan kita ahhh! antayin mokoooo ahh at wag ka aalis

Me:

Okey sige sige

Tapos ayon kinaumagahan, hinintay ko siya, pero nung 6:20AM na ay umalis na ako dahil ang tagal niyang dumating. 6:40 ang klase namin at male-late na 'ko. Pero okay lang naman na nangyari 'yon, hindi naman ako nagagalit kay Sanjay. Nag-aalala nga 'ko eh kasi baka hindi siya makapasok.

"Sorry talaga ah," pag-sorry pa ni Sanjay.

"Good morning, class."

Recess at nag-aya na sa akin si Sanjay. Sabi niya ay ililibre niya ako pero sabi ko ay dito na lang ako at tinatamad din ako!

"Bakit naman? Sosorry na nga ako, Eliza eh, pinag-antay pa kita. 'Di kasi nag-alarm 'yung cellphone ko at saka Eliza... Promise, sa susunod sabihin ko sayo kapag wala pa ako sa time na 6:00AM, alis ka na."

"Ayos nga lang! Valid naman reason mo eh! Ganoon din ako minsan saka 'di ako galit, ano!"

"Hindi ba talaga?"

"Hindi nga!"

"Weh?"

"Luh! Oo nga."

"Oh, sige, sabay tayo mag-recess?"

"Sige na nga, hays! Baka sabihin mo, galit ako!"

Natawa pa siya bago kami lumabas sa room at pumuntang canteen. Pagkarating namin dito sa canteen ay nakita ko agad sina Rome at Alexa na nakapila sa may last. Mahaba rin ang pila.

"Tara na, pila na tayo?" sabi pa ni Sanjay kasi tumigil ako.

"Uy, Sanjay! Eliza! Pipila rin ba kayo?" biglang tawag ni Rome sa amin kaya ako ay napalunok na naman.

"Ah oo, p're. Napatigil lang 'to si Eliza kasi—" sabi ni Sanjay at tumingin na naman sa akin saka ngumiti, ginamit nya 'yung kilay niya pangyaya sa akin.

"Ah, babe... Huwag na lang pala 'yung biscuit! Chichirya na lang tayo para maiba." Rinig ko pang sabi ni Alexa nang pagkalapit ko rito para pumila.

"Okay, sige, babe," sagot ni Rome kay Alexa.

"Good!"

"Ah ikaw... Ano ba'ng gusto mo, Eliza?" bigla namang tanong sa akin ni Sanjay.

"Ah, kahit ano na lang."

"Okay full snack na lang tayo parehas?"

Bahagya naman nanlaki ang mata ko. "Sure ka?!"

"Oo naman!"

75 pesos ang full snack. Nandoon na ang iilang chichirya at biscuit saka mayroong juice pa at tubig na nasa plastic bottle.

Pagkabili nina Rome at Alexa ay sabay na silang nagpaalam sa amin at umalis. Ngayon ay hinihintay na lang namin 'yong binibili namin.

"Okay ka na ba?" tanong bigla ni Sanjay.

"Huh? Palagi naman akong okay ah!"

"Kay Rome, I mean."

"Oo naman!"

"Tara, tambay tayo sa likod ng building natin. Upo tayo sa may puno tapos kwentuhan."

Napangiti naman ako. "Sige lang, arat! Salamat sa libre!"

"Salamat din at okay ka na kasi may pag-asa na ang ibang lalaki diyan sa 'yo."

Natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw talaga Sanjay!"

Pagkarating namin sa likod ng building namin ay naupo kami rito sa lapag ng puno at sumandal saka kumakain ng chichirya pareho.

"Uhm, Eliza."

"Bakit?"

"Kung may lalaking mangliligaw sa 'yo, papayag ka?"

"Huh? Bakit mo naman natanong?" At napangisi naman siya sa tanong ko.

"Wala naman. Natanong ko lang, at saka Eliza... Kung may taong magmamahal sa 'yo muli? Handa mo bang buksan ang puso mo para sa kanya?"

Napangiti ako sa tanong niya at tumingala sa taas, tinitigan ko ang nagliliparang dahon.

"Depende... Saka sino naman mangliligaw sa akin, huh? May nagsabi ba sa 'yo? May nagpapatulong ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ko at natawa naman siya.

"Hindi ah! Saka ano ka ba, Eliza. Natanong ko lang naman at saka ikinagagalak kong depende ang sagot mo dahil it means may pag-asa." Tatango-tango pa niyang sabi.

"Sa totoo lang kasi natatakot ako," sagot ko na sa tanong niya habang tinitignan pa rin ang nagliliparang dahon.

"Bakit ka naman natatakot?"

