webnovel

NOATHAST ACADEMY (SCHOOL OF DEATH)

(TagLish) An evil monster needs a heart that truly loves him in order to make him fully human again, but how is this mystery connected to the most prestigious school in town?

envieve · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
13 Chs

Chapter 5: Kiss

Chapter 5

ONE WEEK had passed, yung inaakala kong mayroon akong naging kaibigan, hindi pala. He was just bipolar, and nasa good mood siya nung time na yun.

Right after that, we're back with the usual. Hindi kami muli pang nag-usap. He didn't even dare to look at me as if I didn't exist and as if he didn't let me in his house. He even let me used his luxury bathroom.

Pero parang wala lang.

Maybe it's really not a big deal after all. Oh well, my world doesn't revolve around them. Nagsimula na rin akong maging busy dahil nag-start na akong magkaroon ng part time sa La Arme, coffee shop na pag-aari ng kababata ni Papa. 4 hours a day lang ako magwowork pero ang sweldo ko ay minimum. It's quite better than my previous part time jobs. I thought it was because I'm a daughter of his friend kaya ganun ang offer ng boss ko. Ayun pala, ang elegant ng coffee shop. Malayo sa na-imagine ko.

Mabalik sa school, panay parinig pa din ung tatlong chekwa pero hindi na nila ako ginagawang bungguin or kung ano pa. Subukan lang nila, mailalabas ko sakanila yung martial arts na inaral ko simula nung elementary ako.

Acads - library - forest – apartment – plaza – coffee shop ang usual na pinupuntahan ko. Paulit ulit lang din ang routine ko every after class. After part time job, tatambay ako para mag-drawing or kumain mag-isa.

One month had passed, wala pa din akong friend. It's not that I'm looking for one. Gusto ko lang sabihin na walang nagbago.

Nasa bench ako ngayon nakaupo sa field habang nagbabasa ng manga. Dito ko napiling tumambay kasi ang hangin dito sa ganitong oras at wala masyadong tao.

"You're gorgeous but a man-hater."

Napaangat ako ng tingin.

"Me? A man-hater?"

"Aren't you?"

Bigla akong napaisip. I haven't had any boyfriend and never got interested to have one so maybe I really am.

Tinitigan ko yung lalakeng kumausap sa'kin.

He's the same guy who approached me on my first day, sa cafeteria.

"Do you know that this school is hiding mysteries?" seryosong tanong niya.

Napakurap ako.

"What do you mean?" All I know is that this school is very famous.

"There are females missing. The school is covering these events for the sake of its reputation."

"So bakit mo sinasabi ito sa'kin?"

Naguguluhan ako. All of a sudden may lalapit sa'kin para sabihin lang 'yon.

"You're always isolating yourself. It'll be good to have a friend who will protect you just in case."

Napangiwi ako. I can sense sinasabi niya lang iyon para sumama ako sakanya. But there's a sincerity in his eyes.

"Okay." Yun nalang ang nasabi ko.

"Pwede magpa-picture, Malcolm?" Nahihiyang sabi ng babaeng nakasalamin. May kasama siyang isang babae na chubby. They are both looking at Malcolm adoringly.

No doubt, they had a crush on this soccer player next to me. Well, he is handsome afterall. Ang galling pang maglaro, napanood ko siya kanina saglit.

I excused myself then leave. Ngunit tumatak sa akin ang mga sinabi niya.

There are hidden mysteries in this school...

♡ ♡ ♡

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pinag-aawayan namin ng kaklase kong lalake. Hindi ko din alam ang pangalan niya. Basta alam ko lang ay nasa corridor kami ngayon at nagsasagutan.

Tila napikon ang lalakeng kasagutan ko. Umamba siyang sasapakin ako kaya napikit ako. Ngunit mabilis akong nakarinig ng ingay. Nang muli kong idilat ang mga mata ko, nakita ko si Hades. Gamit ang isang kamay, pinipilipit niya yung braso ng kaaway ko habang seryosong nakatingin sa'kin.

"B-bakit ka nandito?" ang bigla nalang lumabas sa bibig ko. Nilakasan niya ang pagkakapililipit sa braso ng kaaway ko bago niya ito binitawan. Hindi pa doon natatapos, sinipa niya ito dahilan para ito ay bumagsak sa sahig. The guy groaned louder in pain.

Lumakas ang tibok ng puso ko nung hinawakan niya ako sa siko ng mahigpit at kinaladkad papunta sa kung saan hanggang sa nakarating kami sa dulo.

Sinandal niya ako sa pader. Medyo may kalakasan ang pwersa kaya napaaray ako nang tumama ang likod ko sa pader. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako sa kung paano niya ako tingnan ng masama as if siya pa ang mas galit na muntik na akong sapakin ng kaaway ko kanina.

And in just a snap, I felt his lips crash against mine.