"Natatakot akong baka saktan ako o makasakit ako nung sunod na mamahalin ko at mamahalin ako. Saka ayoko pa muna, siguro ayon 'yung sinasabing hindi mo pa time dahil bata ka pa. Third year highschool pa lang kami ni Rome kaya hindi pa 'ko masyadong mature at masakit 'yung nangyari na 'yon, pero ngayon is unti-unti ko naman nang natatanggap."

Bumaling ako sa kanya at nakatingala lang din pala siya sa taas.

"Eh paano kapag may pinangako siya sa 'yo... Halimbawa, hindi ka niya iiwan?" At ayon tumingin siya sa akin at napalunok naman ako nung tignan ko siya sa mata.

"Uh..." Tumingin ako sa baba at tumingin na naman sa kanya. "Takot din ako sa pangako dahil hindi naman lahat ng pangako ay kayang panindigan at tuparin eh."

"Eh paano kung tunay na pagmamahal pala ipapakita sa iyo no'n?"

"Ah, edi syempre okay. Mahal niya rin ako eh. Saka teka nga bakit mo naman natanong ang mga 'yan? Kanina mangliligaw lang tapos ngayon, mahal na?" At natawa naman siya roon sa tanong ko.

"Wala, natanong ko lang at napagtanto ko na pwede ka palang ligawan."

"Nino naman?"

"Ng swerteng lalaking mapapasaiyo," aniya tapos ngumiti siya.

Nagtaka naman ako sa kanya at naguguluhan. Feeling ko may nagpapatulong dito eh! Lumalakas 'yung tibok ng puso ko ah! Pero ang assuming ko naman kasi baka walang gustong manligaw sa akin. Siguro concern lang sa 'yo 'yang best friend mo Eliza kasi nga 'di ba kapag nakikita mo si Rome, parang tameme ka pa rin na ewan? Tama, ayon lang 'yon!

Nawala ang iniisip ko nang tumunog bigla ang cellphone ko.

"Time na, tara na alis na tayo!" sabi ko kay Sanjay saka ko siya hinawakan sa kanyang braso.

"Nag-alarm ka pa ah!"

"Syempre prepare 'to eh!"

Ngayon, nandito na kami sa classroom saka nakinig na lang sa discuss ng professor namin. Nang nag-time na siya ay pumasok na 'yong adviser namin na lalaki.

Nagbatian kaming lahat at ngumiti na lang siya tapos nagsalita.

"Ms. Eliza Dela Cruz." Nagsitinginan ang mga kaklase ko sa akin nang tawagin ang pangalan ko.

"Yes po, sir?"

"And Mr. Sanjay Ferrer." Nagtaka naman ako dahil pati si Sanjay ay tinawag! "Out," dagdag ni Sir.

Ikinagulat ko nga ang sinabi ni Sir maging nga nung mga kaklase ko pa!

"Sir, why?" biglang tanong ni Sanjay.

Ngumiti si Sir sa amin at tumingin na lang sa papel niya.

Lumabas na kami ni Sanjay at nagulat kami kasi nagsilabasan din ang ibang kaklase namin na puro babae at lalaki sunod-sunod. At ang last na tinawag ay sila Marialyn at Andy.

"We will cook in the cooking lab. Let's go! Doon ko sasabihin ang topic," ani Sir tapos nanguna na siya sa paglalakad.

Nagkatinginan pa kami ni Sanjay at tumawa sa isa't-isa.

"Akala ko naman kung ano," sabi ko.

"Oo nga eh. Kinabahan ako." Natawa si Sanjay.

"Uy, ano ka ba tara na nanguna na 'yung mga kaklase natin. Sumunod na tayo!" sabi ko at tumakbo na ako paakyat ng hagdan dahil nandoon sa second floor 'yung lab.

Pagkaakyat ko ay may space dito at ngayo'y pagkaikot ko dahil aakyat ulit ako ay bigla na lamang akong may natapakan na pagkain na nasa hagdan. Dahil nga roon ay...

Napadilat na lang ako at pagkadilat ko ay nakahiga na pala ako sa chest ni Sanjay at labis kong kinagulat iyon dahil magkapatong kami! Plus ang sakit pa ng baywang ko dahil nalaglag ako sa hagdan.

Nakatingin kami sa mata ng isa't isa at medyo magkalapit na ang labi namin.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti pagkatapos ay naamoy ko ang bango ng hininga niya.

This is can't be happening! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tatayo pa ba ako o ano? Ang bilis ng pangyayari!

-END OF CHAPTER 2-

THANK YOU SO MUCH FOR READING!

Like it ? Add to library!

Jaypee21qtcreators' thoughts